You are on page 1of 34

1

Unang Kabanata: Dauntless

Ang Misyon

"Ito ang mga impormasyon tungkol sa


kaniya." Saad niya at inabot sa akin ang
isang folder. Binuksan ko ito at bumungad
sa akin ang mga personal na
impormasyon tungkol sa isang Rocus Asis.
Agad nanlaki ang mga mata ko.
"Si Rocus Asis ang target ko? Pinaglolo-
loko mo ba ako?" Puno ng panggagalaiti
kong tanong sa kaniya pero sinuklian
lamang niya ako ng kaniyang ngisi.
"May problema ba?" Painosente at
nanunukso pa nitong sagot sa akin na
nagpakuyom ng aking kamao.
Agad kong naipamaypay sa sarili ko ang
folder na hawak ko at humugot ng mga
malalalim na paghinga bago siya binigyan
ng mga matatalim kong tingin. Gustong
gusto ko siyang patayin. Ngayon mismo.
"Pinasok ko itong trabahong ito para
2 Dauntless
protektahan si Asis. Dahil ang sabi mo,
papatayin niyo siya pag hindi ako sumama
sa inyo! Pero ngayon, ibinibigay mo itong
misyong ito sa akin? Na sinasabi mong
patayin ko iyong taong limang taong kong
prinotektahan! Nahihibang ka na ba ha,
Laurel?" Nanggagalaiti kong sabi sa
kaniya. Napigtal na ang bawat hibla ng
pasensiya at paggalang ko sa kaniya.
Bawat araw ay sinasagad niya ako pero
pinipigil ko iyong sarili ko na kwestyunin
ang lahat ng kaniyang desisyon but not
this time! This is bullshit.
"Where's your manners, Devon? Pwede
mo namang hindi kunin ang misyon. I can
always give it to Raul."
"Raul? Sa siraulong gunggong na yon? Sa
walang awang pumapaslang na taong
iyon!"
"Pardon? Nagkamali ata ako sa aking
narinig. Come on, Devon. If we were
talking about brutality here, we all know
you have it that's why I'm considering you
in this
3 Dauntless
mission." Nakangisi pa rin nitong tugon sa
akin.
"Layuan niyo si Asis." Mariin kong
pagbabanta sa kanya. Bahagya itong
napahalakhak sa sinabi ko.
"As far as I know, I'm still keeping my word
to you, Devon. Nilayuan ko ang iyong
sintang iniirog. Hindi ko siya ginalaw o
sinaktan hanggang ngayon. Hindi ko
naman ginusto ito. Customers, remember?
Sila ang nagbabayad at tayo lamang ang
gumagawa ng trabaho. Sila ang sabihan
mo, wag ako."
Mahinahon pa nitong paliwanag sa akin
habang nanggagalaiti na ako sa galit.
Kung hindi ko siya kilala, marahil iisipin ko
na tama siya but heck! Kabisado ko na
kung paano tumakbo ang utak ng isang
ito. Nakasama ko siya sa loob ng mahigit
limang taon. Alam ko na ang galawan ng
isang demonyo.
"Devon, take it or leave it." Nakangisi
4 Dauntless
niyang

suhestiyon sa akin. Matalim pa rin ang


mga tingin ko sa kaniya pero pinag-iisipan
ko na ang magiging desisyon ko. I need a
plan.
Kung hindi ko tatanggapin ang misyon, in
no time, Asis will be dead by the hands of
Raul. Yun ang isa sa sigurado ako. But If I
accept the mission, maybe, for the first
time, I can break the rules.
"You're wasting my time, Devon. Kung
ayaw mo, Raul is always free. You can
leave now." Turan niya sa akin ng naubos
na ang kaniyang pasensiya.
"No!" Maagap kong pagtanggi sa sinabi
niya. Agad naman siyang napangisi sa
inakto ko.
"No what?" Hamon nitong tanong sa akin.
Nagpakawala ako ng isang malalim na
paghinga.
"Yes. I accept the mission." Nginisian ako
5 Dauntless
nito ng pagkalaki laki.
"Please, sign the contract." Agad naman

