You are on page 1of 5

Related Links

Volunteer Noynoy Aquino's Speech At The


Join the people's campaign » Photo Gallery
EDSA-People Power Celebration » Internet TV
At Araneta » Speeches
Donate Mga minamahal kong kasama, kapatid at kababayan: » Press Statements
Invest in our nation's future
Noong madaling araw ng Setyembre 23, 1972, dumating ang mga sundalo » Campaign Materials
at dinakip ang aking ama. Kami naman ay ginising ng aming ina, at sinabi sa
amin kung ano ang nangyari. » Tindahan Ni Noynoy
Undecided? » Join A Group
Labing- dalawang taong gulang lamang po ako noon. Kinulong ang aming
Let us help you decide ama kahit na siya ay walang sala. At doon nagsimula ang aming kalbaryo.
» Yellow Army Badge
Marami ang naniniwala noon na siya ang magiging susunod na Pangulo.
Ngunit sa araw na iyon, bigla siyang itinuring na pangunahing kaaway ng
estado bagama’t wala siyang kasalanan. Stay Connected

Bumaliktad ang aming mundo. Itinakwil kami ng mga taong nangako na hindi Leave your email to receive our
kami iiwan. Newsletters, get notified about site
developments, and keep up to date
Mula sa inaasahang magandang kinabukasan, nag-umpisa ang bangungot on the latest news about Noynoy,
ng martial law. the elections, and the issues that
face the nation.
Mula grade one hanggang grade six, ako po ay nasa top ten ng aking klase.
Naghahanda para sa isang magandang kinabukasan. Ngunit ng dumating Email Address:
ang martial law, parang naging imposible ang magkaroon ng isang
kinabukasan.

Dahil doon, mahirap magsumikap na mag-aral nang mabuti para sa isang


kinabukasang walang taglay na pag-asa.

Ang aming nanay ang tumayong ama at ina ng aming pamilya.

Para makapiling ang aming ama, kailangan pa naming humingi ng permiso


sa mga namamahala ng martial law.

Ako’y isang batang musmos na walang magawa habang niyuyurakan ang


dangal ng aking ina at mga kapatid nang sumailalim sila sa strip search
tuwing dadalaw sa aming ama.

Pinahuhubad halos ang buong kasuotan ng aking ina at mga batang kapatid
na babae.

Isang taon bago nag-martial law, inakusahan ni Ginoong Marcos ang aking
ama ng kung anu-anong krimen. Sagot ng aking ama: Ginoong Marcos,
tungkulin mong isakdal ako sa korte.

Ang nag-akusa sa aking ama ay si Ginoong Marcos. Nagtatag siya ng isang


Military Commission para litisin ang aking amang isang sibilyan, at para
tiyak na malutong Makoy.

Ang humatol sa aking ama ay mga galamay ni Ginoong Marcos. Ang


desisyon nila ay ihahain muli kay Ginoong Marcos para suriin niyang muli.
1977, at 17 years old na ako. Dumating ang panahon ng paghatol sa aking
ama ng isang military commission.

Yaman din lamang tapos na ang desisyon bago pa nag-umpisa ang


paglilitis, nagpasiya ang aking ama na mag-hunger strike bilang pagprotesta
sa kawalan ng katarungan.

Araw-araw, nakikita kong unti-unting nauupos at nauubos ang buhay ng


aking ama. Bakit humantong dito ang kanyang buhay? Bakit kailangan na
ang taong walang sala ang dumaan sa ganitong paghihirap?

Sa apatnapung araw, patindi ng patindi ang poot at galit na nabubuo sa


aking kalooban. Mauunawaan ninyo siguro kung bakit ganoon na lamang
ang aking naramdaman.

Ilan kaya sa atin ang kayang magtiis at magtimpi sa ganoong sitwasyon?

Tuloy-tuloy pa rin ang pagsubok at panganib na hinarap namin, na hinarap


nating lahat.

Nasubukan na po ba ninyo na makulong ng Pasko at Bagong Taon para


lang makapiling ang inyong mahal sa buhay na wala namang sala?

Nakaranas na ba kayong mag-iyakan ang inyong buong pamilya pagsapit


ng Bagong Taon sa loob ng maliit na selda, samantalang nagdiriwang at
nagsasaya sa labas ang buong daigdig?

Nakaranas na ba kayong maging Kuya at Tatay sa mga kapatid na babae


sa murang edad ng inyong pagbi-binata?

Sa daloy ng panahon, napilitan po akong tanggapin na lamang --- kagaya


ng milyung milyong Pilipino --- ang kawalan ng karapatan sa lahat ng
larangan.

Ang lahat ng naranasan kong ito ay bahagi ng isang bangungot na hindi


dapat nangyari at hindi na dapat maulit pa.

Ang hirap na aming dinanas, ang sakit ng kalooban, ang kawalan ng


katarungan sa amang minamahal --- iyan po ang siyang nagpanday ng
aking ugali at pagkatao.

