Ang paghahari harian o pambubulas (Ingles: bullying) ay isang uri
ng pang-aapi o panunupil, na isa ring uri ng ugaling mapanalakay, mapaghandulong, o agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon (sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, partikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan. Maaari itong kasangkutan ng panliligalig na binabanggit, pagsalakay o pamimigil na pangkatawan, at maaaring nakatuon nang paulit-ulit sa isang partikular na biktima, marahil dahil sa lahi, relihiyon, kasarian, seksuwalidad, o kakayahan. Ang kawalan ng balanse ng kapangyarihan o lakas ay maaaring isang kapangyarihan panlipunan at/o lakas na pisikal. Ang biktima ng pangmamaton ay paminsan-minsan tinutukoy bilang isang "puntirya" o ang "pinupukol".
Ang paghahari-harian ay kinabibilangan ng tatlong saligang mga uri
ng pang-aabuso emosyonal, sinasambit, at pisikal. Karaniwang itong kinasasangkutan ng mapitagang mga paraan ng pamumuwersa katulad ng pananakot o intimidasyon. Ang paghahari-harian ay maaaring bigyan ng kahulugan sa maraming iba't ibang mga kaparaanan. Ang Nagkakaisang Kaharian ay kasalukuyang walang pambatas na kahulugan ng pagmamaton, Ika-6 ng Hunyo 2013 nang ipasa ng mataas na kapulungan o Senado ng ika-15 Kongreso ang Senate Bill 2667 o mas kilala bilang Anti-Bullying Act of 2011. Enero 2012 naman nang ipasa sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 5496, o Anti-Bullying Act of 2012.