You are on page 1of 7

Layunin:

Ang aming pamanahunang papel ay may layunin mag-bigay ng kaalaman sa mga mambabasa na
ang malnutrisyon ay tuluyang kumakalat sa ating bansa at ito ay may malaking epekto sa paglikha ng
ating lipunan ng mga makalidad na tao. Nilalayon ng aming pangkat na maglahad ng mga datos upang
mapatunayan na hindi dapat magsawalang bahala sa ganitong isyu at kailangan ng agaran na solusyon
dahil ito ay palala ng palala na nagdudulot ng epekto sa ating ekonomiya at kumakalat sa ibat ibang
sulok ng ating bansa na parang isang edidemyang nakakamatay. Nais naming ipamahagi ang mga
nakalap naming mga impormasyon upang mas maging pamilyar ang mga tao sa mga sintomas ng
malnutrisyon. Nais rin naming manghikayat ng mga mambabasa na tumulong sa pagkalat ng mga
impormasyon na ito at gumawa din ng kanilang sariling pag-aaral ukol dito.

Introduksyon:

Alam naman natin na ang Pilipinas ay isa sa mga mahihirap na bansa. Dahil rito maraming
problema angating hinaharap. Maraming pamilya ang naghihirap dahil sa ekonomiya ng ating bansa at
dito na nagsisimula angmga problema na hindi natin maiiwasan. At isa dito ang problema ng
Malnutrisyon.
Ang malnutrisyon ay isang kalagayan kung saan ang ating katawan ay hindi
nakakakuha ngsapat na bitamina, mineral at sustansyaupang mapanatili ang kalusugan ng ating katawan.
Taliwas sa kaalamanng karamihan, hindi lamang ang mga taong hindi nakakain ng madalas ang
nakakaranas ng malnutrisyon, maaridin makaranas ng ganitong kalagayan ang mga taong may sapat
ngang pagkain ngunit walang sapat nabitamina, mineral at sustansya.

I. Panimula

A. Ang Malnutrisyon

Ang malnutrisyon ay nagaganap kapag ang katawan ng tao ay hindi nakakukuha nang sapat na
sustansiyang kinakailangan nito upang makaligtas sa mga sakit at mabuhay nang malusog.

Sinasabing ang isang tao na napakahina kumain o maliit lamang na porsiyento kung kumain ay
matatawag na malnourished. Ngunit ang isang tao na malabis namang kumain ay matatawag ding
malnourished kahit na kumakain siya ng tamang pagkain.

B. Ang epekto ng Malnutrisyon sa ating katawan


Ang malabis na pagkain ay siyang nagiging sanhi nang pagdadagdag ng sobrang kaloriya.
Subalit ang kaloriyang ito ay kinakailangan naman para sa normal na takbo ng buhay sa araw-araw
upang masustinihan ang tamang paglaki at takbo ng sistema ng katawan, Sinasabing ang sobrang
kaloriya ay naiimbak bilang fats.

Sa gayon, ang ang isang taong sobra ang kaloriya sa katawan ay nadaragdagan ang timbang, ang
kanyang mga kilos ay tumatagal at bumabagal, ang metabolismo ng kanyang katawan ay higit na
apektado, at siya mismo sa kanyang sarili ay mahihirapang gumawa ng mga bagay na gaya nang
simpleng pag-eehersisyo.

Ang isang taong napakataba, hababg nadaragdagan ang kanyang edad ay nahaharap din sa
malaking panganib dahil sa posibilidad na maaari siyang magkaroon ng mga pagkakasakit na gaya ng
mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, diabetes o hindi maginhawang paghinga.

C. Mga palatandaan ng Malnutrisyon

Paano ninyo malalaman kung ang inyong anak o sinuman na inyong kasambahay ay isang
malnourished? Tingnan kung alinman sa mga sumusunod ang kanyang manipestasyon:

Nagbabawas siya ng timbang.


Mahirap siyang kumain, at malimit walang gana.
Mukha siyang palaging pagod at nanghihina.
Hindi siya mapagkatulog o hindi siya masarap na
matulog.
Siya ay namumutla
May pagsusugat na nakikita sa mga gilid ng labi.
Malabo ang kaniyang paningin, lalo sa mga lugar na medyo madilim.

