You are on page 1of 5

Ang manoryalismo, senyoralismo, o senyoryo ay isang makaprinsipyong

organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-


kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may
lupa ng mga malalawak na lupain. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang
panahon. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay
nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari bilang kapalit ng
proteksiyon.

Pag unlad ng mga bayan at lungsod sa europe

1. Pag-usbong atPag-unlad ng mgaBayan at Lungsod

2. Layunin: Alamin kung ano ang buhay ng tao nungPanahon ng Kadiliman


Pangyayari kung paano naisilang ang mga bayansa Europa noong Panahong Medieval
Dahilan kung paano umunlad ang mga bayan atlungsod sa Europa Pagbabagong dulot
o epekto ng pag-unlad ngmga bayan at lungsod Mga Tanyag na mga bayan ng
Europa Kontribusyon ng mga bayang Medieval sasangkatauhan

3. 1.1 Buhay sa Panahon Ng Dark Ages - Ang Panahon ng Kadiliman o Dark Ages ang
siyang nagdala sa mga barbaro sa Europa na siya namang hudyat sa pagkawasak ng
isang kulturang pinili, iginagalang at pinagyaman. - Naging malupit ang mga ito hindi
lamang sa mga tao kundi sa mga ari-ariang maaaring mapakinabangan ngunit sinira
upang maglahong tuluyan. - Napilitan ang mga tao na manirahan sa mga liblib na pook
na kadalasan ay napakalungkot.

4. - Sa tulong ng Sistemang Pyudal, nakaahonsa paghihirap ang mga tao, maging ang
mgaalipin ay nakatiyak ng ikabubuhay.- Malaki ang papel na ginampanan
ngpananampalataya sa iisang Diyos sa mga tao.- Nagkaroon sila ng lakas ng loob
upangpahalagahan ang sarili at sariling kakayahan.- Kumpleto na ang buhay nila
subalitmuling nalambungan ng dilim nangdumating ang mga turkong Seljuk atmapilitan
silang magsagawa ng mga krusada.

5. - Marami sa mga malalakinglupain ng Roma ang nakalimutanngunit sa unti unting


pagbagsak ngPyudalismo at pag-akyat na muli ngmga hari sa kapangyarihan,
nabuksanang bagong sistema at uri ngpamumuhay na higit na nagdulot ngmalaking
pagbabago hndi lamang sarelihiyon kundi sa kabuuang kulturang Europa.

6. 1.2 Pagsilang ng mga Bayan sa Europa - Noong Gitnang Panahon, karamihan sa


mga tao sa Europa ang nakatira sa mga nayon. Ang mga kabahayang matatagpuan na
magkakatabi ay siyang tinatawag na village. Ito ay kadalasang napapaligiran ng mga
lupain na siyang taniman.- Pag-aari ng panginoon o kabalyero ang lahat ng lupain sa
loob ngnayon. Kadalasan, nakamit ng mga magsasaka ang karapatang magtanimsa
kani-kanilang bahagi ng sakahan. Ngunit may mga malalayangmagsasakang
nagbabayad ng salapi o pagkain sa panginoon, at may mgamagsasaka ring
kinakailangang manilbihan nang mga takdang oras opaminsan minsan para sa
panginoon. - Nagtratrabaho sa lupain lahat ang mga naninirahan sa nayon, peromay
mga ibang taong tulad ng mga tagagiling ng trigo, panday, o iba pangbinabayaran ang
kanilang mga serbisyo.

7. - Nakikipagkalakalan ang mga nayon sa mga kalapit namga nayon. Ang mga
produktong ikinalakal nila ay angmga produktong wala sa mga nayon at patok sa
kanila.- Nagkaroon ng ugnayan ang dalawa at sila ay umunladat sila ay naging bayan.-
May isa ring paraan kung paano nabuo ang mgabayan at lungsod tulad ng ang isang
nayon o isangmanor ay madaming produktong iniluluwas, ibig sabihinmadaming
pagawaan ang nasa nayon na iyon. Yung mgapagawaan ay may supplier ng
materyales. Ang mgasupplier na iyon ay nakatayo malapit sa mga pagawaan
nakanilang iniluluwas. Hanggang sa dumami ng dumamiito, dumami rin ang bilang ng
tao, at umunlad ang isangnayon na kalaunan ay magiging bayan.

