You are on page 1of 12

Talumpati Para sa Kahirapan

Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga


masasayahin at kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan
ninyong hiramin ko ang inyong mga taynga.
Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang
pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon?
Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilay-
nilay, aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit kanina ay
resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng
ating bansa ay ang kahirapan.
Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang
kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-
nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong
mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng
salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng
matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi
masolusyunan dala ng kahirapan.
Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno.
Ninanakaw nila ang ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad
ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales,
kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng
mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin.
Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga
pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?
Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga
Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao.
Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat
ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay
nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.
Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong
ibahagi sa inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap
ng kahirapan sa ating bansa.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo
makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating
buhay?
Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para
hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking
lipunan. Sa simpleng pamamaraan, akoy magsisikap makapagtapos ng pag-aaral
nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi
pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat
tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na
magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang
henerasyon.
Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating
natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang
umunlad ang ating buhay!
Parabula

Ang Pariseo at Kolektor ng Buwis


Siya'y nagwika ng parabula sa mga taong naniniwala na sila ay nasa katwiran at
gumagawa ng tama kaya kanilang kinamumuhian ang iba na inaakala nilang
makasalanan.

"Dalawang lalaki ang pumunta sa templo upang magdasal;


ang isa ay Pariseo at ang isa ay kolektor ng buwis.

Ang Pariseo ay tumayo at nagdasal ng ganito:

Panginoon, nagpapasalamant ako at hindi ako katulad ng ibang tao na mga


makasalanan,
mapagkurakot, mga mapang-apid sa hindi nila asawa o kaya katulang ng kolektor
ng buwis na narito. Ako ay nag-aayuno dalawang beses, isang Linggo at nagbibigay
bahagi sa bawa't aking kinita."

Ang kolektor ng buwis na nakatayo sa hindi kalayuan ay hindi man lang nagtaas ng
kaniyang mata sa langit nguni't kaniyang tinapik ang kaniyang dibdib at nagwikang

Panginoon, kaawaan mo ako, isang makasalanan.

Ang sinasabi ko sa inyo, itong taong humingi ng awa ay tumanggap ng awa kaysa
sa doon sa taong itinaas ang sarili niya sa mata ng Diyos. Ang mapagmalaki ay
ginagawang aba at ang nagpapakababa ay siyang pinupuri.

haiku

Diwa kot puso,


Ay para lang sa iyo,
Tanka
Minamahal ko.
oh, lumulukso ng damdaming asiwa
tumatahip ang dibdib dimdim koy nawawala.
labis ang tuwa

pabula
Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa At Daga
Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan.
Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at animo'y isang paraiso. Ang
mga aso, pusa at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang
kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kanikanilang mga
suliranin. Subali't ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari.
Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng
kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil
naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan
ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan kung ligtas
ang kaniyang amo.
Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang
nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa bubungan ng
bahay.
"Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa."
bulong ng daga sa sarili.
Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang iniwang buto.
Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang buto. Dumating
ang pusa na wala ring dalang pagkain. Tinulungan niya ang asc sa paghahanap ng
buto. Nakarating sila sa itaas ng bahay hanggang sa kinaroroonan ng daga. Nagulat
ang aso at pusa. Akala nila ay sadyang kinuha ng daga ang buto para masolo niya
ito.
Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito. Nagpaliwanag ang daga
nguni't hindi rin siya pinakinggan ng pusa. Nag-away silang dalawa kaya't ang buto
ay nalaglag. Nasalo ito ng aso at dali-daling tumakbo hanggang sa likods ng bahay.
"Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila ditl. Siguro mamaya ay magkakasundo na rin
sila at masaya naming pagsasaluhan itong buto." bulong ng asong humihingal.
Dahil sa pagod at matagal-tagal ding paghihintay sa pagdating ng dalawang
kaibigan, kinain na ng aso ang ikatlong bahagi ng buto. Itinira niya ang parte ng
daga at ng pusa.
Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sagalit nang ito ay dumating sa kinaroroonan ng
aso. Inabutan niya ang aso na kumakai ng mag-isa. Bigla niyang inangilan ang aso.
Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa sila ay magkasakitan ng katawan. Narinig
ng may-ari ng bahay ang ingay na dulot ng pag-aaway ng aso at pusa. Inawat silang
dalawa at pinaghiwalay. Naghiwalay ang aso at pusa na kapwa may tanim na galit
sa isa't isa. Iyon na ang simula ng kanilang pagiging magkaaway.
Magmula noon, sa tuwing makikita ng asc ang pusa ay kinakahulan niya ito. Ang
pusa naman ay di padadaig, lagi siyang sumasagot at lumalaban sa aso. At sa tuwi
namang makikita ng pusa ang daga ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa takot ang
daga ay pumapasok sa isang maliit na lungga at lumalabas lamang doon kapag
wala na ang pusa.

