You are on page 1of 4

Everyday Law

"PWEDE KA BANG MAGREHISTRO NG IKALAWANG LATE BIRTH CERTIFICATE


KUNG MAY MALI SA UNA MONG BIRTH CERTIFICATE?"

ANG PAGSILANG NG ISANG TAO AY KAILANGAN NA IPAREHISTRO ANG BIRTH


CERTIFICATE SA LOOB NG 30 DAYS SIMULA NG KAPANGANAKAN AYON SA
BATAS AT KUNG HINDI ITO NAGAWA SA TAKDANG ORAS, ITO AY MASASABI
NATIN NA DELAYED O LATE REGISTRATION. ANG ISANG TAO AY HINDI
PINAHIHINTULUTAN NA MAGREHISTRO NG IKALAWANG BIRTH CERTIFICATE
KUNG ANG UNANG BIRTH CERTIFICATE AY MAY KAMALIAN DAHIL ANG
REMEDYO DITO AY ANG PAGCORRECT SA LOCAL CIVIL REGISTRAR KUNG
TYPHOGRAPHICAL ERROR UNDER REPUBLIC ACT NO. 9084 AT 10172 AT KUNG
ITO AY MGA SUBSTANTIAL ERROR SA BIRTH CERTIFICATE KATULAD NG FIRST
NAME O SURNAME (EXAMPLE: "JOSE" TO "GEORGE"), NATIONALITY, NAME OF
FATHER OR MOTHER, DATE/PLACE OF MARRIAGE, YEAR OF BIRTH AT IBA PA AY
KAILANGAN DUMAAN SA PETITION FOR CORRECTION SA KORTE UNDER RULE
108 NG RULES OF COURT.

KUNG NADOBLE ANG BIRTH CERTIFICATE NG ISANG TAO, ANG BIRTH


CERTIFICATE NA MALI AY DAPAT IPAKANSELA DIN SA KORTE UNDER RULE 108
NG RULES OF COURT DAHIL HINDI MAHIHIRAPAN ANG NASABING TAO SA PAG-
AAYOS NG PAPELES SA GOBYERNO KUNG MAY DALAWA SIYANG BIRTH
CERTIFICATE KATULAD NG SA PAGKUHA NG PASSPORT, SSS CLAIMS AT IBA PA.

Akala natin na ang pagrerehistro ng birth certificate sa National Statistics


Office (NSO) na ngayon ay kilalang Philippine Statistical Authority ay
simpleng bagay lamang na pwede kang magrehistro ng ilang beses kung mali
ang naunang rehistro ng birth certificate. May nagtanong sa E-Lawyers Online
ng ganito:

"Attorney! 1987 po ako born. Simula po ng pagkabata ko ay kilala na akong


Reynaldo at ito pong name na ito ay gamit ko hanggang ako ay mag-aral at
magtrabaho. Nang kukuha na po ako ng passport para mag-abroad, nakita ko
sa birth certificate ko na ang nakarehistrong name ko ay "Ramiro" at hindi
"Reynaldo" at may iba pang mali sa rehistro ko. Dahil nagmamadali po ako,
nagpa late-register ako sa NSO ng ikalawang birth certificate na ang name ko
po ay "Reynaldo". kaso pagbalik ko sa DFA ay hindi naprocess ang passport
ko dahil dalawa daw ang birth certificate ko at kailangan muna na ipakansela
ang isa dito. Tama po ba ito?"

Mali ang ginawa ni Reynaldo dahil hindi siya allowed na magkaroon ng


dalawang birth certificate. Ang unang birth certificate ang controlling at
dapat sundin at kung may mali man dito, ito ay dapat ipacorrect ng naayon
sa batas. Presidential Decree No. 766 amended P.D. No. 651 only allows
special late registration by extending the period of registration up to 31
December 1975. P.D. No. 651, as amended, provided for special registration
within a specified period to address the problem of under-registration of
births as well as deaths. It allowed, without fine or fee of any kind, the late
registration of births and deaths occurring within the period starting from 1
January 1974 up to the date when the decree became effective. As a general
law, Act No. 3753 applies to the registration of all births, not otherwise
covered by P.D. No. 651, as amended, occurring from 27 February 1931
onwards. Considering na 1987 siya pinanganak, National Census Statistics
Office (NCSO) Administrative Order No. 1, Series of 1983 governs the
implementation of Act No. 3753. Under NCSO A.O. No. 1-83, the birth of a
child shall be registered in the office of the local civil registrar within 30 days
from the time of birth. Any report of birth made beyond the reglementary
period is considered delayed. The local civil registrar, upon receiving an
application for delayed registration of birth, is required to publicly post for at
least ten days a notice of the pending application for delayed registration.
[16] If after ten days no one opposes the registration and the local civil
registrar is convinced beyond doubt that the birth should be registered, he
should register the same.

