You are on page 1of 2

PANGKALAHATANG PAGSUSULIT SA FILIPINO VI

IKAAPAT NA MARKAHAN
Pangalan:_______________________________________
Seksyon:________________________________________

Petsa:_______________
Kuha:_______________

PANUTO: Basahin ng maayos at piliin ang titik ng iyong tamang sagot.


A. Alamin kung ang pang-abay na sinalungguhitan ay pamaraan, panlunan o pamanahon.
1. Nakikita ko na araw-araw pumupunta ang bata sa puno para kumuha ng bunga.
a. Pamaraan
b. Panlunan
c. Pamanahon
d. Pang-angkop
2. Nagpatago-tagu raw sa kabundukan ang Lolo ko noong panahon ng Hapon.
a. Pamaraan
b. Panlunan
c. Pamanahon
d. Pang-angkop
3. Taos-pusong nagpapasalamat ang pulubing matanda sa ibinigay sa kanyang tinapay.
a. Pamaraan
b. Panlunan
c. Pamanahon
d. Pang-angkop
4. Dumalo ang mga tao sa pagtitipon noong nakaraang lingo.
a. Pamaraan
b. Panlunan
c. Pamanahon
d. Pang-angkop
5. Matagal siyang naghintay sa paanan ng bundok.
a. Pamaraan
b. Panlunan
c. Pamanahon
d. Pang-angkop
A. Aling kahulugan ang ginamit para sa mga salitang may salungguhit.
6. Taniman mo ng rosas ang tatlong paso.
a. Parte ng katawan na nasunog.
b. Ginagamit sa halaman.
7. Makulay ang balot ng regalo.
a. Pagkakabalot ng isang bagay.
b. Pagkagawa ng itlog.
8. Lusong na sa tubigan.
a. Pagbaba sa tubig o ilog.
b. Bayuhan ng palay.
9. Kaygandang tingnan ang tala sa umaga.
a. Bituin
b. Lista
10. Tayo ng kumain.
a. Panghalip na maramihan.
b. Tindig
B. Talumpati
11. Ito ang mga layunin sa pagtatalumpati, maliban sa isa. Ano ito?
a. Nakapagdudulot ng aliw o kawilihan sa mga nakikinig.
b. Mabisang nakapagbibigay ng impormasyon.
c. Naglalahad ng pangngatwiran.
d. Talumpating pampasigla.
12. Ito ay isang sining na ang layon ay ilahad ang kaisipan at damdamin. Ano ito?
a. Talumpati
b. Kuwento
c. Paglalahad
d. Pagsasalaysay
13. Ito ay mga uri ng talumpati, maliban sa isa. Ano ito?
a. Talumpating pampalibang
b. Talumpating nagbibigay-kabatiran
c. Talumpating pampasigla
d. Pagpili ng paksa
14. Ito ay isang paghahanda sa pagsulat na kung saan ito ay nagbibigay aral. Ano ito?
a. Paggawa ng Balangkas
b. Pagsulat ng Simula
c. Pagsulat ng pinakakatawan
d. Pagsulat ng Wakas
15. Ito ay isang uri ng talumpat na naglalayong gumising ng isip at damdamin. Ano ito?
a. Talumpating pampalibang
b. Talumpating nagbibigay-kabatiran
c. Talumpating panghikayat
d. Talumpating pampasigla
C. Ingklitik
16. Ito ay maikling kataga na walang kahulugan sa kanilang sarili subalit nakapagpapabago ng
kahulugan ng pangungusap. Ano ito?
a. Ingklitik
b. Pang-angkop
c. Pang-uri
d. Pang-abay
17. Nagtanim sila ng puno sa paaralan. Nabuhay__________ang itinanim nila.
a. muna
b. naman
c. lamang
d. din
18. Malaki__________ang kanilang kinita mula sa inaning mga palay.
a. raw
b. lamang
c. muna
d. minsan
19. Alin _____ang higit na mabuti-magtanim ng mga gulay o magtanim ng mga halaman.
a. kaya
b. kasi
c. lamang
d. muna
20. Talaga__________pupunta ka na sa ibang bansa para doon magtrabaho?
a. Bang
b. raw
c. lamang
d. muna

