You are on page 1of 17

I.

PAMAGAT: DALUYONG

II. MAY-AKDA: LAZARO FRANCISCO

Siya ngayon ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Kinikilala rin siya na ama ng
Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman
niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng
kanyang pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino. Ang
mga karangalang Patnubay ng Lahi ng Maynila. Dangal ng Lahi ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970
ay ipinagkaloob sa kanya ang Republic Cultural Heritage Award sa Panitikan.

III. MGA TAUHAN AT KANILANG KATANGIAN

1. Lino Rivera 6. Don Tito Sityar


nadakip noon sa piyer X sa salang hindi ginawa may bakahan sa Pinyahan at nagmamay-ari ng malakingbahagi
tinanggihan ang alok ni Don Tito dahil gusto niyangmamuhay ng lupa sa Maruhat
nang tahimik nag-iisang anak si Benigno
nakaramdam ng pangmamaliit sa kaarawan ni MissSanchez o gustong maging kabiyak ng anak si Bb. Loreto Sanchez
(Salina Dolor Villas, Mira Lavadia-Ablaa atBeba Riegos naniniwalang madumi ang politika sa Pilipinas
Ligon) inis kay Padre Amando dahil magiging hadlang sa pagkandidato
marunong tumanaw ng utang na loob at tumulong ng anak
sanangangailangan inutusan si Albino na puntahan si Lino at sabihing gustosiyang
ayaw na ginagamit na kasangkapan ng iba gawing katiwala ng asyenda sa Maruhat at magingpinuno ng mga
may manipis na damdamin badigard ni Benog
matalik na kaibigan ni Bidong mapang-abuso sa kapwa lalo na sa mga hindi makalabansa
Nais ipapatay ni Benigno kanya
Nagkagusto kay Didang. Sa kanya din ikinuwento niDidang ang Nais makuha ang lupa ni Lino upang mapalaki angkanyang
buhoy nito bakahan
Binigyan ng kapirasong lupa ni Padre Echevarria
May prinsipyo at paninindigan 7. Benigno Sityar
Magaling makisalamuha sa iba at laging handangtumulong sa ayaw sa pamahalaan ng Pilipinas
nangangailangan tumatakbo bilang gobernador
Itinuturing na kaaway ng kampo nina Don Tito nag-aral ng medisina sa Amerika at may colonial na mentalidad
Benny sa Amerika
2. Loreto Sanchez Benog ang piniling palayaw
punung guro sa Pinyahan Anak ni Don Tito
may palayaw na Luring
tagapagmana ni Padre Amando at nag-iisang anak niAling Basilia 8. Koronel Roda
kilalang mahinhin at matalino may pagtangi kay Loreto
napupusuan si Lino
ayaw ng mga kaibigan niya kay Lino 9. Aling Basilia
May sakit na Coronary Thrombosis at Angina Pectoris. ina ni Loreto
magaan ang loob kay Lino
3. Ernesto
bunsong anak ni Lino 10. Bidong
pansamantalang naninirahan kay Loreto galing ng Pinyahan ; ipinanganak sa bayan ng Maruhat
iniibig si Huli
4. Ernestina isang estrangherong itinuturing na kapamilya ni Lino;matalik na
inaanak at ampon ni Nanay Luring o Loreto kaibigan ni Lino
kalaro ni Ernesto ipinasok na badigard sa mga Sityar
inutusan nila Don Tito at Benog na patayin si Lino ngunit hindi
5. Padre Amando Echevaria niya ito ginawa dahil mabuti siyang kaibigan
parokya ng Pinyahan
pamangkin si Loreto Sanchez 11. Julita Manalastas Huli
nagkaloob ng lupa sa Maruhat para kay Lino anak nina Aling Barang at Mang Abeng
gustong tiwalagin ang tenancy system mayroon ding pagtangi kay Bidong
tinanggihan na suportahan ang anak ni Don Tito sa pagkandidato Simbolo ng tunay na Pilipina : mahinhin, mapagahal sapamilya,
Mabuti ang pakikitungo sa kapwa lalo na sa mga trabahador sa may taglay na dalisay
hasyenda
12. Aling Barang
ina ni Huli ipinanganak sa Malabon sa lalawigan ng Rizal
may rayuma sa balikat; manunugal ang ama at maagang namatayan ng ina
Ayaw na nakikipagkita si Huli kay Bidong nagkaroon ng anak kay Chan Lee na may-ari ng tindahanna
Paboritong anak si Tirso pinagtrabahuhan ni Didang
namatay ang anak na sanggol dahil sa sakit
13. Mang Abeng May mabuting puso; may pagtingin kay Lino
ama ni Huli Representasyon ng mga kababaihang inaabuso at
taon nang hindi nakakabangon pinagmamalupitan

14. Albino 22. Felix


Mabuting kaibigan ni Lino sakristan sa simbahan
Nagisislbi sa bakahan ni Don Tito
Siya ang nagsasabi kay Lino ng mga pangyayari at mga plano ng
mga Sityar
23. Miring
15. Tirso kasama ni Didang na tumakas mula Baliwag papuntang Maynila
nakakatandang kapatid ni Huli
nag-aral ng pagsasaka sa Los Banos 24. Mentang
nagpakasal sa anak ng isang may tubuhan sa Negros kaibigan ni Miring sa Maynila na pansamantalang nagpatira sa
nagtuturo ng pagsasaka kanila
mananahi
16. Abogado Marcelo Ligon
tumutulong kay Padre Amando sa kumbento 25. Donya Geronima Villarta y Salumbides
asawa ni Gng. Genoveva Riegos-Ligon Kilala ring Memay
sinabihan niya si Lino na lumayo kay Bb. Sanchez ngunit nang pinagtrabahuhan ni Didang at itinuring anak si Didang
itoy magkasakit, siya rin ang naghanap at kumausap kay Lino na matandang dalaga
bumalik at magpakita kay Bb. Sanchez nangangasiwa sa 3 naytklub sa Dewey Boulevard
17. Aling Ambrosia
Labandera 26. Chic, Pinay, Bun at Lor
Mga hostess sa naytklub ni Donya Memay
18. Ignacia
kasambahay nina Loreto Sanchez 27. Chic
hinimok si Didang na maging hostess para magkaroon
19. Aling Huwana ngmagandang buhay
siya ang kumupkop kay Didang;
Madasalin at may mabuting kalooban 28. Mr. Bob Evans
ginahasa si Didang
20. Estoy, Lusito, Pensiyo, Pedrito at Pensiyo
brain trust ni Benog 29. Aling Tiyang
Kusinera ni Donya Memay
21. Didang
galing ng Maynila 30. Vilma
may limang buwan na naninirahan sa Maruhat at nakatira kina Katiwala sa bahay ni Donya Memay
Aling Huwana Pipi
nagsisimba tuwing linggo
pamangkin daw ni Aling Huwana sa di-kilalang pinsan
may bahid ng kalungkutan sa mga mata

Bb. LORETO SANCHEZ 3. BENIGNO (Benog)


Si Miss Sanchez ay may paninindigan. Kahit ayaw ng
kanyang mga kaibigan kay Lino ay gusto niya pa rin si Dahil namalagi si Benog sa Amerika, naging masyadong
Lino. Hindi siyanagpapaapekto sa mga sinasabi ng ibang liberal ang pag-iisip nya. Naniniwala sya na lahat ng bagay
tao.Hindi mahalaga para sa kanya ang panlabas na anyo ay nadadaan sasuhol at kayamanan; na ang mga taong
ang mahalaga ay ang kalooban ng tao. nagigipit, sa patalim kumakapit. Sa tingin nya, makukuha
nya ang lahat ng gusto nya sa ganitongparaan, bukod pa
2. LINO sa panlilinlang ng tao.
Si Lino ay isang maprinsipyong tao. Naniniwala sya na ang
isang tao ay dapat maghirap upang maabot niya ang 4. PADRE AMANDO
kanyang mgapangarap. Naniniwala rin sya na hindi dahas Si Padre Amando ay naniniwala na dapat maibigay sa mga
ang dapat isagot sa lahat ng problema, lalong lalo na kung tao ang mga bagay na nararapat sa kanila at ang mga
pwede naman itong malutas samapayapang paraan.Hindi bagay na pinaghihirapan nila. Naniniwala siya na hindi
sya sang-ayon sa pagpapagamit sa ibang tao upang gawin dapat pinagkakait sa mga tao ang mga bagay na dapat ay
ang mga nais ng taong iyon. Gayon rin ay naniniwala sya sa kanila at hindi dapat sila ginigipit at inaabuso ng mga
saimportansya ng kalayaan at katarungan.
may kapangyarihan. Ito ang dahilan kung bakit gusto
niyang ipabuwag ang tenancy system. 7. HULI
5. DIDANG Pinakamahalaga ang pamilya para kay Huli. Sa kabila ng
Sa kabila ng mga pinagdaan ni Didang, napanatili niya ang pinagdaanan ng pamilya niya, hindi siya naging pabigat sa
kaniyang dignidad bilang isang tao at bilang isang babae. mga ito. Hindisiya nag-walang bahala at nagpabaya.
Ito ay dahil samga karanasan ni Didang sa kaniyang buhay Nanatili siya sa tabi ng mga magulang niya upang
bilang isang anak, babae at isang tao. Noong bata pa siya, papatagin ang loob ng mga ito. Ang pag-aalala niyapara
nagawa niyang maglayas at lisaninang kahigpitan na sa kanyang ama at ina ay tunay na malaking bagay para
ipinapadama sa kaniya ng kanyang bagong ina na si, Tiya sa mga ito.Maari naman niyang lisanin ang kanyang
Nona.Nakapaghanap din siya ng ibat ibang trabaho, pamilya para makatikim ng maganda at maginhawang
naging isang katulong ito at naging isang hostess sa isang buhay at kinabukasan sa ibanglugar, ngunit ang busilak at
club. Sa kabila ng mgapangyayari, hindi nawalang si malaking puso ni Huli para sa kanyang pamilya ang
Didang ng pag-asa na mamuhay ng masaya at normal. nagpanatili sa kaniya na manirahan kasama nila.
Batid din sa kaniya ang pagiging matapang niya
sapagharap sa mga kabiguan at paghihirap sa buhay. 8. DON TITO
Hindi sangayon si Don Tito sa mga plano ni Padre Amando
6. BIDONG kabilangan na ang pagbuwag sa Tenancy System. Hindi rin
Hindi nagawang magpagamit ni Bidong sa kasamaan sa siyamapagbigay at matulungin sa kapwa lalo na sa mga
kabila ng mga banta at tangka sa kanyang buhay; ito ay mahihirap tulad sa pamilya ni Huli. Naniniwala si Don Tito
napakita noonghindi magawang patayin o saktan ni na makakamtan natin ang lahatsa pamamagitan ng
Bidong si Lino kahit na ipinag-utos iyon sa kaniya. Ito ay yaman at dahas.Ang pagiging makasarili nito at ang
dahil ipinahahalagahan ni Bidong ang mgarelasyon na pagiging sakim nito ay ang nagtutulak sa kaniya upang
namamagitan sa kaniya at sa mga taong pinaniniwalaan gamitin ang ibang tao para sahinahangad niya tulad ng
niyang mahalaga para sa kaniya.Para sa kanya, lahat ay ginawa niya kay Padre Amando. Sinubukan niyang kunin
magagawa niya para sa mga taong pinakamamahal niya. ang loob nito para sa anak niya at para sa kaniya.Si Don
Napakita ito noong nagawang alukin ni Bidong siHuli na Tito ay naniniwalang madumi ang politika sa Pilipinas.
manirahan na lamang panandalian sapagkat nalaman nito Bukas ang kanyang mata sa mga bagay at hindi
na ipinapaalis na sila Huli ni Don Tito sa kanilang nagbubulagbulagan.Ginagamit niyang kasangkapan ang
tinitirahan. karahasan para makuha ang kanyang ninanais.
IV. BUOD:

