You are on page 1of 4

Aurelio, Maria Maridel B.

7 Pebrero 2017
2013-19729 PI 100
Rizal sa Dapitan
Pagbubuod

Umiikot ang pelikula sa buhay ni Rizal nang siya ay ipatapon sa Dapitan. Habang
naroon, siya ay nagsilbing doktor at guro sa mga lokal at pati na rin sa mga kabataang
hindi mapag-aral ng kanilang mga magulang. Libre ang ginawa niyang panggagamot at
paguturo. Ginamot din ni Rizal ang kanyang ina nang tumira siya sa Dapitan. Maliban dito,
ginugol din ni Rizal ang kanyang oras sa pagtatanim ng lanzones, mangga, kape, cacao, at
iba pa. Isa rin siyang inhinyero at gumawa ng mga kawayang tubo kung saan dumadaloy
ang tubig mula sa sapa papunta sa kanyang mga pananim. Nagtayo rin siya ng isang
kumpanya na bumibili at nagbebenta ng abaka. Makikita sa pelikula na hinahangan ng mga
tao sa Dapitan si Rizal. Itinuturing siyang pantas, at sinasabi ng mga magulang na isang
karangalan para sa kanila na turuan ni Rizal ang kanilang mga anak.
Hindi lamang sa mga lokal ng Dapitan nakilala ang husay ni Rizal sa panggagamot.
Habang nasa Dapitan ay nakilala ni Rizal si Josephine Bracken nang samahan nito ang ama-
amahan na ipatingin ang mga mata kay Rizal. Ipinakita sa pelikula ang kwento ng kanilang
pag-ibig pati na rin ang masaklap na pagkamatay ng kanyang anak na ipunagbubuntis pa
lamang ni Bracken.
Isang inspirasyon si Rizal. Hindi siya nahiwalay sa mga isyu ng lipunan kahit na
ipinatapon siya sa Dapitan. Itinatag ang KKK noong araw na lumabas ang balitang
ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Layunin nitong makamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng
armadong rebolusyon. Kasama ang isang bulag ay nagpanggap si Pio Valenzuela na
ipapakonsulta ito upang kausapin at hingan ng payo si Rizal sa dapat na gawin ng
samahan. Ayon kay Pio Valenzuela, si Rizal ang kinikilala nilang inspirasyon. Ang KKK ay
bunga nga mga libro ni Rizal. Makikita na pinapahalagahan ang mga payo ni Rizal tungkol
sa isang pinaplanong digmaan. Ang kanyang payo ay intinuturing na lambat upang hindi
mahulog sa bangin ng tiyak na kamatayan ang taong-bayan. Ayon sa kanya ay hindi pa
handa ang bayan para sa isang rebolusyon at nangangailangan ang KKK ng tulong mula sa
mga mayayaman at may pinag-aralan upang makabuo ng isang disiplinadong hukbo.
Naging makabuluhan ang apat na taong pamamalagi ni Rizal sa Dapitan. Sa aking
opinyon ay maituturing siyang bayani dahil sa pagtulong niya sa mga lokal ng Dapitan
bilang isang doktor at guro. Nagtapos ang pelikula sa paghatid ng mga lokal kay Rizal nang
paalis na siya papunta sa Cuba. Mapapansing malungkot na kanta ang ipinatugtog ng
banda habang pasakay na siya ng bangka. Makikita rito ang paghanga at pagmamahal ng
mga tao kay Rizal.
Sa panonood ng pelikula ay napansin kong ipinakilala ang Rizal ng nakilala na natin--
makabayan at nagnanais na palayain ang Pilipinas ngunit hindi sa pamamaraan ng isang
rebolusyon. Sa panonood ng pelikula ay maaaring ituring na duwag na bayani si Rizal dahil
sa kanyang pananahimik. Gayunpaman, masasabi kong nagpamalas pa rin siya ng
kabayanihan at katapangan. Hindi karuwagan ang hindi niya pagtakas. Ipinakita niya ang
kanyang pagka-marangal sa pamamagitan ng pangako sa gobyerno na siya tatakas.
Ipinasa niya ang kanyang kaalaman sa mga kabataan ng Dapitan. Tinuruan niya ang mga
ito na maging matalino at matapang. Pinaunlad niya ang buhay ang buhay ng mga taga-
Dapitan sa simple at malayang paraan. Ipinakita niya ang katapangan nang hindi siya
nawalan ng pag-asa kahit na siya ay nakakulong. Sa kanyang pag-alis ay may iniwan
naman siyang karunungan at kalinangan sa bayan ng Dapitan.
Aurelio, Maria Maridel B. 7 Pebrero 2017
2013-19729 PI 100