Ang Pabula ng Daga at ng Leon


Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.

Tanka
Oh, alipin ka
ng dayuhang kultura
Haiku
singkaw ang dila Mabuting gawa
oh, hindi makapalag Mayroong gantimpala
oh, hindi makawala! Galing sa AMA.
parabula

Ang Nawala at Natagpuang Anak


May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki. Ang pinakabata ay lumapit sa
ama at hiningi ang kanyang mana.

Kaya ang ginawa ng matanda ay hinati niya ang kaniyang kayamanan sa dalawa.
Ilang araw ang nakalipas, umalis ang bunsong anak at nangibang bayan. Inubos
niya ang lahat ng ibinigay sa kaniya ng ama.

Nagkaroon ng matinding taggutom sa bansang iyon kaya napilitan siyang


mamasukan sa isang mamamayan na nagpadala sa kaniya sa bukid bilang
tagapagpakain ng baboy.

Habang nagtitiis siyang kumain ng kaning baboy dahil wala namang ibinibigay sa
kanyang pagkain, naalala niya ang kaniyang ama at ang mga katulong nito sa
kanilang sariling pataniman.

Naisip niyang bakit siya magtitiis na mamatay sa gutom habang ang mga katulong
ng kaniyang ama ay sagana sa pagkain.

Minabuti niyang umuwi at humingi ng patawad at handa siyang magtrabaho kahit


na bilang katulong lang. Malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng kaniyang ama
na tumakbo at siya ay niyakap at hinalikan.

Tinawag nito ang kaniyang mga katulong at inutusang bihisan ang kaniyang anak
ng magarang kasuotan, bigyan ng sapatos at singsing sa kaniyang daliri. Iniutos din
niya ang magpatay ng baka upang ipadiwang ang pagbalik ng kaniyang anak.

Ang panganay niyang anak na nasa pataniman ay narinig ang musika at ang
pagsasaya habang siya ay papalapit sa bahay. Tinanong niya ang isa sa mga utusan
kung ano ang kasayahang yaon. Nalaman niya na nadiriwang ang kaniyang ama sa
pagbalik ng kaniyang anak.

Nagalit ang panganay na anak at ayaw niyang pumasok para sumali sa


pagdiriwang.

Sinumbatan niya ang kaniyang ama tungkol sa kaniyang pagsisilbi dito na parang
alipin subalit ni minsan ay hindi siya binigyan ng kahit maliit na kambing para
magsaya kasama ang kaniyang mga kaibigan. Pero nang dumating ang kaniyang
kapatid na nilustay ang kaniyang mana sa mga masasamang babae, ito ay binigyan
pa ng pagsalubong.

Sinagot siya ng kaniyang ama na siya ay naroong kasama niya at lahat ng


kasaganaang tinatamasa niya ay kasama siya samantalang ang kapatid niya ay
nawala at bumalik. Tila siya namatay na nabuhay ulit.

Talumpati tunkol sa edukasyon


Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? at ano nga ba ang kaugnayan nito sa ating
kinabukasan? Maaaring ngayon di mo pa lubos na naiisip .Bilang isang mag-aaral
ano nga ba ang iyong pananaw.