akong lumapit sa lamesa niya at


pinirmahan ang kontratang kanina pang
nakahanda doon.
Sigurado akong nagbayad siya ng isang
tao para magkunwaring customer na
nagbabalak magpapatay kay Asis. Asis is a
good man. Walang rason para magkaroon
siya ng alitan sa kung sino man. He can
always deal with the problem by just
talking. Alam kong hindi aabot sa puntong
ipapapatay siya.
Umpisa pa lang ng trabaho ko, gustong-
gusto na niyang patayin si Asis dahil
nakikita niyang nakakasagabal ito sa akin.
Sa aking misyon. Ngayon na lang siya ulit
nagkalakas loob na gawin ang matagal na
niyang pinaplano. Marahil ay
nararamdaman niyang konting araw
nalang, pwersahan na akong aalis sa
6 Dauntless
trabaho ko. At kapag patay na si Asis, wala
ng magiging dahilan ng pag-alis ko at
mananatili na

lamang ako sa puder niya. Hindi ako


makakapayag.
"Ako ang magbibigay ng hudyat kung
kailan mo siya dapat patayin. Bantayan
mo lang siya ngayon. Maliwanag ba?"
Habol nitong sabi. Hindi na ako sumagot at
tinalikuran na lamang siya.
7 Dauntless

Ikalawang Kabanata:
Rocus Asis

"Ibababa mo ang baril o kakalat 'yang utak


mo.
Dahan-dahang lumingon sa akin ang lalaki
at biglang binagsak ang baril na hawak
niya sabay taas sa dalawang kamay niya.
Napangisi ako.
"But Sorry. There's no turning back."
Sabay pinutok ko sa may sentido niya ang
baril at umalingawngaw ang ingay nito sa
buong lugar. Kasabay ng pagbagsak ng
lalaki ay ang iritan ng mga kababaihan sa
hindi kalayuan at nagtakbuhan na
papalayo. Anumang oras ay parating na
ang mga pulis para linisin ang kalat na
ginawa ko.
Mabuti kong binantayan ang bawat galaw
8 Dauntless
ni Asis. Bumalik ang libo-libong alaala sa
akin ng makita kong muli siya. Isang taon
ko siyang sinundan lamang ng aking tingin

mula sa malayo pero sa natirang apat na


taon, nagdesisyon akong itigil na ang
pagsunod sa kaniya. Pinilit kong layuan
siya at para hindi din ako traydurin ng
katawan, puso at utak ko dahil noong mga
panahong iyon, puro si Asis lang naman
ang sinisigaw ng mga ito. Pero tingnan mo
nga naman, lumayo nga ako pero heto.
Hanggang ngayon, siya pa rin. Kainaman.
Kasalukuyang kinakausap ni Asis ang
isang Ale na sa palagay ko ay kinukwento
ang pagkakarinig niya sa putok ng baril sa
parte ng parke kung nasaan ako. Agad
akong humakbang palikod at nagtago sa
likod ng puno na hindi kalayuan pero hindi
nakalampas sa paningin ko ang paglingon
niya sa direksyon kung nasaan ako. Agad
akong nagpakawala ng isang malalim na
buntong hininga at tiningnan ang baril na
9 Dauntless
hawak ko.

"Talagang nag-hire ka pa ng ibang papatay


ha, Laurel. Protektado ko siya, hindi mo
siya madadapuan ng kahit anong bala
galing sayo."
Bulong ko sa sarili ko at agad nang
pumunta sa kotse ko kung saan natatanaw
ko ang naka-tigil na itim na kotse ni Asis
sa hindi kalayuan.
10 Dauntless

Ikatlong Kabanata:
Seguridad

"Bakit ka naparito?"
Agad na bungad sa akin ni Laurel ng
magbalik ako sa kaniyang opisina
kinabukasan matapos ang pangyayari
kagabi. Sigurado akong alam niya na ako
din mismo ang pumatay sa pinadala
niyang lalaki kagabi.
"Tigilan mo ang pagpapadala ng mga tao
na papatay kay Asis. Baka nakakalimutan
mong misyon ko siya." Bahagya lang
siyang napahalakhak sa aking sinabi.
"Hindi ko naman alam na masyado mo na
palang minamahal ang trabaho mo,
Devon. Umaapaw ang prinsipyo mo."
Nagtagis lamang ang bagang ko sa
11 Dauntless
kaniyang sinabi. Talagang ginagalit niya
ako.
"Hindi ba iyon naman ang matagal mo ng