Rizal: Buhay ng Isang Bayani


Outline
I. Kabataan
a) Mga Hilig
i. Mahilig siyang magpinta ng mga hayop at bulaklak gamit ang katas ng ibat
ibang halaman at paghubog ng mga pigurin at busto.
b) Edukasyon
i. Ang ina ni Rizal, si Dona Lolay, ang nagsilbing unang guro ni Rizal. Isa siyang
matematika at magaling mag-Espanyol.
ii. Primarya: Noong siya ay siyam na taong gulang, nag-aral siya sa Binan.
iii. Sekondarya at Kolehiyo: Ateneo Municipal (Bachelier en Artes, Land
Surveying), Unibersidad ng Santo Tomas (Pilosopiya, Medisina)
II. Paglalakbay
a) Espanya
i. Habang nasa Barcelona, nagsulat siya ng mga artikulo para sa Diariong
Tagalog.
ii. Nagpatala siya sa Kolehiyo ng Pilosopiya at Letras at Kolehiyo ng Medisina sa
Madrid. Sumapi rin siya sa Circulo Espano Filipino.
b) Paris
c) Germany
i. Nagtungo siya sa Haildelberg, Germany upang magsanay sa klinika ni Otto
Becker. Ipinagbuti rin niya ang paggamit ng wikang Aleman.
ii. Habang nandito ay naging kaibigan niya si Blumentritt na paglaon ay kanyang
naging ama-amahan, tagapayo, tapagtanggol, at taga-hanga ni Rizal.
d) Pilipinas
i. Naging kontrobersyal ang nobela ni Rizal. Siniraan siya ng mga prayle at
pinagkalat na isang espiya o mason.
e) Japan
f) Amerika
g) Inglatera
i. Natagpuan niya ang isang libro na sinulat ni Antonio Morga, na naglalaman ng
ebidensyang may sibilisasyon sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila.
ii. Naging aktibo siya sa La Solidaridad. Karaniwang tema ng kanyang mga
artikulo ay ang pagtatanggol sa kultura at pagktao ng mga Pilipino at
karapatan ng mga Pilipino bilang lehitimong mamamayan ng Espanya.
III. Mga Trahedya
a) Nabilanggo ang ina ni Rizal sa loob ng higit dalawang taon nang paratangang
kasabwat siya sa tangkang paglason sa kanyang hipag. Dahil dito ay nawalan siya
ng tiwala sa pakikipag-kaibigan.
b) Pinalayas ang kanilang pamilya sa kanilang tirahan, kinamkam ang kanilang mga
ari-arian, at ipinatapon ang kapatid niyang si Paciano sa Mindoro.
c) Nagkaroon ng intriga sa pagitan nila ni Marcelo Del Pilar, at dinamdam niya ang
pamamahiya sa kanya sa eleksyon ng pinuno ng mga Pilipino sa Espanya
d) Nagpakasal sa isang Ingles si Leonor Rivera.
e) Pinagkaitan sila ni Josephine Bracken ng kasal.
IV. Pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan
a) Naging guro at doktor si Rizal sa mga lokal ng Dapitan.
b) Nakadiskubre siya ng bagong species ng palaka at insekto na ipinangalan sa kanya.
c) Nakilala niya si Josephine Bracken at nahulog sila sa isat isa.
V. Kamatayan
Aurelio, Maria Maridel B. 7 Pebrero 2017
2013-19729 PI 100
a) Hinatulan siya ng kamatayan sa salang rebelyon at pagbubuo ng mga ilegal na
samahan.
Bayaning Third World
Critique

