Professional Documents
Culture Documents
Kasaysayan NG Pilipinas
Kasaysayan NG Pilipinas
Sistema ng politika
Kabilang sa sistemang pampolitika na ginamit ng Estados Unidos sa
Pilipinas ay ang tinatawag na "patakaran ng pag-akit" (policy of attraction),
kung kailan inakit ng mga Amerikano ang mga pili na mga Pilipino (ang
mga elite), partikular na ang mga ilustrado (na binansagan bilang "oligarkiya
ng intelihensiya"), na mas nais na makipagtulungan sa Espanya o kaya sa
Estados Unidos dahil hindi nila pinagkatiwalaan ang Katipunan at sila ay
mga rebolusyanoryong nag-aatubili. Kabilang sa mga ito sina Trinidad H.
Pardo de Tavera (isang inapo ng maharlikang Kastila) at Benito
Legarda (isang kapitalista at may-ari ng lupa), na kapwa umayaw sa
pamahalaan ni Emilio Aguinaldo noong 1898 dahil sa hindi pagkakaroon ng
mga kasunduan kay Apolinario Mabini.[3]
Batas Jones
Nagkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng mga panig ng mga Amerikano
at ng mga Pilipino noong maging Gobernador-Heneral ng Pilipinas
si Francis Burton Harrison (1913-21), isang pinuno na inilarawan bilang
isang "monarkang pangkonstitusyon" na namamahala ng "pamahalaan ng
mga Pilipino". Naging liberal si Woodrow Wilson, na nasa ilalim ng
Democratic Party (Partido Demokratiko), sa pakikitungo sa mga Pilipino.
Noong 1913, nagtalaga si Wilson ng 5 mga Pilipinas bilang miyembro ng
pambatas na Komisyong Pilipino (unang pagkakataon na nasa mayorya
ang bilang ng mga Pilipino sa nasabing Komisyon). Isinakatuparan ni
Harrison ang Pilipinisasyon ng serbisyo sibil, na mas dumami ang bilang ng
mga Pilipinong opisyal ng pamahalaan kaysa sa dami ng mga Amerikano.
Sa panahong ito, nangingibabaw ang Nacionalista Party ng mga Pilipino.[4]
Noong 1916, ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos ang Batas Jones
(Jones Act), ang pangalawang organikong batas na may kaugnayan sa
Pilipinas, at pumalit sa Batas na Organiko ng 1902. Isinasaad dito na may
layunin ang Estados Unidos na palayain ang Pilipinas kapag nakapagtatag
na ito ng isang matatag na pamahalaan. Napalitan ng Senado ng Pilipinas
ang Komisyon ng Pilipinas sa pagganap bilang Mataas na Kapulungan na
pambatas. Ang Mababang Kapulungan ay pinalitan naman ang pangalan
upang maging Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives).
Dahil sa Batas Jones, ang sangay na lehislatibo o pambatas ng
pamahalaan ay napunta sa kontrol o pagtaban ng mga Pilipino, bagaman
ang mga hukom ng Korte Suprema (Kataastaasang Hukuman) ay
nananatiling mga Amerikano.
Mula 1921 hanggang 1927, ang naging kapalit ni Wilson bilang
Gobernador-Heneral ng Pilipinas ay si Heneral Leonard Wood, isang pinuno
na hindi naniniwala na dapat lisanin ng Estados Unidos ang Pilipinas dahil
sa mga interes ng Estados Unidos sa pook ng kanlurang Pasipiko. Hindi
katulad ni Wilson, ginamit ni Wood ang kaniyang kapangyarihan sa
paggamit ng veto (pagtutol) na umabot sa 126 na mga ulit sa loob ng
Sampamahalaan ng Pilipinas
Noong 1935, dahil sa isang lehislasyon na ipinasa ng Konggreso ng
Estados Unidos noong 1934, nailunsad ang
pagiging Sampamahalaan o Komonwelt ng Pilipinas.