8. - Bago maging isang malayang bayan ang isang bayan sa kanilangmga panginoon
dumaan sila sa dalawang paraan - sapamamagitan ng pakikipaglaban at a pagbili. Ito
ay tinatawag naCharter of Freedom.- Maraming bayan ang pumilit sa kanilang mga
pinuno napagkalooban sila ng isang nagsasariling pamahalaan sapamamagitan ng
paghihimagsik. Subalit marami sa mga bayanang binili na lamang ang kanilang karta ng
kalayaan sa kanilangmga panginoon. Ang kartang ito ng kalayaan ang nagging
daanupang sila ay maging malaya at nagbigay sa kanila n karapatangmagtatag ng
kanilang sariling pamahalaang local, makapili ngkanilang sariling opisyal, magkaroon ng
kanilang sarilinghukuman ng batas at makagawa ng kanilang sariling buwis.- Sa
pamagitan ng kasunduan, ang panginoon ay hindi maaaringmakapasok sa malalayang
bayan nang walang pahintulot ng mgapinunong lokal.

9. 9. 1.3 Dahilan ng Pag-unlad ng mga Bayan sa Europa Perya - Ang mga bayan
o malalaking permanenteng sentro ng kalakalan at propesyonal ay mula sa medieval
fairs. Ito ay isang festival ng palengke na karaniwang ginaganap kung piyesta opisyal. -
Noong panahong ito, ang mga biyahero mula sa ibat ibang bahagi ng Europa ay
dumarayo para magbenta at bumili ng produkto. - Umakit ito ng mga mamamayang
mamimili. - Dahil dito, umunlad ang kabuhayan nila na nagpaunlad pa lalo sa mga
bayan at lungsod. Pagbabalik ng mga mangangalakal na sumama sa krusada - Ang
mga mangangalakal na sumama sa krusada ay nagsibalik na may dalang mga produkto
na galing s silangan. Ang mga produkto na galing sa silangan ay naging patok sa mga
tao sa Europa. - Dahil doon, ang mga tao ay naglakbay rin at humanap ng mga
produkto na wala sa kanluran. Paglago ng Komersyo - Nagkaroon ng paglago ng
komersyo noong Gitnang Panahon. - Nagkaroon ng tuwirang ugnayan ang mga bansa
sa Silangan at Kanluran sa pamamagitan ng kalakalan.
10. 10. Pag- usbong ng Sistemang Kapitalismo at Pagbabangko - Habang
nangyayari ang krusada , sumilang at umusbong ang sistemang kapitalismo at
pagbabangko. - Ang kapitalismo ay isang sistemang pang- ekonomiya na nakabatay sa
malayang kalakalan at pagbukas ng komunikasyon. - Dahil sa mga bangko, madami
ang nagnegosyo dahil ang layunin ng bangko ang magpautang sa mga magsisimulang
magnegosyo at ang kanilang inutang ay ito yung kanilang kapital o puhunan.- May
dalawa uri ng kapitalismo: pansamantalang pagsososyo atpagsososyo ng pamilya. Ang
pansamantalang pagsososyo ay binubuo ngdalawang pangkat: mangangalakal at
pangkat ng namimili sa ibang pook nakasamang nagbibiyahe ng produkto at tiyak na
kabayaran. Ang pagsososyonaman ng pamilya na humigit na tumagal. Sa paraang ito,
pinagsamasamang mga kasapi ng isang pamilya ang kanilang puhunan.

11. 11. 1.4 Pagbabagong Dulot o Epekto ng Pag-unlad ng mga Bayan atLungsod
Paglago ng Kalakalan - umusbong ang kalakalan sa pagitan ng 12th 13th na siglo. -
Umusbong ang komersyo noong Gitnang panahon at nagkaroon ng ugnayan ang
kanluran at silangan sa pamamagitan ng kalakalan. - Dahil may ugnayan ang Silangan
at Kanluran, nagkaroon ng pagsigla ng kalakalan sa pagitan nila na nagresulta ng pag-
unlad lalo ng mga bayan at lungsod. Pagsilang ng Sistemang Guild - Dahil sa pag-
unlad ng mga bayan at naging lungsod , dumami ang mga nagnegosyo at ang mga
negosyador na ito ay mga mangangalakal na bumuo ng isang samahan na kung
tawagin ay guild. - Ang guild ay isang unyon ng manggagawa ng may kasanayan. -
Layunn nitong mapatatag ang kanilang kalagayan, maipagtanggol ang kanilang
karapatan, at mapanatli ang mataas na uri ng gawain o produkto.

