You are on page 1of 16

Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

para sa National Training of Trainers (NTOT)


ng Guro ng Ikaapat na Baitang para sa
K to 12 Basic Education Program

1 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
Sesyon 1 Konseptwal na Balangkas ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

Laang Oras: 180 minuto (3 oras)

Layunin: Pagkatapos ng sesyon, ang mga nagsasanay ay inaasahang


makatutukoy, makauunawa at makasusuri ng bawat bahagi ng
Konseptwal na Balangkas ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

Mga Kagamitan: paper strips o metacards na may nakasulat na numero; ginupit na


hugis susi; pentel pens; masking tapes; manila papers; brown
envelopes; specialty boards na kulay pula, orange, green, dilaw at
asul; gunting; glue; activity sheets; bond papers; powerpoint
presentation

Panimula:

Bilang isang tagapagsanay, mahalaga na matukoy, maunawaan at masuri ang bawat


bahagi ng Konseptwal na Balangkas ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) upang higit na
maunawaan ang tunguhin o layunin ng EsP na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal
ng mag-aaral. Mahalaga din na matukoy at maunawaan ang ibat ibang proseso, teorya,
dulog at estratehiyang ginamit sa mga aralin na makatutulong upang malinang ang mga
pamantayan sa pagkatuto at makamit ang pamantayang pangnilalaman at pagganap. Sa
pagkamit ng mga ito, maaaring mahanap/matagpuan ng mga mag-aaral ang kabuluhan ng
kaniyang buhay at ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi sa pagtatayo ng
pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal.

Pamamaraan:

Panimulang Gawain (10 minuto)

1. Bago simulan ang unang sesyon, ang bawat nagsasanay ay bibigyan ng papel na
may hugis at may nakalagay na numero.

2. Ang papel na may hugis ay susulatan ng mga nagsasanay ng isang salita na


naglalarawan sa kanila o ng kanilang kakaibang kakayahan. Sa likod naman ay isulat
nila ang kanilang pangalan.

3. Ang mga nasulatang na may hugis ay kokolektahin ng facilitator at ididikit sa manila


paper na nakadikit sa dingding ng silid-sanayan.

4. Sa buong dalawang araw ng pagsasanay sa EsP, oobserbahan ng nagsasanay ang


bawat isa upang maiugnay nila ang mga nakasulat na paglalarawan ng sarili ng
kanilang mga kasamahan sa pagsasanay.

5. Pagkatapos ng huling sesyon ng EsP sa ikalawang araw, huhulaan ng mga


nagsasanay ang bawat isa nilang kasamahan batay sa isinulat na paglalarawan ng
sarili.

6. Layunin nito na makilala ng mga nagsasanay ang kanilang sarili at ang bawat isa.

2 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
Gawain (Activity) (55 minuto)

1. Ang mga nagsasanay ay bubuo ng limang (5) pangkat sa pamamagitan ng isang laro
na ibibigay ng tagapagsanay.

2. Upang mabuo ang bawat bahagi ng Konseptwal na Balangkas ng Edukasyon sa


Pagpapakatao (EsP), may mga kaukulang gawain o senaryo na makikita sa mga
activity sheets.

3. Ang bawat activity sheet at mga salitang kailangang buuin ay nakalagay sa brown
envelope na may numero.

4. Ang bawat pangkat ay bubunot ng envelope. Sa loob ng 30 minuto, pag-uusapan ng


bawat pangkat kung paano nila isasagawa ang mga nabunot na gawain o senaryo.

5. Sa loob ng tatlo (3) hanggang limang (5) minuto, isasadula at/o ipapaliwanag ng
bawat pangkat ang mga nakalagay sa activity sheet.

6. Narito ang mga sagot sa bawat gawain o senaryo:

Sagot sa Activity Sheet 1:

Tunguhin / Goal
Nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang
panlahat.