Madalas sinasabing ang edukasyon ang daan patungo sa kaunlaran. Tama! totoo
iyan! kahit mahirap kung sasamahan naman ng sikap tiyak iyong makakaya.
Marami dyan gustong mag-aral subalit wala naman pangtustos ang mga magulang.
Pero ikaw! kayo! Andyan kayo sa paaralan. Pinag-aaral! Iginagapang ng mga
magulang mapaf-aral lang at mabigyan ng magandang kinabukasan.

Alam nyo bang napaka halaga talaga ng edukasyon sa ating buhay.Dahil dito natuo
tayong sumulat, at bumasa.Magpasalamat tayo at hindi tayo kabilang sa mga
mangmang na nabubuhay sa ating digdig. Ang mga Guro na nagpoporsige para
tayo'y matuto, Pahalagahan natin! makinig tayo! at buksan ang isipan dahil ito'y
para din sayo.

Kung ang bawat isa sa ating ma mamamayan ay mayroong edukasyon siguradong


uunlad ang ating bayan.Magkakaroon ng mga magagandang oportunidad at
trabaho ang bawat tao, wala ng magugutom! wala ng maghihirap! Ngunit sa
reywlidad anong nangyayari sa ngayon? Naghihirap ang ating bansa,at madalang
ang nakakapag tapos ng pag-aaral.Kaya pagbutihin ng mga estyudyaneng
nakakapag-aral , Imulat ang mga mata! dahil ito ay para din sa ating ikauunlad.
Magsikap! Tandaan! Edukasyon:paera sa kinabukasan".
Nobela ng mag-inang mahirap
Si Aling Munda, isang matandang magdaramo, at si Pilar, isang tinderang dumadayo sa ibat ibang
bayan, ang tinaguriang Mag-inang Mahirap sa nayon ng B
Nagkasakit si Aling Munda kayat napilitang tumigil sa pagtitinda si Pilar. Ubos na ang kaunting ipon ni
Pilar, ngunit may sakit pa rin si Aling Munda. Isang gabing humihingi ng itlog ng manok ang ina, lakas-
loob na lumabas ng bahay si Pilar upang makiusap sa sinumang kapitbahay.
Subalit walang nagbigay ng itlog kay Pilar at sa halip, pinagtiyap ng malas na siyay makita ng mga
tulisan. Tinangay si Pilar ng mga tulisan at ipiniit siya sa gubat.
Sumabog sa buong nayon ang malungkot na balita tungkol sa pagtangay ng mga tulisan kay Pilar.
Nagpasya ang isang binata, ang kasintahan ni Pilar na si Alberto, na sundan sa gubat si Pilar at iligtas
ito sa kamay ng mga tulisan.
Sa pagtatanggol ng kanyang puri, napatay ni Pilar si Ulupong, ang pinunong-tulisan. Si Limbas, ang
pumalit kay Ulupong bilang puno, ay may magandang kalooban. Ipinasya niyang walang dahilan upang
parusahan si Pilar o kayay piitin sa gubat. Maaari nang umuwi si Pilar, kasabay ang binatang
naghahanap sa kanya, ayon sa sulat ni Halimaw, isa ring pinunong-tulisan. Ang binatang itoy walang iba
kundi si Alberto na naging kaibigan si Halimaw.
Samantalang inihahatid sina Pilar at Alberto nina Limbas at Halimaw papunta sa kabayanan, silang apat
ay nahuli ng mga kwadrilyero. Sa madaling salita, pati sina Pilar at Alberto ay kinasuhan bilang mga
tulisan at ikinulong sa piitang-panlalawigan.
Nakalaya si Pilar dahil sa suhol ni Juan, isang mayamang sugarol na may masamang gusto kay Pilar.
Naiwan sa bilangguan sina Alberto, Limbas, at Halimaw.
