You are on page 1of 11

TheGarden

Helen Hoyt
Do not fear.
The garden is yours
And it is yours to gather the fruits
And every flower of every kind,
And to set the high wall about it
And the closed gates.
The gates of your wall no hand shall open,
Not feet shall pass,
Through all the days until your return.
Do not fear.
But soon,
Soon let it be, your coming!
For the pathways will grow desolate waiting,
The flowers say, Our loveliness has no eyes to behold it!
The leaves murmur all day with longing,
All night the boughs of the trees sway themselves with longing
O Master of the Garden,
O my sun and rain and dew,
Come quickly.

And the Old Man Speaks of Paradise: a Ghazal

Wang Ping, 1957

Do not move. Let me speak of a river in paradise


A turquoise gift from fiery stars that is paradise
How do you measure a rivers weight, color, smell, touch?
How do you feel the veins of sand in a breathing paradise?
Eons of earth story, long before rocks, plants or bones
Bulging with flesh and blood in every corner of paradise
You call me Old Man, 12,000 years old, but really Im a baby of
River Warren, swollen with glacier water flooding the paradise
My torso sloughed by old ice, two cities on sandstone bluffs
Headwaters of a 2350-mile road towards the gulf of paradise
A walk along the beach, a bag of rocks, fossils and agates
Each tells stories of the river, land & lifea kinship of paradise
Come to me at dawn or dusk, by foot, canoe or a single shell
To greet eagles, cranes, fox, treesa ten-mile gorge of paradise
Gar, bass, goldeye, redhorse, bowfin, stoneroller, buffalo, drum, sunfish
Sickleback, darter, walleye, dace, mooneyein the waves of paradise
The St. Anthony Fall that walked up 10 miles from Fort Snelling
Clams and shells in Kasota stoneslayered history of paradise
Put your fingers into the bluff, and pull a handful of sand
From the Ordovician sea, each perfect to make a paradise
From time to time, I take you into the amniotic womb
A reminder of our origin from a black, red, white, blue paradise
Do not dam me. To move freely is to evolve is to live
Lock feeds fear feeds hate feeds violence to the base of paradise
The Mississippi, temple on earth, home of all living things
Would you tread with love, through the heart of paradise?
We are waterH2Otwo hands under an open heart
Pulsing, dissolving, bonding the earth to a green paradise
Stop seeking before or after life, for a paradise
Already in us, in each cell of being that is paradise

AcceptingHeavenatGreatBasin

Nathalie Handal
When you doubt the world
look at the undivided darkness
look at Wheeler Peak
cliffs like suspended prayers
contemplate the cerulean
the gleaming limestone
the frozen shades
the wildflowers
look at the bristlecone pine
a labyrinth to winding wonders
listen to the caves
sing silently
remember the smell of sagebrush
after a thunderstorm
that Lexington Arch
is a bridge of questions
in the solitude of dreams
that here
distances disturb desire
to deliver a collision of breaths
the desert echoes
in this dark night sky
stars reveal the way
a heart can light a world.

the Congaree
Samuel Amadon
Im home. Im not home. Im on the road or
Off it, briefly. Ive been out of place. Ive been
Taking familiar walks. I like the boardwalk. I like
The swamp. I feel ill at ease. I feel fine.
As August ends, Im thick and cold. As I circle
Above a tide of cypress knees, of webs,
Fallen trunks and leaves, I gather out
The mud a mossy repose. A violent mist.
A green allure. I have spoken into
A dead and standing pool of air, where,
In its center, a spider hangs. I can hear myself
Moving, notes taken on paper, on
My feet, I stop and that makes a sound.
I look out into what feels ancient. It
Doesnt seem old. My voice is spun.
Im rolling out myself last rung by rung.
I pinned my eye to the base of a loblolly pine,
And rose, much higher than I would
Suppose. I know everything already. I have to
Ask people questions. All of my relatives
Are famous. There are so many people dead.
Look at these trees. Theyre shattered in pieces.
Theyre tall and full. I look forward, steadily,
At the moss grown high as the flood.

Ang Tigre At Ang Lobo

Isang araw ay nahuli ng Tigre ang isang Lobo sa kasukalan. Kakainin na sana ng
mabangis na Tigre ang kaniyang huli nang itaas ng Lobo ang kaniyang leeg at
nagwikang, Teka, teka. Alam mo bang kaproproklama lamang ng mga Bathala na ako
na raw ngayon ang Hari ng Kagubatan?
Ikaw? Hari ng mga Hayop? hindi makapaniwalang sabi ng Tigre.
Kung hindi ka naniniwala ay sumama ka at maglakad tayo sa buong kagubatan.
Tingnan mo lang kung hindi matakot ang lahat makita lang ako!