Sagot sa Activity Sheet 2:

Mga Proseso
1. Pag-unawa
2. Pagninilay
3. Pagsangguni
4. Pagpapasya
5. Pagkilos

Sagot sa Activity Sheet 3:

Apat na Tema
1. Pananagutang Pansarili
2. Pakikipagkapwa at Katatagan ng Pamilya
3. Paggawa tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa
Pandaigdigang Pagkakaisa
4. Pagkamaka-Diyos at Preperensiya sa Kabutihan

3 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
Sagot sa Activity Sheet 4:

Pitong Pangunahing Pagpapahalaga


1. Kalusugan at Pakikiisa sa Kalikasan
2. Katotohanan at Paggalang
3. Pagmamahal at Kabutihan
4. Ispiritwalidad
5. Kapayapaan at Katarungan
6. Likas-kayang Pag-unlad
7. Pagkamaka-Pilipino at Pakikibahagi sa Pambansang Pagkakaisa

Sagot sa Activity Sheet 5:

Mga Dulog, Teorya at Estratehiya


(may mga kahulugan na nakalagay sa activity sheet)
1. Pagpapasyang Etikal
2. Social and Emotional Learning
3. Interaktibong Teorya ng Pagkatuto
4. Experiential Learning
5. Constructivism

Iba pang mga dulog, teorya at estratehiya na walang ibinigay na kahulugan,


ngunit isasama sa pag-aayos upang mabuo ang mga dulog, teorya at
estratehiya.
6. Career Guidance
7. Teorya ng Virtue Ethics
8. Teorya ng Value Ethics
9. Teorya ng Career Development

Para sa Tagapagsanay:

Ang tagapagsanay ay dapat na nagtatala ng mga importanteng impormasyon


mula sa mga kasagutan ng bawat pangkat na maaaring balikan sa Paghahalaw o
Abstraction.

Pagsusuri (Analysis) (10 minuto)

Sa pagsasagawa ng pagsusuri, muling balikan ang naitalang kasagutan ng


bawat pangkat sa mga gawain. Siguraduhin na maipakita ang koneksyon at halaga ng
mga ito upang higit na maunawaan.

4 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
Itanong ang sumusunod:

1. Batay sa natapos na mga gawain, ano ang ibat ibang bahagi ng Konseptwal na
Balangkas ng EsP?

2. Bakit mahalaga na matukoy, maunawaan at masuri ang bawat bahagi nito?

3. Bilang tagapagsanay, ano ang naitulong sa iyo ng mga isinagawang gawain?

Paghahalaw (Abstraction) (60 minuto)

A. Unang Paghahalaw:

Malinaw bang natukoy, naunawaan at nasuri ang bawat bahagi ng


Konseptwal na Balangkas ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)?

B. Ikalawang Paghahalaw:

Pagpapaliwanag ng bawat bahagi ng Konseptwal na Balangkas ng EsP sa


pamamagitan ng powerpoint presentation. (kung kinakailangan)

Paglalapat (Application) (30 minuto)

1. Sa loob ng 30 minuto, pag-uusapan at ipakikita ng mga nagsasanay sa malikhaing


pamamaraan kung paano ibabahagi ng kanilang pangkat ang mga natutuhan tungkol
sa ibat ibang bahagi ng Konseptwal na Balangkas ng EsP.

Pagwawakas (15 minuto)

1. Itanong ang sumusunod:

a. Pagnilayan ang iyong natutuhan tungkol sa ibat ibang bahagi ng Konseptwal


na Balangkas ng EsP.

b. Bilang isang magiging tagapagsanay, sukatin ang iyong natutuhan at


naunawaan sa ibat ibang bahagi ng Konseptwal na Balangkas ng EsP.

