You are on page 1of 8

Bookmark us: Press (CTRL+D)

Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim

Buod

Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang
pinakamalaki. Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan
dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa
ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang
kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.

Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-
saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Sa
pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na
may brilyante at esmeralda at kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San Pedro.

Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga ilang
kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng
pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman,
nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si Maria sapagkat
darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si
Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na
mayroon siyang hinihintay na bisita.

Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna


kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si
Maria sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga
naglalakad ay napatapat sa bahay ni Simang. Nanaog kaagad ito at sila ay
inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra kay at pinuri naman si Maria.
Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na
sumama ito sa kanya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting
bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado
kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi.

Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot
at umaawit sa saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga
tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan
ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw
na kanal.

Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria


ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga
kasama. Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan.
Sumunod ay lumuhod ito sa sa may harap ni Maria at isinubsob ang ulo at
hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at
pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha.

Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang
ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing
naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang
ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon naman ang anak niyang si Crispin.
Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin ang
ketongin na dala ang bakol.

Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga


taong kulang-palad.
Kabanata XXVIII
Sulatan

Buod

Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista.


Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga
pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng
makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring
pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang
Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila.

Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong


bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa
kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang
pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos upang kaunin si
Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas.

Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia
Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila ang
kanilang usapan, ang marurunong lamang ng espanyol ang mga nakakaintindi sa
palabas. Higit na nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang tagalog. Ang hindi
pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat.

Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la


Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo
Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng
orkestra at awit ng mga artista pag nagkatapos ng . Siyang-siya ang lahat sa sermon
ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang
pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at
nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda.

Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na
itoy dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan
tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at
ang konsul.

Samantala, Tumanggap din ng lihan si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang liham:

Crisostomo:

Ilan araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kayat ipinagdasal kita
at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi,
pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang
mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang
iiwan ko sila.

Ipaabot mo saakin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya
mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong
katulong.

Maria Clara:

Habol:

Akoy dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa


paaralan. Paalam

Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaa

Buod

Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria. Pinag-uusapan


ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung alin ang mabuting bigyan ng
limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis.
Nais malaman ni Tiyago kung alin sa dalawang ito ang higit na mapaghimala.
Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang ito upang gumaling
kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng magpinsan nang
mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de
Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat
ng ministro sa Espanya.

Inaasahan ni Tiyago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni


Victorina si Linares, sinamahan sila ni Tiyago sa kani-kanilang silid.

Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya ay isang


ginang na may edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang.
Nuong bata at dalaga pa siya at kapani-paniwalang maganda ito. Kaya, hindi siya
nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang mapangasawa ay
isang dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na mapabilang sa mataas na antas
ng lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang nasilo. Nalagay siya sa
pangangailangan na kailangang makapangasawa siya ng dayuhan. Napilitan siyang
masiyahan sa isang maralitang Kastila na taga-Espanya itinaboy ng bayang
Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay Tiburcio
de Espanada na may 35 taong gulang,ngunit mukha pang matanda kay Donya
Victorina.

Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko dumanas siya


ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya na siyang magbalik
sa Espanya, dahil ipinasya na niyang manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya
sa bansa nang matanggap siya sa trabaho dahil sa tulong ng mga kababayang
Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral pinayuhan siya ng mga kababayan na
humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang
mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging kastila. Ayaw sana niyang
sumunod dahil nahihya siya, pero dahil sa gipit na gipit na siya,wala siyang
mapagpipilian kundi sumunod sa payo.

Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng


mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala talagang
kaalam-alam sa panggagamot. Sa una mabana ang singil. Lumalaon pataas ng
pataas, sinamantala niya ng husto ang pagtitiwala ng mga Indio. Dahil dito, umaasa
siya na tuloy-tuloy na ang kanyang pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay
na mediko sa Protomediko de Manila na siya ay pekeng doktor. Nawalan na siya
ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga kakilalat kababayan
subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina.

Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata. Ilang
araw ang nagtagal bumili ng aranya at karomata si Donya Victorina at matutuling
kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit nilang mag-asawa. Binihisan din
niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay
nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at
naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang buwan ang lumipas, Ipinamalita
niyang siya ay naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang
anak na tatawaging rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de,
kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espanada.

Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsyami


kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa "lupaing ito ng mga salvaje." Ang
ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring
nangyari. Hindi siya nagkaanak.

Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya
ang kanyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na
ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang
Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan namay hindi niya
ipinapahintulutan lumabas ng bahay.

Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong


medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na naman ang
gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang
sa Donya. Tunay na aminit hindi, siya ay Ander de Saya.

Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na:DOCTOR DE


ESPADAA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES at ito
ay ikinabit sa kanyang bahay.
Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kanyang mga ari-
arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman
ng Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng pagkamananggol, sa gastos ng
Donya.

***
Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Pari Salvi. Dati ng kakilala ng
mag-asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad
sinabakan na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at
pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na
poder sa estado.

Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng


Kapitan Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya.
Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang
siya at hindi kaagad nagkasakit si Mari disin sanayy nakadaupang palad nila ang
Henerl.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay


nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni
Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa
tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng
azucena.

Naitanong naman ni Linares kay Pari Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat
may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria
kaya napanatag ang loob ni Linares.

Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit
mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: Sa Umaga ay liquen at gatas, Jarabe
de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala
si Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria
na lubhang nagagandahan.

Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linarez sa magandang mukha


ni Maria nang sabihin ni Pari Salvi na dumating na si Pari Damaso. Ang pari ay
kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at
hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.

You might also like