gusto." Sarkastiko kong sagot dito na


nagpaseryoso sa kaniya pero agad ding
bumalik ang ngisi sa kaniyang mga labi.
"Mabuti. Makakaalis ka na." Agad nitong
sabi at binalewala lamang ang aking
sadya na nagpakuyom pa lalo sa aking
mga kamao.
"Inuulit ko. Tigilan mo ang pagpapadala ng
mga taong papatay kay Asis." Pero hindi
man lang ito nag-angat ng tingin sa akin
at tila hindi ako naririnig. Humugot ako ng
mga malalalim na paghinga para pahabain
pa ang aking pasensiya.
"Laurel." Madiin kong banggit sa pangalan
nito na nakaagaw ng kaniyang atensiyon.
Seryoso ang kaniyang mukha, ganoon din
ako.
"Tigilan mo si Asis." Pag-uulit ko pang sabi
12 Dauntless
at bumalik na ang nakangisi niyang mukha
at napapailing pa.

"Tingnan natin." At sabay tinaas na ang


kaniyang kamay hudyat na hindi na siya
tatanggap ng kahit ano pa mang salita
mula sa kausap niya kaya agad naman
akong tumalikod at lumabas na ng
kaniyang opisina.
Kung hindi magawang itigil ni Laurel ang
pagpapadala ng mga tauhan niya, mas
kailangang lagi lang akong nakabantay
kay Asis. For his safety.
13 Dauntless

Ikaapat na Kabanata:
Farkboi

Sumakit ang aking balikat sa naging


pwesto ko magdamag. Nakatulog na ako
sa sala habang hawak ang tablet na naka-
on sa screen kung saan makikita ang labas
ng condo unit ni Asis gamit ang camera na
sinet ko kagabi.
Tumingin ako sa aking orasan at pasado
sais doble singko na. Mayroon pa akong
ilang minuto kaya naman nag-ayos ako ng
aking sarili at uminom muna ng mainit na
kape. Nang pagtingin ko sa aking orasan
ay alas syete na. Tiningnan ko ang aking
tablet at saktong palabas na si Asis sa
kaniyang unit. Agad ko namang kinuha
ang aking swiss knife at nilagay sa gilid ng
aking sapatos at tinakluban ito ng aking
pantalon. Sinuot ko ang aking shades at
14 Dauntless
maingat na sumunod na din sa kaniya.

Tahimik lang akong sumunod sa kaniya sa


pagsakay sa elevator. Marami rami kaming
nakasabay na panigurado ay bababa para
mag-almusal. Nang makarating sa ground
floor ay walang imik at maingat ko lang na
pinagmasdan ang kaniyang galaw.
Hanggang sa makasakay ako sa aking
kotse ay doon lamang ako nakahinga ng
maluwag. Iba pa rin talaga epekto niya sa
akin. Parang kinukulob ako ng presensiya
niya.
Umandar na ang kaniyang kotse at
sinundan ko lamang ito. Makaraan ang
labinlimang minuto, ay narating na namin
ang kumpanyang pag-aari niya. Lumabas
siya sa kaniyang kotse at agad na pumalit
ang nakaputing lalaki na siguradong
magpa-park ng kotse ni Asis. Sinundan ko
ng tingin si Asis at nakapasok na ito sa
loob ng building. Nahagip muli ng tingin ko
ang kotse ni Asis na papasok na sa parking
15 Dauntless
lot. Hindi ko alam pero kakaiba ang
pakiramdam ko dito.