2. Ipakita at ipaliwanag ang Hamon ng Edukasyon ng Pagpapakatao.

3. Bilang pagwawakas, ipakita ang video ng Parable of the Pencil.

5 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
Sesyon 2 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

Laang Oras: 240 minuto (4 na oras)

Mga Layunin: Pagkatapos ng sesyon, ang mga nagsasanay ay inaasahang:

makatutukoy ng epektibong estratehiya upang higit na


maunawaan ang ibat ibang bahagi at nilalaman ng Gabay
Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP);

makapagpapaliwanag ng tamang paggamit ng Gabay


Pangkurikulum ng EsP; at

makauunawa ng kaugnayan ng nilalaman ng Kurikulum ng


ikatlong baitang sa ikaapat na baitang, ikaapat na baitang sa
ikalimang baitang.

Mga Kagamitan: Gabay Pangkurikulum ng Ikatlo, Ikaapat at Ikalimang Baitang; colored


strips na papel; metacards; pentel pens; manila papers; masking
tapes; worksheets; bond papers; powerpoint presentation

Panimula:

Bilang isang tagapagsanay, mahalaga na higit mong maunawaan ang nilalaman at


ang tamang paraan ng paggamit ng Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao
(EsP) na naglalayong linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral upang higit
na maipaliwanag sa mga guro ang kahalagahan ng bawat bahagi sa kanilang pang-araw-
araw na pagtuturo. Ninanais din na maipaliwanag ang kaugnayan ng kurikulum mula sa
ikatlo papunta sa ikaapat na baitang at paakyat sa ikalimang baitang. Sa paraang ito, higit
na mabibigyan ng liwanag kung paano ang bawat pagpapahalaga sa bawat antas ay
nililinang batay na rin sa mga pamantayan at tema sa bawat markahan. Sa pagkamit ng
mga ito, higit na matutulungan ng bawat guro ng EsP ang mga mag-aaral na mahanap o
matagpuan ang kabuluhan ng kanilang buhay, ang papel nila sa lipunang Pilipino at
magkaroon nang mapanagutang pagpapasiya tungo sa kabutihang panlahat.

Pamamaraan:

Panimulang Gawain (10 minuto)

1. Muling batiin ang mga kalahok sa pagdalo sa ikalawang sesyon ng Edukasyon sa


Pagpapakatao. Ipamigay ang colored strips na papel. Ipaliwanag na ang kulay ng
papel ang magdidikta kung anong pangkat ang kanilang dapat samahan. Gawin ito
hanggang makabuo ng limang pangkat.

2. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na magkakilala at pagkatapos ay


pasagutan ang tanong na: Ano ang Edukasyon sa Pagpapakatao sa iyo bilang isang
tagapagsanay?

6 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
3. Bigyan ang bawat pangkat ng dalawang (2) minuto para pagnilayan ang sagot sa
tanong na kanilang ibabahagi sa pangkat pagkatapos. Maaaring isulat sa metacards
ang kanilang mga sagot na ipapaskil sa harapan para mabasa ng lahat.

4. Pagkatapos na magkakilala ang mga miyembro ng bawat pangkat, ihanda sila sa


unang gawain.

Mga Gawain (Activities)

Unang Gawain Ang Ibat Ibang Bahagi ng Gabay Pangkurikulum ng EsP


(50 minuto)

1. Bigyan ang bawat pangkat ng worksheet 1.

2. Hayaang balikan ng mga nagsasanay ang kanilang karanasan sa mass training sa


EsP ng nakaraang taon. Himukin ang bawat isa na isipin, pagnilayan at pag-usapan
sa kanilang pangkat ang mga nangyari o anumang obserbasyon kung paano
ipinaliwanag ang ibat ibang bahagi ng Gabay Pangkurikulum ng nakaraang
pagsasanay. Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magpahayag ng sariling
karanasan o obserbasyon.

3. Pagkatapos ng pagbabahaginan sa kanilang pangkat pasagutan ang sumusunod na


mga tanong na makikita sa worksheet 1:

a) Naging matagumpay ba ang inyong pagsasanay upang matukoy at


maintindihan ng mga guro ang ibat ibang bahagi ng gabay pangkurikulum sa
EsP? Kung ito ay naging matagumpay, isulat ang estratehiyang nakatulong
sa tagumpay na ito.

b) Kung hindi naman naging matagumpay, ano naman ang inyong hakbang na
gagawin upang hindi na maulit ito?

