You are on page 1of 2

Kabanata 1

Ang Pagtitipon

Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don


Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay
upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba
sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay
gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage. Napuno ng mga panauhin ang tahanan
ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging
panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at
matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga
bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling
dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaa at ang kabiyak nitong
si Donya Victorina. Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan
ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre
Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente
Guevarra, ang tenyente ng guardia civil. Bawat grupo ng mga panauhin ay may kanikaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin,
humanap ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang
tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal
ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na
panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na
pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa
mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa
naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal
ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi
dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang
nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay
marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng
kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki,

na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay


nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na
mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap
na

pananalita

ni

Padre

Damaso.

Kalaunan

ay

lumawig

muli

ang

talakayan.

Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra

Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa
kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik siya
sa kamay ng mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso ng makilala
nito na ang binata. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak
ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula
pitong taon na pag-aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan
Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang
natutunan niya sa bansang Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre
Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at
nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang kabaitan ng kanyang ama,
na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang pagsulyap ni Padre
Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng Tinyente ang
pakikipag-usap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan
Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni
Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat
patungo siya sa San Diego sa araw na iyon.

You might also like