Professional Documents
Culture Documents
Gilgamesh
Gilgamesh
bumalik sa Uruk kung saan sa pagkakita sa malalaking mga pader nito ay nagtulak
sa kanya na purihin ang matagal na gawang ito kay Urshanabi.
Isinalin ni Samuel Noah Kramer (1932, inilimbag 1938)[6] ang isang Tabletang XII na
pinetsahan noong 600 BCE na isang saling Akkadiano ng tulang Sumeryo na
"Bilgamesh (Sumeryo ng Gilgamesh) at ang mundong ilalim" na may petsang ca.
2000 BCE. Ang ikalawang kalahati nito ay idinagdag sa Tabletang XII ng Epiko ni
Gilgamesh.
Ayon sa tabletang ito, ang langit at lupa ay hiniwalay at ang mga tao ay nilikha. Pinili
nina Anu at Enlil ang langit at lupa para kanilang tirhan. Si Ereshkigal ay binigyan
ngmundong ilalim at si Enki ay tumungo sa isang kalalimang matubig sa ilalim ng
mundo. Ang isang puno (tree) ay itinanim sa isang pampang ng Ilog Euphrates na
hinipan ng hangin at tinangay sa ilog. Nakita ni Inanna na Reyna ng Kalangitan ang
puno at inuwi ito sa kanyang "banal na hardin" at itinanim at inalagaan na umaasang
mula dito ay makakagawa siya ng isang kama at trono. Nang ang puno ay lumago,
si Inanna ay napigilan sa paggamit ng puno dahil ang ahas ay tumira sa ugat ng
puno, ang isang ibong Zay gumawa ng isang pugad sa tuktok ng puno at ang isang
ki-sikil-lil-la-ke na isinalin bilang Lilith ay gumawa ng bahay sa gitna ng puno.
Pumasok si Gilgamesh sa hardin ni Inanna at pinatay ang ahas ng kanyang palakol
na sumindak sa ibon at ki-sikil-lil-la-ke. Kinalag ni Gilgamesh ang mga ugat ng puno
at pinutol ito ng kanyang mga kasama. Mula sa sanga ng puno ay gumawa si
Gilgamesh ng kama at trono para kay Inanna. Gumawa si Inanna ng dalawang
bagay mula sa puno, ang pukku mula sa mga ugat nito at mikku mula sa korona at
ibinigay niya ito ay kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Isang araw, ang mga regalong
ito ay nahulog sa mundong ilalim at si Gilgamesh ay nabagabag na hindi niya ito
makukuha mula dito. Ang kasama ni Gilgamesh na si Enkidu ay sumagip sa mga ito
ngunit napigilang makabalik sa mundo ng mga nabubuhay. Si Gilgamesh ay
tumangis at mag-isang tumungo sa Ekur upang magsumamo sa templo
ni Enlil ngunit si Enlil ay hindi namagitan para sa kanya. Pagkatapos ay tumungo
siya sa Ur upang magsumamo kay Sin ngunit si Sin ay hindi rin namagitan para sa
kanya. Pagkatapos ay tumungo siya sa Eridu upang magsumamo kay Ea. Si Ea ay
namagitan at nagsumamo kay Nergal upang buksan ang mundo upang lumabas
ang espirito ni Eridu mula sa mundong ilalim. Si Nergal ay nakinig at binuksan ang
mundo at ang espirito ni Enkidu ay nag-ulat kay Gilgamesh kung ano ang karanasan
ng kabilang buhay.