4. Sa mga hindi naging bahagi ng pagsasanay, ibabahagi nila ang kanilang mga
obserbasyon.

5. Para sa mga bagong tagapagsanay, umisip sila ng pamamaraan na makatutulong


para sa matagumpay na pagsasanay.

6. Ang lahat ng sagot ay isusulat sa manila paper at ipapaskil ito sa harapan.

7. Ipaalala na meron silang limang (5) minuto para sa pag-uulat.

8. Pagkatapos mag-ulat ng bawat pangkat, pasalamatan ang mga kalahok sa kanilang


pakikiisa at paghayag ng katotohanan tungkol sa nakaraang mass training sa EsP.

Itanong:
Balikan ang inyong mga sagot. Alin sa mga ito ang makatutulong upang higit na
maipaliwanag ang ibat ibang bahagi ng Gabay Pangkurikulum? Pangatwiranan
ang inyong sagot.

9. Hayaang nakapaskil ang mga sagot ng mga nagsasanay para magamit sa oras ng
talakayan.

7 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
Ikalawang Gawain Paano Mo Ginagamit ang Gabay Pangkurikulum?
(50 minuto)

1. Ihanda ang mga nagsasanay sa ikalawang gawain. Sa pagkakataong ito, bumuo ng


apat na pangkat lamang. Bigyan sila ng maikling panahon para pumili ng lider.

2. Ipaliwanag na kailangan ang malalim na pagsusuri upang higit na tumimo ang


kahalagahan ng gawaing ito na naglalayong maitaas ang antas ng kamalayan sa
tamang paggamit ng Gabay Pangkurikulum ng EsP. Ito ay inaasahang matatapos sa
loob ng isang oras. Hikayatin ang pakikiisa ng bawat miyembro.

3. Magkaroon ng palabunutan para malaman kung anong markahan ang magiging


basehan ng gawain sa bawat pangkat.

4. Ipamigay sa bawat pangkat ang Gabay Pangkurikulum ng Ikaapat na Baitang at


worksheets 2 at 2.a para sa gawaing ito. Bigyan sila ng 25 minuto o higit pa para
maghanda ng pagpapaliwanag kung paano nila ilalahad ang tamang gamit ng gabay
pangkurikulum.

5. Ipaulat ito sa harapan sa loob ng limang (5) minuto at ipapaskil ang kanilang mga
ginawa. Batiin ang mga kalahok sa kanilang pakikiisa sa gawaing ito.

Ikatlong Gawain Ikatlo, Ikaapat at Ikalimang Kurikulum ng EsP: Ano ang


Kanilang Ugnayan? (40 minuto)

1. Muling himukin ang mga nagsasanay para sa pagsasagawa ng ikatlong gawain. Sa


pagkakataong ito, panatilihin ang apat na pangkat.Bigyan sila ng maikling panahon
para pumili ng bagong lider.

2. Ipamahagi sa bawat pangkat ang Gabay Pangkurikulum ng Ikatlong Baitang at


Ikalimang Baitang, at ang worksheet 3.

3. Ihayag na nilalayon ng gawaing ito na maunawaan ang ugnayan ng ikatlo, ikaapat at


ikalimang baitang na kurikulum ng EsP.

4. Ipalarawan kung saan at paano nagkakaugnay ang ikatlo sa ikaapat na baitang na


kurikulum, at ang ikaapat sa ikalimang baitang na kurikulum. Bigyan sila ng 15
minuto o higit pa para mag-usap.

5. Pagkatapos ng talakayan, ipagawa ang mga gawain sa worksheet 3. Sabihin na


maghanda para sa limang (5) minutong pag-uulat.

6. Pagkatapos makapag-ulat ng lahat ng pangkat, tumawag ng isa hanggang tatlong


nagsasanay para sagutin ang tanong na:

Ano ang kahalagahan ng gawaing ito para sa mga guro?

