Na ipagkatiwala sa akin Ang puso mong matagal mo nang binaon Binaon sa takot na magmahal muli Binaon dahil baka masaktan lang sa huli Binaon dahil baka mapatunayan sa sarili Na ang pag-ibig na pinapantasya at hinahangad ng nakararami Ay isang malaking kalokohan at isang pagkakamali Binigay ko sayo ang buong puso at kaluluwa ko Halos wala nang natira sa pagkatao ko Pero parang ang lahat ng ito ay hindi pa sapat para sayo Ano pa? Ano pa? Ano pa ang ibibigay ko? Ano pa ba ang gusto mo? Pagmamahal ang inabot ko sayo Sakit at pighati ang binalik mo Dalawa, tatlo, tatlong linggo kang hindi nagparamdam Tinatanong kung meron ka bang dinaramdam? Kung anong nangyayari sayo? Kung anong problema mo? Pero hindi mo sinasagot ang mga katanungan ko Hanggang sa isang araw napagpasyahan mong sabihin ang rason ng iyong pagkatahimik Yun pala ang iyong magulang ang dahilan ng iyong pagkawalang-imik Pinapalayo ka sakin Dahil hindi tanggap ang relasyon na katulad ng sa atin Sabi kasi nila, ang babae para sa lalaki at hindi sa kapwa babae Napatunayan mong isa kang mabuting anak, oo Ngunit napatunayan mo din na.. Napatunayan mo din na hindi mo ako kayang ipaglaban Pero wala.. hindi pa rin kita iniwan
Patuloy pa rin kitang minahal
Araw-araw pa rin kitang kinakamusta Araw-araw binibalitaan kung anong nangyayari sa araw ko Araw-araw gumagawa ng paraan upang makita ang mga ngiti sa mga labi mo Araw-araw umaasa pa rin ako na sasabihin mo ang katagang mahal rin kita