You are on page 1of 3

ISANG ALAMAT: ISANG LIBONG PAPEL NA BAKAW (CRANES)

(Ang inspirasyon para sa alamat na ito ay hinugot sa totoong istorya


ni Sadako Sasaki at ang 1000 Papel na Bakaw ng Japan)
Noon, mayroon isang grupo ng mga bata na nakakulong sa isang tore. Ang tore ay may iisang lebel
lamang, mataas, malayo sa lupa, at binabantayan ng isang mabangis na dragon. Ang dragon ay mapangangkin, kung kayat ang mga bata ay walang paraang
makatakas. Ang tore ay may iisang bintana lamang, at
walang pinto palabas ng tore. Ang mga bata ay
nakatakdang makulong ng walang hanggan.
Sa mataas na tore ay may
dalawang kuwarto lamang;
isang kuwartong puno ng mga
kama, mga laruan at iba pang
mga bagay na gugustuhin ng
isang bata; at isang kuwartong
puno ng mga lumang dyaryo
at magazines. Sa paningin ng
mga bata, ang kuwartong
puno ng mga lumang dyaryo Warren R. Aguilar, Enrique Zobel Elementary School, Batangas, 2016.
at magazines ay walang silbi,
maliban sa isa sa kanila. Ang isang batang bukod-tangi ay mahilig magbasa, si
Saki. Kapag nagsasawa na si Saki sa kabilang kuwarto, nag-babasa siya't nagbabasa hanggang nabasa na niya ang bawat dyaryo at magazines sa kuwarto.
May daan-daang mga dyaryo at magazines sa mga pader, ngunit may iisang
Aizah Saripoda Gr.03,
Dar Amanah Childrens Village,
Silang Cavite 12/21/16.

magazine lamang ang laging nakakakuha ng kanyang pansin.

Ang bukod-tanging magazine ay manipis lamang , ngunit maganda. Ito ay


mayroong puti at dilaw na takip na may kulay-berde na mga detalye. Sa loob ng
magazine ay may isang istorya tungkol sa isang babae at isang alamat. Ang
alamat na ito lamang ang bukod-tanging nakahuli ng kanyang atensyon sa lahat
ng kanyang nabasa na. Sinasabi sa alamat na kung ang isang tao ay gagawa ng
isang libong papel na bakaw, isang kahilingan ang matutupad bilang kapalit.
Nagkaroon ng pag-asa si Saki.
SAKI: Ibig bang sabihin nun, kung totoo ang alamat pagkatapos kong
gawin ang sa isang libong papel na bakaw, maaari akong humiling na
maging malaya?
Lumiwanag ang kanyang mga mata sa haka, pero sya ay napa-kamot ng ulo
pagkatapos.
SAKI: Pero saan ko makukuha ang lahat ng papel na yun?
Emerald Hazel Babaran,

Tumingin sya paikot ng kuwarto at naghanap ng papel. Matapos ang ilang Enrique Zobel Elementary School,
sandali, huminga sya ng malalim at malungkot na lumabas ng kuwarto.
Batangas, 2016.
SAKI: Kailangan ko ng tanggapin. Walang pag-asa ang gusto kong mangyari.
Pagtungo sa kabilang kuwarto, malungkot siyang pumuwesto sa kanyang kama. Napansin sya ng kanyang
mga kaibigan.
KIM: Ano ang dinaramdam mo Saki?
JUN: May nangyari bang hindi maganda sa kabilang kuwarto?
Ipinaliwanag niya sa kanilang lahat ang paborito nyang lumang magazine at ang alamat.
SAKI: Alam natin pare-pareho hindi tayo masaya dito. Pinipilit lang nating libangin ang ating mga
sarili. Naisip kong baka ito na ang pagkakataon nating makawala sa lugar na ito.
Lahat ng mga mata ng kanyang mga kaibigan ay lumiwanag. Lahat sila ay natuwa.
SAKI: Ngunit wala akong nakitang papel. Lalong paano natin
magagawa ang isang libong bakaw?
YAM: Pero may isang kuwartong puno ng mga lumang dyaryo
at magazines
MIK: mga gawa sa papel!
LAHAT: Gamitin ang mga lumang dyaryo at magazines!
Ang mga bata ay nagmadali papunta sa kabilang kuwarto. Sinimulan
nilang punitin ang mga pahina ng mga lumang dyaryo at magazines
sa sukat na kailangan.
SAKI: Paki-usap mga kaibigan, huwag nyo sana sirain ang
magazine ng alamat.

MGA BATA: Makaka-asa ka Saki.


