You are on page 1of 4

First time ko nag cross reg sa Diliman, 201*, summer class.

Nainggit lang ako sa


best friend kong kukuha ng subject kaya nag cross reg din ako. Tatlong subjects
yata yung maximum pero isa lang kinuha namin, kasi gusto lang talaga namin gumal
a. Nakakabagot na kasi sa Miag-ao (UPV, Miag-ao campus).
Eh ayun, nakahanap kami ng apartment malapit sa campus, nag shopping ng "city at
tire" kasi pag pumapasok kami sa klase dati naka jershey shorts at tsinelas lang
kami. Konting upgrade naman para hindi halatang probinsyana. Nagpa japanese reb
onding ako. Hahaha, Puta. Dalawang libo. Umayos naman hitsura ko. Bumili kami ng
make up at nagbabad sa Youtube kung pano maglagay. HAHAHA. Trying hard ang mga
gaga.
Cross reg schedule na, shet, ang daming tao. Di pa namin alam kung saan pupunta.
Hahaha.
Nakaraos din. Andun ako sa klase ni Lanuza, socio10 yata tapos ang bestfriend ko
pumasok sa Bio. Doon ako natuto mag mura. Di ko alam kung paano naisiksik ni si
r ang pitong "putang ina" sa isang sentence. Sir, salamat sa 1.0. Ang sarap mong
kausap. So diba, nag grouping na for reporting, alphabetical. Letter * ako. Ayu
n, meet with the group na, doon kami sa labas ng classroom, "get to know" part.
May absent pang isa. Chinese apelyido so nag assume agad akong gwapo. HAHAHAHAHA
.
Next meeting andyan na sya. Puta. Gwapo. Alam kong hanggang tingin lang ako. Ala
m ko kasi sa sarili kong hindi gwapo ang lalaking para sakin. Dalawa lang naging
boyfriend ko. Yung una, gwapo, kaso gago. Yung pangalawa hindi kagwapuhan pero
minahal ako ng todo. Minahal ko din, sobra. Pero kaso conservative ako. No sex b
efore marriage talaga ang prinsipyo ko. After three years naghiwalay kami. So ba
lik tayo kay Chinito. Mahinhin, akala ko bakla. For a long time akala ko bakla t
alaga. Kaming dalawa gumawa ng script sa play, syempre, katulad ng mga cliche na
story, naging close, palaging nagkatext, magkachat, pero pag sa klase na hindi
naman nag uusap.
One year older sya, kaya tawag ko sa kanya kuya. Wala naman akong feelings sa ka
nya, masarap lang kausap kasi pareho kami ng taste sa books, movies and anime so
napakalaki ng scope nga pinag uusapan namin. Tapos yun, unti unti na kaming nag
start mag usap sa klase, then outside the classroom, tapos pag naghihintay ako n
g ikot jeep, hindi muna sya aalis hanggang di ako nakasakay. Pag bibili ng pagka
in, magkasama, pupunta early sa school tapos magtetext sya "Nasa school ka na ba
?" Tapos ang reply ko naman "Oo, nagpapahangin lang sa sunken." Tapos ilang sagl
it andyan na sya, may dalang bottled water para saken, tapos magkukwentuhan hang
gang time na umakyat sa classroom. Ganon parati. Syempre, ako, mejo feelingera.
Sabi ko sa self ko, shet, baka crush nya ko. Hahahaha. Pero sabi ko sa sarili ko
, wag ambisyosa. Sobrang bait, geeky, mabango, maayos sa katawan, simple lang an
g porma, pareho kaming may eyeglasses, ano pa ba. Masarap kausap, matalino. Hind
i sya perpekto, pero flaws are easy to overlook. Alam kong alam nyo yung feeling
ng anticipation, na you always look forward na makita mo sya ngayong araw, na h
indi ka naiinis pag nag alarm na yung cp mo, kahit malamig yung tubig hindi na b
ig deal sayo basta makapaghanda for school. Habang naghihintay mapuno ang jeep n
ag iisip ka kung anong topic of conversation ninyo mamaya. Ireremind mo sarili m
o na huwag masyadong hawak ng hawak sa buhok pag kausap sya. Mag rereminisce ka
kung anong ginawa nyo kahapon, itatago yung balat ng chupachups na binigay nya s
ayo, iuuwi mo ba sa Iloilo yung bote ng mineral water na binigay nya. Di mo nama
malayan, nakangiti ka na pala na parang tanga.
Merong ibang tao diba, na sinasabing pag gising nila isang araw narealize nila n
a mahal nila yung isang tao. Bullshit yan. Ramdam mo yan araw araw eh. Process y
an. Alam mo na nahuhulog ka na sa kanya, aware ka. Hindi yan magic. Alam mo na u
nti unti nahuhulog ka na, na araw araw mas napapamahal sya sayo. Di mo lang maam
in sa sarili mo kasi sa huli, ayaw mong iblame sarili mo, na pinabayaan mong mah
ulog ka.