12. 12. Simula ng Moneyed Economy - Sa unang bahagi ng Panahong


Midyibal,nasusukat sa lupang pag-aari ang kayamanan atlakas ng kapangyarihan ng
mga maharlika. - Ngunit dahil sa mabilis na pag-unlad ngkalakalan, natuklasan ang
paggamit ng salapibilang midyum ng pakikipagkalakalan. - Ito ngayon ang naging isa
pang sukatanng yaman ng tao. Paghina ng Pyudalismo - Nakapagpabago sa antas ng
lipunan ang mabilis napag-unlad ng kalakalan at paglitaw ng mga
salapingpangkabuhayan. - Nakuhang ibagsak ang kapangyarihan ng
maharlikangpyudal ang pangkat ng mangangalakal at magbabangko nasiyang
mayaman sa salapi. - Noong huling bahagi ng Medieval Period, nagbago
angpamumuhay ng mga alipin. - Sa pag- uunlad ng bayan, nabili ng mga aliping ito
angkanilang kalayaan. Sa paggamit ng lupa , hindi napaglilingkod ang kabayaran kundi
salapi na. - Pumayag ang mga maharlika na palayain ang ibangalipin kapalit ang salapi.
- May alituntunin sa Europe na kapag naglayas ang isangalipin at nagtago sa isang
bayan nang isang taon at isangaraw, matatamo na niya ang kanyang kalayaan.

13. 13. 1.4 Mga Tanyag na mga Bayan sa Europa1. Bayang sentro ng
pakikipagkalakalan - Venice - Milan - Florence - Genoa2. Bayang sentro ng paglalakbay
- Canterbury - Santiago de Compostella3. Bayang tanyag sa mga unibersidad - Oxford -
Bologne - Cambridge - Laouvain - Paris - Coimbra - Salamanca4. Bayang tanyag sa
gawaing kamay - Venice ( bubog ) - Toledo ( espada ) - Jerez ( sherry) - Munich ( beer )
- Dreden ( porselana )

14. Venice, Italy Florence, Italy Milan, Italy Genoa, Italy

15. Cantenbury, United Kingdom Santiago de Compostela, Spain

16. Cambridge, U.K Oxford, U.K Paris, France Coimbra, PortugalSalamanca, Spain
Laouvain, Belgium Bologne, Italy

17. Venice, Italy Jerez, Spain Toledo, SpainDreden, Germany Munich, Germany

18. 1.5 Pamanang Ambag o Kontribusyon ng Bayan at Lungsod Medieval 1. Bilang


sentrong pang- industriya, sila ang naglalagay ng pundasyonsa kalakalan at paglalayag
na pandaigdigan. 2. Pinaunlad ng mga bayang medieval ang sining-
pagpipinta,iskultura, at arkitekura. Ang pinakaispesimen ng sining ay makikita
sakasalukuyan sa mga lungsod na noong una ay mga bayang medieval.Ang
mayamang negosyanteng prisipe ng Middle Ages ay mga patron ngmga pintor, eskultor,
at mga arkitekto. 3. Ang mga bayang medieval ang sinilangan ng
makabagongkalayaang pulitikal. Mula sa bayan lumitaw ang diwa ng
malayangpagkamamamayan. Nagtagumpay ang mga mamamayan sakonsensyang
pulitikal sa maharlika, kanilang tinamo ang karapatanggumawa ng kanilang sariling
batas. Ang mga binhi ng pamahalaangparlamentaryo ay inihasik ng mga bayang
medieval. 4. Ang mga bayang medieval, lalo ang mga lungsod ng Italya,
angnagtaguyod sa pagbuti ng kaisipan, na nagbigay sa daigdig ngpinakadakilang
kilusang pangkaisipan sa lahat ng panahon.

19. By: Jeanson Avenilla Jr. III-1 To: Mrs. Galias Khrisanta Idica III- 1

Sa paglakas po ng burgis dumami din po yung salapi nila at umunlad yung pamilihang
bayan nila dahil ang paglakas ng burgis ay ang epekto ng kalakan na ang kapalit ay
salapi.

You might also like