You are on page 1of 12

Research

In

A.P.
Crystal Alliah A. Ty
9-Amity
Ms. Ollero/Aira

IMPLASYON

IMPLASYON
- ay ang patuloy na pangkalahatang pagtaas
ng presyo ng mga bilihin sa lahat o halos

lahat ng pamilihan sa buong bansa.


HYPERINFLATION
- naman ang tawag kung sobra ang pagtaas
ng presyo sa isang bansa.

DEPLASYON
- naman ay ang patuloy na pangkalahatang
pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa lahat o
halos lahat ng pamilihan sa buong bansa.
Isang kilos protesta ukol sa pagpapababa ng
presyo ng mga produkto sa bansa. Dahilan at

Epekto ng Implasyon
Dahilan

Epekto

o Pagtaas ng suplay
ng salapi

o Tataas ang demand o ang


paggasta kaya mahahatak
ang presyo paitaas

o Pag-asa sa
importasyon para
sa hilaw na
sangkap

o Kapag tumaas ang presyo


ng materyales na
inaangkat, ang mga
produktong umaasa sa
importasyon para sa mga
hilaw na sangkap nito,
nagiging sanhi rin ito ng
pagtaas ng presyo.

o Pagtaas ng palitan
ng piso sa dolyar

o Dahil sa kakulangan ng
pumapasok na dolyar,
tumataas ang palitan ng
piso sa dolyar kaya ang
halaga ng piso ay
bumababa.

o Kalagayan ng
pagluluwas

o Kapag kulang ang suplay


sa local na pamilihan dahil
ang produkto ay
iniluluwas, magiging
dahilan ito upang tumaas
ang presyo ng produkto
dahil sa kakulangan ng
suplay.

o Monopolyo o
kartel

o Nakapagkokontrol ng
presyo ang sistemang ito.

o Pambayad-utang

o Sa halip na magamit sa
produksyon ang bahagi ng
pambansang badyet, ito ay
napupunta lamang sa
pagbabayad ng utang.

Dahilan/Uri ng Implasyon
Demand Pull
- Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng
bawat sektor ng ekonomiya, sambahayan,
kompanya o pamahalaan na makabili ng
produkto at serbisyo na mas marami sa
isusuplay o ipoprodyus ng pamilihan. Ito ang
kalagayan na mas labis ang aggregate demand
kaysa aggregate supply.
COST-PUSH
- Pagtaas ng gastos sa produksiyon na
nagpapataas ng presyo nila sa pamilihan, gaya
halimbawa ng pagtaas ng sahod ng mga
manggagawa o pagpapataw ng pamahalaan ng
bagong buwis.
STRUCTURAL
- Ang kahinaan ng mga institusyon at sektor ng
isang ekonomiya na makasabay sa mga
pagbabago ng lipunan at ekonomiya na

maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo sa


pamilihan.

Iba't ibang uri ng price index


GNP deflator o GNP Implecit Price Index
- Ito ang price index na ginagamit upang
pababain ang current GNP sa constant GNP.
Ang GNP deflator naman ay ginagamit upang
alamin ang halaga ng GNP batay sa
nakaraang taon.
Pormula: GNP at constant prices= GNP at
current prices deflator
Whole Sale Price Index Retail Price Index
- Nagpapakita at sukatan ng pagbabagong
presyo ng final goods,intermediate goods at
crude materials sa bilihang whole sale at
retail.
Consumer Price Index (CPI)
- Ito ang mas kilalang panukat ng implasyon.
Ito ay pagsukat ng average na pagbabago ng
presyo ng produkto o bilihing
pangkaraniwang kinukonsumo ng mamimili.

Pagkompyut ng Antas ng Implasyon

- Mahalagang malaman ang antas ng


implasyon para malaman ang mga angkop na
hakbang upang mapababa ang presyo.

Pagkompyut ng Purchasing Power ng Piso


Purchasing Power ang tawag sa kakayahan
ng piso na makabili ng produkto at serbisyo.

DI-MABUTING EPEKTO NG IMPLASYON


Mga Nagpapautang
- Ang pagtatakda ng interes sa pautang na mas
mababa kaysa sa naging antas ng implasyon ang
dahilan ng pagkalugi ng mga nagpapautang. Ang
interes na kanilang siningil sa umutang ay di sapat
upang makasabay ang pagtaas ng presyo.
Mga Nag-iimpok
- Hinihikayat ng pamahalan na mag-impok ang mga
tao, lalo na ang may labis na salapi. Ang pag-iimpok
ay isang gawain ng tao na mahalaga sa ekenomiya.
Ngunit sa panahon ng pagkakaroon ng mas mataas
na antas ng implasyon kaysa sa interes ng salaping
idineposito sa bangko ay nalulugi ang nag-iimpok.
Mga Tao na May Tiyak na Kita
- Ang pagkakaroon ng tiyak na kitaay di-mainam sa
panahon ngimplasyon dahil bumababa
angpurchasing power ng tao. Ang mgaempleyado at
manggagawa ay tumatanggap ng tiyak na kita buwanbuwan na di-nagbabago tulad ngpagbabago ng
presyo.

Bunga sa Implasyon

Pagtaas ng demand
Kinokontra ang presyo
Kakulangan ng supply sa lokal na
pamilihan
Pag daragdag ng halaga ng produkto
Pagbaba ng suppy Pagdagsa ng imported
products
Solusyon ng Implasyon
- Pagpapatupad ng tight money policy
Produksiyon para sa lokal na pamilihan
Pagtatakda ng price control
- Pataasin ang produksiyon
- Bawasan ang pag-iimport ng mga
banyagang produkto at linangin ang local
na pinagkukunan.

Kongklusyon:
- Ang implasyon ay sulirang pang-Ekonomiya
na patuloy na nararanasan ng bansa. Ang
paglutas o pagbawas ng epekto ng
implasyon ay gampanin ng bawat isa sa atin,
maging ako, kayo, tayo, mga manggagawa,
negosyante o mag-aaral. Ito'y bahagi na ng
buhay ng tao sa araw-araw. Sinasabing ang
implasyon ay tanda rin ng pag-unlad ng
isang Ekonomiya, lalo na kung nababalanse
nito ang ibang aspeto o salik ng pag-unlad
ng bansa. At tayo bilang mga mag-aaral ng
Ekonomiks ng bansang Pilipinas ay narapat
na magkaron ng kaalaman upang
makatulong sa pagkontrol sa lumalalang
suliraning ito.

You might also like