You are on page 1of 3

1 .

Matapos ang 4 na araw, na pakikipagtunggali, sa Ibat-ibang


larong pampalakasan, kayo ngayon ay humantong na sa dulo ng
kompetisyon. Ito ang araw na inyong pinakahihintay, upang
masabing sulit, ang inyong pagod at hirap. Sapagkat, ang araw na
ito, ay araw ng pagkilala sa mga manlalarong, nagpakita ng
kahanga-hanagang dedikasyon at husay sa larangan ng sports.
Ito din ang araw upang pasalamatan ang mga tao sa likod ng
inyong tagumpay at ng tagumpay ng Division Meet sa kabuuan.
Magandang hapon mga kaibigan, ating matutunghayan ang
Pangwakas na Seremonya ng 2016 Division Meet.
2. Upang pormal na simulan ang ating programa,
inaanyayahan ang lahat na magsitayo para sa pag-awit ng
Pambansang awit ng Pilipinas na susundan ng panalangin,
CALABARZON at Himno ng Lipeno.
3. Maari na pong mag-siupo ang lahat. May isang katanungan ako
para sa inyong lahat mga kaibigan.
(Sabik na ba kayong malaman kung sinu-sino ang mga nagwagi
sa nagdaang palaro? Sabik na ba kayong malaman ang mga
nnaging kampeon?)
Sigurado akong lahat ng nandirito ay sabik para diyan!
Ngunit sa ngayon, atin munang pakinggan ang pagbati at
pasasalamat mula sa ating katiwalang Pangalawang
Pansangay na tagapamanihala ng mga paaralan, G. Homer
N. Mendoza.
4. Maraming salamat po G. Homer N. Mendoza.
Tunay nga na dahil sa inyong lahat ay naging matagumpay ang
ating Palarong Pang-dibisyon. Syempre kasama dito ang mga
taong nagging utak upang lalong mapaganda at maging
organisado ang ating Division Meet. Kaya naman, nararapat
lamang na kayong lahat ay tumanggap ng pagbati at pasalamat.
(Palakpakan niyo naman ang inyong mga sarili)
5. Dahil na rin lang sa napag-usapan natin ang pagbati,
dumako na tayo sa puntong pinakahihintay ng lahat.
Sino sa tingin ninyo ang pangkalahatang kampeon?
North District ba?
E South kaya!?
Baka naman West District?!
Di naman yata papaya diyan ang mga Taga-East District!
O baka naman ang mga taga-Public Secondary!
O kaya naman ang mga taga-Lipa Private Schools Athletics
Association?!
Huwag na nating patagalin pa, tinatawagan po si Gng.
Asuncion J. De Luna EPS Katiwala ng Isports upang
opisyal na ipahayag ang pangkalahatang kampeon.
6. Maraming salamat po, Gng. Asuncion J. De Luna. At ngayon
naman, dadako tayo sa pagagawad ng mga tropeo sa ating mga
kampeon na pangngnahan ni Dr. Ludy N. Pasagui - Pansangay
na Tagapamanihala ng mga paaralan
kasama sina G. Homer N. Mendoza Katiwalang
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga
paaralan, Gng. Minerva C. Caraos Hepe ng SGOD, Dr.
Lorna R. Medrano Hepe ng CID, Gng. Asuncion J. De Luna
Education Program Supervisor ng Sports at Gng. Grace L.
Gardiola Pangulo ng LIPRISAA.
7. Maraming salamat po Blah. Blah. Blah.
Congratulations sa lahat ng mga nanalo! Para naman sa
hindi pinalad ngayon, gamitin ninyong inspirasyon ang
inyong mga karanasan at mga natutunan ngayon upang sa
susunod kayo naman ang kayo naman ang nadirito sa
unahan upang abutan ng mga tropeo.
8. Sa puntong ito, atin naman pong tawagin ang ating
Pansangay na Tagapamanihala ng mga paaralan Dr. Ludy
N. Pasagui upang magbigay ng hamon at pormal nang ipahayag
ang pagtatapos ng Division Meet. Bigyan po natin siya ng
masigabong palakpakan.
9. Maraming salamat po Dr. Ludy N. Pasagui. Blah. Blah.
Blah.
10. Sa dakong ito, tinatawagan po ang mga opisyales ng
DepEd SEAL para sa pagbababa ng mga watawat.
11. Bilang pagtatapos ng ating seremonya, atin pong
muling tawagin si Gng. Asuncion J. De Luna EPS
Katiwala ng sports para sa pagpapaningas ng sulo ng
pagkakaisa.

At Yan po ang konklusyon ng ating pangwakas na


seremonya! Maraming salamat at magandang hapon.

You might also like