You are on page 1of 5

Mga sagot sa Philippine History

Thesis#1: Si Teodoro Agoncillo ang isa sa mga tanyag o kilalang magaling na tao sa pag-aaral ng kasaysayan at
isang tao na sa totoo lang idolo nang aming minamahal na propesor na si Ginoong Castillo. Dahil para sa kanya.......
*Ang Kasaysayan dapat hindi lang tinuturo pati isinasapuso
*Ang Kasaysayan mas nadarama kung pakikinggan ang boses ng nakakarami at hindi lang ang pili.
*Ang Kasaysayan ay tinutulungan tayo para ating isipan mahasa ng hindi mapahiya
at higit sa lahat baguhin na natin ang tingin natin sa kasaysayan.
(Isa sa mga halimbawa nito noong panahon n gating kamusmusan sabi nila si Andres Bonifacio ay mahirap ngunit
kung tutuusin hindi naman talaga.)(nakikiusap ako itong nakalagay sa parentesis wag niyong gayahin isip kayo ng
iba pa.)
Thesis#2: Ang Kasaysayan may dalawang element ang Saysay at Salaysay ngunit ano nga ba ang Salaysay
ibig sabihin nito ay maikling kuwento at ang Saysay naman ay kuwenta, halaga o sentimental balyu hindi
mabubuhay ang isa kung wala ang isa parang sa lohika sila ay tinatawag na Correlative. Pero ako muna ay
huhugot mabubuhay naman ako nang wala siya sa buhay ko (Hayop!). kaya ito ay parang kutsarat tinidor.(Isa sa
mga halimbawa nito si Dr. Jose Rizal ay nagsulat ng dalawang nobela ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Nasaan ang Saysay.Ito ay para sa mga prayle. Nasaan naman ang Salaysay. Ang dapat na sabihin Si Dr. Jose
Rizal ay nagsulat ng dalawang nobela ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ito ay para sa mga prayle.)
(nakikiusap ako itong nakalagay sa parentesis wag niyong gayahin isip kayo ng iba pa.)
Thesis#3: Si Hegel naghayag ng tatlong element ng prosesong diyalekto ang Tesis, Antitesis, at Sintesis. Ano
nga ba ang diyalekto, ang diyalekto ito ay sining ng pagiimbestiga o diskas ng katotohanan ng opinyon. Ang Tesis
ito ay ang nagbibigay ng isang reaksyon, ang Antitesis naman ay ang kumokontra sa Tesis at ang Sintesis
naman ay ang tensyong nabubuo ng dalawa. Kung baga alitan ng alitan ngunit may patutunguhan parang sa
telenobela ang bida at kontrabida nag-aalitan ngunit may patutunguhan sa huli na may nagawa palang pagkakamali
ang bawat isa. Ngunit subukan mong manood ng isang palabas o pelikula na ang isang tauhan walang ginawa
kungdi maglakad lang.