Sakripisyo --- para sa bayan. Sakripisyo --- para sa paninindigan.


Sakripisyong may halong dalangin at pag-asa na may Panginoong Diyos na
sa takdang oras ay iwawasto ang mali.

Kaya sa mga nanlalait hindi lang sa akin kundi sa panawagan ng panahon,


simple lang ang sagot dito: ito ang ating tadhana.

Ang nais nila ay talikuran ko --- at talikuran natin --- ang ehemplo at
prinsipyo ng aking mga magulang at ang magandang halimbawa na ibinigay
hindi lang sa kanilang mga anak, kundi sa buong sambayanan.

Totoo naman na hindi mahirap ang angkan ng aking ama. Pwede siyang
sumuko at tumanggap ng pataas na pataas na alok ng kapangyarihan at
salapi. Ngunit pinili niya ang landas ng pagpapatotoo sa pangakong
paglingkuran ang sambayanan.

Naaalala ko po ang liham na sinulat ng aking ama noong siya ay nasa


bilangguan.

Limampung taong gulang ang aking ama noong siya ay pinaslang. Ngayon
ay 50 taong gulang na rin po ako.

Ang sabi sa akin ng aking ama:

"The only advice I can give you: Live with honor and follow your conscience.
There is no greater nation on earth than our Motherland. No greater people
than our own. Serve them with all your heart, with all your might and with all
your strength. Son, the ball is now in your hands."

Totoo naman na hindi namulat sa hirap ang aking ina, ngunit ang pinili
niyang pamumuhay ay ang paglingkuran ang bayan at iangat ang mga
mahihirap --- at hindi ang sarili niyang kaginhawaan.

Binigay nila sa ating bayan ang mga bagay na hindi kayang bilhin ng
sinuman: ang kanilang sakripisyo. Ang kanilang paninindigan. Kung may
inaapi, kung may pinagsasamantalahan, matatag ang kanilang
paninindigan: ipadama at patunayang hindi sila nag-iisa.

Ang lahat ng hirap na aming dinanas ay tinumbasan ng sambayanang


Pilipino ng pagmamahal.

Pagmamahal sa aking amang si Ninoy na pinaslang nang walang habag, at


milyun-milyon ang nakiramay. Pagmamahal sa aking inang si Cory na
ipinagdasal ng sambayanan nuong nakaratay sa sakit, at pakikiramay nang
siya ay mahimlay.

Sa lahat ng aming sakripisyo, sa lahat ng aming trahedya, hindi ninyo kami


pinabayaan. Hindi ninyo kami nilisan. Ipinadama ninyo sa amin na hindi kami
nag-iisa.

Sa aking pananaw, hindi lang ito dahil sa halimbawa nila Ninoy at Cory.

Nakita lamang nila ang ayaw kilalanin ng mga sugapa sa kapangyarihan at


pangungurakot: na ang Pilipino ay disente, may dangal, may malasakit at
may paninindigan. Mahaba ang ating pasensya, ngunit habang tayo’y
nagtitiis, naroon ang kaalaman na may araw din ng pagtutuos, may araw din
para sa tunay na katarungan.

Dumating nga ang araw na iyon nung Pebrero beynte-singko, 1986: ito na
ang kabaligtaran ng lagim na pinagdaanan ng ating lipunan.

Dahil sa People Power, nanumbalik ang demokrasya. Dahil sa People


Power, nanumbalik ang ating karapatang pumili at maghalal ng ating mga
pinuno. Dahil sa People Power, nanumbalik ang mga karapatang pantao.

Dahil sa People Power, taas-noo tayong lahat. Inawit pa natin na ito ang
handog ng Pilipino sa mundo. Naging inspirasyon tayo ng marami pang
bansa sa Asya at sa Europa na nag-People Power din upang itanghal ang
demokrasya.

Kaya nang nagtagumpay ang People Power sinabi natin, ayon sa kanta,

Ating kalayaan kay tagal nating mithi. 'Di na papayagang mabawi muli.

Ngunit ano ang naganap mula noon?

Noong 2000, nanaig muli ang korapsyon sa pamahalaan.


Nanindigan tayong muli at nagkaroon ng pangalawang People Power,
ngunit ano ang ginawa ng ating niluklok na Pangulo?
Bakit hanggang ngayon ay saksi pa rin tayo sa pagpapasasa at
pangungurakot ng iilan habang nagpapahirap sa milyun-milyong
Pilipino?
Bakit hanggang ngayon ay pilit na ayaw pa ring harapin ang usapin ng
‘Hello Garci’? Di ba ang walang sala, nagmamadali pang patunayang
mali ang mga paratang? Limang taon na ang nakalipas, kulang pa ba?
Bakit pinayagan ang mga kaalyado na magtatag ng mga sari-sariling
kaharian? Bakit sukdulan na ang paggamit ng karahasan hindi lamang
ng baril at armas, kundi maging chainsaw at backhoe? Bakit kailangang
maganap ang karumal-dumal na massacre sa Maguindanao?

