You are on page 1of 1

Ang korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensiya ng

mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang
saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

Sa panulaan, ang isang saknong, taludtod, o taludturan ay isang yunit na nasa loob ng isang mas
malaking tula. Sa panulaang moderno, ang kataga ay madalas na katumbas ng istropa; sa popular
na musikang may tinig, ang isang saknong ay karaniwang tumutukoy sa isang "berso" (kaiba mula
sa "koro"). Ang saknong ay binubuo ng isang pagpapangkat ng dalawa o mas marami pang mga
guhit ng salita o linya ng mga salita na tinatawag na mga taludtod o taludturan, na may mga patlang,
na karaniwang mayroong isang nakatakdang padron ng metro at tugmaan. Ang saknong sa
panulaan ay kahuwad o kahawig ng talata na nakikita sa prosa o tuluyan, kung saan ang
magkakaugnay na mga kaisipan ay pinagpangkat-pangkat upang maging mga yunit. [1]

You might also like