You are on page 1of 2

4th National Meet, nilahukan

TEACHERS CAMP, BAGUIO CITY dito ay aktibong nakilahok ang mga SSG
Officers ng Mataas na Paaralan ng Harvard sa naganap na 4 th National Leadership
Training for SSG/SPG Officers and Advisers noong ika-17 hanggang 18 ng Oktubre,
2016.

Mula sa ibat ibang panig ng bansa, nagsama-sama ang mga pinuno para sa
leadership training kung saan sila tinuruan ng mga konsepto, tips, at pamamaraan
patungkol sa pagiging isang pinuno.

Sa kanilang unang araw ng pag-eensayo, silay nagkaroon ng mga laro at


tinalakay sa kanila kung ano ang pagiging isang servant leader. "All of us have the
capability to lead but not all of us have the passion to lead," isa sa mga linyang
sinabi ng speaker. Nagturo rin sya ng mga cheers at yells para panatiling aktibo ang
mga tagapakinig.

Hindi man natuloy ang pangalawang araw dulot ng Bagyong Karen, Masaya
ako dahil marami akong natutunan sa pagiging isang lider kung saan pwede kong
gamitin para sa hinaharap, tinig ni Ali, isang awditor.

Transforming School Leaders to fit in the 21st Century Generation ito ang
naging tema ng programa. Sa pang-apat na taon ng training na ito, patuloy pa rin
ang PCPA sa pag-aabot ng kanilang maitutulong para sa ikabubuti ng mga lider ng
ating bansa.

You might also like