You are on page 1of 1

ULLALIM

Ang kwento ay nagsimula ng nakatakda ng ikasal sina Ya-u at Dulaw at makapulot ng


nganga o owa (na siyang tawag ng mga taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay
nakumbida sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya na, ay naakit
ang pansin ni Dulaw kay Duliyaw ng Dulawon. Inakit ni Dulaw si Dulliyaw hanggang si
Dulliyaw ay magkagusto sa kanya. Sa pagplaplano na ligawan ni Dulliyaw si Dulaw ay
naisipan nitong painumin ng alak si Ya-u hanggang sa ito ay malasing. Habang si Ya-u
ay natutulog sa ibang bahay ay saka niligawan ni Dulliyaw si Dulaw. Pinakain nito ang
babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng
nganga ay ibig sabihin na tinatanggap na niya ang pag-ibig na kanyang iniaalay. Bago
siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip
ang dalaga.
Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulliyaw sa bahay nina
Dulaw.Habang sila ay kumakain na nganga,sinabi nito sa babae na siya ay nagpunta
roon upang isama ng umuwi ang dalaga sa kanilang bahay.Nagulat si Dulaw sa winika
ng lalaki.Iyon lamang ang nagkagulo na .Ang mga tao sa nayon ay nangagising.Sa
pagtakas nlia ay nakasalubong sila ng isang lalaki na may daladalang palakol at balak
silang patayin.Bago sila maabutan ng lalaki ay naka akyat na si Dulliyaw sa isang puno
upang tumakas.Samantala walang makapangahas na siya ay lusubin kaya
nakapagpasiya si Ya-u na tawagin ang mga sundalong kastila ng sakbawan.
At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kataasan ng Kalinga
na kasama ang mga sundalo.I niutos niya na dakpin si Dulliyaw na naka-upo parin sa
puno.Napag-alaman niya na marami ang tutol sa ginawa niya kaya wala na siyang
lakas na lumaban nang siya ay posasan.Sa utos parin ni Guwela ay dinakip ng mga
sundalo si Dulaw.At silang dalawa ay nakulong sa sakbawan.
Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo,sila ay naging payat.Humingi si Dulaw
ng nganga kay Dulliyaw.Kinuha ni Dulliyaw ang huling nganga sa bag at ito'y kanyang
pinagpirapiraso.Bago niya ito maibigay kay Dulaw ay bigla na lamang itong nawala.
Samantala sa pook ng Magobya ay naliligo si Dinanaw.Sa paliligo ni Dinanaw sa ilog
ay napulot niya ang nganga.Kinain niya ito ng walang alinlangan.
Matapos nguyain ni Dinanaw ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis.Hanggang
sa siya ay magsilang ng isang malusog na lalaki at ito'y kanyang pinangalanang
Banna.Tatlong taon na ang lumipas at si Banna ay nakipaglaro na sa mga agta.Subalit
siya'y madalas na tinutukso ng kaniyang mga kalaro.Sinasabi nila na kung siya raw ang
tunay na si Banna ay ibig sabihin na siya ay anak ni Dulliyaw na nakakulong sa
sakbawan. Isinumbong niya ito sa kanyang ina ngunit pinabulaanan ito ng kanyang ina.
Sa isang iglap,si Banna ay naging malakas at naghangad ng paghihiganti.Isang
mahiwagang pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng kanyang mga kasama sa
sakbawan.at doon ang kanyang pinatay si Dulaw.sinabi ng isang kasama ni Banna kay
Dulliyaw na si Banna ay kanyang anak.iyon lang at sila ay dalidaling sumakay sa isang
bangka at sa isang iglap ay nakarating sila sa pook ng Magobya.Sa bahay nina Banna ay
sinabi niya kay Dinanaw na ang lalaking katabi niya ay ang kanyang ama.pangiting
sumagot si Dinanaw at sila|'y lumigaya
Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.

You might also like