Professional Documents
Culture Documents
Akong Bahala
Akong Bahala
Hinagkan ni Drew ang nobya upang patahanin. "Tahan na, ako'ng bahala.
Matulog ka na, may aasikasuhin lang ako."
Umalis si Drew nang tumawag naman si Yna kay Fe. "Kumusta ang dare
namin sa'yo? Anong reaksyon niya?" Tanong ni Yna.
"Hinagkan niya lang ako tapos siya lang daw bahala, ewan. Kakaalis nga lang
kasi may aasikasuhin. Parang wala siyang pake." Padabog na sagot ni Fe.
Ilang oras ang nakalipas, bumalik si Drew. Iba na ang suot na damit. "Tara
babe, tulog na tayo."
"Fe, pinatay si Mark. Pinutulan siya ng ari tapos ginilitan sa leeg." Nanginig
ang katawan ni Fe at napatingin kay Drew.