Kabanata 1 May Bagong Umaga

Pinagkalooban si Lino Rivera ng masaganang lupang-sakahan ni Pari Amando Echevaria sa kondisyong


babayaran niya ito ng maliit na bahagi ngkanyang inaani sa loob ng dalawampung taon. Mamanahin ito
ng kanyang anak na si Ernesto sakaling siya ay mamatay nang wala nang anumangutang na
papasanin.

Isang palaisipan kay Lino kung bakit pinagkalooban siya ni Pari Amando ng lupa at kung bakit nagkusa
si Bb. Loreto Sanchez, ang pamangkin ng pari at punongguro sa Pinyahan, na ariing parang tunay na
anak si Ernesto. Isa pang pinagkakautangan niya ng loob si Koronel Roda na nang sukuan niya ay
naging dahilan ng pagpapawalang-sala sa kanya ng korte sa salang pagpatay sa isang kapatas sa Piyer
X ng Maynila.

Naisip ni Lino na ang pinakamabisang paraan upang magantihan niya ang utang na loob kay Koronel
Roda ay ang tulungan itong mapaibig si Bb.Sanchez. Sa pamamagitan nitoy mapapasalamatan din
niya sina Pari Amando at kapatid nitong si Aling Basilia (ina ni Bb. Sanchez) na gusto angbatang
koronel para sa kanilang anak.

Kabanata 2 Ilang Alaala

Inihatid ni Bidong si Ernesto upang makapiling ng ama niyang si Lino, kahit sa weekend lang. Sakay sila
ng kabayong kastanyo na padala raw ni PariAmando at marami rin silang dalang kung anu-anong
mapapakinabangan para kay Lino.

Nagtungo si Bidong kay Huli upang tulungan ito sa mga gawain sa lupa. Nirarayuma kasi si Aling
Barang, ang ina ng dalaga, samantalang maysakitnaman ang ama nitong si Mang Abeng. Pero ayaw
kay Bidong ng mga magulang ni Huli dahil isa raw siyang hampaslupa.

Ibinilin ni Lino kay Ernesto na tawaging Ka Bidong si Bidong dahil itinuturing na niya itong kapatid.
Ulila na kasi si Bidong at tumutulong-tulong langdati kung saan may magpapakain. Naabutan siya noon
ni Lino na binubugbog ng kalalakihan. Umawat lang siya noong una ngunit nang hindi
mapigil,nakisuntok na rin siya. Nang mailigtas, nakiusap si Bidong na kupkupin na siya ni Lino at mula
noon, itinuring na siyang kapatid.
Ayon kay Ernesto, nagpahiwatig na siya kina Pari Amando at Bb. Sanchez na babalik na siya sa
kanyang ama ngunit malulungkot daw ang mga ito.Natutuwa si Lino dahil natatanaw niya ang utang na
loob sa pari at punongguro sa pamamagitan ng pagpapahiram ng kanyang anak ngunitnakakalungkot
ding hindi niya maipadama rito ang kanyang pagmamahal bilang ama.

Nakiusap si Bidong kung maaaring kausapin ni Lino ang mga magulang ni Huli upang siyay
matanggap. May pinag-aralan daw kasi si Lino at maayos managalog.

Kabanata 3 Bigong Kawanggawa

Matindi ang tama ni Bidong kay Huli at ito raw ang dahilan kung bakit gusto na niyang magpakabuti.
Gayunpaman, dumating si Aling Barang atisinauli kay Lino ang bayong ng mga padala nito. Naging
dahilan daw ito ng pagsasampal niya sa anak na si Huli.

Naisalaysay ni Bidong ang kasaysayan ng buhay ng mag-anak ni Huli. Dati raw mayroon sa Maruhat
ang pamilya nito ngunit naghirap dahil sapagpapaaral sa panganay na anak na si Tirso na kumuha ng
pagsasaka sa Los Banyos. Nang makatapos si Tirso ng kolehiyo, nagpakasal ito saisang anak ng may-
ari ng tubuhan sa Nergos at ginamit ang natutunan upang magturo ng pagsasaka. Lalong naghirap ang
pamilya nina Mang Abengat Aling Barang nang magpakasal ang kanilang anak sa laki ng ginastos sa
handaan.

Nagsaka na lamang si Mang Abeng, sa kabila ng tumututol niyang kalooban, sa lupain ni Don Tito, ang
mayamang lalaking nagmamay-ari ngmalaking bahagi ng Maruhat. Isa ang lupain nila sa nailit ng don
na maraming alagang agrimensor o tagasukat ng lupa.

Nakita nina Lino at Bidong si Huli habang umiigib ito ng tubig. Nasabi ng unang itoy maganda ngunit
marami palang kaagaw si Bidong dito. Una na samga iyon ang isang lalaking nakapasa sa serbisyo sibil
at nagtatrabahong bodyguard ng isang pulitiko na pinapaboran daw ni Aling Barang.

Kabanata 4 Si Don Tito

Pinakiusapan ni Pari Amando si Don Tito Sityar na buwagin na ang tenancy system na malaon na nilang
sinusunod na sistema sa kanilang mga pag-aaring lupa, gayunpaman hindi pumayag ang don sa
paniniwalang nasanay na rin naman ang mga magsasaka na silay nagtitiis. Ibinunyag din ngpari na
nasimulan na niyang ipamahagi ang kanyang mga lupa at pabayaran sa paraang hulugan. Isa sa mga
nakinabang dito si Lino na siya niyangpinagbigyan ng kapirasong lupa sa Maruhat. Laking-gulat naman
ni Don Tito dahil matagal na raw niyang gustong bilhin ang lupang iyon dahil mainampagdaanan ng
patubig mula sa saluysoy.

Ibinunyag ni Pari Amando na wala talaga siyang balak pabayaran ang lupa kay Lino dahil nakita niyang
isa itong matuwid na lalaki na mapagbigay saibang nangangailangan.

Tinalakay ni Don Tito ang pag-uwi ng anak niyang si Benigno na nagtapos ng medisina sa Amerika.
Pinalabas ni Don Tito na ayaw niyang pasukin nganak ang pulitika dahil masikip na raw ang dalawang
pulitiko sa pamilya ngunit marami raw itong gustong ituwid sa sistema sa Pilipinas. Kinatigan dindaw
ng Presidente ang pagpalaot ni Benigno sa lokal na pulitika. Para kay Benigno, lahat ng maka-Amerika
ay tama, matuwid at maganda ngunitkapag nagsasalita naman siyay Tagalog ang kanyang gamit
bagamat mali-mali.

Kabanata 5 Isang Mungkahi

Tuturuan daw nina Pari Amando si Lino ng ibat ibang karunungan, gaya ng kasaysayan ng Pilipinas na
nagsisimula sa pagdating nina Magallanes,relihiyon kung saan susukatin kung hanggang saan ang
naaabot ng pananampalataya ni Lino at batas sa tulong ng abogadong si Ginoong Ligon.

May mga nagreklamo sa Arsobispo laban kay Pari Amando dahil mahilig daw siyang makialam sa mga
usaping labas na sa relihiyon, gaya na lamangng isyu sa lupa. Binigyang-diin ng pari na mahal niya ang
Simbahan at dito na siya mamamatay ngunit una sa lahat ay alagad siya ng Diyos.Naniniwala rin siya
sa talino ng pagpapasya ng kanyang arsobispo.

Ipinahayag ni Bb. Sanchez na may balak daw ang ina niyang si Aling Basilia na kunin si Lino bilang
katiwala ng isa nilang lupain. Tumutol naman ditosi Pari Amando dahil baka tumaliwas ito sa mga
pagbabagong ipinapakilala niya. Baka rin lumikha ito ng ibang impresyon kay Ernesto pag
nakitangkatulong lamang ng Nanay Luring niya ang kanyang ama.

Dumating na sina Lino upang ihatid ang kanyang anak na si Ernesto. Nagdulot naman ito ng pighati sa
kanya dahil parang siya mismo angnaghihiwalay sa kanyang anak sa kanya.

Kabanata 6 Hamog na Nakalalanta

Ibinahagi ni Ernesto kay Ernestina ang mga pasalubong niyang bayabas na siya pa mismo ang kumuha
sa puno nila sa Maruhat. Nagdala naman siLino ng sariwang gatas ng kalabaw para sa ina ni Bb.
Sanchez na si Aling Basilia.

Si Lino ang naging kauna-unahang pag-ibig ni Bb. Sanchez. May nararamdaman din para sa kanya ang
binata ngunit pinipigil nito ang kanyangdamdamin sa paniniwalang mas may ibang lalaking nababagay
sa dalaga, gaya ni Koronel Roda o Benigno Sityar.

Nahihiya si Lino sa tahanan nina Bb. Sanchez ngunit sinabi ni Aling Basilia na dapat daw siyang
pumanatag at ituring ang sarili niyang isangkapamilya.

