You are on page 1of 4

B-E-S. BES.

BESfriend mo raw ako?


Ikaw daw ang pinili ko?
Ay oo!
Dahil ang oras ko ay laging na sa iyo
Minamahal ko lahat ng ipinakikita mo
Sinusunod ko lahat ng uso para sayo
Dahil oo! Tinuturing nga pala kitang besfriend ko.
Sinabi mo sa akin na sa piling mo, walang kasing saya
Dahil buhay ko naman ito at hindi ng iba
Sinabi mo akin na, okay lang
Okay lang na gawin ito, na gawin yan
At magpakasasa sa pamantayan ng mundo
Pinaniwala mo akong kaibigan kita ngunit sinira mo ko at hinayaan kita

Ngayon kinatagpo ako ng isang tunay na kaibigan


Kaibigan na hindi nang iiwan
Kaibigan na laging anjan
Kahit ang naririnig Niya na lang mula sa akin ay katahimikan

At doon ipinakilala Niya kung ano talaga ang nilalaman at ibig sabihin ng tatlong letra na
tinatawag mo sa akin
B E S. BES.
B- bubuuin kita hindi dahil alam kong sira ka, kundi dahil mahal kita
E- Espesyal ka, hindi dahil sa kung anong meron ka na sinasabi ng mundo, kundi dahil nilikha
kita at importante ka
S- Sasamahan kita, hindi dahil alam kong pakiramdam mo nag iisa ka kundi dahil Anak kita
At kahit na ano pang gawin mo o nagawa mo ay patatawarin at tatanggapin parin kita

Ngunit sa kabilang banda


ang pagiging kaibigan Mo pala ay hindi laging masaya
Kinakaayawan ng mundo ang mga gusto Mo

Ang pag gawa ng mabuti ay tila bago sa kanila


Pipigilan ng mundo kung ano mang daan ang tinatakhak ko
OO, marami mang pwedeng umayaw, kumontra, maraming pang subok at marami mang
kailangang bitawan na
Ngunit mananatili ako dito

Dahil dito, dito ko naman naramdaman ang tunay na kalayaan, pagmamahal, kabutihan,
pagpapatawad, pagtanggap at kasiyahan
Hindi nga relihiyon ang makakapagligtas sa atin,
Kundi ang relasyon
Relasyon sa Ama
Hindi nga patungkol sa batas o utos ang pagiging Kristyano
Kundi patungkol ito sa kung papaanong ang pagmamahal at grasya Niya ay binago tayo

Oo, hindi madali at may mga pagkakataon talaga na ang hirap hirap na
Ngunit kung maghihirap ako ng kasama Siya ay walang kasing saya
Sapagkat alam kong laging anjan Ka
Hindi Ka tulad ng mga pangako ng mundo na sa una lang masaya
Hindi Ka tulad ng mundo na aalipinin ako
Sa kasalanan, sa kasamaan, sa kasinungalingan at kabaluktutan
Hindi Ka tulad ng mundo na hindi ka in kapag hindi ka sumunod sa uso
Hindi Ka tulad ng mundo na pipilitin kang mas maging angat sa iba
Hindi Ka tulad ng mundo na sasabihin sayong ikaw lang makakabuo sa sarili mo

Oo nabubuhay ako ng wala ka noon


At ito yung pagkakamaling tinutuwid ko ngayon
Nabubuhay ako sa kadiliman
Kasama ang dati kong BES
Ngunit nang dumating ka
Hindi mo ako sinilaw sa sobrang kalinawagan
Kundi binigyan mo ako ng ilaw tungo sa tamang daan
Tinuring kitang laging pangalawa, minsan pang huli pa

Pero tinuring mo ko na parang isang prinsesa

Ikaw nga ang BES friend ko


Hindi dahil kinaayawan ako ng mundo
Kundi dahil ayoko na sa mundo
Ayoko nang muling makulong sa kasinungalingan pinagsasabi nito
Pagod na pagod na ako na maging alipin sa mga paraang nakagawian nito

At ngayon nagpapakilala ka
Pinakilala mo sa akin kung sino ka
Kung paanong namatay ka para sa akin, para sa amin
Bes friend ka ngang maituturing
Kung paanong bibuo ng pagmamahal mo ang Bibliya
Kung paanong ginagabayan ako nito sa bawat ikikilos at gagawin ko
Doon ko nalaman na ginawa akong bulag ng mundo
Doon ko nalaman na marami din palang kagaya ko
Maraming beses na tinalikuran at isinantabi ka
Pero pinili mo paring mamatay at mabuhay para sa kaligtasan ko, kaligtasan mo, kaligtasan
nating lahat
Oo may puso akong sirang sira at sinusubukang buuin, ngunit nagkukulang parin
At ang tanging sinasabi mo lang sa akin ay, Hindi Ko na yan aayusin...
Dahil kaya naman kitang bigyan ng bago
Bagong pusong handing magmahal ng totoo sa Akin at sa tao,
Puso na may tibok ng katulad ng tibok ng puso ko
Marami din palang kagaya ko
Na hindi perpekto at nabuhay sa paraang hindi mo gusto

Ngunit doon sa liham na isinulat mo,


Doon mo rin pinakita kung gaano mo kami kamahal,
Kung paano kang pinahirapan
Kung paano kang dinuraan, tinadyakan at pinagtawanan
Kung paano mo pinasan lahat ng kasalanan

Kung paanong tinalukran ka ng Ama


At pinili mo paring sabihin sa Kanya na,
Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
Hindi ko maintindihan
Kung paanong ang isang tulad ko, na makasalanan ay nilinis mo
Pero simple lang pala ang sagot sa mga katanungang tumatakbo sa isip ko,
Ito ay dahil mahal mo ako. Mahal mo kami
at walang kahit na anong makakapagpabago doon.
B-E-S. BES. Ikaw nga ang BESfriend ko.
Ikaw, sinong BESfrriend mo?

You might also like