Alam ko na iba na, na hindi lang friendship yung amin. Pero kahit anong lawak pa
ng field of topics namin, ni isang beses di namin napag usapan ang love. Maybe
he was avoiding it, or maybe he thought I was avoiding it so nobody really pushe
d. Okay lang naman saken, di ko alam. Siguro takot din ako na kapag napag usapan
na at malaman ko na imagination ko lang lahat na akala ko meron kami, sasabog a
ko. Ganyan ako eh, mas ok pa na hindi ko malaman kesa malaman ko nga pero hindi
naman yung gusto kong marinig. Ako na ang gaga. Isip ko din, summer fling lang.
After summer classes tapos na din kami. Babalik na ako sa bundok, maiiwan sya di
to sa city. Alam nyo yung drumroll episode ng How I Met Your Mother? Yung si cup
cake girl at si Ted sa wedding, they wanted the night to be perfect so they won'
t spoil everything by kissing or by telling him her name? It was like that. I di
dn't want to spoil my perfect summer by talking about feelings.
Malapit na mag end yung klase, ilang weeks lang naman kasi, mabilis ang oras lal
o pa kung nageenjoy ka, mas doble ang bilis pag nagmamahal ka. Nagyaya sya mag d
inner, one before my flight to Iloilo. Hindi ko sana gusto, kasi at the back of
my mind I'm thinking he might confess. I loved that idea but it terrified me. My
self confidence is six feet below the ground. Wala ako nun. Paulit ulit ko sina
sabi na hindi sya para sakin. He's out of my league. Sabi nya magdadala daw sya
ng food sa apartment that night, ok lang, andun naman best friend ko. Marami sya
ng dalang pagkain. Actually, leftovers yun sa birthday ng mom nya. Di naman ako
masyadong makakain kasi kung ano ano na yung nasa isip ko. Tapos kwentuhan naman
kami kasama si bestfriend. 11 pm na, matutulog na daw si bestfriend. Uuwi na di
n sya. So sabi ko, dinner lang talaga, walang malisya. Hinatid ko sa labas, kwen
to ng kaunti tapos biglang tumahimik. That time lang kami naging awkward, ever.
Tapos nagulat ako, kasi lumamig yung left hand ko, yun pala hinawakan nya. Ang l
amig talaga, so alam kong kinakabahan sya. Di ko naman alam yung gagawin, o kung
may kailangan akong sabihin. Hinayaan ko nalang. Tapos sabi nya, payakap naman.
Tumawa akong kaunti, ok sabi ko, tapos niyakap nya ako. Tapos bumulong, "Will y
ou be my girlfriend?" BOOM! Nanlambot tuhod ko. "HA?" Yun lang nasabi ko. Tapos
inulit nya, shet, ang sarap pakinggan. Parang ang sikip sikip ng dibdib ko, luma
yo akong kaunti. Naulol ang utak ko. Di ko alam kung anong gagawin, anong sasabi
hin. Natakot ako, pero happy at the same time. Paulit ulit kong sinasabi saa sar
ili ko, No. No. No. NO. NO. NO. NO. Wala akong ibang maisip except sa hindi sya
para sakin. Masasaktan lang ako. Gwapo sya, hindi talaga para sakin. Magsasawa s
ya sayo, iiwanan ka din nya, confused lang sya, magbabago din isip nya. Para ako
ng maloloka. Sabi ko nalang, "May boyfriend ako, kuya." Gusto kong bawiin. Pero
di ko na magalaw katawan ko. Parang nakasemento na yung mga paa ko. Malutong na
"Shit." lang yung nasabi nya. Yun lang. Tumutulo na luha ko. Di ko alam kung bak
it di ko mabawi yung sinabi ko. Ang tanga ko. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.
Parang sa teleserye, umulan, tumakbo sya papunta sa sasakyan nya. Umalis. Di pa
rin ako makagalaw. Puta. Tanga. Gaga.
Di ko na alam anong nagyari sakanya. Di ako nag attempt mag text or tumawag. Gan
on din sya. Binibisita ko Facebook nya, wala masyadong activity. Hinahalungkat k
o yung status nya nung gabing yun. Nakalagay "Ang tanga ko, sobra." Gusto kong m
ag comment. Gusto kong mag message, di ko magawa. Hanggang ngayon, few years aft
er, binabalikan ko pa rin yung status na yun. Ako yung tanga. Sorry kuya.