Kabanata 7 May Dilim sa Langit

Sa tahanan nina Don Tito nagpulong ang anak niyang si Benigno at mga bataan nitong sina Pedrito na
itinalaga niyang Press and Public RelationsOfficer, Abundio na magsisilbing tagahanda ng kanyang mga
talumpati at Estoy. Pinagplanuhan nila ang mga pagkilos na gagawin kaugnay ngpagtakbo ni Benigno
na gobernador ng kanilang bayan.

Lagi raw nilang pag-uukulan ng pagkilala ang matatanda (gaya ng kanyang tatay na si Don Tito). Kapag
nagtagumpay ang isang pagkilos, sasabihingitoy dahil sa matatanda samantalang kapag nabigo
naman ay sasabihing dahil hindi sumunod sa kanila.

Binago rin ang imahen ni Benigno na dapat maging makamasa. Sa halip na tawagin siyang senyorito
o Benny tulad ng palayaw niya sa Amerika oIgno na negatibo ang konotasyon (ignorance, ignore,
ignobility, etc.) o Manong Benog, tatawaging siyang Benog na walang ibig sabihin. Hindi rin
siyatalagang nagtapos ng medisina sa Amerika dahil nagpapabagu-bago ang ibig sabihin ng
pagkadoktor depense sa kausap.

Kinaiinisan ni Benog si Pari Amando dahil may pagka-komunista raw ito at masyadong pumapapel sa
mahihirap. Hindi rin niya nagustuhan angpagtanggi ni Linong maging katiwala ng lupa nila sa Maruhat
at maging pinuno ng kanyang mga badigard. (Ayaw ni Linong maging tau-tauhan lamangng kanyang
kapwa.) Maysakit daw si Lino kaya dapat turukan ng anesthesia upang mamanhid na ang tinutukoy
ay salapi upang mawalan ito ngpaninindigan.

Dapat din daw busugin ang press upang i-build up ng mga ito si Benigno. Hindi rin daw dapat
makalimutan ang mga potograpo na siyang kukuha ngmga kawanggawa ni Benog sa mahihirap at ng
pangit na anggulo sa kanilang mga kalaban.

Kabanata 8 Sigwa ng Simbuyo

Hindi natuloy ang pananatili ni Lino sa tahanan nina Bb. Sanchez sa maghapon at magdamag na iyon
dahil ipinatawag daw ng Arsobispo ng Maynilasi Pari Amando at hindi matutuloy ang pagpapangalan sa
kanya ng kabayong kastanyo. Nagpaalam siyang uuwi na sa Maruhat, bagay na nagdulot
ngkalungkutan kay Bb. Sanchez.
Napagtanto ni Lino na nais niyang magkaroon ng asawa ngunit isang asawang kauri lamang niya at
hindi mas mataas sa kanya upang hindimasagasaan ang kanyang pagkalalaki. Napagpasyahan din
niyang tulungan si Koronel Roda sa panliligaw kay Bb. Sanchez ngunit kung hindi silamagkakatuluyan,
nais niyang manatili na lamang malinis na dalaga si Loreto sa panghabampanahon.

Nag-usisa sina Aling Basilia at Bb. Sanchez tungkol sa pamilya nina Huli na nakatira rin sa Maruhat.
Mababakas sa tinig ni Bb. Sanchez na hinuhuliniya si Lino kung may ugnayan na sila ni Huli.

Binanggit ni Bb. Sanchez na iminungkahi niya sa kanyang Tiyo Amando na ipagbili na lamang ang lupa
sa Maruhat at bigyan na lamang si Lino nglupang mas malapit sa Pinyahan upang mapalapit sa anak
niyang si Ernesto (at marahil ay pati sa kanya) ngunit tumanggi si Lino dahil nasa Maruhatdaw ang
mga karaniwang taong naaapi at nais niyang matulungan ang mga ito. Nasabi rin ni Bb. Sanchez ang
pagbuwag ng tiyo niya sa tenancysystem at ang pagpapatibay umano ng Kongreso ng isang batas na
nagtataguyod ng Land Tenure Administration na siyang mangangasiwa sa mgausapin sa pamamahagi
ng mga lupa sa mga karaniwang magsasaka.

Kabanata 9 Ginto o Tanso

Napagtanto ni Lino na iniibig siya ni Bb. Sanchez at gayundin naman siya sa dalaga ngunit hindi sila
magkauri. Ang tingin sa kanya ni Bb. Sanchez aytaong kapantay at mamahalin; ang tingin naman niya
sa dalagay isang diyosang sasambahin. Natatakot siyang kung maging sila man ni Bb. Sanchezay
dumating ang panahong mapahiya ito kapag hinamak na ng ibang tao si Loreto dahil sa pag-aasawa ng
mahirap at kung sino lamang.

May mga nakaaway si Bidong dahil sa kanyang pagpapakabayani, gaya ng kaso ng isang magbabalot
na pinagsasampal ng dalawang lalaki nangwala siyang maibigay na pera nang hingan nila ng pambili
ng alak. Binigyan ni Lino si Bidong ng di-lisensyadong baril habang siya namay maylisensyado para
maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Ngunit di raw maaaring gamitin ni Bidong ang kanya kung
wala si Lino.

Pinag-usapan nina Lino at Bidong kung tanso o ginto ba si Didang, isang babaeng maalindog galing
Maynila na nakatira kina Aling Huwanang balo.Ayon kay Bidong, kapag malinis ang tanso ay para na
ring ginto at kapag marumi naman ang ginto ay para na ring tanso.

Kabanata 10 Balisa si Bidong

Itinuloy ni Lino ang tangkang panliligaw kay Didang. Ikinumpisal ng dalaga na noong una silang
magkita, gabi-gabi na niyang ipinalangin bagomatulog na magkita uli sila ni Lino. Inamin naman ni Lino
na noong mismong sandaling iyon ay may hinahanap siyang taoisang kapilas ng buhay nanatagpuan
niya kay Didang.

Inihain ni Lino ang pag-ibig niya kay Didang ngunit hindi niya ito minadaling gumawa ng pasya dahil
kailangan daw muna nilang makilala nang lubosang isat isa, lalo na ang kanilang kahapon. Ayon
naman sa dalaga, may nakaraan siyang dapat malaman ni Lino ngunit ayon kay Lino, para sakanya,
isinilang lamang si Didang noong hapong una silang magkita.

Nakita nina Lino at Bidong na namumugto ang mga mata ni Huli. Para makabalita sila, dumalaw si Lino
kina Aling Barang at doon niya nalamang maykanser pala sa bituka si Mang Abel. Nagpatingin sila sa
tatlong doktor at tatlong ibat ibang sakit din ang nasumpungan sa matandang lalaki.

Kaarawan ni Bb. Sanchez sa darating na Sabado at bilang handog, magdadala sina Lino at Bidong ng
mga itlog, gatas at iba pang matatagpuan sakanilang paligid.

Kabanata 11 Nauyot sa Pag-ibig

Napag-usapan nina Lino at Bidong kung gawin din nilang gulayan ang ilang bahagi ng kanilang lupang-
sakahan. Sumang-ayon dito si Bidong atnagkusa pang siya raw ang magpapatubo ng gulayan ngunit
nangamba ring kapag nakapagbunga sila ng masaganang taniman ay lagyan ng karatulang gobyerno
at ariing kanila o sila ang nagsikap. Sinabi ni Lino na ipapakita nila sa mga kababayan nila sa Pinyahan
na ang magsasakang nagsisikapay nakakapagbunga ng masaganang taniman na makabubuhay sa
kanila.

Hiningi ni Lino ang opinyon ni Bidong kaugnay ni Didang. Sinabi ng ampon ni Lino na maganda si
Didang ngunit si Bb. Sanchez pa rin ang gusto niyapara sa kinikilalang nakakatandang kapatid dahil
mabait ito, maganda at inaaring para na talagang anak si Ernesto. Naranasan kasi niyangmagkaroon
ng malupit na madrasta noong maulila siya sa ina. Nahiling tuloy ni Bidong sanay abogado na lang si
Lino o agreminsor di kaya, paramaging bagay sila ng dalagang punongguro.

Dumalaw si Lino kina Aling Huwana. Naikuwento ng matanda na ang asawa niyay dinukot ng mga
kasapi ng Hukbalahap. Napagkamalan daw ito onagmatigas sa pagsagot sa mga tinatanong sa kanya o
nagtangkang tumakas kaya pinatay. Wala na raw balak si Aling Huwana na mag-asawa pa.

Nauyot ng pag-ibig si Didang na nangangahulugang naitulak siya ng pag-ibig na muling magmahal


kahit nangako siyang hindi na iibig. Hindi munaniya ibinigay ang matamis niyang oo kay Lino dahil
kailangan muna raw nitong malaman ang kanyang kasaysayan ngunit sinabi ng binatang hindinaman
ito mahalaga sa kanya at nangakong hindi magbabago anuman ang malaman. Sa huli, naguluhan si
Didang. Ayaw niyang pakasalan si Linonang itoy dinadaya ukol sa totoo niyang pagkatao ngunit
nangamba naman si Aling Huwana na baka maging delata siya na makaraang buksan ay ditiyak kung
may kakain. Binalaan ng matanda si Didang na kapag itoy umamin kay Lino, baka mabago ang
damdamin nito sa kanya kaya mabuti panghuwag na lalo nat wala naman pala itong pakialam sa
kanyang nakaraan.

Kabanata 12 Munting Sabwatan

Kaarawan na ni Bb. Sanchez at dumating si Lino. Habang papasok sa bahay ang binata, palihim na nag-
usap-usap ang mga kaibigan ni Bb. Sanchezna sina Gng. Mina Lavadia-Ablaa, Gng. Rosalinda Dolor-
Villas at Gng. Genoveva Riegos-Ligon. Magkakatulad na tutol ang tatlong ginang kay Linodahil wala raw
itong pinag-aralan; ang sinusuportahan nila ay si Koronel Roda o sinumang lalaking may sinasabi sa
buhay.