7. Muling batiin ang mga kalahok sa kanilang pakikiisa sa bawat gawain.

8 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
Para sa Facilitator:

Ang facilitator ay dapat nagtatala ng mga importanteng impormasyon mula sa


mga ipinapakita ng bawat pangkat na maaaring balikan sa Paghahalaw o Abstraction.
Ipaalala na makinig nang mahusay upang ang lahat ng resulta ng gawain ay matandaan
para sa pagpoproseso ng mga ito.

Pagsusuri (Analysis) (10 minuto)

Para sa Facilitator:

Sa pagsasagawa ng pagsusuri, muling patingnan at balikan ang lahat ng gawain.


Siguraduhin na maipakita ang koneksyon at halaga ng mga ito upang higit na
maunawaan.

Itanong ang sumusunod:

1. Upang maipaliwanag nang buong husay at lalim ang konseptwal na balangkas at


gabay pangkurikulum ng EsP, ano pang personal na paghahanda ang dapat
ninyong gawin?

2. Batay sa mga gawaing inyong ginampanan, alin sa mga ito ang higit na tumimo
at nagbigay ng lakas sa inyo bilang isang tagapagsanay ng EsP? Pangatwiranan
ang inyong sagot.

Paghahalaw (Abstraction) (30 minuto)

A. Unang Paghahalaw:

Sa kabuuan, anong mga konsepto ang dapat tandaan upang matukoy at


maunawaan ang nilalaman ng kurikulum, maisagawa ang tamang paggamit nito sa
paglinang ng mga aralin, at maipaliwanag ang kaugnayan ng EsP kurikulum sa
bawat antas?

B. Ikalawang Paghahalaw:

Gamit ang powerpoint presentation, ipaliwanag kung kinakailangan ang ibat


ibang bahagi ng gabay pangkurikulum, ang mga bahagi na dapat isaalang-alang sa
paglinang ng pamantayan sa pagkatuto (learning competencies) at ang kaugnayan
ng EsP kurikulum mula ikatlo hanggang ikalimang baitang.

Paglalapat (Application) (40 minuto)

1. Ang bawat pangkat mula sa huling gawain ay inaasahang maghanda para sa isang
simulation kung saan ipaliliwanag ang kabuuang nilalaman at tamang paggamit ng
Gabay Pangkurikulum ng EsP sa Ikaapat na Baitang at ugnayan ng ikaapat na
baitang na kurikulum sa ikatlo at ikalimang baitang.

9 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
2. Magtalaga ng ilang miyembro ng ibang pangkat na magiging tagapagmasid upang
makapagbigay-puna pagkatapos ng ibat ibang simulation. Ito ay magsisilbing gabay
para sa mas mahusay na tagapagsanay.

3. Maglaan ng limang (5) minuto para sa pagtatanghal.

Pagwawakas (10 minuto)

1. Bilang pangwakas na gawain, gumawa ng isang liham para sa taong malapit sa iyong
puso at ilahad mo ang iyong tungkulin at hangarin para sa darating na pagsasanay ng
mga guro sa ikaapat na baitang.

2. Kung may oras pa, maaaring tumawag ng isa o dalawang kalahok para magbahagi
ng ginawang liham.

10 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
Sesyon 3 Walkthrough ng Patnubay ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaral na
Gamit sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) sa
Ikaapat na Baitang

Laang Oras: 300 minuto (5 oras)

Mga Layunin: Pagkatapos ng sesyon, ang mga nagsasanay ay inaasahang:

makapag-iisa-isa ng mga bahagi at nilalaman ng Patnubay ng


Guro at Kagamitan ng Mag-aaral na gamit sa pagtuturo ng
Edukasyon sa Pagpapakatao: halaga, pilosopiya at ugnayan;

makasusuri, makahahalaw at makapaghahambing ng mga


nilalaman gamit ang Patnubay ng Guro at Kagamitan ng Mag-
aaral; at

makapagpapaliwanag ng wastong paggamit ng Patnubay ng


Guro at Kagamitan ng Mag-aaral sa pamamagitan ng
simulation / lecture-demo teaching.