Thesis#4: 15th sentyuri isa sa mga makasaysayan sa buong mundo dahil dito nakilala ang mga bansang......
*Portugal at Iberia(ngayon ay bansang Spain)
dahil ang mga bansang ito ay transisyunal sila ang mga bansang adbans ang mga gamit sa nabigasyon
Teresiyal(Land Navigation o paglalakbay sa lupa) at Nabal(Sea Navigation o paglalakbay sa mga katubigan)
ngunit.....
*Sa panahong din ito
nakilala si Marco Polo ang unang manglalakbay siya ang taong nakapaglakbay sa kontinentent asya siya ay natigil
sa bansang Tsina noong panahon ng Yuan Dynasty sa pamumuno ng Mongol emperor na si Kublai Khan dito
nalaman ni Marco Polo na sagana ang bansang Tsina sa Ginto, Seda, Porselana at Pulbura na kailangan din ng
bansang pinanggalingan ni Marco Polo kaya sa kanyang pagbabalik sa bansang pinanggalingan doon maraming
nakabasa sa kanyang paglalakbay.
Dahil sa ginto laganap ang kaguluhan sa bawat bansa sa Europe kaya kahit magnanakaw nananakawan kaya.....
*Ito ang naging hudyat na ang mga taga kanluraning bansa na maglakbay.
Ang Kartograpiya o paggawa ng mapa o map making sa wikang ingles ang map making ay nagawa pa noong
panahon pa sa bansang Gresya sa Atens ang paggawa ng barko noong panahon maraming pagsubok dahil noong
panahon maraming ulit nilang sinubukan kung paano ito palutangin kaya nang madiskubre ni Archimedes isang
griyegong pilosopo ang tinatawag na Density dito nadiskubre niya na ang mga bagay na lumulutang sa tubig ay
pili lamang. Kaya ngayon tayo naman ay dumako sa bansang Tsina nadiskubre nga sa Gresya ang pagpapalutang
ngunit sa Tsina naman nadiskubre ang paggamit ng Kompas isang gamit pangnabigasyon na sa paniniwala ng
lahat ng shipping industry na hindi ka maliligaw o mawawala sa dagat pag may kompas kang dala na hanggang sa
ngayon gamit pa rin.
Thesis#5: Reconquista ang labanang Moors at Kristiyano na tumagal ng mahigit 800 na taon dito....
*Binawi ng mga Kristiyano ang kanilang lupain mula sa mga Moors dahil noong panahon nakuha ng mga Moors ang
halos lahat ng lupain sa Iberia kaya sila ay nagsagawa ng Krusada nang mabawi ng mga kristiyano ang mga lupain
nila marami silang sinulat, inilimbag sa kanilang mga aklat at sinasabi na kanilang ikinintal sa isip ng bawat isa na
ang mga Moors ay masasama, mga anak ng demonyo at iba pa(Pasensiya po sa mga Muslim).
Kaya hanggang ngayon may mangilan-ngilan sa ating mga kababayan marumi pa rin ang pag-iisip sa mga Muslim
na sa totoo lang hindi talaga ngunit nung dumating si Fernando Magallanes sa bansa bigo siyang masakop ang
Mindanao dahil andoon ang mga muslim dahil sa simulat sa simula may fighting styles na talaga sila ngunit kaya

lang may nasakop sa Mindanao dahil hindi nakapaghanda ang iba.


na to kadikit ang kuwento ng Thesis#4)

(Itong Thesis

Theses#6: Sa mga lumalabas na kuwento-kuwento Sa Borneo, isang pulo sa Indonesia dahil sa kasakiman,
karahasan, at malawakang kaguluhan na hindi na matiis ng iilang tao kaya dito umalis sa Borneo ang tinatawag na
The 10 Bornean Datu sakay ng......
*Balangay(Sasakyang pandagat ng
ating mga ninuno)sila ang totoong nakadiskubre ng bansang pilipinas
at hindi si Magellan na sinulat ni Antonio Pegafetta sa kanyang dyornal kaya ang dapat baguhin ang mga textbooks
ng pilipinas kasi ang dapat ilagay kay Magellan......
Magellan not discover the Philippines he only rediscovery the Philippines.
Kaya ang ating mga ninuno nakatira malapit sa mga katubigan dahil sa tubig ang kanilang buhay na sa totoo naman
kahit tanungin mo ang siyensiya tubig ay ating kailangan dahil tubig ang bumubuhay sa ating katawan ngunit.......
*Isang tanong ang aking hindi masagot-sagot Anung pipiliin mo Tubig o Hangin? (Mamili ka now na.)
Theses#7: Encomiendat Encomendero ano nga ba? Ang....... *Ang Encomienda ay isang sistema kung saan
boluntaryo kang tutulong sa mga mananakop para maghanap pa ng iba pang pagkukunang yaman o resources sa
wikang ingles dahil ang mga mananakop hindi pa alam ang mga lugar na puwede pang pagkunan ng mga yaman
kaya dito papasok ang mga tinatawag na Encomendero, sila ang mga tao na binigyan ng mga lupa ng mga
mananakop at sila ay binigyan ng karapatang pamunuan pero sa kuwento ng ating mga kanunununuan kung ang
inyong mga.........
*Lolot lola kung may lupa noong panahon ng mga mananakop na kanluranin sila daw ay
mga duwag at sunud-sunurang aso.
Kaya ang sistemang Encomienda ang mga
Encomendero dahil bukod sa puwede silang mang-angkin/magmay-ari ng lupa wala na rin silang pinagkaiba sa mga
mananakop dahil ang ilan sa mga Encomendero.........
*Pinagbabayad ng buwis ang mga manggagawa kahit bata walang ligtas
*Nananakit
*Pumapatay
*Nanggagahasa
Sa pangkahalatan nagpapakasarap sila/nabubuhay sila sa paghihirap ng iba.