Itinuturing ng tatlong ginang na nababaliw na si Bb. Sanchez sa pag-ibig sa isang mahirap na binatang
si Lino. Ipinanukala ni Gng. Beba Riegos-Ligonna kakausapin niya ang asawa niyang si Attorney Ligon
upang magtalakay kay Lino tungkol sa pag-ibig at pahagingan ito na hindi siya ang lalakingnararapat
para kay Bb. Sanchez. Nagbanta naman si Gng. Salina Dolor-Villas na magbibitiw siya sa pagtuturo
(punongguro niya si Loreto) sakalingang mapangasawa lang ni Bb. Sanchez ay si Lino. Sa huli,
nagkasundo silang huwag pansinin si Lino at iparamdam sa kanya kung gaano siyakahamak kung
ikukumpara sa kanilang mga katayuan.

Nagtagumpay ang tatlong ginang sa kanilang munting sabwatan. Naramdaman ni Lino kung gaano siya
kaliit sa kanilang ginawa at palihim siyangumalis sa kaarawan ni Bb. Sanchez. Nakita naman siya nina
Pari Amando at Abogado Ligon ngunit nagdahilan siyang naiwan ang kanyang baril sahindi-ligtas na
lugar sa kanilang bahay kaya kailangan niyang makauwi agad.

Kabanata 13 Iisa ang Landas

Nagkatotoo ang pananahilan ni Lino sa pag-alis sa kaarawan ni Bb. Sanchez dahil tunay ngang naiwan
niya ang baril niya sa ibabaw ng baul.Hinawakan ito ni Bidong at pinag-aralan kung paano isuksok at
itutok kahit taliwas ito sa napagkasunduang bawal hawakan ni Bidong ang baril pagwala si Lino. Ayon
kay Lino, dahil sa nangyariy hindi siya mahihiyang bumalik kinabukasan sa Pinyahan.

Kaswal na nagpaumanhin si Lino kay Bb. Sanchez sa pagtalilis kahapon sa kaarawan ng dalaga at
umasang nasabi na ni Pari Amando ang dahilan.Ang hindi niya alam, nagsaliksik pala sina Bb. Sanchez
at Aling Basilia sa tunay na dahilan ng kanyang pag-alis at natuklasang dahil pala sapanghahamak ng
mga kaibigang ginang ng punongguro. Ayaw raw ni Bb. Sanchez sa malalaking pagtitipon dahil
iniiwasan niya ang mga tsismisanngunit di-inaasahang kahit pala sa maliit na salu-saloy may gayon.

Ipinagtapat ni Bb. Sanchez na lagi niyang itinuring na kapantay si Lino. Ngunit inamin naman ni Lino na
isang panginoon ang tingin niya kay Bb.Sanchez. Sinabi ng dalaga na sa mata ng Diyos, lahat ay
pantay. Ngunit ayon kay Lino, hindi ganito sa paningin ng tao, gayunpaman, itinuturingniyang
napakalaking karangalan ang matatamis na salitang binitiwan ni Loreto. Hihintayin daw ni Bb. Sanchez
na dumating ang panahong maniwalasi Lino na silay magkapantay. Hindi na niya natapos ang nais
niyang sabihin at nag-iiyak na sa kanyang silid.

Dumating na sina Aling Basilia at muli na namang inungkat ang nangyari sa nakalipas na araw.
Mababakas sa kanya ang labis na pagsuporta kayLino at binalikan pa ang isa sa mga nanghamak kay
Lino na si Gng. Rosalinda Dolor-Villas na kung hindi pa niya alam ay may itinatago ring baho.

Kabanata 14 Suyuan sa Saluysoy

Dumating ang kababata ni Lino na si Albino upang bigyan siya ng babala laban sa masamang plano ni
Don Tito. Sa saluysoy raw na nasa tabi ng lupani Lino kukuha ng patubig si Don Tito para sa kanyang
lupain ngunit maaaring dumating ang panahon na tahasan nang agawin sa kanya ng don anglupa dahil
nasa gitna ito ng kanilang kaharian. Maaari raw maglunsad si Don Tito ng masasamang pag-atake
laban kay Lino, gaya ng pagwasak sakanyang mga punla, pagpilay o pagpatay sa kanyang kalabaw at
pagsunog sa kanyang mandala.

Balak nang umalis ni Albino kina Don Tito ngunit hindi niya magawa dahil naaawa siya sa mga bakang
kanyang maiiwan. Nais din niyang maniktikkina Don Tito upang maihanda si Lino na itinuturing niyang
higit pa sa tunay na kapatid.

Ibinunyag din ni Albino na nais kunin nina Don Tito si Lino bilang pinuno ng mga badigard ni Benigno
dahil bukod sa walang makakagalaw sa doktor-doktorang anak ni Ginoong Sityar, magiging malutong
na sampal din daw ito kay Pari Amando. Gagawin daw nina Don Tito ang lahat upang maialis siPari
Amando sa Pinyahan sa bintang na nakikialam ito sa mga usaping labas na sa simbahan. Binibigyan
daw ni Pari Amando ng pag-asa ang mgatao at ng ideya na mag-aklas laban sa mayayamang
panginoong pinagsasakahan nila sa pamamagitan ng mga pamamaraang isinusulong niya.

Inuri ni Albino sa apat ang mga taong lagi raw magiging biktima nina Don Tito: una, ang mga
nakapailalim; ikalawa, ang mga umaasa; ikatlo, ang mgaduwag; at ikaapat, ang mga maaaring
pinsalain. Sa ikaapat daw nabibilang si Lino. Nangako naman si Lino na hinding-hindi tatalikod kay
PariAmando anuman ang mangyari at ipaglalaban ang lupang ipinagkaloob sa kanya.

Samantala, nakapagkita sina Bidong at Huli sa saluysoy. Ayon sa dalaga, lumuluha raw siya noong
nakalipas na araw dahil tinaningan na ng isangdoktor ang buhay ng kanyang ama at pinaaalis na sila ni
Don Tito sa kanilang lupa na nailit nito. Nalulungkot siya dahil pag namatay ang kanilangama,
mawawalan na raw ng paggalang sa kanila ang kanilang mga kababayan.

Inialok ni Bidong ang lupain nila upang malipatan nina Huli sakaling matapos ang tatlong buwang
palugit na ibinigay ni Don Tito. Tiyak daw napapayag si Lino na doon sila tumira dahil may puso ito
para sa mahihirap, lalo pa at kapitbahay nila. Nag-alok din siya ng limampung pisong tulongngunit
tinanggihan ito ng dalaga sa takot na malaman ng kanyang ina. Bukod sa pananakit, hindi rin siya
kinikibo ng buong araw ng ina kapagnagkakasala siya rito. Bago sila naghiwalay, humirit pa si Bidong
kung mahal ba siya ni Huli na sinagot ng dalaga ng kailangan pa bang i-memorizeyan?

Kabanata 15 Naligaw ng Landas

Dumating na ang araw ng Huwebes, ang araw na itinalaga ni Didang kung kailan ilalahad niya kay Lino
ang kanyang nakaraan. Aniya, dati siyangtaga-Malabon, Rizal. Lagi silang pinagbubuhatan ng kamay
ng ama niyang sugarol ngunit lagi lamang nila itong tinitiis. Gayunpaman, namatay nangmaaga ang
kanyang ina.

Nang maulila siya, nagkaroon ng bagong kinakasama ang kanyang ama na tinawag niyang Tiya Nena.
Gayundin ang trato ng ama ni Didang sa bagonitong asawa ngunit nanatiling tapat sa kanya ang
babae. Sa kasamaang-palad, kapag wala na ang kanyang ama, sa kanya ibinubunton ng madrastaang
lahat ng sama ng loob nito sa asawa kaya sinasaktan siya nito at iniinsulto mula ulo hanggang paa.
Hindi na siya nakatiis kaya minsan, tumakassiya at ang isang kasamahan sa trabaho at nagtungo sa
Maynila.
Nakitira sina Didang at kanyang kaibigan sa isang kakilalang mananahi ngunit upang hindi makabigat
dito, namasukan silang katulong. Kapwa silahindi naging matagumpay dahil muntik nang maipanregalo
si Didang ng kanyang amo sa hepe nito sa opisina samantalang ang kaibigan niyaypinagseselosan
naman ng amo niyang babae. Kalaunan, humanap sila ng bagong mapapasukan at napunta si Didang
sa isang ginang nanagngangalang Donya Memay.

Tamang-tama raw si Didang, ayon kay Donya Memay, dahil ganitong dalaga ang hinahanap niya upang
maituring na anak. Hindi raw kasi siyanabiyayaan ng supling at hindi naman niya makuha ang kanyang
mga pamangking babae dahil pawang maiingay, kaprityosa at magugulo ang mgaito. Nagtataka si
Didang dahil kapag may mga bisita si Donya Memay ay sa silid ng matanda siya nakikipag-usap na
para bang may iniingatan.Minsan, nagdatingan ang mga pamangkin ni Donya Memay na mistulang
mahaharot na dalaga. Inanyayahan nila si Didang na sumama sa kanilangmga lakad at huwag
tumanggi kapag naimbitahan.

Kabanata 16 Binyag ng Buhay

Isang gabi, inaya siyang lumabas nina Donya Memay at ng mga pamangkin nitong sina Chic, Pinay,
Bun at Lot. Nagpunta sila sa isang bapor salikod ng Manila Hotel, kung saan may nagaganap na
kasiyahan. Ipinakilala si Didang sa isang mayamang Amerikanong awtor daw ng mgabiyograpiya, si Mr.
Bob Evans. Nang mahilo si Didang dahil sa ipinainom na alak sa kanya, nakatulog siya sa isang silid.
Kinabukasan, nagising nalamang siya na hindi na siya dalaga.

Sa kanilang tahanan, humingi ng paumanhin si Donya Memay kay Didang dahil alipin daw siya ng isang
malakas na kapangyarihang hindi niyamalalabanan. Gayunpaman, dapat tingnan ni Didang ang
nangyari sa kanya sa positibong paraan dahil gagawin daw siya nitong mas kahali-halina,kaakit-akit at
kabigha-bighani dahil tinanggap na niya ang binyag ng buhay. Sa puntong ito, nadama ni Didang na
isa palang malakingpagpapanggap ang lahat ng ipinakitang kabutihan ng kanyang Mommy at isa pala
itong bugaw. Hindi rin niya pamangkin ang mga dalagang lagingdumadalaw sa kanya kundi mga
hostess din na nanggaling sa mga pinagdaanan ni Didang. Hindi naman makapalag si Didang dahil
nakakadama nasiya ng takot kay Donya Memay, lalo na kapag nakikita niya si Vilma, ang utusan ng
ginang na putol ang dila (Sabiy tinubuan daw ito ng butlig sa dulong dila na bago makaabot sa
lalamunan ay minabuti nang putulin ngunit sa totoo ay pinutulan ito upang di masabi ang kanyang
mga nalalaman.)