Talaga bang ang mga mandaraya, manlilinlang at magnanakaw ay palagi na


lamang mamamayani?
Palalim ng palalim ang ugat ng kanilang kasakiman habang lalong
naghihirap ang taumbayan.

Noon, si Marcos ang tanging batas. Ngayon, sa maraming pagkakataon, ay


tila hindi na ginagalang ang batas, pati na ang ating Saligang Batas.

Noon, ang eleksiyon ay Lutong Makoy; ngayon, ang eleksyon ay Lutong


Gloria at Garci.

Noong araw, na- momorsiyento sa proyekto ang mga tiwali. Ngayon, ang
naiiwan sa proyekto ay iilang porsiyento na lamang.

Pilit tayong pinapaniwala na wala tayong magagawa.

Kailangan tayong magbalik-tanaw sa nakalipas.

Mayroong isang Ninoy Aquino. Hinarap ang maliwanag na panganib sa


buhay niya. Para magkaroon tayo ng pagkakataon na magkaroon ng
mapayapang pagbabago.

Pinatay siya ng walang pakundangan ng mga gahaman sa kapangyarihan.


At sa kanyang pagyao, nabuhay ang ating demokrasya.

Mayroong isang Cory Aquino. Ipinagpatuloy niya ang laban --- hanggang
naibalik natin ang demokrasya.

At kahit tapos na ang panunungkulan, hindi ni minsang tumangging


manindigan para ipagtanggol ang demokrasya sa bawat panganib.

May mga tao at puwersang gustong isantabi ang kapakanan ng karamihan


alang-alang sa kanilang makasariling interes.

Habang nangingibaw ang ganitong palakad, palubog nang palubog ang


buhay ng nakararaming dukha at kapus-palad.

Minsan may isang diktador na nangahas na umapi ng isang bansa.


Sambayanang Pilipino, sumunod sa halimbawa ni Ninoy at ni Cory.
Gumising at nanindigan, at itinaboy ang mapangahas.

Ngayon, naghahari na naman ang mga sumunod sa yapak ng nangahas.

Kayong mga nandito, naninindigan at nagbibigay- babala sa mga


mapangahas:

Humanda na kayo sa araw ng pananagutan. Gumising na kayo sa


katotohanan. Mulat na ang sambayanan.

Noong panahon ng kadiliman, ang katanungan ay:

Sino ang kikilos upang ibalik tayo sa liwanag?

Sa inyong pakikiisa, sinagot niyo na ito.

Ngayon, kumikilos na ang sambayanang nangangarap muli, at natatanaw


na natin ang maliwanag at maaliwalas na kinabukasan kung saan ang
pangarap ay magkakatotoo din.

Minsan, may isang Ninoy Aquino, nag-iisa sa kanyang bartolina. Nangahas


siyang mangarap. At nang lumaon, tumugon sa kanyang hamon ang milyun-
milyong Pilipino --- at nakamit natin ang kalayaan.

Ngayon, wala na tayong dapat pang ikatakot. Tayo ay gising na. Tayo ay
mulat na. Tayo ay kikilos na upang makamit ang tagumpay. Taas-noo muli
ang Pilipino sa mundo.

Maraming salamat at magandang gabi po sa inyong lahat.


Pages Links and Affiliates Follow Noynoy
» THE TRUTH ABOUT NOYNOY » MAR ROXAS » FACEBOOK
» SHORT BIO » LP SENATE SLATE » TWITTER
» WHAT OTHERS SAY » PEOPLE POWER VOLUNTEER CENTER » FRIENDSTER
» CREDENTIALS » PNOY PINAY » YOUTUBE
» LEGISLATIVE RECORD » 9NOYNOY » MULTIPLY
» NEWS & COMMENTARIES » CHANGE POLITICS MOVEMENT » FLICKR
» NOY BLOGS » NOYPI-AKO » TUMBLR
» OUR COMMON CREDO » TULOY PNOY
» MAR ROXAS » YOUTH FOR NOY
» SLAMAT LORRRD » REPORMAR
» PLATFORM » NOYNOY AQUINO FOR PRESIDENT MOVEMENT
» ACTION PLANS » PIPOL POWER
» ISSUES » YELLOW AND HONEST
» PHOTO GALLERY » US-PINOYS FOR NOYNOY-MAR
» INTERNET TV » NOYNOY AKO
» SPEECHES » GIMME5 FOR NOY
» PRESS STATEMENTS » TSINOY FOR NOY
» CAMPAIGN MATERIALS
» TINDAHAN NI NOYNOY
» NOY WATCH
» NOY WEBCOMICS
» JOIN A GROUP
» YELLOW ARMY BADGE
» VOLUNTEER
» DONATE
» UNDECIDED
» ANNOUNCEMENTS
» CONTACT US

You might also like