Professional Documents
Culture Documents
Alken
Alken
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo
Bisig ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.
Kay-pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak.
Sa umagang pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
Halina, halina, mga kaliyag,
Tayo'y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas
(Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.)
Bahay Kubo
Bahay kubo, kahit munti,
ang halaman duon ay sari-sari.
Singkamas at talong,
Sigarilyas at mani.
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo't kalabasa.
At saka meron pa,
Labanos, mustasa.
Sibuyas, kamatis,
Bawang at luya.
Sa paligid-ligid ay puno ng linga.
Sitsiritsit Alibangbang
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan,
Kung gumiriy parang tandang.
Santo Nio sa Pandakan
" Puto seko sa tindahan.
Kung ayaw mong magpautang,
Uubusin ka ng langgam.
Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila,
Ipagpalit ng manika.
Ale, ale namamayong " Pasukubin
yaring sanggol.
Pagdating sa Malabon, Ipagpalit ng
bagoong.
Sitsiritsit, alibangbang, Salaginto at
salagubang.
Ang babae sa lansangan,' Kung
gumiriy parang tandang.
Edukasyon sa pagpakatao
Christina cruz