Kabanata 17 Mga Basang Sisiw

Isa sa mga hostess na nagtatrabaho kay Donya Memay, si Chic, ang kumausap kay Didang nang
masinsinan. Ipinagtapat nito ang lahat tungkol kayDonya Memay, na hindi nila ito kamag-anak at
tagapamahala ito ng isang night club. Hindi nito mailantad ang kanyang tunay na hanapbuhay
dahilkabilang sa prominentang talaan ng mga taga-Maynila at kasapi ng ibat ibang samahang sosyal
at sibiko. Hinikayat din ni Chic si Didang natanggapin na ang pagiging hostess dahil ditoy maituturing
daw silang reyna. Mabubusog na sila sa salapiy hindi pa gaanong maghihirap atmakakaranas ng
kaligayahan.

Ipinagpaalam ni Chic si Didang kay Donya Memay upang maisama ito sa kanyang tahanan. Isang taon
pang nanatili si Didang sa paghohostesshabang nakatirang kasama ni Chic. Nang makaipon na siya ng
tatlong libong piso, nagpaalam na siya kay Chic na dadalaw lang sa patay ngunit angtotooy tuluyan na
siyang umalis at bumalik sa kanila sa Baliwag, Bulacan. Nalaman ni Didang na anim na buwan lang
palang nagsama ang tatay niyaat madrastang si Tiya Nena. Nabuntis ang babae ngunit ang anak ay
kamukha ng isang kakilala nilang kargador. Kalaunan, nilayasan ni Nena angtatay ni Didang at sumama
na nga sa kargador na malamang ay siyang tunay na ama ng isinilang nitong bata. Nasugatan naman
sa kaliwang bintiang tatay ni Didang nang makipagsabong na naimpeksyon at pagdakay naging
dahilan ng kamatayan nito.

Naubos ang ipon ni Didang sa pagpapahiram ng salapi sa mga kapitbahay na natulungan na niyay
itsinismis pa siya. Habang iniisip pa ng mgakapitbahay niya na siyay mayaman, tumalilis na si Didang
at nagbalik sa Maynila, doon sa kaibigan niyang si Miring na kasama niyang tumakas dati.Nagulat siya
sapagkat may anak na si Miring sa amo nitong Intsik sa tindahan ng mga alahas sa Abenida. Lalaki ang
anak niya kaya gayon na langang tuwa ng Intsik na dinoble ang kanyang sahod kada buwan at siyang
nagbayad ng buwanan nilang renta.
Ipinasok ni Miring si Didang, sa tulong ng nakabuntis sa kanyang Intsik, sa isang tindahan ng mga
alahas sa Ongpin. Sa kalaliman ngpagkukuwentuhan nina Lino at Didang, nakarinig sila ng putok ng
baril sa gawing tahanan nina Lino. Dahil doon, napauwi si Lino kahit alanganing oras.

Kabanata 18 Banaag ng Katubusan

Ang pinanggalingan ng mga putok ng baril ay ang mga katiwala ni Don Tito. Suspetsa ni Bidong ay siya
ang pakay ng dalawa sa mga katiwala ng donna sina Tasyong Bakawan at Binong Kabuyaw
samantalang si Lino naman ang target ni Siyanong Bakoko, bagamat hindi sila tiyak sa dahilan.

Ipinaghuli ni Bidong si Lino ng mga pugo na dadalhin daw niya kina Bb. Sanchez upang maisip naman
ng mga taga-Pinyahan na naaalala sila ni Lino.Dinala nga ito ni Bidong at sinabing si Lino raw ang
nanghuli ng mga pugo na nagdulot ng kasiyahan kina Aling Basilia.

Kinausap ni Lino sina Aling Barang upang kumbinsihin ang mga itong lumipat na sa kanyang lupa kung
totoong pinaaalis na sila ni Don Tito. Natuwanaman ang ginang ngunit sinabing pag-uusapan muna nila
ng kanyang asawa na hindi pa nakakaalam sa nangyari. Sa daan pauwi ni Lino, nakapulotsiya ng
kapirasong papel na nagbabanta sa kanyang umalis sa lupain kundiy mapapahamak siya. Doon
natiyak ni Lino na siya ang target ng mgakatiwala ni Don Tito at hindi si Bidong.

Ipinagbilin ni Bb. Sanchez na lumuwas sa Pinyahan si Lino sa Linggo upang silay makadalo sa misa ni
Pari Amando at makakain. Lalagdaan na rindaw ang mga kasunduan sa pamumuwisan na nagdulot ng
saya kay Lino sapagkat nangangahulugan ito ng katubusan o kalayaan (mula sa mapang-aliping
tenancy system) kahit para lamang sa iilan.

Kabanata 19 Ang Palugit

Bumalik si Lino sa tahanan nina Didang upang maipagpatuloy ng dalaga ang paglalahad niya ng
kanyang kasaysayan. Ispesyal daw ang naging tratoni Chan Lee, ang may-ari ng alahasang
pinagtrabahuhan niya noon sa Ongpin, kay Didang. Pinagkalooban siya nito ng isang relong pambisig
attinaasan ang sahod niya ng sampung piso noong sumapit na ang ikaanim na buwan ng kanyang
pagtatrabaho sa halip na limampiso lang.

Pinaakyat si Didang sa tanggapan ni Chan Lee sa taas ng tindahan at pinainom ng tsaa. Nahilo siya sa
ininom at pinagsamantalahan ni Chan Lee.May dalawang linggo siyang naging bilanggo sa silid ng
Intsik. Nakalabas lamang siya nang magpanggap na napatawad na niya si Chan Lee at walana sa
kanya ang pang-aabusong ginawa sa kanya. Ibinunyag ni Didang kina Miring at Mentang (ang may-ari
ng kanyang tinutuluyan) ang nangyari sakanya at ipinahayag na nais daw niyang magsuplong sa mga
kinauukulan ngunit pinigilan siya ng dalawa. Nabuntis si Didang. Umalis naman si ChanLee patungong
Amerika at iniwanan lamang siya ng tatlong libong piso. Umalis si Didang kina Mentang at nagtungo sa
Hilagang Luzon nang walangtiyak na patutunguhan.

Nakituloy si Didang sa babaeng nagngangalang Flora na nakasakay niya sa bus. Ipinanganak din ang
kanyang sanggol ngunit makaraan lamang ngisang buwan, binawian din ito ng buhay. Umalis si Didang
sa tirahan ng kapatid ni Flora na si Lumen nang marinig niyang interesado sa kanya angboss ng asawa
ni Lumen.

Nakarating si Didang sa Maruhat mula sa sinakyan niyang bus. Nanatili siya sa simbahan. Nakilala niya
si Tiya Huwana na kinupkop siya dahil nag-iisa na rin sa buhay. Ito ang nagturo sa kanyang maging
madasalin at palasimba. Dumating ang araw na nagkita sila ni Lino nang bumaba siya saisang dyip.

Makaraang mailahad ni Didang ang kanyang buhay, binigyan niya ng palugit si Lino na hanggang
Agosto 20 (kaarawan ni Didang) upang magpasyakung nais pa ring makuha ang kanyang kamay. Kapag
hindi raw sumulpot si Lino, mangangahulugan ito na tinatalikuran na niya si Didang at angdalaga na
ang magpapasya sa kanyang sariling kapalaran. Hindi na rin daw kailangang talakayin ni Lino ang
kanyang buhay dahil alam na ni Didangang lahat sa kanya mula sa pagkukuwento ni Aling Ambrosia na
labandera nina Pari Amando at kumareng buo naman ni Aling Huwana.

Kabanata 20 Mga Kasunduan

Dumating si Aling Barang upang sabihin kay Lino na tinatanggap na nila ang alok nitong palipatin sila
sa kanyang lupa. Natutuwa raw si Mang Abengdahil ayaw niyang mapalayo sa kanyang lupa at ang
paglilipatan nilay malapit lang sa sakahang inilit na ngayon ni Don Tito.

Nagmisa si Pari Amando at pagkaraay nagsalita sa pagtitipon sa silong ng kanyang kumbento. Opisyal
niyang ipinahayag na pinalalaya na niya angmga magsasakang nagtatrabaho sa kanilang asyenda.
Mapapasakanila na ang mga lupang kanilang inaararo sa pamamagitan ng pagbubuwis saloob ng
tatlong taon. Makaraan ng panahong ito, mahuhulug-hulugan naman nila ang lupa mula sa bahagi ng
kanilang inani hanggang tuluyangmapasakanila. At kung mamamatay ang mga magsasaka sanhi ng
mga pangyayaring likas, mamanahin ng kanilang mga anak ang lupa nang walanang anumang
pagkakautang at ang pamunuan pa ng asyenda ang mag-aasikaso ng paglilipat ng lupa sa kanilang
pangalan nang wala silangginagastos na anuman. Bilang pagpapatunay ng pagputol ni Pari Amando sa
pagkaalipin ng mga magsasaka, pinasunog niya kay Lino sa harap ngmga tao ang tatlong aklat ng
talaan nila ng mga utang. Ipinakilala rin niya si Lino bilang siyang nagpamulat sa kanya ng kahirapang
dinadanas ng mgamagsasaka na naging dahilan upang ituring nila si Linong bayani.

Palihim na nakita ng tatlong ginang na kaibigan ni Bb. Sanchez ang tila ispesyal na ugnayan nina Lino
at Didang. Tinawag nila ang binata na isangtraidor. Lalo pa nilang inobserbahan ang dalawa sa gitna
ng pagkakasiyahan at pagkakagulo sa paglagda ng mga kasunduan ukol sa pamamahaging mga lupa.

Kabanata 21 Si Bidong

Bumalik si Albino, ang katiwala ng bakahan ni Don Tito, sa tahanan ng don upang iulat dito ang mga
nangyari sa Pinyahan ngunit hindi nasiyahan siDon Tito sa kanyang mga iniulat. Pinagdudahan din ng
mayamang lalaki ang katapatan ni Albino.