Umaga, tanghali at gabi. Lumipas ang mga araw. Pinagtulung-tulungan ng mga bata ang paggawa ng mga
papel na bakaw. Ang bawat isa ay ganadong gumawa ng bakaw sa bawat papel n kanilang mahawakan dahil
sa pag-asang makakalaya sila. Kasabay ng paggawa, ang mga tawanan at kwentuhan nila sa kung ano ang
gagawin nila sa labas ng tore.
Sa araw na nabuo na nila ang isang libong bakaw, hindi nila napigilan ang katuwaan at mga pagsigaw. Lahat
ng ito ay narinig ng dragon. Pagsilip sa bintana ng tore, nakita ng dragon ang kanilang pagsasaya at ang mga
papel. Nagalit sya.
DRAGON: Hindi ko gusto ang anumang ikinakatuwa ninyo! Itapon
ninyo lahat ng mga papel na iyan!
Walang nagawa ng mga bata dahil sa takot nila sa galit na dragon.
Lumuluha nilang itinapon sa bintana ang isang libong papel na bakaw.
MGA BATA: Ang tanging hiling naming ay maging malaya.
Sa pagtapon ng huling papel na bakaw sa bintana, kumulog at kumidlat ng
matindi. Mula sa kung saan, lumakas ang hangin sa paligid ng tore. Sa
bawat sandaling lumilipas, lumakas ng lumakas ang hangin. Sa tindi ng
hangin, hindi na makalipad ng maayos ang dragon.
Johaina Salaiman Gr.2, Dar Amanah Children's

DRAGON: Bakit ganito? Ano ang Village, Silang Cavite, 12/21/16.


nangyayari dito?
SAKI: Mga kaibigan, tignan ninyo sa ibaba!

Nagulat ang mga batang makita ang isang libong tunay na bakaw na
lumilipad pataas sa tore. Ang mga bakaw ay malaki kumpara sa
pangkaraniwan.
BAKAW 1: Mga bata, huwag kayong matakot. Nandito kami
upang tulungan kayo.
BAKAW 2: Bawat isa sa inyo tumalon sa likod namin. Huwag
kayong matakot.
Innassafa Ajijul Gr.2, Dar Amanah Children's
Village, Silang Cavite 12/21/16.

BAKAW 3: Ililigtas naming kayo.

Nakikita ng dragon ang nagaganap sa bintana ng tore. Unti-unting


nakakawala ang mga bata. Wala syang magawa dahil nahihirapan syang lumipad.
DRAGON: Saan kayo pupunta? Hindi kayo pwedeng umalis! Hindi nyo ako pwedeng iwan!
BAKAW 4: Hindi mo pag-aari ang mga bata! Hindi sila dapat makulong ng tulad ng ginawa mo!
DRAGON: Kung kukunin nyo sila, paano ako? Wala na akong makakasama sa tore ko. Mag-iisa na
lamang ako.

Ikinagulat ng mga bata ang sinabi ng dragon. At nakita nila ang pagluha nya.
SAKI: Hindi mo kami kailangan ikulong.
JUN: Kung kailangan mo ng kaibigan maaari ka naming ituring na isa sa amin.
DRAGON: Talaga? Patawarin ninyo akong lahat. Inakala kong ang pagkulong sa inyo ang tanging
paraan upang may kasama ako at magkaroon ng kaibigan.
KIM: Ang isang kaibigan ay hindi makasarili. Hayaan mong ipadama namin sa iyo kung ano ang ibig
naming sabihin.
DRAGON: Ibig bang sabihin nito, kaya ninyo akong patawarin?
MGA BATA: Oo!
Mula nuon, nagbago ang dragon. Namuhay sya at ang mga bata ng masaya kasama ang isang libong bakaw.

QUESTIONS THAT CAN BE ASKED TO THE LISTENERS


1. Paano naisip ni Saki na magkakatotoo ang anumang hilingin niya matapos gumawa ng isang libong papel na
bakaw?
2. Saan kinuha ng mga bata ang mga papel upang makagawa ng isang libong bakaw?
3. Ano ang pinapangarap mo sa iyong buhay? Gusto mo bang subukan ang alamat ng papel na bakaw? Gusto
mo bang matutunan ang paggawa ng papel na bakaw? (TO BE FOLLOWED BY A DEMO AND MAKING OF A
PAPER CRANE)
Revised by:
Ella Garcia 9D
Andrea Kaye Garcia H3C
Nadine Lami 8C
Ms M.Camacho
Ms V.Leonardo
GS,HS, & BRAFENHS lb@k
10/01/15
Sources of Pictures:
http://news.yale.edu/photos/1000-cranes-japan
http://blog.karenfayeth.com/?cat=424
http://www.dragoart.com/tuts/18316/1/1/how-to-draw-a-dragon-and-castle.htm

You might also like