D. Ang ibat ibang anyo ng Malnutrisyon

Malalang anyo:
Marasmus. Ito ay sanhi ng kakulangan ng kaloriya sa katawan o nang hindi sapat na bilang o
dami ng kinakain. Sinasabing ang marasmus ay karaniwan nang nararasanan ng mga batang nasa
mga mahihirap at under-developed na mga bansa. Ang pasyente ng marasmus ay nagiging buto
at balat. Nagiging kamukha siya ng isang matandang tao na mayroong natutuyo at
nangungulubot na mukha. Kinakailangang dalhin agad sa pinakamalapit na ospital ang pasyente
upang mabigyan ng sapat na diyagnosis at tulong-medikal. Ipinapayo rin ang pagbibigay sa
kanya ng cereals, kamote, patatas, karne, isda, gatas, peas, beans, asukal, at maberde at madilaw
na gulay.

Kwashiorkor. Ang pinagmumulan nito ay ang malabis na kakulangan sa protina. Tinatayang


maaaring makita ang mga palatandaan ng kwashiorkor kahit na ang isang bata ay nakakukuha
naman ng sapat na kaloriya mula sa mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya. Ang mga sintomas
nito ay ang pamamaga ng mukha, mga braso at binti, nangungulubot na balat na mayroong taba,
buhok na nagiging manipis, nababansot, at mahinang resistensiya laban sa impeksyon.
Kinakailangang dalhin agad sa pinakamalapit na ospital ang biktima upang mabigyan ng
nararapat na atensyong medikal. Ipinapayo rin ang pagbibigay sa kanya ng mga pagkaing
mayaman sa protina na gaya ng gatas, isda, karne, manok, itlog, stringbeans, at mongo beans.

Xerophthalmia. Ang pinagmumulan nito ay ang kakulangan sa Bitamina A at tinatayang


maaaring pagmulan ng pagiging bulag Kapag may nakitang ganitong palatandaan sa pasyente ay
kinakailangang dalhin agad ito sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng atensyong
medikal. Ipinapayo din ang pagbibigay sa pasyente ng maberde at madahong gulay na gaya ng
kangkong, alugbati, ampalaya, yam at dahon ng malunggay at madidilaw na gulay gaya ng
kalabasa, carrots, at atay, pula ng itlog at gatas.

Iba pang anyo:

Anemia. Ang sanhi nito ay ang kakulangan sa iron. Ang mga palatandaan ng anemia ay
pamumutla, malabis na pagkahapo o pagkapagod, at panghihina ng katawan, Kinakailangan ang
kumunsulta sa health worker at bigyan ang pasyente ng atay, itlog, mabeberde at madidilaw na
gulay.
Goiter. Ito ay sanhi ng kakulangan sa iodine.
Ang palatandaan ay ang paglaki ng thyroid gland
sa may leeg. Ito ang gland na kumokontrol sa
metabolismo ng katawan, pagbubuo ng utak at
iba pang organs at bahagi ng katawan. Matapos
humingi ng tulong-medikal, bigyan ang pasyente
ng mga pagkaing gaya ng seafoods, isda, shell
meat, at seaweeds.
Samahan ng iodized salt ang pagkain ng
pasyente. Mapino ang asin na ito na may
kasamang iodine.

II. Katawan (Batay sa sariling obserbasyon)

A. Porsyento at ang lumalalang Malnutrisyon sa bansa.


Sa ngayon, ang Pilipinas ay may dalawang mukha ng malnutrisyon: ang kakulangan sa nutrisyon
o malnutrisyon at ang sobra sa nutrisyon o mas kilalang obesity.

Kung pagbabasehan ang pinakahuling pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute ng
Department of Science and Technology (FNRI-DOST), ang kalagayang pang-nutrisyon ng mga batang
Pilipino na 0-5 taong gulang base sa timbang ay tumaas ng kaunti mula 24.6 porsiyento noong 2005, ito
ay naging 26.2 porsiyento nitong 2008.