Hindi malaman ng Tigre kung paniniwalaan ba o hindi ang tinuran ng Lobo.


Mayabang na lumakad sa harapan ng Tigre ang Lobo. Nang ayain ng Lobo ang Tigreng
umikot sa kagubatan ay napasunod ito.
Malayo pa lamang sa mga Usa ay kumaway-kaway na ang Lobo sa mga hayop na may
mahahabang sungay. Takot na napatakbong papalayo ang mga Usa. Ganoon din ang
naging reaksiyon ng mga Kambing, ng mga Kuneho at ng mga Tsonggo.
Takot ding nagsilayo ang mga Baboydamo at mga Kabayo.
Takang-taka ang Tigre.
Nang magtakbuhan sa sobrang takot ang mga hayop ay mayabang na nagsalita ang
Lobo, Kaibigan, naniniwala ka na bang ako na nga ang Hari ng Kagubatan?
Napansin ng Tigre na kapag lumalapit na silang dalawa sa mga hayop ay lagi at laging
nasa likod niya ang tusong Lobo.
Napag-isip-isip niyang hindi sa Lobo takot ang Usa, ang Kambing at Kuneho. Hindi rin
dahil dito kaya kumaripas ng takbo ang Tsonggo, ang Baboyramo at Kabayo. Nang
manlisik na ang mga mata ng Tigre at magsitayo na ang mga balahibo nito sa galit ay
mabilis pa sa alaskwatrong nagtatakbong papalayo ang takut na takot na Lobo

Sugong Kalapati
Katatapos pa lamang naming maglaro ng basketball noong Biyernes na yaon. Si Karl at Bobby ay kasama kong nakaupo sa harap ng
tindahan ng sarisari ni Mang Lucio at umiinom ng pepsi habang nagpapahinga.
Matamang nag-uusap kami tungkol sa aming malapit nang pagtatapos sa paaralan nang buhat sa madilim na karsada ay may nakita akong
lumalakad na isang matandang lalaki. Pinagmasdan ko siya habang papalapit siya sa kinaroroonan namin. Matangkad siya, mahaba ang
buhok, may balbas at nakasandalyas.
Tumigil siya sa pinto ng tindahan at nang makitang may mga tindang mga figurine sa isang eskaparate, siyay pumasok. Binili niya ang
isang figurine ng kalapating puti. Nang binabayaran niya ito kay Mang Lucio, sumulyap siya sa akin at ngumiti. Ako naman na halos
namamalikmata rin sa pagtitig sa kanya ay napangiti rin.
Nang lumalabas na siya sa tindahan, hindi ko napigil na magtanong, Ginagabi kayo, Tatang, Saan ba kayo pupunta?
Tiningnan niya ako at ang sabi, May pagbibigyan lang ako ng kalapating ito.
Nang makaalis na ang matanda, tinanong ko sa mga kaibigan ko kung nakita nila ang mukha nitong tila kay bait-bait. Wala naman daw
silang napansin di-karaniwan.
Kinabukasan, sapagkat Sabado at walang pasok, tanghali na akong nag-almusal. Biglang may narinig akong kumakatok sa aming pintuan.
Nagulat ako nang makita ko si Tatang pagkabukas ko ng pinto. Pinatuloy ko siya sa kusina at inalok na kumain. Pinagbigyan naman niya
ako, naupo sa harap ko, at kumain.
Naibigay na po ba ninyo ang inyong figurine na binili ninyo? tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ako, John, bakit ka nawalan ng tiwala sa Diyos?
Nagulat ako sa sagot niyang malayo sa tanong ko. Nanginginig ang tinig kong nagtanong, Sino po kayo at alam ninyo ang aking
pangalan? Wala na akong nasabi pa at para akong nanghina at nangamba.
Psychic ako. Nababasa ko ang mga nangyayari sa buhay ng tao kapag tumitingin ako sa mga mata nito. Bakit mo tinalikuran ang Diyos?
Pinilit kong sumagot. Kung mabait po ang Diyos, bakit namatay sa sakuna ang dalawang pinakamamahal ko sa buhay?Tumayo si Tatang.
Anak ko, kapag tapos na ang misyon ng isang tao sa mundo, siyay pinaakyat na sa langit.
Inihatid ko si Tatang sa sasakyan, may pupuntahan daw siya sa kabilang bayan. Bago siya sumakay sa bus, dinukot niya sa bulsa ang
kalapating figurine at iniabot sa akin.
Sa pagbabalik ko sa bahay, inilagay ko ang puting kalapati sa mesa. Umakyat ako sa silid para magbihis. Inisip ko na isasama ko sa aparador
ng mga figurine ang kalapating bigay ni Tatang. Sino nga kaya si Tatang? Hanggang sa sandaling iyon tila naghihinala pa ako na may
kababalaghang nababalot sa katauhan niya.
Pagbaba ko uli wala ang kalapati sa mesang pinaglagyan ko. Hinanap ko ito sa lahat ng dako na sisikdo-sikdo ang dibdib. Tila nga
mahiwaga ang nangyayari, nasabi ko sa sarili.
Napatingin ako sa labas ng bintana at sa sampayan doon, nakita ko ang isang buhay na puting kalapati. Diyos ko, patawarin po ninyo ako,
Diyos ko. Mahal ko po kayo.
Ngayong akoy naririto sa seminaryo, may mga ilan na ring taong napangangaralan ako, mga taong nawawalan ng tiwala sa Diyos. Taospuso ang pagtulong ko sa kanila dahil katulad din nila ako noon.

