You are on page 1of 1

Mga mag-aaral ng NLNCHS, lumahok sa YES-O Division Science Camp 2014

ni: Rubie Joy C. Cahong


8-SPSTE

Dumalo ang 64 mag-aaral ng New Lucena


National Comprehensive High
School (NLNCHS) sa YES-O
Division Science Camp 2014 na
ginanap sa Santa Barbara National
Comprehensive High School
(SBNCHS), Santa Barbara, Iloilo,
Setyembre 5-7.

Ang tema ng kamp sa taong ito


ay Innovating, Intensifying Together
Towards a Green, Clean and Safe
Community kung saan binibigyang-
pokus ang pagpapahalaga sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagkakaisa at
pagtutulungan ng bawat isa.

Nagsimula ang nasabing kamp sa isang palatuntunan kung saan ipinakilala


ang bawat paaralang dumalo mula sa limang distrito. Nagbigay ng mensahe ang
principal ng SBNCHS at ang mga panauhing pandangal sa programa na tumalakay
ng mga bagay kaugnay sa tema upang mas maging makabuluhan ang tatlong araw
na pananatili sa kamp.

Nagkaroon ng ibat ibang aktibidad, kompetisyon at mga programa sa mga


sumunod na mga araw na nagbigay ng mga dagdag na kaalaman, motibasyon at
aliw sa mga kalahok. Nagkaroon din ng palatuntunang Search for Mr. and Ms.
Science Camp 2014 na naging highlight sa gabing iyon.

Nagtapos ang kamp sa isang panapos na palatuntunan kung saan nagbigay


ng mensahe si G. Reynaldo Gico, Schools Division Superintendent, sa
matagumpay na pagganap ng kamp at isapuso at pahalagahan ang mga natutunan
mula dito.

Ang mga tagapayo ng NLNCHS sa asignaturang Science ay sina Bb. Mary


Luz Peollo, Gng. Mercy Arcenal, Gng. Juliet Somodio at G. Cristie Sumbilla.

You might also like