Thesis#8:Nang andito na ang mga mananakop na Kastila sila ay nabuhay na dito, nanirahan na dito dahil ang
pilipinas na ating bansa sagana sa
ginto na kanilang kailangan ngunit ang mga bansang......
*Britanya
*Holland(Netherland)
*Gaul(France)
tinangka nilang agawin dito halos hindi makayanan ng mga kastila na labanan ang mga nagtatangkang mga
bansang nais agawin ang pilipinas kaya ditto ang panahon kung saan nagsanay sila ng mga katutubo para tumulong
lumaban para sa kanila kaya hindi pa rin nila iniwan dahil ang mga prayle tinanggihan ang ganitong plano dahil para
sa kanila ang bansang Cathay(China) at Nippon(Japan) ay mga bansang sagana sa ginto na kanilang kailangan
ngunit sa kasaysayan tanging bansang Tsina lang ang kanilang nasakop at nakristiyanays at hindi ang bansang
Hapon dahil ang bansang hapon ay mahigpit kaya sa kasaysayan ng bansang hapon ang mga kristiyano ay kanilang
pinapatay ito ay nangyari noong panahon ng pamumuno ni Tokugawa Ieyasu kaya ang mga kastila hirap
makristiyanays ang bansang Hapon. Ngunit isang tanong..........
Kung
pampalasa nga ang hanap ng mga kastila sa ating bansa nagtagumpay nga ba sila o nahanap ba nila ang pakay nila
dito?
Thesis#9: Noong panahon ng mga kastila ang simbahan at gobyerno ay magkadikit gobyerno na pamumunuan ng
gobernador-heneral (Gobernador-Heneral ang namumuno sa atin dahil an gating bansa noon ay kolonya ng kolonya
ng bansang Espanya ang bansang Mehiko) at Prayle naman sa simbahan ngunit maraming nagsasabi dahil ang
gobyerno daw noon ay bulag sa nangyayari sa paligid-ligid kaya dito umintrada ang mga prayle na kung tutuusin
karamihan sa mga napaparusahan noong panahon ay mga mabababang uri ng tao na karaniwan simbahan ang
kumikilos kaya noong panahon ang mga prayle dati sila ang nagpapataw ng mga parusa sa sinomang lalabag sa
batas kaya kung ikaw ay nagbabasa ng......
*Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal alam kong kilala natin si Padre Damaso doon sa nobela ni Dr. Jose Rizal ang
Gawain ng mga pari noong panahon.

Thesis#10:Dahil sa kasakiman ng mga prayle ang mga lupa inagaw nila ng pilit sa mga katutubo, at noong
panahong iyon ang mga tao nakatira sa malalayong lugar kaya bukod sa inaagaw nila ang mga lupa ng mga
katutubo pinilit nila ang mga katutubo na patirahin sa iisang lugar kaya doon din ang panahon na ang ating bansa
nagkaroon ng city plan. Munisipyo sa tabi nun simbahan at sa tabi din nun andoon ang plaza at sa tabi din nun
andoon ang pamilihang bayan ngunit ibang katutubo tanggap ang mga mananakop.

You might also like