Nabahala sina Don Tito at mga kapwa niya mayayamang asyendero sa mga pagkilos ni Pari Amando
dahil baka pati ang kanilang mga magsasakaymag-aklasan at humiling din na mapasakanila ang kani-
kanyang lupang inaararo. Napagplanuhan ng mga don na kung may magtatanong kay Benogkung bakit
hindi nila sinusundan ang mga hakbangin ni Pari Amando dapat daw nitong isagot na inihahanda na
ang mga kasunduan at ipapatupadang nilalaman nito, manalo man siya o matalo ngunit kapag nanalo
nga si Benog ay saka sasabihin ng don na nagkagalit sila ng anak at wala naitong pakialam sa karerang
pampulitika nito.

Samantala, nagtaka si Lino dahil sa pag-uwi niya, wala saanman si Bidong at wala rin ang kanyang
baril. Bumalik si Bidong ngunit mistulang maymabigat na iniisip, hindi maipinta ang mukha at hindi rin
makausap nang matino. Hindi naman nabawasan ang mga bala ng baril ni Lino. Kinabukasan,dumating
si Albino na malapit na kaibigan ni Lino at may iniulat ito sa kanya.

Kabanata 22 Mga Pagtatapat

Sinabi ni Albino kay Lino ang kumakalat na balita sa Pinyahan na binigyan daw siya ng salapi ni Pari
Amando na ipinamahagi naman niya samahihirap sa pamamagitan ni Bidong. Walang gayong salaping
ibinibigay si Pari Amando at lalong hindi niya inutusan si Bidong na mamigay, lalo patang salaping
ipinagkakaloob niya sa kapatid-kapatiran ay sapat lamang para sa mga pangangailangan nito.
Nakakatawang ang mas mahirap aynamimigay sa mga kapwa niya mahirap.

Pinaamin ni Lino si Bidong kung ano ba talaga ang nangyari sa mga nakalipas na araw. Inamin naman
ni Bidong na nangangailangan ng tatlongdaang piso sina Huli na pambayad sa manggagamot na
tumingin sa kanyang ama. Para makatulong, nangharang si Bidong ng isang trak mulaCagayan na
papuntang Maynila kung saan, nakalikom siya ng dalawang libong piso. Hindi tinanggap ni Huli ang
perang ibinigay ni Bidong sa takot namakagalitan ng kanyang ina bukod pa sa katotohanang
natulungan na sila ng katiwala ni Don Tito na si Siyanong Bakoko. Hindi na nangahas siBidong na iuwi
ang perang nakuha niya sa pananakot kaya ipinamudmod na lang niya ito sa mahihirap.

Natatakot si Bidong na magkatuluyan sina Siyano at Huli, lalo pa at binata ang lalaki kahit may limang
asawa. Sinabi naman ni Lino na dakila ang pag-ibig ni Bidong at tutulungan niya ito ngunit huwag nang
ulitin ang ginawang pagsisinungaling.

Nagtungo si Lino sa Pinyahan. Kinausap siya nang masinsinan ni Attorney Ligon (marahil ay ginagawa
niya ngayon ang mungkahi dati ng ginangniyang si Genoveva) upang ipatanto rito na labis siyang
iniibig nang palihim ni Bb. Sanchez. Gayunpaman, dapat siyang magsakripisyo at layuan siBb. Sanchez
dahil hindi sila magkabagay. Dapat daw pagselosin ni Lino si Bb. Sanchez habang maaga upang lumayo
na ito at matauhan. Isa namansa mga iminungkahing paraan ni Lingo ang pagkuha sa anak niyang si
Ernesto ngunit hindi na raw ito kailangan. Naunawaan naman ni Lino angsinabi ng abogado at siyay
nagpasalamat, bagamat masakit ang katotohanang kanyang narinig.

Kabanata 23 Ang Badigard

Ibinalita ni Lino kay Bidong ang naging pag-uusap nila ni Huli. Sumumpa si Huli na mamamatay muna
bago tanggapin ang pag-ibig ni SiyanongBakoko. Gumawa rin ng paraan si Lino upang mabayaran agad
nina Aling Barang ang PhP 300.00 na ipinahiram ni Siyano. Natuwa si Bidong sakanyang narinig,
gayundin sa panukala ni Lino na mapasakanya na ang lupa sa Maruhat at hihingi na lamang siya ng
sariling lupa sa Pinyahan o angkabaligtaran.

Ibinalita naman ni Aling Huwana na nilangaw raw ang campaign rally nina Benog at pawang
matatandang babae at mga bata lamang ang dumalo.Sinasabing iyon daw ay dahil kina Pari Amando at
sa alagad nitong si Lino, bagamat iyon ay bintang lamang ni Siyanong Bakoko.

Maaaring maharap sa kaso si Bidong dahil sa ginawa niyang panghaharang at pangingikil ng pera sa
inosenteng trak na napadaan. Dahil dito,minabuti ni Linong papasukin si Bidong na badigard ni Benog
upang maproteksyunan siya dahil kakilala nina Don Tito ang mga pulis, hukuman, at ibapa.

Natuwa si Benog kay Bidong dahil tinawag siya nitong Gobernador. Sinubok naman nila ang tatag ni
Bidong. Nagawa ni Bidong na patumbahing lahatang lakas ng mga badigard ni Benog na sumulit sa
kanyang pisikal na lakas.

Kabanata 24 Kahoy at Anay

Nangamba ang mga tauhan ni Benog sa pagkakapasok ni Bidong bilang badigard dahil baka hindi sila
nito sundin lalo pa at malakas ito at napatumbasilang lahat. Nagdulot naman ng kalungkutan kay
Bidong ang nalaman niyang pagkamatay ni Mang Abeng. Gusto niyang maipadama kay Huli
angkanyang pakikisimpatya.

Ayon kay Don Tito, ang katapatan ni Bidong ang pinakamahalagang masubok kaysa anumang pisikal
na lakas dahil nag-aalala siyang baka pakawalaito ni Pari Amando upang tiktikan sila. Sumang-ayon
naman si Benog dito kaya ipatutumba raw nila kay Bidong si Lino upang makita kung sila talagaang
pinapanigan nito.

Muli na namang nagtipun-tipon ang mga kaibigan ni Bb. Sanchez. Ipinaramdam din nila kay Ernesto na
hindi nila tanggap ang bata. Nanghinayang dinsila dahil maninirahan na raw si Koronel Roda sa
Amerika at malalayo na sa Pinyahan. Ibinunyag naman nila kay Bb. Sanchez na nakita nila si
Linongkinausap ng isang kabigha-bighaning babaeng nagngangalang Didang noong nagkakapirmahan
ng mga kasunduan sa kumbento ni Pari Amando.Ibinalita rin nila ang pangungutang ni Lino ng salapi sa
kahero ni Pari Amando at ang pagpapatira nito kina Aling Barang sa kanyang lupa na
parangiminumungkahing pati si Huli ay nakaugnayan ni Lino. Ibat ibang interpretasyon ang
iminungkahi nila sa may pitong linggo nang hindi pagpapakita niLino na naglalagi sa Maruhat.

Kabanata 25 Kamara Negra


Nakiramay si Bb. Sanchez kina Huli sa pagkamatay ng kanyang ama. Nakibalita rin siya roon tungkol sa
mga tulong na naidulot ni Lino sa mag-anak.Sinubukan din niyang malaman kung gaano kadalas
nagagawi si Lino kina Huli dahil palaisipan sa kanya kung bakit hindi na pumupunta si Lino saPinyahan.

Pinag-usapan din nina Pari Amando, Basilia at Bb. Sanchez ang misteryo ng hindi pagkakadalaw ni Lino.
Partikular silang naaawa sa anak nitong siErnesto na nangungulila sa kanya. Gayunpaman, may mga
bagay na tanging si Lino lang daw ang nakakaalam kaya iniiwan na nila rito ang pagkilos.Ang
mahalagay hindi nababawasan kaunti man ang tiwala nila rito. Naghihinala nga si Pari Amando na may
kinalaman si Abogado Ligon sa mganangyayari dahil kapag nababanggit niya ang pangalang Lino ay
parang natataranta ito. Hindi naman daw magugulat si Aling Basilia kung maykinalaman na naman ang
mga kaibigang babae ni Loreto na minsan nang pinagtsismisan si Lino.

Bibigkas daw si Ernesto ng talumpati sa Linggo ng Wika sa Agosto 19 at isang magandang ideya kung
maanyayahan daw si Lino upang saksihan ito.

Tinukso ni Benog si Bidong na sundin ang kanyang ipinapagawa (pagpatay marahil kay Lino,
bagamat hindi tahasang binanggit) kapalit ng dalawanglibong piso, puwesto sa gobyerno kung palarin
siyang manalong Gobernador, libreng pagkain sa araw-araw at magandang sahod. Gayunpaman,
hindipumayag si Bidong at sinabing baka si Benog pa ang unahin niya. Nagbigay si Benigno ng 24 oras
upang magpasya si Bidong. Ngunit kung hindi itopapayag, nag-utos na siyang iligpit si Bidong at
ipatapon sa bandang Pinyahan. Dapat ding putulin ang anumang komunikasyon nito sa sinuman, lalona
kay Lino, upang walang makaalam sa pinag-usapan nina Benog at Bidong.

Kabanata 26 Limang Kalayaan

Nagplano si Bidong kung paano makakaalpas sa pagkakabihag nina Benog. Naisip niyang magpanggap
na sumasang-ayon na sa balak nina Benogpara kapag pinalaya siyay maisuplong niya kay Lino ang
mga nangyari.

Pinagplanuhan naman nina Benog at ng kanyang brain trust kung paano ilulunsad ang kanyang
kampanya. Iinog daw ang kanyang plataporma salimang kalayaan na binanggit sa new deal ni Franklin
Roosevelt ng Amerika: una, kalayaan sa pagsasalita; ikalawa, kalayaan sa pamamahayag;ikatlo,
kalayaan sa oagkukuro; ikaapat, kalayaan sa pangamba; at ikalima, kalayaan sa pagkagutom.
Ipapangako naman nila ang lahat ng mabuti samga botante upang makuha nila ang loob ng mga ito.

Pinag-usapan din nila kung paano masasagot ang mga paratang ng kanilang mga kaaway laban sa
kanila, gaya ng pagkakaroon daw nila ng mgagoon at police characters na pumoprotekta sa kanila,
kabilang na ang isang masamang-taong nangharang ng isang trak na mula Cagayan. Ikinatuwani
Benog nang malamang si Bidong ang tinutukoy dahil kapag iniligpit nila itoy ang kanilang mga kaaway
ang mapagbibintangan.