Mga Kagamitan: Patnubay ng Guro, Kagamitan ng Mag-aaral, bookmarks na may


code, metacards, manila papers, pentel pens, masking tapes, Yunit
covers, larawan ng isda, powerpoint presentation

Panimula:

Bilang isang tagapagsanay, mahalaga na matukoy ang mga nilalaman ng Patnubay


ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaral. Ang mga kagamitang ito ay makatutulong sa araw-
araw na pagtuturo, gamit ang ibat ibang angkop na gawain. Sa paggamit ng Patnubay ng
Guro at Kagamitan ng Mag-aaral, matutunghayan rin ang ginamit na mga teorya, dulog, at
estratehiya na magsisilbing gabay at halimbawa sa paglinang ng mga aralin.

Sa pagkamit ng mga ito, maaaring mahanap o matagpuan ng mga mag-aaral ang


kabuluhan ng kaniyang buhay at ang papel niya sa lipunang Pilipino upang maipamalas ng
mag-aaral ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain na may kaakibat na
pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa
sarili, kapuwa, bansa at Diyos.

Pamamaraan:

Mga Gawain (Activities)

Unang Gawain (30 minuto)

1. Ang mga nagsasanay ay nakapangkat ayon sa nakaraang pangkatang gawain sa


nakaraang sesyon.

2. Ipapaskil ng tagapagsanay ang larawan ng unit cover sa apat na estratehikong


pook sa session hall.
11 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
3. Itatalaga ang bawat pangkat sa mga larawan. Bigyan sila ng tatlong (3) minuto
upang suriin ang larawan at bigyan ito ng pakahulugan.

4. Sa hudyat ng facilitator, lilipat ang pangkat sa kasunod na larawan upang bigyan


din ito ng interpretasyon.

5. Gawin ito hanggang mabigyang pansin ang lahat ng larawan.

6. Iuulat ng bawat pangkat ang kanilang interpretasyon sa loob ng tatlong (3)


minuto.

Ikalawang Gawain (60 minuto)

1. Ipamamahagi sa mga nagsasanay ang Patnubay ng Guro at Kagamitan ng Mag-


aaral gayondin ang bookmark.

2. Sa pangunguna ng tagapagsanay, isagawa ang walkthrough para sa Patnubay


ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaral. Gabayan ang mga nagsasanay sa
sumusunod na bahagi ng Patnubay ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaaral:

- pabalat
- copyright
- panimula (ipabasa sa mga nagsasanay)
batayan
prosesong ginamit
teorya, dulog, at estratehiya
- talaan ng nilalaman (Ang bawat yunit ay may kaukulang tema batay sa
Gabay Pangkurikulum. Ang isang yunit ay binubuo ng siyam na aralin.)
- appendices
pagsusulit sa bawat yunit
mga larawan
talasalitaan
at iba pa

7. Ipaliwanag ang tema at larawang nakaguhit na nagpapakilala sa kabuuan ng


yunit. Bigyang pansin ang mga pagpapaliwanag ng bawat yunit na matatagpuan
sa kasunod na pahina ng larawan at ang mga Mungkahing Pangwakas na
Gawain na makikita sa katapusan ng bawat yunit sa Patnubay ng Guro.

8. Gawin itong muli para sa susunod na mga yunit.

9. Pagkatapos nito, ipakuha ang Kagamitan ng Mag-aaral para sa pagpapatuloy ng


walkthrough. Gabayan sila na tingnan ang nilalaman nito katabi ang Patnubay ng
Guro.

10. Buksan ang Yunit 1, Aralin 1 at tingnan ang mga pagkakaugnay nito.

Ikatlong Gawain Workshop (70 minuto)

1. Ipasuri ang code na matatagpuan sa likod ng hawak na bookmark ng mga


nagsasanay. Maaaring itanong sa kanila ang kahulugan nito.

