You are on page 1of 3

Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela

Poblacion II, Malinta, Valenzuela City

Using of English Literature for the Teaching of English


nina: Lilly Fernandez at Nora Hadi Q. Alsaeed
(mula sa International Journal of English Language and Literature Studies,
2014 3(2): 126-133)

Layunin:
The general purpose of this paper is to discuss the problems related with the novel
tendency of teaching English for Asian educational system.
Ayon kay Crystal (1997), English is the global language kung saan ito ang
pangkalahatang lenggwahe na sinasalita at nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan,
pakikipagkalakan at sa pagkuha ng trabaho. Ayon kay Fishman, sa kasalukuyang
panahon ay pinamamahalaan ng massive trade, teknolohiya at banking system kung
saan ang wikang Ingles ang ginagamit upang makipag-ugnayan at makasabay sa
mundo. Matapos ang pahayag ni Fishman, na-obserbahan na malaki ang kahalagahan
ng paggamit ng Wikang Ingles sa pakikipag-ugnayan ngunit sa kasamaang palad hindi
ito maipakita sa sistemang pang-edukasyon sa mga bansa sa Asya.
Ayon sa aking nabasa, maraming mamamayan sa bawat bansa sa Asya na ang
pag tingin nila sa edukasyon ay naka-base lang sa eksaminasyon. Samakatuwid ang
pangkalahatang isyu sa sistema ng edukasyon sa Asya na ang pagtingin nila sa
edukasyon ay sa paraan ng eksaminasyon sa halip na makakita ito bilang learning
approaches. Ang mga nasa nakatataas na antas ng pag-aaral ay inaasahang may
kaalaman sa tamang paggamit ng wikang Ingles. Katulad din sa ilang bahagi ng
mundo, itinuturo ang Panitikang Ingles sa Asya. Ang pinaka-karaniwan na nilalaman ng
Panitikan ay upang mapalawak ng wikang kamalayan ng mag-aaral at malinang ang
kakayahang ng bawat mag-aaral. Ang mga guro ay dapat maghanap ng bagong
istrehiya sa pagtuturo lalo na sa mga mag-aaral na matatalino at medaling matuto at
upang makasabay din ang iba na hindi gaanong nakakaintindi agad.

Metodo:
-Survey ( Master Level English language Teacher Trainees at Students)
Ayon kay Osburne (1987), sa kanilang surbey sa master's level
English language teacher trainees sa Chinese university, lumalabas na mas gusto nila
ang panitikan kaysa sa linguistic at methodology. 42 out of 58 students (84%) ay
nakapaloob na mas marami ang ayon sa gusto nila at interesado nila ang Panitikan.
Ang pag-aaral ay isinagawa ng fourth year perspective teachers of English Language na
isiniwalat na naniniwala sila na ang kurso sa literature ay mahalaga sa kurikulum sa
edukasyon.

Resulta:
Ayon kay Mingshui (2002) ay dapat gamitin ang multicultural literature upang
mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa ibat-ibang klase ng
panitikan sa bansa. Ayon din sa kanya, any dapat mainsayo ng maigi ang kakayahan ng
bawat mag-aaral pagdating sa paggamit ng wikang Ingles sa pag-aaral ng Panitikan.
Bagamat marami ang nakakainti ng Panitikan na nakasulat sa Ingles ay hindi nila ito
lubusang naiintindihan. Minumungkahi din na dapat ang isang guro ng EFL Classroom
(kung saan ang English ay hindi talaga nila lenggwahe) ay dapat may kakayahan na
maisa-isa niya ang genre ng Panitikan.
Ang Teorya ng Panitikan ay maaring palitan sa pamamagitan ng language basedmethod para sa pagtuturo ng panitikan. Sa karagdagan, malaki ang maitutulong ng
teknolohiya sa pagtuturo ng Panitikan (Arikan, 2008; Kartal and Arikan, 2010). Maaring
magpanood ang mga guro sa mga bata at maari ding magkaroon ng pagsasadula ang
bawat mag-aaral upang sa ganoong paraan ay lubusan nilang maunawaan ang
literaturang kanilang tinatalakay.
Paglalahat:
Ang Literatura ay mahalaga para sa English Program lalo na sa mga bansang
hindi prioridad ang wikang Ingles. Ang mga guro sa mga bansang ito ay may
kinakaharap na problema sa pagtuturo ng Panitikan sa Wikang Ingles. Ang una, ay ang
kakulangan sa materyales sa pagtuturo ng Panitikan. Hindi sapat na paghahanda para
sa panitikan sa pagtuturo sa TESL / TEFL programa ay ang pangalawang problema. Ang
ikatlong isyu ay ang papel na ginagampanan ng panitikan sa ESL / EFL ay hindi
tinutukoy ang tumpak na layunin nito. Maraming guro ang may kakulangan sa
kaalaman kung paano ituturo ang Panitikan. Ang guro ay gumaganap ng isang
mahalaga papel sa panitikan batay sa pagtuturo ng International Journal English. Kapag
pipili ng nilalaman ng literatura sa pagtuturo sa silid-aralan, maraming ang isaalangalang gaya ng kakayahan ng mag-aaral, interes, edad, kasarian at itbp upang
maiwasan ang pagkabagot ng mga mag-aaral.

Target na Gawain:
Ang aking palagay ang aking maaring gawin ay una, mag-susurvey ako sa mga
guro sa Filipino sa Sekondarya sa Valenzuela at aking aalamin kung anong genre ng
panitikan mas nahihirapan ang mga mag-aaral. Ang makakuha ng pinakamataas ay
aalamin ko kung paano nila isinasagawa ang pagtalakay doon. At gagawa ng isang pagaaral kung paano mas lilinangin ng mga bata ang panitikan na iyon kahit mula pa ito sa
ibang bansa. Maaring mangolekta din ng iba pang panitikan na may kaugnayan sa
nasabing panitikan.

Sanggunian:

http://www.aessweb.com/pdf-files/IJells-2014-3(2)-126-133.pdf

Ipinasa ni:
Landoy, Mary Joyce A.
BSED-Filipino 3-2

You might also like