LORD CHESTERFIELDThe man who read is the man who lead
BERNALES-Mahalaga ang ginagampanan papel ng
pagbasa sa paghahasa ng talino at kaisipan -Ang pagbasay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na nakahanay ng pakikinig,pagsasalita at pagsulat AUSTERO-Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nalimbag upang mabigkas nang pasalita. WILLIAM GRAY -Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan BADAYOS -Ang pagbasa ay isang Psycholinguistic guessing game (Goodman) -Ang pagbasa ay isang proseso ng pangunawa -Ang epektib na mambabasa ay isang interaktib na mambabasa -Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa kayariang balangkas ng tekstong binasa -Sa mga bulag,pandama ang pumapalit,sa mata sa pagbasa TALINO ANG NATATANGING PUHUNAN NG ISANG TAO SA KANYANG PAKIKIPAGSAPALARAN SA BUHAY ANG PAGBASA AY NAGIGING GANAP ANG PAGKATAO NG ISANG NILALANG
DALAWANG URI NG TEKNIK SA PAGBASA
1.ISKIMING O PINARAANANG PAGBASA -Ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.Ginagamit ito sa pagpili ng aklat bago ito basahin nang tuluyan sa paghahanap ng tamang artikulo sa pagsasaliksik,pagkuha ng pangkalahatang impresyon sa nilalaman atbp. 2.ISKANING -ay isang paghahanap ng tiyak na impormasyon sa isang pahina.Hindi na hinahangad dito na makuha ang kaisipan ng susulat.Ang mahalagay ang Makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan
PROSESO AT KATANGIAN NG PAGBABASA
(WILLIAM GRAY) 1.PERSEPSYON -Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nabasa 2.KOMPREHENSYON -Pagproseso ito ng impormasyon o kaisipan ipinapahayag ng simbolong nalimbag na binasa. Ang pagpoprosesong ito ay nagaganap sa isipan 3.REAKSYON -Sa hakbang na ito,hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa. 4.ASIMILASYON -Sa hakbang naming ito, isinasama at inuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBABASA 1.TEORYANG BOTTOM UP -Ito ay isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa. Bunga ito ng impluwensiya ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang bg komprehensyon sa pagbasa 2.TEORYANG TOP DOWN -Ang pananaw na ito ay impluwensiya ng sikolohiya.Tinatawag din itong teoryang insideout o conceptually driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto 3.TEORYANG INTERAKTIBO -Ayon sa teoryang ito,ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-uunawa nito ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at may sariling konsepto o kaisipan 4.TEORYANG ISKIMA -Bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto,siya ay may taglay sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.