Sa kasamaang-palad, muling nakulong si Pilar sa piitang-bayan. Subalit dahil ditoy nakilala siya
ni Kapitan Manuel Marasigan, ang alkalde ng bayan. Nang malaman ni Kapitan Manuel na si Pilar at
ang kanyang ina ang tinaguriang Mag-inang Mahirap, pinalaya niya si Pilar at ipinahatid sa kanyang
karromata, kasama ang dalawang batang naging dahilan ng pagkakulong nito. (Ang dalawang batang ito
ay sina Ana at Elisa, mga anak ni Limbas.)
Dito unti-unting nabunyag ang lihim ng Mag-inang Mahirap:
Si Martina Baluyot, ang nasirang asawa ni Kapitan Manuel, ay pinsang buo ni Aling Munda. Si Kapitan
Martin, ang ama ni Martina, ay tunay na kapatid ni Mamerto, ang ama ni Aling Munda. Nakatapos ng
pag-aaral si Martin, subalit si Mamertoy nagbulakbol lamang.
Walang naiwang testamento ang mga magulang nina Martin at Mamerto. Dahil ditoy kinamkam ni Martin
ang mana ni Mamerto. Madaling nagawa ito ni Martin sapagkat siyay nag-aral at si Mamertoy hindi.
Ang kasakiman ni Martin ay hindi dito natapos. Kinamkam din niya pati ang lupang sariling pundar ni
Mamerto. Ito sana ang mana ni Aling Munda kayat itoy hinabol niya sa husgado. Subalit natalo si Aling
Munda sa usapin at namatay pa ang kanyang asawa. Nooy dalawang taon pa lamang si Pilar.
Upang makapagtawid-gutom silang mag-ina, si Aling Munday nandamo sa bukid, nangapa ng isda sa
ilog, at nag-araw sa pagtatanim at paggapas ng palay. Mismong si Kapitan Martin ang nagbigay sa mag-
ina ng bansag na Mag-inang Mahirap.
Ngayoy dalaga na si Pilar at patay na si Kapitan Martin at si Martinang asawa ni Kapitan Manuel.
Nakasilip si Aling Munda ng pag-asang makaahon sa kahirapan dahil sa pakitang-tao ni Kapitan Manuel.
Subalit nauwi sa wala ang lahat. Pinalabas ni Kapitan Manuel na nakasangla sa napakataas na halaga
ang mga lupang mana ni Aling Munda.
Samantalay sumiklab ang rebolusyon ng mga katipunero laban sa mga Kastila. Tumakas mula sa
bilangguan sina Alberto, Limbas, at Halimaw at sumapi sa Katipunan. Si Albertoy natanyag bilang puno
ng isang maliit na pulutong ng mga katipunero.
Matapos lagdaan ang Kasunduang Biak-na-Bato, mistulang bayaning nagbalik si Alberto sa nayon ng B
upang makipag-isang dibdib kay Pilar. Subalit si Albertoy inagaw ng isang Julia. Dala ng pagsisisi,
nagpakamatay si Alberto at si Julia namay namatay sa panganganak.
Isinumpa ni Pilar na siyay miminsang umibig. Subalit pinakasuyo ni Juan si Aling Munda. Bilang
pagtanaw ng utang na loob dito (hinango ni Juan si Pilar sa bilangguan) at upang mahango silang mag-
ina sa kahirapan, hinikayat ni Aling Munda si Pilar na pakasal kay Juan.
Pumayag si Pilar sapagkat utang niya ang kanyang buhay sa kanyang ina. Gasino nang magpakasal sa
isang lalaking hindi niya minamahal?Idinaos ang kasalan. Lumulutang sa kaligayahan si Juan, subalit
tumatangis ang puso ni Pilar. Sa gitna ng masayang salusalo matapos ang kasal, inatake sa puso si Pilar.
Natapos ang kasaysayan sa pagtangis ni Aling Munda sa bangkay ni Pilar.