Agad kong pinaandar ang kotse ko at


sinundan ang kotseng itim ni Asis pero sa
halip na sa reserved lot ito magpark ay
nagdire-diretso ito hanggang sa
makarating sa dulong bahagi ng parking
lot. Bullshit. Tauhan ito ni Laurel!
Pinark ko ang kotse ko malapit sa pwesto
kung saan pinark ang kotse ni Asis.
Nilabas ko ang aking cellphone at may
tinawagan na importanteng tao. Nang
malapit ng matapos ang tawag ay tsaka
ako bumaba sa aking kotse at nilakasan
ang aking boses. Sakto lang para marinig
niya.
"Ok. See you later."
Pagbababa ko sa tawag. Nilagay ko naman
ang aking cellphone sa bulsa ng aking
leather jacket at hinarap ang "Farkboi".
Napansin ko naman ang paggawad nito
16 Dauntless
ng ngisi sa akin kaya nginitian ko ito.
Lumapit pa ako sa kinaroroonan niya bago
magsalita.

"Hindi ho ba ay kotse ito ni Sir Asis?


Madalas kase itong magawi sa talyer na
pinagtatrabahuhan ko dati dahil ka-close
niya iyong may-ari doon. Bakit niyo ho dito
pinark? Hindi ba ay doon ito dapat." Turan
ko sabay turo sa reserved lot na para sa
kotse ni Asis na hindi gaanong natatanaw
mula dito.
Nakita ko ang pagkagulat sa kaniya at
nawala ang ngisi sa mga labi niya. Mas
lalong lumawak ang ngiti ko.
"May napansin kase akong depekto nung
gamit ko siya kanina kaya nagpatawag
agad ako ng mag-aayos. Dito ko na pinark
kase baka makasagabal sa ibang sasakyan
kung dun sa reserved lot pa. Bungad kase
iyon eh." Seryoso niyang paliwanag sa
akin at pinipilit na maging kalmado batay
17 Dauntless
na rin sa kaniyang postura ngayon na
kulang nalang ay itaboy ako. Tumango
tango ako at kunwaring tinatanggap ang
mga palusot niya.
"Nako. Pwedeng ako na ho iyong mag-
ayos. Kabisado ko na ho itong kotse ni Sir
Asis." Nakita ko pang mas naalibadbaran
siya sa akin.
"Hindi na kailangan, Miss. Parating na din
naman yung mag-aayos."
At agad niya akong tinalikuran hudyat na
ayaw niyang tumanggap ng kahit anong
pabor sa akin.
"Nandiyan na ho ata yung mag-aayos."
habol na sabi ko.
18 Dauntless

Ikalimang Kabanata:
Papang Juni

Napalingon naman ang driver sa gilid niya


at bumaba nga doon sa kadarating
lamang na lumang kotse ang isang nasa
trenta pataas na anyos na lalaki.
Nagkatinginan kami at binigyan ko siya ng
isang makahulugang ngisi.
Nakita ko namang bumalik ang mga ngisi
sa labi ng driver at malugod na sinalubong
ang bagong dating habang ako'y taimtim
na pinapanood ang eksena.
"Nasaan ang kotse?" Direktang tanong ni
Papang Juni. Agad naman tinuro ito ng
driver at nang mahagip niyang nasa tabi
pa rin ako ng kotse ni Asis ay
napasimangot ito. Nginisian ko siya ng
pagkalaki laki.
19 Dauntless

"May kailangan ka pa ba, Miss?" Puno ng


pagpipigil na pagtatanong sa akin nung
driver.

"Manonood nalang po ako ng gagawin


nung mag-aayos habang inaantay ko po
yung kasama ko. Para dagdag kaalaman
nalang din po sa akin." Magalang na sabi
ko dito ng may ubod laking ngiti.
Nakita ko naman ang pagtatagis ng
bagang nito. Magsasalita sana ito ng agad
na lumapit sa akin si Papang Juni.
"Ganon ba, Ganda. Sige, diyan ka lang sa
tabi habang inaayos ko ito. Tuturuan din
kita ng mga tawag dito sa mga ito." Sabay
taas niya ng toolbox na hawak niya.
"Wala pong problema."
"Te-Teka." Singit namang sabi nung driver
sa usapan namin.
"May problema ba?" Pagtatanong ni
Papang Juni. Hindi nakawala sa paningin
20 Dauntless
ko ang bahagyang pag-atras nung driver.
Malaking tao kaseng maituturing si Papang
Juni at gaga-dibdib lamang nito ang driver.

