Caryl Buod

You might also like

You are on page 1of 2

Si Aling Munda, isang matandang magdaramo, at si Pilar, isang tinderang dumadayo sa ibat ibang

bayan, ang tinaguriang Mag-inang Mahirap sa nayon ng B

Nagkasakit si Aling Munda kayat napilitang tumigil sa pagtitinda si Pilar. Ubos na ang kaunting ipon ni
Pilar, ngunit may sakit pa rin si Aling Munda. Isang gabing humihingi ng itlog ng manok ang ina, lakas-
loob na lumabas ng bahay si Pilar upang makiusap sa sinumang kapitbahay.

Subalit walang nagbigay ng itlog kay Pilar at sa halip, pinagtiyap ng malas na siyay makita ng mga
tulisan. Tinangay si Pilar ng mga tulisan at ipiniit siya sa gubat.

Sumabog sa buong nayon ang malungkot na balita tungkol sa pagtangay ng mga tulisan kay Pilar.
Nagpasya ang isang binata, ang kasintahan ni Pilar na si Alberto, na sundan sa gubat si Pilar at iligtas ito
sa kamay ng mga tulisan.
Sa pagtatanggol ng kanyang puri, napatay ni Pilar si Ulupong, ang pinunong-tulisan. Si Limbas, ang
pumalit kay Ulupong bilang puno, ay may magandang kalooban. Ipinasya niyang walang dahilan upang
parusahan si Pilar o kayay piitin sa gubat. Maaari nang umuwi si Pilar, kasabay ang binatang naghahanap
sa kanya, ayon sa sulat niHalimaw, isa ring pinunong-tulisan. Ang binatang itoy walang iba kundi si
Alberto na naging kaibigan si Halimaw.
Samantalang inihahatid sina Pilar at Alberto nina Limbas at Halimaw papunta sa kabayanan, silang apat
ay nahuli ng mga kwadrilyero. Sa madaling salita, pati sina Pilar at Alberto ay kinasuhan bilang mga
tulisan at ikinulong sa piitang-panlalawigan.
Nakalaya si Pilar dahil sa suhol ni Juan, isang mayamang sugarol na may masamang gusto kay Pilar.
Naiwan sa bilangguan sina Alberto, Limbas, at Halimaw.
Sa kasamaang-palad, muling nakulong si Pilar sa piitang-bayan. Subalit dahil ditoy nakilala siya
ni Kapitan Manuel Marasigan, ang alkalde ng bayan. Nang malaman ni Kapitan Manuel na si Pilar at
ang kanyang ina ang tinaguriang Mag-inang Mahirap, pinalaya niya si Pilar at ipinahatid sa kanyang
karromata, kasama ang dalawang batang naging dahilan ng pagkakulong nito. (Ang dalawang batang ito
ay sina Ana at Elisa, mga anak ni Limbas.)
Dito unti-unting nabunyag ang lihim ng Mag-inang Mahirap:
Si Martina Baluyot, ang nasirang asawa ni Kapitan Manuel, ay pinsang buo ni Aling Munda.
Si Kapitan Martin, ang ama ni Martina, ay tunay na kapatid ni Mamerto, ang ama ni Aling Munda.
Nakatapos ng pag-aaral si Martin, subalit si Mamertoy nagbulakbol lamang.
Walang naiwang testamento ang mga magulang nina Martin at Mamerto. Dahil ditoy kinamkam ni
Martin ang mana ni Mamerto. Madaling nagawa ito ni Martin sapagkat siyay nag-aral at si Mamertoy
hindi.
Ang kasakiman ni Martin ay hindi dito natapos. Kinamkam din niya pati ang lupang sariling pundar ni
Mamerto. Ito sana ang mana ni Aling Munda kayat itoy hinabol niya sa husgado. Subalit natalo si Aling
Munda sa usapin at namatay pa ang kanyang asawa. Nooy dalawang taon pa lamang si Pilar.
Upang makapagtawid-gutom silang mag-ina, si Aling Munday nandamo sa bukid, nangapa ng isda sa
ilog, at nag-araw sa pagtatanim at paggapas ng palay. Mismong si Kapitan Martin ang nagbigay sa mag-
ina ng bansag na Mag-inang Mahirap.
Ngayoy dalaga na si Pilar at patay na si Kapitan Martin at si Martinang asawa ni Kapitan Manuel.
Nakasilip si Aling Munda ng pag-asang makaahon sa kahirapan dahil sa pakitang-tao ni Kapitan Manuel.
Subalit nauwi sa wala ang lahat. Pinalabas ni Kapitan Manuel na nakasangla sa napakataas na halaga ang
mga lupang mana ni Aling Munda.
Samantalay sumiklab ang rebolusyon ng mga katipunero laban sa mga Kastila. Tumakas mula sa
bilangguan sina Alberto, Limbas, at Halimaw at sumapi sa Katipunan. Si Albertoy natanyag bilang puno
ng isang maliit na pulutong ng mga katipunero.
Matapos lagdaan ang Kasunduang Biak-na-Bato, mistulang bayaning nagbalik si Alberto sa nayon ng B
upang makipag-isang dibdib kay Pilar. Subalit si Albertoy inagaw ng isang Julia. Dala ng pagsisisi,
nagpakamatay si Alberto at si Julia namay namatay sa panganganak.
Isinumpa ni Pilar na siyay miminsang umibig. Subalit pinakasuyo ni Juan si Aling Munda. Bilang
pagtanaw ng utang na loob dito (hinango ni Juan si Pilar sa bilangguan) at upang mahango silang mag-
ina sa kahirapan, hinikayat ni Aling Munda si Pilar na pakasal kay Juan.
Pumayag si Pilar sapagkat utang niya ang kanyang buhay sa kanyang ina. Gasino nang magpakasal sa
isang lalaking hindi niya minamahal?
Idinaos ang kasalan. Lumulutang sa kaligayahan si Juan, subalit tumatangis ang puso ni Pilar. Sa gitna ng
masayang salusalo matapos ang kasal, inatake sa puso si Pilar. Natapos ang kasaysayan sa pagtangis ni
Aling Munda sa bangkay ni Pilar.

You might also like