12 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
2. Ang sumusunod na code sa bookmark ang gagamitin sa pagpapangkat:

Unang Yunit PKP (kahulugan: Tungkulin Ko Sa Aking Sarili at Pamilya /


Pananagutang Pansarili at Mabuting
Kasapi ng Pamilya)

Ikalawang Yunit P (kahulugan: Ang Pakikipagkapwa / Pakikipagkapwa-tao)

Ikatlong Yunit PPP (kahulugan: Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod


Tayo / Pagmamahal sa Bansa at
Pakikibahagi sa Pandaigdigang
Pagkakaisa)

Ikaapat na Yunit PD (kahulugan: Paggawa ng Mabuti, Kinalulugdan ng


Diyos / Pananalig at Pagmamahal sa
Diyos)

2. Pagkatapos maipaliwanag, sabihin sa mga nagsasanay na ang code na kanilang


kinabibilangan ay ang yunit na kanilang bibigyan ng pansin para sa walkthrough.

3. Magkaroon ng maikling talakayan ang bawat pangkat gamit ang sumusunod na


mga tanong:

- Ano ang kahalagahan ng pagsasagawa ng walkthrough ng Patnubay ng


Guro at Kagamitan ng Mag-aaral sa inyo bilang tagapagsanay?

- Sa inyong palagay, paano ito makatutulong sa mga guro? Pangatwiranan


ang inyong mga sagot.

- Bilang isang tagapagsanay, aling bahagi pa ng pagsasagawa ng


walkthrough ang kailangan ninyo pang paunlarin?

4. Iulat ang napagkasunduang mga sagot mula sa mga tanong sa itaas.

Pagsusuri (Analysis) (20 minuto)

Sa pagsasagawa ng pagsusuri, balikan ang mga sagot sa mga gawain.


Siguraduhin na maipakita ang koneksyon at halaga ng mga ito upang higit na
maunawaan.

Paghahalaw (Abstraction) (50 minuto)

Gamit ang powerpoint presentation, maipakikita ang mga isinaalang-alang sa


paghahanda ng Patnubay ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaral tulad ng sumusunod: Ang
Batayan, Ang Limang Proseso ng Pagkatuto, Mga Teorya, Dulog at Estratehiya sa
Pagtuturo ng EsP, at ang 21st Century Skills na ginamit sa paglinang ng mga aralin.

Paglalapat (Application) (60 minuto)

1. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang aralin para sa Simulation / Lecture Demo-
Teaching. Isasagawa ito ng isang miyembro ng pangkat.
13 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
2. Kailangang maipakita sa Simulation / Lecture Demo-Teaching ang limang proseso
na ginagamit sa pagtuturo ng EsP at ang pagkakaugnay ng bawat isa.

3. Maglalaan ng 15 minuto para dito.

Pagwawakas (30 minuto)

1. Gamit ang ginupit na ibat ibang klase ng isda, isulat ang mga natandaang konsepto
at idikit ito sa aquarium.

2. Bilang pagwawakas na gawain, panoorin ang video clips na may pamagat na The
meaning of TEAM. Together Everyone Achieves More! na may link na
https://www.youtube.com/watch?v=OpzH1hPvf38.

14 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
Sesyon 4 Ang Pagtatasa at Ang Pagtataya para sa Edukasyon sa
Pagpapakatao (EsP) sa Ikaapat na Baitang

Laang Oras: 180 minuto (3 oras)

Mga Layunin: Pagkatapos ng sesyon, ang mga nagsasanay ay inaasahang:

makapagpapaliwanag ng konsepto ng panuntunan sa mabisang


pagsulat/paggawa/paglikha ng pagtatasa;

makasusuri at makapaghahambing ng mga halimbawa ng


pagtatasa sa payak at complex na uri nito; at

makasusulat ng mga halimbawa ng pagtatasa na nahahati sa


dalawang batayan: content at perpormans.