"Hindi ba ikaw si Kanor?" nagtatakang


tanong ng driver.
"Ako si Juni." Prenteng sagot ni Papang.
"Pero si Kanor ang kinausap kong mag-
ayos ng kotse!" Histerikal na sagot nung
driver.
"May problema ka ba sa akin?" Tanong ni
Papang sa naghahamong boses.
"Hi-hindi naman sa ganon pero kung ikaw
si Juni, Nasan si Kanor?"
Pasimple kong tinakpan ang bibig ko ng
aking kamay dahil baka hindi ko mapigilan
ang mapahagalpak sa eksenang nasa
harap ko ngayon.
21 Dauntless

Ikaanim Kabanata:
Kanor?

"Sino ho ba si Kanor?" Pagsingit ko sa


usapan ng dalawa. Ginawaran naman ako
ng masamang tingin nung driver pero
agad din niya binalik ang tingin kay
Papang.
"Si Kanor ba yung dos siyam taong gulang,
mataba, may pulang buhok at ang may-ari
ng baduy at lumang kotse na iyan?"
Pagtatanong ni Papang habang tinuturo
ang kotse na ginamit niya kanina.
"Hi-hindi ko alam. Hindi ko pa siya
nakikita. Pero nasaan siya?"
"Pinatay ko." Simpleng sagot ni Papang na
parang ito na ang pinaka-normal na bagay
22 Dauntless
sa mundo.
"Pi-pinatay mo?" Halos pabulong na wika
nung driver at tila hindi makapaniwala sa
narinig.

"Ano bang atraso neto sayo, Ganda?"


Pagtatanong sa akin ni Papang sabay turo
sa driver.
Napangisi ako at napabaling naman ang
tingin sa akin nung driver.
"Balak niyang tanggalan ng preno ang
kotse ni Sir Asis." Nakita ko namang ang
agarang paglaki ng mga mata ng "Farkboi"
dahil sa nabisto ko siya sa kaniyang plano.
"A-anong sinasabi mo? Hi-hindi ko
magagawa iyon!" Pagmamaang-maangan
pa nitong turan kay Papang.
"Sinasabi mo bang sinungaling si Ganda,
ha?" Tugon ni Papang sabay kinuwelyuhan
ang lalaki. Napatingin naman ako sa
paligid at nakitang wala namang tao.
23 Dauntless
Napangisi ako.
"Kindly dispose, Papang." Utos ko at agad
naman niya itong tinanguan.
Nanlaki ang mga mata nung driver at

nagpumiglas sa hawak sa kaniya kaya


agad itong hinawakan sa ulo ni Papang at
agad na pinihit ang ulo nito palikod at
narinig ko agad ang pagtunog ng buto dito
kasabay ang paghigit dito ni Papang sa
damit at inakbayan para hindi bumagsak
sa sahig. Baka kase biglang may
mapadaan.
"Mauna na ako, Ganda. Bisita ka minsan
sa Quarter. Miss ka na ng mga ugok."
Tumango na lang ako dito. "Salamat,
Papang."
"Anytime, Ganda."
24 Dauntless

Ikapitong Kabanata:
Ang Signal

Humahangos kong binuksan ang pinto ng


opisina ni Laurel at agad na dumiretso sa
harap ng lamesa nito at binagsak ng
malakas ang kamay ko doon na nagdulot
ng pagbagsak ng ilang gamit niya sa
sahig. Ginawaran niya lamang ako ng
kaniyang mga ngisi.
"Sinabi kong tigilan mo ang pagpapadala
ng mga tao mo!" Nanggagalaiti kong sabi
dito.
"Ano bang nirereklamo mo, Devon?
Pinapadali ko ang trabaho mo. Kung hindi
mo sana pinapatay ang mga pinapadala
25 Dauntless
ko edi sana tapos ka na sa misyon mo."
"Misyon ko ito! Hayaan mong ako ang
gumawa ng hakbang para tapusin ito!
Huwag mo akong pangunahan!"
Nanginginig ang aking mga kamay ng
sabihin sa kaniya ito. Nangangati ang mga
kamao ko sa

kagustuhan nitong bugbugin ang taong


nasa harapan ko ngayon.
"Sige. Hindi na ako magpapadala ng mga
taong papatay kay Asis." Pero sa halip na
makahinga ako ng maluwag ay napakunot
na lamang ako ng aking noo.
"Anong binabalik mo, Laurel?" Madiin kong
sabi dito pero nginisian niya lang ako.
"Bukas na bukas. I want you to kill the
target." Agad akong binalutan ng kaba at
nanlamig. Namamawis ang aking mga
kamay kaya agad ko itong tinanggal sa
kaniyang lamesa.
"I'm giving you the signal. Tapusin mo na
26 Dauntless
ang misyon mo, Devon." Seryoso nitong
saad sa akin.