Nobela ng laro sa baga


Nagumpisa ang lahat sa murang edad na 4 ay may pakiramdam na si Ding sa kamunduhan
o sekswalidad. Ang kanyang Ninang Carmen ang kanyang unang pinagnasaan,
Maraming naranasan si Ding kahit pa sya ay bata pa, nalaman na niya kung paano
gagamitin ang kanyang ari. At dahil ang bahy nila ay paupahan ng mga estudyanteng
medicine at Nursing ay namulat sya sa mga kalaswaan.
Nag ampon ang ninang Carmen niya ng isang batang babae, ang pangalan nito ay Dee.
Naging kalaro sya ni Ding at tinuruan ni Ding ng maraming bagay. Subalit ng sila ay
nagkakaedad na ay tinuruan naman ni Ding ng kamunduhan si Dee at ang pag-ibig.
Inilayo si Dee ng Ninang Carmen nya at pinagaral sa Baguio samantalang si Ding naman ay
patuloy na nag-aral ng High School habang nagtatrabaho bilang isang artist o pintor sa isang
artshop sa quiapo.
Kumikita na si Ding ng Pera at ninais niyang wag ng ipagpatuloy ang kanyang pagkokolehiyo
sapagkat alam nyang kikita pa rin sya ng pera kahit hindi na siya nag-aaral.
Pinuntahan ni Ding si Dee sa Baguio at ipinagpatuloy nila ang kanilang relasyon. Si Dee ay
second year high school na at sya at fourth year. Kahit malayo ay nakuha ni Ding si Dee sa
kanilang pag-ibig. Nagsusulatan at nagtatawagan at minsang pinuntahan ni Ding si Dee ay
nakuha nya ang pagka birhen nito.
Natuklasan ng mga kasambahay ni Dee ang tungkol kay Ding at pinadala si Dee ng kanyang
ninang Carmen sa America para mag-aral. Hindi iyon nakahadlang sa pagiibigan nila at
patuloy silang nagsusulatan.
Samantala si Ding naman ay may nakilalang may ari ng isang sikat na art shop sa Makati.
Kinuha ang serbisyo nya at natuklasan nya na mas malaki ang kikitain nya kung dito na sya
magtatrabaho imbes na kay Joey. Subalit ayaw naman niyang iwanan si Joey ng ganun nlng
at piangsabay niya ang trabaho niya sa 2 kampo.
Si Victoria, ang may ari ng shop na bagong pinapasukan ni Ding ay isang mestisa, maganda
at sexy kaya di din maiwasan ni Ding ang gustuhing makuha si Victoria. Subalit itoy mailap
at wala syang ibang alam dito kundi ito ay isang negosyante at amo nya.
Lumaki ang kita ni Ding subalit lumaki rin ang kanyang gastos. Umalis na sya kay Joey sa
maliit nitong art shop at nagkalabuan sila nito. May nakilala si Ding, isa sa kanilang kliyente
ni Victoria na isang Matrona. Binilhan sya nito ng Tornado isang saksakyan at ito ay kanyang
pinagsilbihan sa kama. Ngunit ng nagkaroon sya ng ideya na wala sa kanya ang rehistro ng
sasakyan ay pinagsawaan muna nya ito at saka nya isinoli at tinapos na nya ang ugnayan
nila ni Lydia ang matrona.
Natuklasan naman nya na may itinatagong sekreto si Vitoria. Mayroon pala itong anak na
nasa Baguio. At dito nagumpisang magulo ang mundo ni Ding sa pagtulong sa mag ina na
hindi nya alam kung ano ang tinatakasan. Maliit pa nuon si Teng mga 6 na taon ng kinuha ni
Ding ang bata at iniluwas ng Maynila. Nagkita sila rito ni Victoria at ipinakiusap na itago ang
kanyang anak. Pagkalipas ng ilang buwan at di pa nagpapakita si Victoria ay tumawag na si
Ding sa kanilang shop. Nagpakamatay pala si Victoria.
Naiwan si Teng sa kanyang kalinga iniuwi nya ito sa kanila at itinuring na anak. Saka naman
nakilala ni Ding si Emy. Naging mag on sila nito at kahit mahiyain si Emy ay nakuha nya ito
at nagkaroon ng Shotgun wedding. Pinakasal sina Emy at Ding ng ama ni Emy dahil sa
kasinungalingang buntis ito.
Nalaman ni Ding na si Emy ay ni rape ng kanyang kuya at muntik na itong maulit nung
nagsasama na sila ni Ding subalit nasaksak ito ni Emy. Umamin ito na hindi sya bunti at
nagpatuloy si Ding sa kanyang buhay kahit pa inuuwian nya si Emy ay magkaiba sila ng
kwarto.
Isang araw ay nagising sya sa sakit at nakita nya na hinihiwa ni Emy ang kanyang ari.
Nasaktan nya ito ay umalis sya upang ipagamot ang kanyang sugat na muntik ng maputol ni
Emy.
Naging normal na ulit ang buhay nya kahit patago tago, wala na syang asawa at isang araw
ay biglang dumating si Dee. Sabi nga ng ninang nya nagwala ito ng matanggap ang sulat
nya na sya ay nag-asawa na.Ngayong nakita nya ulit si Dee naisip nya na mabubuong muli
ang kanilang pagmamahalan kalimutan ang nakaraan at magsimulang muli, subalit mali sya
ng akala. Mahal pa din sya ni Dee at naglaro sila habang ito ay nandito subalit kasal na ito at
babalik na rin ng Amerika.
At ng siya ay nangailangan ulit ng tulong ng nawala na si Dee at si Teng na nag-asawa na sa
edad 12 ay bumalik sya sa kanyang ninang. At nakatalik naman nya ang kanyang ninang.
At sinabi sa kanya ng siya ay paalis na wala na syang babalikan pa dahil nakuha na nya ang
gusto nya sa kanyang ninang.