Tumaas ang porsiyento ng mga batang Pilipino, edad anim hanggang sampung taon na kulang sa
timbang mula 22.8 porsiyento noong 2003, ito ay nagging 25.6 porsiyento nitong 2008.

Ang porsiyento ng mga batang 0-5 taong gulang na sobra sa timbang o obese ay nanatili sa 2.0
porsiyento mula 2003 hanggang 2008.

Gayundin, ang porsiyento ng mga batang anim hanggang sampung taong gulang na sobra sa
timbang ay nanatiling walang pagbabago sa 1.6 porsiyento mula 2003 hanggang 2008.

Tumaas o bumaba man ang porsiyento ng malnutrisyon sa Pilipinas, ang resulta ng pag-aaral na
ito ng FNRI-DOST ay magandang basehan ng ating gobyerno upang makapagplano ng mga programa
na tutugon sa kalagayang pang-nutrisyon ng bansa.

Sa kasalukuyan, maraming programa na pang-nutrisyon ang ating pamahalaan, ngunit kailangan


pagtuunan ng pansin ang promosyon ng eksklusibong pagpapasuso sa sanggol mula pagkasilang
hanggang anim na buwan at saka ang pagbibigay ng angkop na pagkain o complementary foods habang
siya ay pinapasuso pa; ang pag-revitalize ng backyard food production upang madagdagan ang food
supply sa tahanan at ang promosyon ng programa ng wellness sa mga paaralan upang tumaas ang
physical activities sa eskuwelahan.

Base sa Gabay ng Wastong Nutrisyon para sa Pilipino (NGF) na ginawa ng Technical Working
Group sa pamumuno ng FNRI-DOST, tandaan lamang ang ikatlong mensahe nito na upang mapanatili
ang tamang paglaki ng bata kailangan ang palagiang pagsubaybay sa kanyang timbang.

B. Malnutrisyon sa karatig bansa.

Ang North Korea ay isa sa mga bansa dito sa Asya na may mataas na bilang ng Malnutrition
ayon sa pag-aaral ni Dr. Norbert Vollertsen, isang manggagamot na nagmula sa Germany na nagsagawa
ngMedical Mission sa nasabing bansa. Sa mahigit isang taon niyang pananatili ay kanilang napagtanto
na 60% ng mga kabataan sa North Korea ay dumaranas ng Malnutrisyon. Ang mga kabataan na may
edad 15 ay may tila 10 taong gulang na pangagatawan at makikita sa kanilang mga mukha ang pagod, ni
hindi makangiti o makisimangot o maka-iyak dahil ang kanilang mga mukha ay parang butot balat. Sa
kanyang paglalakbay ay napansin niya na ang pangunahing nila ginagawa ay malimos, magpulot ng
basura o di kaya naman ay kumain ng mga insekto sa mga kalye. Walang malinis na tubig na maiinom at
walang makuhanan ng pagkain maswerte na kung may mga gulay sa mga tabi ng kalye. Walang bigas
ngunit merong alak na tinatawag nila Sojo, ito ay mura ngunit madaling makalasing kaya ito ang
kanilang ginagamit upang makalimutan ang gutom at parasumaya kahit panandalian.