Ikawalong Kabanata:
Ang Pagkikita

"What the hell!" Gulat na turan ni Asis ng


makita niya akong prenteng nakaupo sa
sala ng kaniyang condo unit. Pasado alas
dyis na ng gabi. Buong araw lang itong
nasa opisina niya at buong oras ko din
siyang binantayan sa malayo. Nang
makapagpark na ito sa labas ng
condominium ay inunahan ko na ito sa
pag-akyat at agad na dumiretso dito sa
unit niya. Kailangan ko siyang makausap.
"Anghel?" Para akong tatakasan ng
kaluluwa ng marinig kong muli na
binanggit niya ang aking pangalan.
27 Dauntless
Limang taon ko din itong hindi narinig.
Nakakatuwang isipin. Magkaibang
magkaiba ang aking naging
pagkakakilanlan. Devon is just my
sidename. Kailangan siya sa trabaho.

Tumayo ako at pinakita ang punong-


punong emosyon sa aking mukha.
"Asis, we need to talk." Mahinang bulong
ko.
Nang makabawi siya sa gulat ay agad
niyang dinampot ang nahulog niyang bag
at nagtuloy tuloy sa kusina na parang wala
lang ako doon.
"Hindi ko alam na agaran pala ang misyon
mo." Agad na tumakas sa mga mukha ko
ang gulat. Binuksan niya ang kaniyang
bag at naglapag ng isang envelope sa
lamesa. Binuksan ko ito at tumambad ang
mga personal data tungkol sa akin at
maging ang xerox copy ng pirmado kong
28 Dauntless
kontrata tungkol sa misyon ko sa kanya ay
nandoon din! Fuck Laurel.
Humugot ako ng malalalim na paghinga
bago ko siya tiningnan.
"Let me explain, Asis." Sarkastiko niya
lang akong tiningnan.

"I don't want to hear anything from you. If


you want to kill me, go. Para matapos na
ang misyon mo." Nakita kong kinuha niya
ang kutsilyo malapit sa kanya at marahas
na lumapit sa akin. Pwersa niya iyong
inilagay sa kamay ko at hinawakan bago
itinutok sa dibdib niya.
"Kill me, Anghel. Or should I say, Kill me,
Devon." Hamon pa nitong turan sa akin
pero hindi nakalampas sa mga mata ko
ang puno ng hinanakit sa mga emosyon
na ipinapakita niya. Agad na nagtakasan
ang mga luha ko.
"Asis, no. It is not what you think. Let me
explain. Please." Tuloy tuloy lang ang agos
29 Dauntless
ng mga luha ko. Wala itong tigil sa
pagpatak.
"I forgive you for leaving me. I forgive you
for hurting me to the point that I almost
lost myself if it's not for work. I was too
broken, Anghel. How come you showed

everything was fine then the next day


we're splitting up. How could you?"
Naiiyak na din ito habang sinasabi ang
mga katagang iyon. Parang panang
sumasaksak sa puso ko ang bawat
katagang iyon.
"Trust me. I left you not because I want to.
I left you because it is needed." Pareho
lang kaming umiyak sa isa't-isa. Walang
umiimik sa amin ng biglang makarinig
kami ng isang palakpak na nanggaling
hindi kalayuan sa amin.
"What a dramatic scene." Agad akong
napalayo kay Asis at agad na tiningnan si
Laurel na nasa harapan namin ngayon at
30 Dauntless
nakatutok sa amin ang baril. Shit.
Tiningnan ko si Asis at bakas dito ang
pagkalito. Tumingin siya sa akin at tipong
naghahanap ng sagot pero nginitian ko
lamang ito.
"Who are you?" Lakas loob na tanong ni
Asis kay Laurel at kaya pumaling siya dito
at nginisian siya.

