You are on page 1of 2

MISA DE GALLO Siyam na gabi bago sumapit ang bisperas ng

kapaskuhan,mauulinigan ang kalembang ng kampana ng simbahan. Tunog na


nanggigising, nanggaganyak, nanghahalina Ang Misa de Gallo ay mag-uumpisa
na. Kapalit ng nobenay katuparan ng hiling. Kapag itoy nakumpleto, grasyay
makakamit. Kayat malamig man ang hangit paligid ay madilim, Lahat ay
tumutugon sa tawag ng Simbang Gabi. Matapos ang bawat misay espesyal na
almusal. Tradisyunal na pagkaing pamaskoy itatanghal: Puto bumbong, suman,
tsokolatet bibingka ihahanda sa mesat pagsasaluhan ng pamilya. PASKO SA
NAYON Pasko sa nayoy tunay na kakaiba. Di man marangya, puno pa rin ng ligaya.
Mga batay nangangaroling bitbit ang tambol na lata. Hatid ay galak at musika
kapalit ng mumunting barya. Parol ay nakasabit sa bawat tahanan. Sa plazay
tinatanghal ang Panunuluyan. Simpleng potahey nasa hapag-kainan, na sa Noche
Buena ay pagsasaluhan. Wala mang hamon, lechon o keso de bola, higit na
mahalaga ang kumpletong pamilya. Maga batay nagmamano kay Ninong at
Ninang, na hatid ang munting Aguinaldo para sa inaanak. PASKO SA IBANG LUGAR
Pasko sa ibang bansay tunay na kay rangya Malapad na mesa ay puno ng handa.
Mga palamuti sa paligid ay kumukuti-kutitap at umuulan ng nyebe mula sa alapaap.
Kay daming regalo ang iyong matatanggap tanso, ginto, diamante at pilak. Subalit
tila yata paningin ay may hinahanap. Bakit kaya kalooban moy waring di
nagagalak. Naryan si Santa Clause, naryan ang Christmas tree. Ngunit pusoy
nangungulila pagkat wala sa iyong tabi, ang iyong iniibig, ang pamilyang tinatangi.
PASKO SA NAYON (NANGUNGULILA) Sa gitna ng kasiyahay dudungawin mo ang
tala. Ang iyong sinisintay nasaan na kaya? Ni minsan kayay ikaw ay nagunita ng
kanyang diwa gayong Pasko nyay kay rangya.
MISA DE GALLO Siyam na gabi bago sumapit ang bisperas ng
kapaskuhan,mauulinigan ang kalembang ng kampana ng simbahan. Tunog na
nanggigising, nanggaganyak, nanghahalina Ang Misa de Gallo ay mag-uumpisa
na. Kapalit ng nobenay katuparan ng hiling. Kapag itoy nakumpleto, grasyay
makakamit. Kayat malamig man ang hangit paligid ay madilim, Lahat ay
tumutugon sa tawag ng Simbang Gabi.

PASKO SA NAYON Pasko sa nayoy tunay na kakaiba. Di man marangya, puno pa rin
ng ligaya. Mga batay nangangaroling bitbit ang tambol na lata. Hatid ay galak at
musika kapalit ng mumunting barya. Parol ay nakasabit sa bawat tahanan. Sa
plazay tinatanghal ang Panunuluyan. Simpleng potahey nasa hapag-kainan, na sa
Noche Buena ay pagsasaluhan. Wala mang hamon, lechon o keso de bola, higit na
mahalaga ang kumpletong pamilya. Maga batay nagmamano kay Ninong at
Ninang, na hatid ang munting Aguinaldo para sa inaanak.

PASKO SA IBANG LUGAR Pasko sa ibang bansay tunay na kay rangya Malapad na
mesa ay puno ng handa. Mga palamuti sa paligid ay kumukuti-kutitap at umuulan
ng nyebe mula sa alapaap. Kay daming regalo ang iyong matatanggap tanso,
ginto, diamante at pilak. Subalit tila yata paningin ay may hinahanap. Bakit kaya
kalooban moy waring di nagagalak. Naryan si Santa Clause, naryan ang Christmas
tree. Ngunit pusoy nangungulila pagkat wala sa iyong tabi, ang iyong iniibig, ang
pamilyang tinatangi.

PASKO SA NAYON (NANGUNGULILA) Sa gitna ng kasiyahay dudungawin mo ang


tala. Ang iyong sinisintay nasaan na kaya? Ni minsan kayay ikaw ay nagunita ng
kanyang diwa gayong Pasko nyay kay rangya.

You might also like