Ang Bayaning Third World ay isang pelikula tungkol sa paggawa ng pelikula tungkol sa
buhay ni Jose Rizal. Pinamagatang Bayaning Third World ang pelikula dahil marupok si
Rizal, third class ang pagkabayani, at hindi cinematic ang kanyang buhay. Nabanggit na
noong namatay si Rizal ay nag-unahan ang mga filmmakers na gumawa ng pelikula tungkol
sa kanya, ngunit ang isa ay piniling isentro ang kanyang pelikula sa pinaka-exciting na
yugto ng kanyang buhay--kamatayan. Marahil ngay hindi cinematic dahil hinidi maaksyon,
ngunit tunay na nakakaintriga ang kanyang buhay. Maraming tanong ang tinalakay sa
pelikula. Ilan dito ay kung inspirasyon o panggulo ba si Josephine; kung namatay bang
Katoliko si Rizal; kung binawi nga ba talaga niya ang mga isinulat tungkol sa mga Kastila.
Marahil ngay marupok dahil sa isyu na papayag siyang lagdaan ang kanyang kasulatan ng
retraksyon kung papayagang maikasal kay Josephine.
Sa aking obserbasyon, mas malalim ang naging pagtalakay sa buhay ni Rizal. Sa layong
gawing detective story tungkol sa pagkabayani ni Rizal ang ginagawa nilang pelikula,
natuklas ng dalawang filmmakers si Rizal bilang isang anak, kapatid, at mangingibig. Iba ito
sa naunang dalawang pelikula-- Rizal sa Dapitan at Rizal: Buhay ng Isang Bayani-- na
nakapokus sa iisang yugto ng buhay ni Rizal o di kayay sa stereotypical na diskusyon ng
kanyang pagkabayani. Totoong nakakaintriga ang ilan sa kanilang mga tanong tulad ng
retraction issue at ang relasyon niya kay Josephine Bracken. Higit pa itong naging
nakakaaliw dahil sa dalawang magkaibang pagtingin o hinuha ng filmmamkers sa ugali ng
pamilya ni Rizal.
Sa aking opinyon ay hindi pang-third class ang pagka-bayani ni Rizal. Malaki ang
naging impluwensya ng kanyang mga akda sa mga Pilipino. Napatunayan niyang hindi
nangangailangan ng marahas na digmaan upang labanan ang mga Kastila. Sa pamamagitan
ng kanyang mga akda, binuksan niya ang mga mata ng mga Pilipino sa pang-aapi ng mga
Kastila. Naging inspirasyon din ito upang mag-alsa ang mga Pilipino. Maaari ngang
karupukan ang pagtingin sa pagpayag na mag-retract para lang maikasal, ngunit sa isang
banda ay maaaring patunay ito na tao rin lamang si Rizal na kayang magmahal at
magsakripisyo para sa kanyang mga mahal sa buhay. Kung hindi naman totoong nag-
retract siya, patunay ito ng pagmamahal ni Rizal sa Pilipinas. Mapapansing ginugol niya ang
kanyang buhay sa pagsusulong sa mga repormang makakatulong sa Pilipinas, pati na rin sa
pagtatanggol sa kultura ng mga Pilipino. Sa pelikulang ito ko rin napagtanto kung bakit si
Rizal ang nakaukit sa piso. Maituturing mang nabago ni Rizal ang Dapitan sa munti niyang
paraan, marami naman siyang natulungan. Tulad ng kulang na pamasahe kung walang piso,
kulang ang ating kasaysayan at pagkakakilanlan kung wala si Rizal.
Aurelio, Maria Maridel B. 7 Pebrero 2017
2013-19729 PI 100

You might also like