"You're welcome. Ako ang nagpadala ng


sulat sayo."Agad namang remehistro sa
mukha ni Asis ang pagkakakilala sa lalaki.
"Ikaw si Laurel?" Maingat na tanong ni Asis
sabay ang marahang pagtango sa kanya
ni Laurel.
"Ako nga. Kung saan sa akin nagtatrabaho
si Devon. O tawagin nating, ang iyong
Anghel." Napahigpit ang hawak ko sa
kutsilyong naibigay sa akin kanina ni Asis.
"Umaalis na ako sa trabaho ko, Laurel. I
just can't take you anymore." Matapang
kong saad dito. Agad itong napahalakhak
31 Dauntless
sa akin.
"May kontrata ka pa sa akin, Devon. Iisa
lang naman ang ibig sabihin ng pagbali sa
kontrata. Alam nating lahat iyon hindi ba?"

Wakas
"Then kill me." Matapang kong turan kay
Laurel. Dahil ang tanging kapalit lang
naman ng pagsuway sa kontrata ay buhay
ng mismong sumuway.
"My pleasure." Naggawad pa ito ng mala-
demonyong ngiti sa akin sabay kalabit sa
gatilyo ng kaniyang baril. Pumikit ako at
umalingawngaw ang tunog nito sa buong
unit. Inantay ko ang pagtama ng sakit sa
anumang parte ng katawan ko pero wala
akong naramdaman. Ang naramdaman ko
ay ang biglang paghablot ng kutsilyo mula
32 Dauntless
sa kamay ko na nakapagpamulat sa mga
mata ko. Para akong malalagutan ng
hininga sa aking nasaksihan.
Sa aking harapan ay si Laurel na nakahiga
sa sahig na wala ng buhay at may
nakatusok na kutsilyo sa kaniyang dibdib
habang nakamulat pa ang mata na
nakadirekta sa akin. Tumingin ako sa aking
paanan at agad

akong napaupo sa aking nasaksihan. Agad


kong inabot ang kamay ng hinang hina na
si Rocus at sumusuka ng dugo sa harapan
ko. Damn.
"Ro-Rocus. What the hell. You don't have
to take the bullet for me." Mahinang saad
ko ng marehistro ko ang nangyari. Nakita
ko pa ang pagpipilit nito na ngumiti sa
akin pero agad ding napangiwi sa sakit.
Tinakpan ko ang umaagos na dugo mula
sa dibdib nito. Sharp shooter si Laurel. He
is probably aiming for my head but since
33 Dauntless
Rocus take it for me at di hamak na mas
matangkad ito sa akin kaya sumakto ito sa
dibdib niya. More like malapit sa puso.
Shit.
"Come on. Stay with me, Rocus."
"You know that I will always stay with you.
Too bad. After a long time na ngayon
nalang tayo muling nagkita, ngayon din
muli tayong magkakahiwalay." Mas
lumakas ang hikbi ko sa sinabi niya.

"Rocus, no. You have to stay alive, ok?


Stay with me."
"Let's accept it, Anghel. Maybe, in another
lifetime, our love will survive. Good bye,
Anghel." At kasabay nito ang dahang
dahang pagbagsak ng kamay niya mula sa
hawak ko. Mas lumakas ang pag-iyak ko at
kasabay din nito ang pagdating ng mga
pulis at ang taong nakapagpatigil ng tibok
ng puso ko. Agad itong lumapit sa akin at
inagaw ang hawak hawak kong katawan ni
34 Dauntless
Rocus.
"Bro, Shit. I told you to take some rest but
not this kind of rest. Bro, come on."
Umiiyak ito at patuloy lamang na
umaasang muling magigising si Rocus
pero parang nabingi na ako at hindi ko na
narinig ang iba pa niyang sinasabi.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya
habang gulat na gulat. Tiningnan ko ang
bawat anggulo na mayroon siya. Same
nose. Same lips. Same built. Same
features.

Ang kaibahan lang ay ang kanilang mga


mata. Mas expressive ito. Mas nakikita ko
ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito sa
sitwasyong nadatnan niya. What the hell.
May kambal si Rocus?

You might also like