C. Mga Solusyon

Ayon sa DSWD at City Health Department, magsasagawa sila ng mga pulongsa mga guro
upangpalawakin ang edukasyon ukol sa kalusugan at kallinissan. Hinihikayat rin nila ang pagtatanimng
mga gulay atprutas sa bakuran ng mga tahanan. Nagrekomenda sila ng isangnutritionist bawat ssiyudad
upang tuklasin angmga masustansya at murang pagkain. Ayon kay Councilor Chris Alix,
magpapamahagi sila ng lugaw na mayamansa bitamina, kasama nito ang regular na pagsusuri ng
kalusugan ng mga bata. Binibigyang diin din angepektibong pagpapaplano ng pamilya at pagpapasuso.
At ang pinakamainam pa ring solusyon ay angpaghihikayat sa mga magulang na maghanap ng trabaho
upang mapakain ng mainam ang kanilang buongpamilya.Ayon sa Department of Education, isang
solusyon ay food for school program sa pangunguna ni
Secretary Jesli Lapus. Ang mga mag-aaral sakindergarten at sa unang baitang sa mga napiling
pinakamahirap na paaralan ay nakatanggap ng isang kilo ng bigas, pan de coco, at gatas mula
sa National Dairy Authority.
Isang abot-kayang alternatibong pampaganang gamot sa presyong pitong piso bawat pakete
nanaglalaman ng powdered mixture ay kasalukuyang ipinapakilala ng isang programa sa Los Baos,
Laguna upanglabanan ang malnutrisyon lalo na sa rural na mga komunidad at upang matulungan ding
mapagbuti ang mga batamaging ang mga buntis at nagpapasusong mga ina.
Ang nasabing pampagana ay tinawag na Kalinga. Ito ay yinari ng Barangay Integrated Development
Approach for Nutrition Improvement (BIDANI), isang sangay na programa ng Institute of Human
Nutrition nad Food (IHNF) ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baos. Ito ay naglalayong mapaunlad
ang food and nutrition security ng mga rural na komunidad sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga
kolehiyo, unibersidad, at lokal na gobyerno.
Ayon sa isang mananaliksik ng BIDANI na si Charina Moneja, sa mga mahihirap na pook, ang
mga bataay madalas na pinapakain laman ng kanin at sabaw at ang masaklap pa nito ay hindi sila
kumakain ng gulay atwala din sa kanilang kakayahang makabili ng karneo isda man lamang.
Bilang tugon sa problema, nagsagawa sila ng mga feeding program at ang mga pinapakain nila ay
hinahaluan nila ng Kalinga.
Bilang patunay sa husay ng Kalinga, ipinahayag ni Aileen Delferio, 25taong gulang, mayroong
dalawanganak na dinadala sa feeding program tuwing hapon saPurok 4, Barangay Masaya, Bay, Laguna
na siya aylubhang natutuwa sa programa matapos namakitang tumaas ang timbang at gumanang kuamin
ang kanyangmga anak.
Ipinakita lamang nito ang mga hakbang na ginagawa ng mga ilang organisasyon upang
malabanan angmalnutrisyon. Sila ay umiisip ng mga alternatibong pamamaraan na tiyak na abot-kaya ng
mga kapos-palad. Sapamamagitan nito ay natutugunan ang mga pangunahing kailangan ng isang bata
upang lumaking malusog,malakas, at malayo sa sakit.

III. Konklusyon

Ang malnutrisyon ay isang sakit panlipunan kung saan naapektohan ang panglahatang
ekonomiya ng isang bansa. Karaniwan itong laganap sa mahihirap na bansa tulad ng bansa natin.
Bagaman maari pa natin itong solusyunan sa pamamagitan ng pagtutulungan at ang pagkakaisa ng
mga mamamayan at ng gobyerno. Upang sa ganoon ay may malutas tayo sa isa sa mga hinaharap na
problema n gating bansa.

IV. Sanggunian/Bibliograpiya

The Family Health Guide, Ikalawang edisyon. Maynila: The Department of Health, Commission
on Population and Population Center Foundation, 1987.
Mila Ager. Feeding program for schoolchildren hit, 7/15/08, Inquirer.net
Bulacao intensifies feeding program, 8/13/07, Cebu daily news, Inquirer.net
Queena Lee Chua. Filipino Kids Lack Fruits and vegetables, Inquirer.net
Talisay sets plans to solve problems on malnutrition, 7/13/07, Cebu daily news, Inquirer.net
Joey A. Gabieta. More E. Visayas Kids Suffering from Malnutrition, 9/15/07, Inquiret.net
Maricar Cinco. Town finds Hope in Feeding Program, Inquirer.net
Gerry Esplanada. Malnutrition rate among pupils down-DepEd chief, 1/8/08, Inquirer net
Low-cost food add-on fights malnutrition, 12/22/08, Inquirer.net
Gerry Esplanada. DepEd feeding program not affected by rice problem Lapus, 4/11/08,
Inquirer.net

You might also like