You are on page 1of 1

Isports Tambayan

ni Jayvee Gayoso
Isa sa mga paboritong gawin ng mga ikolar ng PSHS-MC pagkatapos ng isang
mahabang araw na puno ng tambak na mga gawain at pagsusulit sa paaralan ang
maglaro ng basketball, football, volleyball, ultimate frisbee, at iba pang uri ng mga
larong pampalakasan. Tuklasin ang mga paboritong palaruan ng mga iskolar sa
loob ng campus.
Open Basketball Court - Kung may Rucker Park ang siyudad ng New York sa
Amerika, ito naman ang sa Main Campus. Laging may instant intramurals dito,
huwag nga lang uulan dahil siguradong madulas ang palaruan. Dito nagsisimula
ang mga Kobe Bryant at LeBron James ng PSHS-MC; sa galing ng mga makalalaban
mo dito ay siguradong mapahihiya kung hindi handa. Kung gusto mo magpakitang
gilas sa mga tres mo, huwag ipakita sa report card, dito na lang sa court,
siguradong maraming makikilalang mga isko (pati na rin iska) na sobra ang hilig sa
basketbol dahil kahit sira-sira pa ang mga ring; sa Pisay, basketball never stops.
Field - Sa lahat ng mga tambayan na nakalista dito, ito na siguro ang pinakagamit.
Biruin mo ba naman lahat na yata pwedeng malaro dito eh; kung siguro may mga
ring lang para sa basketbol eh kumpleto na. Madalas na naghahari dito ay ang
Labuyo at Laab na mga football clubs pero ginagamit din ito ng Alianti tuwing
biyernes. Sa mga aspalto sa paligid, laging nakakalat ang mga lower years na aliw
na aliw din sa kanilang sari-sariling laro ng ultimate frisbee o hindi kaya naman
yung mga gustong maglaro ng badminton pero nawalan na ng puwesto.
Napakasarap talaga tignan ang field tuwing hapon dahil puno ng mga masasayang
mukha ng mga mag-aaral na nagpapaalala na gaano man kabigat ang mga gawain
sa academics, hindi pa rin dapat kinakalimutang magsaya.
Volleyball Court - Sa court na ito masasaksihan ang mga umaatikabong paluan ng
bola ng mga iskolar lalo na tuwing hapon at mga breaks. Hindi magkamayaw ang
isat isa sa paghalakhak at pagkakantiyawan lalo na kung mali ang pag-receive o
ang serve. Sa bawat sigaw ng mine sa mga laro ay masasaksihan mga iskolar na
puno rin ng enerhiya sa kanilang maliliksing katawan bukod sa kanilang mga isip na
puno ng katalinuhan.
Ibat ibang lugar ng palaruan, ibat ibang uri ng kasiyahan, ngunit kahit anong
laro man ang hilig siguradong mahahanap iyan sa Pisay!

You might also like