D. Paglalagom
21. Si Lito ay anak ni Crispin, siya ay matalino. Si Marga ay anak ni Crispin, siya ay matalino.
Ang mga anak ni Crispin ay____________________.
a. Mabait
b. matalino
c. masipag
d. tamad
22. Datiy payat na payat si Teng, madalas siyang inaaway dahil sa kanyang kapayatan. Naisipan
niyang kumain ng mga gulay at prutas. Ang mga gulay at prutas ay____________________.
a. Tumutulong para maging masigla at malusog.
b. Tumutulong para mabayaran ang mga utang.
c. Tumutulong para lumambot ang katawan.
d. Tumutulong para makarami ng kaibigan.
23. Napakagandang tanawin ang makikita sa Impasugong. Dinarayo ito ng mga kababayan upang
masaksihan ang tradisyon na Rodeo. Ang Impasugong ay isang____________________.
a. Magandang lugar na marami ang mga tanim.
b. Napakaliit na lugar.
c. Magandang lugar at may magagandang tanawin.
d. Marami ang naninirahan.
24. Bunga ng mga imbensyon ng tao, natutulungan ang lahat para mapadali ang ating mga
gawain sa araw-araw. Madali nating nakakausap ang ating mga mahal sa buhay na
nagtatrabaho sa malayo. Ang mga imbensyon ay____________________.
a. Tumutulong para pumunta sa ibang bansa.
b. Tumutulong para mapadali ang ating mga gawain.
c. Tumutulong para umunlad ang inyong lugar.
d. Tumutulong para magawa ang mga gawain sa personal na paraan.
25. Ito ay ang pinakapayak o pinakasimpleng anyo ng paglalahad. Ano ito?
a. Paglalagom
b. Pagbubuod
c. Pagkukuwento
d. Pagsasalaysay
E. Kaantasan ng Wika
26. Ito ay wikang may pinakamababang antas at ginagamit sa lansangan.
a. Balbal
b. Kolokyal
c. Pambansa
d. Pampanitikan
27. Ito ang wikang ginagamit at laganap sa isang lugar.
a. Balbal
b. Kolokyal
c. Lalawiganin
d. Pampanitikan
28. Ito ang wikang ginagamit at tinatanggap sa lipunan.
a. Balbal
b. Pambansa
c. Lalawiganin
d. Pampanitikan
29. Alin sa mga salita ang halimbawa ng Balbal?
a. ermat
b. awit
c. sikyo
d. sinag
30. Alin sa mga salita ang halimbawa ng Pampanitikan?
a. mapanglaw
b. braks
c. tisoy
d. alat
F. Pangatnig
31. Matanda na si Lolo__________naglalaro pa kasama ang kanyang mga apo.
a. ngunit
b. dahil
c. upang
d. sapagkat
32. Tangkilikin ang ating sariling produkto__________umunlad ang ating bayan.
a. dahil
b. subalit
c. upang
d. raw
33. Kailangang danasin muna ang kahirapan_______matikman ang tamis ng tagumpay.
a. kahit
b. bagkus
c. subalit
d. bago
34. Mura lamang ang pamasahe,__________sumama ka na sa amin.
a. subalit
b. bagkus
c. upang
d. kaya
35. Magbalot ka na ng mga damit mo__________naghihintay ka.
a. subalit
b. bagkus
c. habang
d. kaya
G. Dula
36. Ito ay isang akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tauhan. Ano ito?
a. Dula
b. Kuwento
c. Pabula
d. Parabula
37. Sangkap ng dula kung saan nangyari ang kuwento o lugar. Ano ito?.
a. Kilos
b. Tagpuan
c. Kasukdulan
d. Balangkas
38. Ito ay mga uri ng dula, maliban sa isa. Ano ito?
a. Trahedya
b. Komedya
c. Melodrama
d. Kilos
39. Ito ay mga sangkap ng dula, maliban sa isa. Ano ito?
a. Parsa
b. Balangkas
c. Paglalahad
d. Kasukdulan
40. Uri ng dula na may temang masaya o kasiya-siya para sa mga tauhan. Ano ito?
a. Parsa
b. Komedya
c. Saynete
d. Trahedya

You might also like