Naikuwento ni Aling Ambrosia kay Bb. Sanchez ang tungkol kay Didang na malamang daw ay maging
tiya na ni Ernesto. Nangamba si Ambrosia nakung magkagayon ay baka hindi mapalaki si Ernesto nang
simbuti ng pagpapalaki ni Bb. Sanchez. Nagtanung-tanong naman si Bb. Sanchez tungkolsa
pagkakakilanlan ng dalaga at mababakas sa kanya ang pagseselos dito.

Pinagkalooban ni Bb. Sanchez si Aling Barang ng puhunan upang makapagtinda ito. Inampon naman
niya si Huli upang maituring na kapatid, yamanghindi siya pinagkalooban ng isa. Inanyayahan ni Bb.
Sanchez si Lino na dumalo sa pagtatalumpati ni Ernesto kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ngWika.

Pinuntahan ni Albino si Lino upang ibalita rito na may ilang araw na niyang hindi nakikita si Bidong at
may agam-agam siya kung bakit nagkagayon.Naisip naman ni Lino na baka dapat na niyang palitan si
Bidong sa pagka-badigard upang mailigtas ito.

Kabanata 27 Linggo ng Wika

Sumapit ang ika-19 ng Agosto. Di-malaman ni Lino kung aling imbitasyon ang uunahin niyang
tanggapin ang paanyaya ni Didang na magmeryendasa kanila dahil ginugunita niya ang pagpanaw
ng kanyang ama o ang imbitasyon ni Bb. Sanchez na saksihan niya ang pagtatalumpati ng
kanyanganak. Inuna niyang hanapin si Bidong na ayon kay Albino ay pinalabas na tumakas daw sakay
ng kabayo ngunit ang totooy palihim na inilabas ngasyenda ni Don Tito.

Nagtalumpati nang buong-husay si Ernesto. Nagdamdam naman at nilagnat si Bb. Sanchez dahil hindi
nagpakita si Lino. Inasahan pa naman niyangitoy darating. Namangha naman ang lahat sa
kagandahan at kabutihan ng pag-uugali ni Huli na itinuturing ni Loreto na kanyang kapatid.

Maghapong hinanap ni Lino si Bidong. Laking-gulat niya nang makitang isa na itong bangkay na iniwan
ng tatlong lalaking nakasakay ng kabayo,isang kaganapang lagi nang magpapaalala sa kanya ng
Linggo ng Wika.

Kabanata 28 Nalingat si Lino

Ibinunyag ni Lino kay Pari Amando ang lahat ng nangyari kaugnay ng pagkamatay ni Bidong, pati ang
mga taong pinaghihinalaan niyang nasa likodnito. Sinabi na rin niya kung paano nagkaroon ng pera si
Bidong na ipinamudmod nito sa mahihirap na taga-Maruhat gamit ang pangalan ni PariAmando. Sinabi
naman ng alagad ng simbahan na hindi niya sinasang-ayunan ang ginawa ni Bidong ngunit itoy
hinahangaan.

Binati ni Lino si Ernesto sa mahusay nitong pagtatalumpati sa Linggo ng Wika. Natuwa rin siya dahil
nasa pagtangkilik na ni Bb. Sanchez si Huli.Inanyayahan din siyang magtungo kina Bb. Sanchez upang
damayan daw si Huli, ngunit ang totooy si Bb. Sanchez ang mas unang gustong makakitasa kanya.

Nagpabida si Benog sa simbahan at sinabing pag-atake raw sa kanya ng mga kalaban ang
pagkakapatay sa isa sa magigiting niyang badigard.Tinangka pa niyang bigyan ng tseke si Lino na
tinanggihan nito at nangakong kapag nanalong Gobernador ay una niyang gagawin ang bigyan
nghustisya si Bidong. Pinuri naman ni Lino ang kanyang kadakilaan ngunit pinaringgan din si Benog na
alam niyang may kinalaman ito sa pagkamatay niBidong. Binalaan din niya ang katiwala ni Benog na si
Luisito.

Sa simbahan, ibinurol nang maghapon si Bidong bago inilibing noong bandang alas-kuwatro. Binalaan
ni Pari Amando si Lino na huwag maghiganti atiwan ang karapatang ito sa Panginoon. Bahagya
namang sinisisi ni Lino ang kanyang sarili dahil ayaw naman talagang magtrabaho ni Bidong kayDon
Tito kung hindi sa kanyang pang-uudyok. Naisipan ni Linong mamasukan bilang badigard kay Benigno.
Sinabi naman ni Albino na umalis na siyakina Don Tito at nagpaalam sa mga dating kasamahan sa
pamamagitan ng liham dahil narinig niyang isusunod na siya kay Bidong. Sinabi rin niyanghanda
niyang ipagkaloob ang taong nagbulong sa kanya ng mga pangyayari bilang saksi ngunit nangambang
baka mawalan lamang ito ng saysay sauri ng hustisyang mayroon sa bansa.

Nakalimutan ni Lino na ito na ang araw na itinakda ni Didang upang magbigay siya ng sagot sa dalaga.

Kabanata 29 Bukid at Bayan

Bumisita si Lino kina Bb. Sanchez. Personal niyang ipinaabot ang pakikiramay kay Huli at sinabi ritong
hanggat siyay nabubuhay ay para na ringnabubuhay si Bidong dahil gagawa siya ng paraan upang
mabigyan ito ng katarungan. Laking-tuwa naman nina Aling Basilia na siyay makitamakaraan ng ilang
linggo ng kanyang pagtatago.

Ayon kay Aling Basilia, noong Lunes pa raw maysakit si Bb. Sanchez. Hindi raw niya ito pinayagang
makipaglamay dahil sa sama ng pakiramdamngunit pinahintulutan naman niya itong makipaglibing,
kaya lang, nahilo noong paalis na. Minabuti nina Aling Basilia at Linong makapasok sa silid niLoreto.

Nagtatampo si Bb. Sanchez kay Lino at salamat naman daw dahil naalala pa sila nito. Matapos ng
saglit nilang pagkakasarilinan, dumating namanang tatlong tsismosang kaibigan ni Loreto na naging
dahilan upang magtago si Lino sa ilalim ng kama. Nang makaalis ang mga babae ay saka siyalumabas.
Pinalapit siya ni Bb. Sanchez sa kanya at sinampal nang bahagya. Dapat matutunan daw ni Linong
dalhin ang kanyang sarili at magtaas ngulo kahit sa harap ng hari. Naiyak si Loreto dahil hindi raw niya
maputul-putol ang malalim na ugnayan ni Lino sa bukid.
Biglang naalala ni Lino ang palugit na itinakda ni Didang. Dali-dali silang bumalik ni Albino sa Maruhat
ngunit malayo pa lamang silay nakita na nilangtila may sinusunog ang bahay ni Lino!

Kabanata 30 Nasaan si Didang

Nagkaputukan sa bukid ni Lino. Napatay nila ang kilabot na magnanakaw ng mga kalabaw na si
Crisanto Elvambuena (Santong Bayawak) atnapuruhan naman sina Romeo Aguado (Kumander Hantik)
at Luisito na katiwala ni Don Tito. Matagal na palang pinaghahanap ng batas si SantongBayawak dahil
sa mga krimeng kinasasangkutan niya samantalang kalalaya lamang ni Kumander Hantik dahil sa
ipinagkaloob ditong parol. Sinunognila ang kubo ni Lino sa pakana marahil ng mga Sityar ngunit nagapi
silang lahat.

Nagdatingan ang mga awtoridad sa lugar nina Lino. Ayon sa hepe ng pulisya, isasama raw nila sina
Lino upang makibahagi sa pagsisiyasat ngunit satantiya niyay hindi sila makakasuhan dahil nagawa
raw nila ang matagal nang pinagsisikapang gawin ng mga alagad ng batas ang pagsugpo samga
taong pinaghahanap nila.

Dumating sina Huli at Aling Barang sa kanilang kubo upang ayusin ito at ihatid kay Lino ang sari-saring
gamit na padala ni Bb. Sanchez. Ipinagtapat niLino kay Huli, nang silay magkasarilinan, na nangako si
Bidong na magpapakabuti para sa dalaga. Utang din ni Lino kay Bidong kung bakit sumiglaang
kanyang bukid kaya kung papaya si Huli ay sa kanya na mapupunta ang kalahati ng aanihin na dati ay
kay Bidong. Tumanggi ang dalaga dahilsapat na raw na nanatiling tapat si Bidong hanggang sa huli.
Siya naman ang nakiusap at sanay mas mapadalas daw ang pagdalaw ni Lino kay Bb.Sanchez na
halos dalawang linggo nang nakaratay.

Pinuntahan ni Lino si Didang isang linggo makaraan ng ibinigay nitong palugit. Sa kasamaang-palad ay
kaaalis lang daw ni Didang noong umagangiyon. Nagbigay na raw si Didang ng hustong ekstensyon at
araw-gabing ipinalangin ang kaligtasan ni Lino ngunit nang mabalitaan ng dalaga napayapa na ang
lahat ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ni Lino, napagpasyahan niyang umalis na. Magdamag daw
siyang iniyakan at pinakiusapan niAling Huwana ngunit hindi na siya nagpapigil. Nagpunta siya sa
bayan ngunit hindi sinabi kung saan eksakto paroroon. Hinabol siya ni Lino!

Kabanata 31 May Lunas Pa

Hinanap ni Lino si Didang sa kung saan-saan. Nakarating ang balitang ito hanggang sa Pinyahan.
Ikinalungkot ito nina Aling Basilia, Huli at Ignacia,lalo na ni Bb. Sanchez na labis na nayanig ng
pangyayari. Lumubha nang lumubha si Bb. Sanchez at upang hindi masaksihan ng mga bata
angpanghihina-kamatayan niya, ipinadala niya ang mga ito sa Maynila upang doon mag-aral sa
pangunguna ni Pari Amando.

Ipinahanap ni Pari Amando si Lino kay Attorney Ligon. Ikinatuwa naman ito ng abogado sapagkat
pagkakataon ito upang maituwid niya ang kanyangpagkakamali. Wala namang mukhang maiharap ang
mga tsismosang kaibigan ni Bb. Sanchez na nanghihimasok sa buhay nang may buhay.

Natalo sina Benog sa halalan, hindi lamang sa buong lalawigan kundi sa mismong Maruhat.