TangangGaga, 2009, UPV-AS
https://www.facebook.com/updconfessions/posts/851588581564612
"In reply to the post authored by TangangGaga:
I had to read it over and over and over again just to make sure it was our story
and there is no way it wasn't. It took all my guts to try to call you pero nadu
duwag ako each time. I got rid of your phone number after that night but three y
ears passed and I still know them by heart. It is no longer in service though, f
igures. You might not be expecting a reply to your post. For all I know you coul
d have bumped your head and caused your reminiscing. But here I am now. I hope y
ou stumble upon this as I did yours.
SHIT. After three years yun lang din uli ang masasabi ko. Nung nabasa ko yung po
st mo tumindig mga balahibo ko. Hindi ko pa gustong maniwala sa nabasa ko pero a
ndun na lahat eh. Na summarize mo ang summer natin. Ako yung chinito na absent n
ung first day, ako yung kasama mo nagsulat ng script sa play para sa socio, ako
yung nagbigay ng chupachups na lollipop at bumili ng Viva mineral water para say
o. Ba't ganon? You have no idea how you fucked up my heart. You weren't the only
one afraid. I put myself out there, terrified and cold but you broke me. The le
ast I deserve from you is honesty. You did not give that to me.
Nung gabing yun sabi mo may boyfriend ka. Tangina. Naniwala ako. Akala ko totoo.
For weeks na magkasama tayo I thought I was sure you were single. Mama and papa
mo lang tumatawag sayo, wala kang masyadong ka text, walang picture ng lalaki s
a wallet mo, walang nagpopost sa wall ng FB mo. Paulit ulit kong pinanuod ang 50
0 days of summer. Puta umiyak ako. Sigurado akong single ka kaya para akong bina
gsakan ng bloke ng yelo nung sinabi mong may boyfriend ka. Hindi lang ikaw ang n
aulol. Sobra sobra akong naulol, mas lalo pa nung nalaman kong di naman totoo, n
a natakot ka lang. Damn it.
Natakot kang lolokohin kita, natakot kang magbabago isip ko, natatakot ka kasi a
kala mo hindi ka bagay sakin. YOU ARE WRONG. Everything you were afraid I'd do t
o you, you did to me. Niloko mo ako. You made me believe you had someone. You ch
anged your mind even before you say how you truly felt. You made me think I didn
't deserve you. You fucked me up.
I liked you very much. I honestly thought I found my soulmate. Puta, ginusto kit
a. Sobrang insecure ka kasi mataba ka? Sobrang insecure ka kasi hindi ka matangk
ad? Dahil sabi mong gwapo ako, akala mo hindi ka bagay sakin? Nakakagago.
You always see the best in everyone except yourself, masyado kang maalaga sa iba
na di mo na naaalagaan sarili mo. At first I thought this girl is too good to b
e true, pero kung nakilala ko yung bestfriend mo sobrang sinasamba ka nya. Hindi
perpektong tao ang hanap ko, hindi supermodel, walang weight and height require
ments. Akala ko ikaw na. Akala ko tayo na. We never talked about love but we tal
ked about life, and I was hanging by every word you say.
You are one great person and people take advantage of you and I never intend to
do that to you. If you have given me the chance I know we could have been great.
I drowned in all the if's and could-have-beens, I ate regret every morning for
breakfast. Hindi na ako nag attempt mag reach out kasi masakit. Putang ina masak
it!!!!! Three years after masakit pa rin. Kung sasakit pa din ba bukas o sa maka
lawa o aabot pa ng ilang taon, hindi ko alam. Hindi ko pinipilit sarili ko na ka
limutan ka kasi alam kong lolokohin ko lang sarili ko. Hindi ako nag text, hindi
ako tumawag kasi hindi ko magawang pindutin yung send. Naduwag na rin ako.
Ginusto kita noon, gusto pa rin kita ngayon and I feel I'd stay this way for a w
hile. Kahit ilang babae ang makilala ko I'd still look if there's a tiny bit of
you in them. You took me in a place too wonderful that nothing could ever compar
e. I fell for you and you have no idea kung gaano ko pinipigilan sarili kong ngu
miti masyado pag magkasama tayo. Hindi mo alam kung gaano ko inaabangan na lumab
as ang dimples mo sa pisngi, alam kong hindi ka nagpeperfume kasi sobrang bango
na ng buhok mo, lalo pa pag naglalakad tayo at humahangin. Sobra akong napangiti
nang nakita kong inipit mo yung balat ng chupachups sa journal mo. Hangang hang
a ako kapag nakikipag debate ka kay sir Lanuza sa klase, kapag napapatawa mo cla
ssmates natin kapag nag iilonggo ka. Ikaw yung tipong mabubuhay basta't may libr
o kang binabasa, ikaw yung babaeng maganda kahit hindi nag aahit ng kilay. Alam
kong hinahawakan mo ang tenga mo pag nahihiya, na hawak ka ng hawak sa buhok mo
pag magkausap tayo, na palagi kang may baong barnuts sa bag mo, ayaw mo ng raisi
ns, adik ka sa mango shake at lemonade. Hindi kita nakitang nandiri sa kahit ano
, kahit dun sa lumipad na ipis o nung nakatapak sa sa putik nung final play nati
n sa may lagoon. Lagi ka lang nakatawa kahit naiinis ka na sa mga batugan na gro
upmates naten. Shit. Ikaw palagi iniisip ko. Ikaw nalang palagi.