Hindi masasabing late registered ang birth ni Reynaldo dahil meron siyang
unang birth certificate. Dapat ang ginawa niya ay nagfile siya ng Petition for
Change of Name para sa maling name niya o kaya ay correction of entry.
Ayon sa Art. 376 ng New Civil Code of the Philippines ay nagsasabi na "no
person can change his name or surname without judicial authority". A
proseso sa pagpapalit ng pangalan o apelyido na may permiso ng korte ay
nasa Rule 103 of the Revised Rules of Court. Under Sec. 1 of said rule: "a
person desiring to change his name shall present the petition to the Court of
First Instance of the province (now RTC) in which he resides, or in the City of
Manila, to the Juvenile and Domestic Relations Court." Meron tayo bagong
batas na Republic Act No. 9084 at 10172 tungkol dito ngunit hindi lahat ng
mali o error sa entry sa birth certificate ay pwede nang ipa-correct sa Local
Civil Registrar. Kailangan muna alamin kung anong klaseng mali o error ang
nasa birth certificate upang malamang kung ano ang tamang proseso para sa
pag-correct nito dahil meron tayo dalawang proseso (1) Administrative
Summary Correction sa Local Civil Registrar; at (2) Judicial Correction of Entry
sa Regional Trial Court.

As a general rule, lahat ng mali o error na entry sa birth certificate ay dapat i-


correct sa pamamagitan ng petition for correction entry sa Regional Trial
Court na sumasakop sa Local Civil Registry kung saan nakarehistro ang birth
certificate ayon sa Article 412 ng Civil Code na nagsasabi "No entry in a civil
register shall be charged or corrected, without a judicial order." Ang
procedure para sa pagko-correct ng mali o error na entry sa birth certificate
ay nasa Rule 108 ng Rules of Court. By way of an exception, ang
typhographical error o clerical error sa name or surname na nakalagay sa
birth certificate ay pwede nang i-correct ng summary procedure sa Local Civil
Registry at hindi na kailangan mag-file pa ng petition sa korte under R.A.
9048.

Ganun din, under Republic Act No. 10172, ang error o mali sa gender o
kasarian (Example: Ang "Male" ay naging "Female" sa birth certificate at ang
"Female" ay naging "Male") at ang error sa birthday (covered lang nito ang
Day at Month na error) sa birth certificate ay pwede nang ayusin at i-correct
sa Local Civil Registrar na hindi dadaan ng korte ayon sa Section 5 ng
Republic Act 10172. Sa proseso ng Administrative Summary Correction sa
Local Civil Registrar, ang pagcorrect ay madali dahil ito ay magfile lamang ng
petition, magsubmit lamang ng documents na required at ipa-publish ito ay
pwede nang mag-issue ng correction ang local civil registrar.

Kung ang ang error ay hindi typhographical error o clerical error sa name or
surname, o clear error sa gender/kasarian o birthday or birth month, at ang
error ay substantial katulad ng error sa name o surname, name of father and
mother, year of birth, place of birth, date and place of marriage, nationality of
the child or father or mother at iba pa, ang mga ito ay hindi pwedeng ipa-
correct sa local civil registrar at kailangan na dumaan sa proseso ng
correction of entry sa korte. Sa prosesong ito, kailangan ng
applicant/petitioner na magfile ng petition sa korte, ipa-publish ang petition
sa newspaper at patunayan ng evidence sa korte na mali ang entry at
kailangan itama at saka lamang magdesisyon ang korte na i-correct ang
entry.
Upang makansela ang ikalawang birth certificate, kailangan din na dumaan
ito sa proseso sa korte under Rule 108 ng Rules of Court.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa dalawang proseso (1) Administrative


Summary Correction sa Local Civil Registrar; at (2) Judicial Correction of Entry
sa Regional Trial Court, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link
http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-


Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and
clearly indicated.

You might also like