Mga Kagamitan: Patnubay ng Guro, Kagamitan ng Mag-aaral, bingo kards, envelopes


na may mga kaukulang tanong, metacards, manila papers, pentel
pens, masking tapes, powerpoint presentation

Panimula: (10 minuto)

Ang bawat guro ay dapat na mabisang nakakikilala ng kaniyang sarili. Kung kilala ng
guro ang kaniyang pagkaguro, hindi malayong makilala niya (na dapat mangyari) ang
kaniyang mga mag-aaral na tinuturuan sa loob at labas ng kaniyang silid-paaralan.

Sa umpisa ng talakayang ito, hayaan nating makita ang pagkakaiba ng dalawang


parisukat: ang parisukat ng Pagtatasa at parisukat ng Pagtataya. Pansinin natin ang
kaibahan at pagkakapareho.

Pamamaraan:

1. Kunin ang sagot sa mga partisipants at itala ito sa pisara.


2. Bigyan ng pansin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kanilang mga kasagutan.
3. Sabihin: Iba-iba talaga ang ating mga pananaw. At ang sesyon na ito ang isa sa
mga gawaing makapaglilinaw kung papaano ang pagkakapareho at
pagkakaiba ng dalawang salik.

MGA GAWAIN (ACTIVITIES)

Gawain A: (45 minuto)

BINGO AKO!

1. Ang bawat partisipant ay isa-isang sasagot ng x o / mula sa mga kard na


ibibigay ng tagapagsanay. Sa pamamagitan ng powerpoint at mga bingo kard na
ipamamahagi, sagutin ito sa pamamagitan ng x o / na marka.

15 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)
2. Pagkatapos ng pagsagot, itanong ang sumusunod:

- Ano-ano ang iyoong mga x? Ano-ano naman ang iyong mga /?


- Ano-ano ang dahilan kung bakit ka BINGO sa pahalang na pwesto, tuwid
na horizontal, tuwid na vertical o pahilis na ayos? Ipaliwanag ito sa inyong
grupo.
- Ano ang nais patunayan ng inyong mga BINGOng sagot? Bakit?

3. Bigyang pansin ang bahagi ng analisis at pagkatapos ay lagumin ito ng maayos.


Ipakita ang pilosopiya:

Anumang gawin mo sa iyong sarili, ikaw ang nakaaalam nito.


Hindi palaging nagsasabi ang mga x ng mali at ang mga / ng tama.

Gawain B: (45 minuto)

1. Pangkatin ang partisipants sa apat na pangkat.


2. Pabunutin ng isang envelope ang bawat lider na may laman ng katanungan.
3. Pumili ng lider upang mamuno sa pagtatalakay sa nabunot na tanong.
4. Ipaulat at ipaliwanag ng lider ng pangkat ang sagot.
5. Lagumin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na pahayag:

Sa pagtatasa at pagtataya, mahalagang salik para sa mataas na


pag-iisip at pagkatuto ang bisa ng PAMANTAYAN.

ANALYSIS O PAGSUSURI (15 minuto)

ABSTRAKSIYON 1 (20 minuto)

***Gamitin ang power point presentation.

Gawain C: (20 minuto)

1. Panatilihing apat ang pangkat.


2. Ibigay ang isang PAKSA sa mga pangkat para magkaroon ng talakayan sa
paggawa/paglikha/pagsulat ng mga gawaing pagtatasa hinggiil sa paksang
ibinigay.
3. Pagkatapos ng 15 minuto, ipaulat ito sa harapan.
4. Talakayin ang mga output batay sa pamantayan:

ABSTRAKSIYON 2 (20 minuto)

***Gamitin ang power point presentation.

Pagwawakas (15 minuto)

Iparinig ang awit na I WANNA GIVE.

16 Sesyong Patnubay sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa National Training of Trainers (NTOT) ng
Guro ng Ikaapat na Baitang para sa K to 12 Basic Education Program (Abril 12-18 at 21-27, 2015)

You might also like