Elihiyapara sa saf 44
Anak.. Tito...
Hindi kita malilimutan Naalala ko pa ang mga payo
mula sa pagyakap sa sinapupunan habang ikaw ay kalaro ko
ipagmamalaki ko habang na wala nang hihigit pa sa
nabubuhay pagsusundalo
ikaw ay pumanaw nang dahil sa ngayon inaawit ang pambansang
bayan himno
Kuya... para sayo...
Ikaw na sa akin ay nakatatanda Bunso...
naging huwaran ka nitong Lubos itong aming paghihinagpis
pagkabata kung para sa iyo lahat na`y tiniis
bakit sa paglisan ang loob ko`y ngayon luha namin ay
sasama? namamalisbis
ika`y bayani na nitong imbing di ka na babalik mula nang umalis
bansa Sir!
Itay.. Tagapagpatupad ng kaayusan
Ikaw itong aming tanging sandigan tagapagtanggol ng bayan
na nagpapatibay sa ating tahanan sa pagkamatay nyo ako`y sinilaban
ngayo`y nariyan ka sa huling ilang buhay pa kaya ang
himlayan wawakasan
Ito`y nang dahil sa pag-big sa alang-alang sa kapayapaan
bayan
Sir! sapagkat lupa ng araw ng
ang kislap ng watawat ngayo`y luwalhati`t pagsinta
walang ningning ay nagluluksa ng dahil sayo...
ang bituin at araw niya ngayon ay
nagdidilim

Elihiya para sa saf 44


Buhay ay ibinuwis sa pagmamahal sa inang bayan
Sa pagnanais na matamasa ang kapayaan
Sa isang ingkwentro silay hindi handang makipaglaban
Kanilang mga katawan ay nakahandusay at duguan
Na tila may anino ng walang kalaban laban

Sa kamay ng tulisan dignidad nila ay nadungisan


Animoy mga hayop kung patayin ay walang habag na masisilayan
Mga bayaning nakipaglaban na walang bahid ng pag aalinlangan
Naway ating pamahalaan ay gayundin ang gawin
upang hustisya at katotohanan ay kanilang makamtan

Labis na ikinalulungkot ng aking luhaang puso


Masilayan ang kanilang mga karumal dumal na litrato
Aking mga kapatid na nasa parehong serbisyo
Ay labis kong ipinagdasal na hindi mapasama sa ganitong
klaseng ingkwentro

SAF 44 kayo ay bayani at hindi kailan man malilimutan


Naway dumating ang araw na ang hustisya at katotohanan ay inyong
makamtan
Aking panalangin ay aking iniiaalay sa inyo ng lubusan
Para sa inyong tunay na bayani na aming hinirang

You might also like