You are on page 1of 10

Florante

At
Laura
Ni : Francisco
Balagtas
Nathaniel Carl S.
Zacarias
Bb. Simeon

Talambuhay ni Balagtas
Unang mga taon
Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong Abril 02, 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayon ay
Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana
dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Sa
gulang na 11, lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya
una sa paaralang, Parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging
katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa
Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si
Padre Mariano Pilapil.

Buhay bilang isang manunulat


Taong 1836 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion
Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya"
at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si
Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa
pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Kapule para
hindi na siya muling makita ni Selya. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si
Selya kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay Nanong Kapule. Doon sa kulungan,
isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.

Trabaho at Pamilya
Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si Kiko noong
1840 sa Udyong, Bataan. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang naging asawa.
Nagpakasal sila noong 1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman ay 54. Sa kauna-unahang
pagkakataon, ginamit niya ang Baltazar sa kanyang sertipiko ng kasal. Doon, nagkaroon siya ng
apat na anak kay Juana Tiambeng. Humawak din siya ng mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente
mayor at juez de semantera.

Huling mga Araw

Nabilanggong muli si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang buhok ng
katulong na babae ni Alferez Lucas. Nakalaya siya noong 1861. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat
ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Bago mamayapa, ibinilin niya sa kanyang
asawa na "Huwag mong hahayaan na maging makata ang alin man sa ating mga anak. Mabuti
pang putulin mo ang mga daliri nila kaysa gawin nilang bokasyon ang paggawa ng
tula." Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang mga anak noong
Pebrero 20, 1862. Namatay siya sa gulang na 73, dahil sa sakit na pulmonya at dahil narin sa
kanyang katandaan.

Ang kaniyang mga sinulat

Orosmn at Zafira isang komedya na may apat na bahagi

Don Nuo at Selinda isang komedya na may tatlong bahagi

Auredato at Astrome isang komedya na may tatlong bahagi

Clara Belmore isang komedya na may tatlong bahagi

Abdol at Misereanan isang komedya

Bayaceto at Dorslica isang komedya na may tatlong bahagi,

Alamansor at Rosalinda isang komedya

La India elegante y el negrito amante

Nudo gordeano

Rodolfo at Rosemonda

Mahomet at Constanza

Claus (isinalin sa Tagalog mula sa Latin)

Florante at Laura, isang awit ; pinaka-tanyag na gawa ni Balagtas

Buod ng Florante at Laura

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may


dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay
makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang
kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si
Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang
mahal.
Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin.
Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang
handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis
na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si
Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante.
Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor.
Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na
kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila
ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa
pagkamatay ng sinisinta niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay
niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay

sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni


Aladin na umagaw sa Albanya nang siyay nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din
niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay
sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at
agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siyay si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano
at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa
kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap.
Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si
Fleriday tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may
dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito
at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang
madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa
gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay
pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya
at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan AliAdab, ay naghari sa Persya.

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG FLORANTE


ATLAURA
Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang
historian), nalimbag ang unang edisyon
ngFlorante at Laura noong 1838. May 50 taong
gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon.
Noong 1906, nalimbag naman ang Kung Sino ang
Kumatha ngFlorante ni dalubhasang sa Tagalog
na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni
Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng
iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.

Mga tauhan

Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni


Duke Briseo

Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni


Florante

Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persiya, isang moro na


nagligtas at tumulong kay Florante

Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan


Ali-Adab

Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura

Sultan Ali-Adab - sultan ng Persiya, ama ni Aladin

Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona

Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo


Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki
ang galit kay Florante
Konde Sileno - ama ni Adolfo

Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay


sanggol pa lamang mula sa isang buwitre

Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor;


nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.

Antenor - guro ni Florante sa Atenas

Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura

Heneral Osmalik - heneral ng Persiya na lumaban sa Crotona

Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya

Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida.

Mitolohiyang salita

Mga mahahalagang saknong

You might also like