Sorry. Kasi natakot kita. Pasensya na kung nabigla kita. Hindi ko alam kung may
boyfriend ka na ngayon o kung may nararamdaman ka pa para saken, ang alam ko han
ggang ngayon, gusto kita. Mahal kita. Puta ang baduy ng lumalabas sa bunganga ko
. Alam kong pag nabasa to ng mga kaibigan ko di nila ako tatantanan. I messaged
this to you at kung mag reply ka di na rin kita tatantanan. Di na kita tatakbuha
n, di na ako maduduwag. Di na ako magpapatawag ng kuya sayo. More than anyone in
the world, we deserve a second chance. "
-Umaasa, 2004-2008, Engineering
https://www.facebook.com/updconfessions/posts/854333807956756
I thought long and hard before I decided to tell you everything. There will be n
o more posts following the story about ateng TangangGaga at kuyang Umaasa, kasi
po, hindi po 'yun totoo. Iisang tao lang po ang nagsulat ng dalawang confessions
na yun. I don't know kung maaoutrage kayo at iban ako sa TDF, pero hindi ko na
mababawi yung mga pinost ko.
You might not be interested sa explanation ko, but in case you are, here it is.
I just wanted to pass time, I haven't written anything for so long and I had the
urge to write something beautiful. Nag cross reg po ako sa Diliman, 2010. Secon
d year kami pareho sa UPV Miag-ao that time ng bestfriend ko. Prerog po kami sa
klase ni sir Lanuza sa socio 10. Groupmate ko yung chinito, pero hindi kami nagi
ng close, walang feelings na develop.
All the details na nilagay ko sa unang stories are purely products of my imagina
tion. Isinubmit ko yun thinkinig na hindi lang naman siguro ako ang nag iisang n
ag imbento ng story. I know it's not an excuse pero nung mga oras na yun nothing
stopped me from hitting that submit button. Ni hindi ko nga na accomplish masya
do yung steps ninyo for submission.
Di ko alam yung last step kung kumuha ng university clearance kasi a few years a
go kinailangan kong mag stop ng school kasi nagkasakit ako. The next sem, ibang
school na ang pinasukan ko. Ngayon, andito na ako sa Los Angeles, I have nothing
to do sa free time ko kasi Im just confined here at home coz I'm looking after
my granda full time. Hindi ko na ma access yung CRS ko. I even emailed the crs i
f there is a way to retrieve my password, pero sabi nila, i have to call para ma
acces ko yung school records ko. I never thought it could get posted sa page ny
o. That was the first time any of my work has been handed to the public.
Overwhelming ang comments and responses na nakuha ng post na yun, so immediately
after, I wrote kuyang Umaasa's reply. I tried so hard to make it seem that both
works have been written by two completely different people. Hindi ko na po inis
ip yung consequences kasi masyado akong nabulag sa mga magagandang feedbacks. Ka
ya ayun, kuyang Umaasa came to life.
Nagtataka siguro kay kung bakit pa ako nag message sa inyo. Hindi ko rin alam, a
t siguro hindi rin kayo maniniwala na ako talaga ang author ng dalawa, pero for
what it's worth, every comment, every share, every feedback na narecieve ng dala
wang stories made me believe in myself more. Hindi na six feet below the ground
ang confidence ko.
A while ago I was thinking of posting a confession, a true confession na hindi t
alaga totoo yung dalawang stories, pero hindi ko magawa. The readers thought I g
ave them forever, and it's a big deal for me na I moved so much people through m
y words. Masyado ng maraming negative things happening around us, from political
to personal and if ateng tanganggaga and kuyang umaasa's story has in any way g
iven them a dose of hope na baka sakaling may forever, worth it lahat. Kung mala
laman nila na fiction lang ito, I couldn't imagine kung anong magiging reaction
nila. I mean, alam kong maraming magagalit, at maaaring tuluyan nilang maisip na
forever doesn't exist.
Dear admins, you have all the right to be angry and I am sorry.
- TangangGaga aka Kuyang Umaasa
Admin Note: We don't really post messages submitted to the page's inbox, but I t
hink this provides a third side to the story. # walangforever -kuya
https://www.facebook.com/updconfessions/posts/855110391212431

You might also like