Bagong Kaibigan

(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)


May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw
akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para
matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang
kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong
kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin.
Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero
hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta
sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan
pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim
ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang
ibat-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya
bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na
maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah!
Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito.
Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang
daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong
bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong
bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap,
ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit
wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking
payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon
ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya
bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya
ay kinalabit na ako ni inay.
Gising na anak, may pasok ka ngayon
Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!

Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at


darating na angschool bus.

SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY


Hoy Inday! Ikuha mo nga ako ng tinapay!

Ibili mo nga ako ng kendi!


Linisin mo nga itong sapatos ko!
Ikuha mo nga ako ng tubig!
Bilis!
Sunud-sunod ang utos ko kay Inday. Siguradong mapapagod siya. Buti nga sa
kanya, kasi nakakainis siya! Lagi na lamang siyang nakikialam sa akin.
Tuwing umaga, di ako makapaglaro agad sa labas kasi, pinipilit pa niya akong
uminom ng gatas, tapos pipilitin ring pakainin ng tinapay. Hindi lang iyon,
kailangan pang maligo muna at kailangan pa raw magsipilyo.
Kailangan mong magsipilyo para di masira ang mga ipen mo. ang laging
sinasabi pa ni Inday.
Sa loob-loob ko, e bakit naman kaya masisira, e buong-buo nga at ang titigas
ng mga ipen ko dahil mana ako sa daddy ko! Nakakainis talaga! Puro daldal si
Inday, daig pa ang mommy ko!
Kapag nakikipaglaro naman na ako ng habulan sa mga kapit-bahay namin, lagi
na lang ako tinatawag ni Inday, para lagyan niya ng pulbos ang katawan ko.
Tapos sasapinan pa niya ng bimpo ang likod ko na lagi namang nahuhulog
kapag nagtatakbuhan na kami ng mga kalaro ko.
Haay naku, istorbo talaga!

At lalo pa akong naiinis dahil kung kailan kasarapan ng laro, saka pa ako
pauuwiin para pakainin na naman. Pipilitin niya akong kumain ng niluto niyang
ulam na laging may mga gulay na nakakasuka naman ang lasa.
Sasabihin pa ni Inday, Masustansya ang gulay kaya kumain ka nang marami
para lumakas ka at di magkasakit.

Ang Batang Maikli Ang Isang Paa


Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya.
Malambot iyon at nakakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri
siya ng kanyang mga magulang sa mahuhusay na mga doctor. Ang
sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw
magiging lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at naawa sakanya ang
mga magulang.
Lumaki si mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang
naging tampulan ng panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.
"O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!" tukso ng mga pilyong bata
kay Mutya.
Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa
panunukso sa kanya. Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki
kasi siya ng kanyang ina na madasalin. Mayroon siyang malaking
pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang
kalagayan nang maluwag sa loob niya.
Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog
siya ng iba't ibang instrumento sa uwido lamang. Marami ang
humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina


ng pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya
ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa
musika ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging
estudyante.
Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang
kilalang piyanista. Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng
Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga siya
sa palasyo ng hari ng Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na siya
tinutukso ngayon. Hindi na pinagtatawanan. Sa halip, siya ay
hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang
pambihirang kakayahan sa pagtugtog.

You might also like