You are on page 1of 2

Balita tungkol sa Ipinagbabawal na gamot(Drugs)

DUTERTE HINDI TITIGIL SA PAGSUGPO SA DROGA


Ni: Joyce Jimenez (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 25, 2016 - 5:47pm

MANILA, Philippines Hindi nawaglit sa unang State of the Nation Adress (SONA)
ni Presidente Rodrigo Duterte ang isyu ng droga.

Sa kanyang talumpati kanyang pinagdiinang hindi titigil ang kanyang administrasyon na


sugpuin ang problema sa droga.

Paalala niya pa sa hanay ng kapulisan: "Double your efforts. Triple them is needed."

Dagdag pa niya, "we will not stop until the last drug lord, the last financier or the last
pusher were put behind the bars."

Nagbigay rin siya ng babala sa mga miyembro ng kapulisan na may kinalaman sa isyu ng
droga na sila'y mananagot sa batas.

At kasabay nito'y ang paalala niya sa publiko na huwag tangkilikin ang droga.

Rehabilitasyon

Samantala, dahil sa kakulangan sa pasilidad para sa rehabilitasyon ng mga sumukong


gumagamit ng droga, sinabi ni Duterte sa kanyang SONA na gagamitin ang kampo ng Armed
Forces of the Philippines para rito.

Kasabay nito'y ang pagpapagawa ng karagdagang rehabilitation centers upang mas


masuportahan ang rehabilitasyon ng mga sumukong gumagamit ng droga.

Pinaalalahanan niya rin ang mga sumasamantala sa usapin ng human rights upang
maabsuwleto sa paglabas sa batas.

Ani Duterte, "human rights must work to uplift the human dignity. But human rights
cannot bee used as an excuse to destroy the countryyour country and my country."

Pahina 2
Balita tungkol sa Ipinagbabawal na gamot(Drugs)

*http://www.philstar.com/bansa/2016/07/25/1606504/duterte-hindi-titigil-sa-pagsugpo-sa-droga

Pahina 2

You might also like