You are on page 1of 1

P500 monthly sa seniors hiling

palawakin
Habang nakabitin pa ang SSS pension hike, mas makabubuting
palawakin umano ng gobyerno ang programang nagbibigay ng
P500 kada buwanang allowance sa mga senior citizens.
Ito ang suhestiyon ni Ako Bicol partylist Representative Rodel
Batocabe sa paniwalang kayang-kaya ng gobyerno na magbigay
ng ganitong benepisyo sa mga senior citizens pensionado man sa
SSS at GSIS o hindi.
Sa kasalukuyan, ang P500 kada buwang allowance ay
iginagawad lamang sa kuwalipikadong mahihirap na
nakakatanda.
Base sa kwenta ni Batocabe, aabot ng P40 bilyon kada taon ang
gagastusin ng pamahalaan kung isasakatuparan ito, bagay na
kayang kaya naman umanong tustusan ng gobyerno.
Maaaring sa tingin umano ng iba ay masyadong maliit ang limang
daang piso subalit ikinatutuwa na ito ng mga nakatatanda.
Subalit ang kapalit umano nito ay dapat naman alisan na ng
exemption sa VAT ang mga senior citizens.
Paliwanag ni Batocabe, hindi naman masyadong
napapakinabangan ng mahihirap na senior citizens ang VAT
exemptions kundi ang may kayang nakatatanda ang lubos na
nabebenepisyuhan nito.

You might also like