Natagpuan ni Ligon si Lino sa isang pagawaan ng mga muwebles sa Grace Park, Caloocan. Agad niya
itong sinabihang umuwi sa Pinyahan dahilkritikal na si Bb. Sanchez. Agad namang sumunod si Lino.
Binilinan naman ni Pari Amando si Lino na kahit sa unang pagkakataong itoy ipagtapatniya kay Loreto
ang nilalaman ng kanyang puso.

Hinikayat ni Lino si Loreto na magpagaling at ibibigay niya ang buo niyang sarili ngunit huli na dahil
mahinang-mahina na ito. Huwag daw mag-alala siLino dahil may nakalaan na raw para sa pag-aaral ng
mga bata; ibinilin na rin daw niya si Lino kay Huli. Isang babaeng dalisay para sa lalaking dalisayrin.

Humingi ng tawad si Bb. Sanchez at nagpasalamat kay Lino dahil nagmalasakit daw ito nang
maagawan siya ng pitaka noon sa Quiapo.Nagpasalamat din si Lino dahil labis-labis na raw ang
naitulong sa kanya ni Bb. Sanchez. Pumanaw si Bb. Sanchez kasabay ng pagtunog ngkampanang para
sa mga namatay nang hindi napagtutugma ang mga damdamin nila ni Lino sa isat isa dahil sa
paniniwala ng binata na hindi sila magkapantay.

V. REAKSYON

a. Tungkol saan ang binasang akda?

Kuwento ng isang binatang amang si Lino Rivera na humaharap sa maraming pagsubok at ng hindi niya
matumbasang pag-ibig para ng dalagang punonggurong si Bb. Loreto Sanchez dahil sa pagkilala niya
ritong isang panginoong dapat sambahin habang siya naman ay isang hamak na hindi karapat-dapat
ngunit ayon sa kay Bb. Sanchez, maaari silang magmahalan dahil sang-ayon siya sa salita ng diyos na ang
lahat ng tao ay pantay-pantay.

b. Ano ang suliranin ng pangunahing tauhan?

Suliranin ng lalaki ay marami siyang hinaharap na pagsubok. Ang pinakamabigat niyang pagsubok ay:
Tao laban sa sarili nahihirapan si Lino magdesisyon kung tuluyan niya bang kakalimutan ang kanyang
pagsinta kay Bb. Sanchez.
Tao laban sa tao Lino laban sa pagtatangka nina Don Tito at Benigno na patayin siya at angkinin ang
kanyang lupa.

Mga pagsubok na tungkol sa kung paano makabawi sa pagkakaroon ng malaking utang na loob, tungkol sa
lihim pag-big na nadarama, tungkol sa pagiging mahirap, tungkol sa tunay na pagkakaibigan, tungkol sa
paghahalal ng tunay na mabuti sa kapwa, tungkol sa pagiging sakim at hindi pagmamahal sa bayan ni Don
Tito at Benog, at marami pang iba na hinaharap na problema ng mga pangunahing tauhan na kapwa
nagtutulungan.

c. Paano nalutas ang suliranin?

Bumagsak ang taong gumawa ng halos lahat ng kanyang problema. Si Benigno Sityar at Don Tito na
nagplano na pabagsakin si Lino. Nagkaroon ng halalan na kahiya-hiyang natalo si Benog sa halalan. Ang
tadhana na ang gumawa ng masamang karma para kay Benog at Don Tito.

d. Ano ang naging wakas ng akda?

Pagkatapos ang ilang araw, nahanap na si Lino at isinabi sa kanya ang tungkol sa kalagayan ni Bb.
Sanchez. Pinuntahan agad siya ngmga ito. Nagkita silang dalawa ni Bb. Sanchez at ni Lino at pagkatapos
ay nag-usap ang dalawa ng matagal. Humingi sila ng tawad
sa isat isaukol sa mga pagkukulang nila. Pinasalamatan din nila ang isat isa ukol sa mga pangyayaring
hinding hindi nila makakalimutan. Nang ika-8 nggabi, binawian na ng buhay si Bb. Sanchez kasabay ng
kampana para sa mga namatay nang hindi nagtutugma ang damdamin nila sa isa't-isa dahil naniniwala si
Lino na hindi sila magkapantay.

e. Ilahad ang aral na natutuhan sa akda.

1. Lupa kanya. Tulad ng buhay, kailangan alagaan at


Sinisimbolo ng lupa ang buhay. Sa nobela, pahalagahan ang lupa upang lumago. Ang buhay
ipinakita ang kahalagahan ng lupa para kay Lino. natin ay biyaya mula sa Diyos kungkayat
Pinagmamalasakitniya ito sapagkat itoy bigay sa kailangan mahalin natin ito.
2. DIPLOMA
Sinisimbolo ng diploma ang magandang 3. BARIL
kinabukasan. Ipinakita sa nobela ang hangarin Sinisimbolo ng baril ang karahasan. Sa dulo ng
nina Bb. Loreto Sanchez at ni Padre Amando na nobela napakita na kinailangan pang gumamit ni
makatapos ng kolehiyo sina Ernesto at Ernestina. Lino at ni Albino ng baril upang mawaksihan ang
Ipinapakita din ang kahalagahan ng edukasyon kaguluhangnangyari sa pagitan ng Hukbalahap at
sapagkat malaki ang maitutulong nito sa nina Lino. Naipakita ang mga karahasan at
pagkamit ng isang magandangkinabukasan. kaguluhang nananatiling nagaganap sa bansa
noon hanggang ngayon. Mahalin ang sariling bayan
Hindi dapat maliitin ang mgamahihirap na tao
4. SUNOG SA LUPAIN NI LINO dahil lamangsilay walang yaman at
Sa nobelang Daluyong, ito ay sumisimbolo sa hindinakapag-aral. Ang bawat tao aydapat
isang matinding kaguluhan at gyera ngunit ito din igalang.
ay sumisimbolo sa panibagong pag-asa. Ang mga propesyonal ay dapat pagsilbihan ng
Pagkatapos ng sunog ay mananatili ang mga abo maayos at mabutikahit sinong tao kahit pa
na nagsisimbolo ng mga aral mula sa pangyayari itoymahirap. Kahit mahirap, dapat ang mga
at ang isang walang laman nalupain ay tao ay huwag mawalan ng pag-asa.
sumisimbolo ng panibagong bukas na pwedeng Kailangang magsumikap upang makahanap
simulan. ng trabaho at magsipag sa pagkayod.
Dapat itrato ng pantay ang lalaki at babae.
5. Night Club Pahalagahan ang pamilya. Huwag nating
Sinisimbolo nito ang mga kababaihang antaying mawala sa atin ang mga mahal natin
nagtratrabaho bilang prostitute, pati narin ang sa buhay bago natin maipakita na mahalnatin
mga kababaihang inaalipusta, inaabuso sila.
atsinasaktan. Ito rin ay simbolo ng mga Hindi lahat ng bagay ay dinadaan sa dahas
karahasang maaaring mangyari sa buhay ng upang makamit natin ang ating nais.
isang tao sa gitna ng makukulay na ilaw nito
REALISMO
EKONOMIYA
Ang mga pangyayari sa nobela ay hindi malayong
Kahalagahan ng edukasyon para sa ikauunlad
maganap sa tunay na buhay.
ng sarili, kapwa at bayan
Ang lupa ay sanhi ng problema sa panahon
Sitwasyon ng mga magsasaka-ang hindi nila
natinngayon. Ang ating magsasaka ay walang
pagkakaroon ng sariling lupa at ang tenancy sariling lupa at kung mayroon man ay
system kinakamkam ito ng mga sakim na may-ari ng
Diskriminasyon sa mga mahihirap at mahihina lupa. Makikitanghawig ito sa karanasan ni Lino.
Kalakalan sa mga dayuhan Sa buhay, hindi maaaring sumuko basta-basta na
lamang. Kinakailangang harapin ang mga
KULTURA problema dahil hinding-hindi naman
Kahalagahan ng pamilya sa kabila ng mga itomatatakasan.Pinapakita ni Benigno ang
dagok ng buhay posibilidad ng pagkasilaw sa kapangyarihan at
Kaugaliang Pilipino mapagmahal sa pamiliya, dito nagmumula ang kasakiman.Simbolo si Lino
marunong tumanaw ng utang na loob, ng mga taong lumalaban upang makamit ang
mahinhin(kababaihan) katarungan at pagrespeto sa mga karapatan.
Kolonyal na mentalidad
Matibay na paninindigan HUMANISMO
Ang teoryang humanistiko sa isang nobela ay
POLITIKA nagpapakita ng kahalagahan ns isang tauhan.Kay
laganap na korupsyon Pari Amando makikita ang kagandahang-loob sa
pandaraya tuwing halalan kapwa, at isa siyang ehemplo ng pagiging
maduming sistema ng halalan (paninira, matulungin at hindi mapang-abuso sakapwa, lalo
panunuhol, pagpapapatay, atbp) na sa mahihirap.Sa katauhan nina Don Tito at Dr.
pag-abuso sa kapangyarihan Benigno Sityar ipinakita ang buhay-pulitika, kung
saan laganap ang korupsyon sa sarili at sa
Maraming aral na mapupulot sa nobelang kapwa,pandaraya, at pag-aalipusta sa kapwa.Kay
Daluyong. Ipinapakita nito ang kahalgahan at Huli masasalamin ang tanyag na dalisay ng
realidad ng buhay, makatotohanang isyung dalagang Pilipina.Sa katauhan ni Didang pinakita
panlipunan at karanasan sa araw-araw,kung saan ang mga tao na napilitan na gumawa ng masama
hindi natatapos ang mga problema ngunit sa at labag sa kanilang kalooban dahil sa kahirapan
bandang huli, matututo tayong bumangon sa ngbuhay.
ating pagkakadapa. Ang kagandahan ng nobela
ay nagpapaunlad ng ating kultura at sining. SOSYOLOHIKAL
Ang lahat ng taoy may kaibigan, kahit isa man o
Huwag mawalan ng pananampalataya si madami. No man is an island ika nga nila.
Diyos kahit gaano man kahirap ang mga Hindi makakatayo ang nadapa atnasugatan mag-
problema sa buhay isa, kailangan niya ng aakay sakanyang tumayo
Matutong tumanaw ng utang na loob sa muli. Ipinakita sa nobela ang matibay na
kapwa, ngunit nararapat na gawin pa rin ang pagkakaibigan ni Lino at Bidong.Nabago nila ang
tama buhay ng isat isa.

You might also like