You are on page 1of 6

CHARMAINE M.

CRUZ
BS ECONOMICS 2-2

1. Paano bumabagsak ang ekonomiya ng isang bansa?


1.1 causes
1.2 factors influencing the economy

Ang pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa ay pinag-uugatan ng biglaang


pagbaba ng demand, na kung saan bababa ang presyo at ang bilang ng mga
produkto. Kapag bumababa ang presyo, mahihikayat ang mga suplayer na
hindi na lamang maglikha ng produkto sapagkat maliit lamang ang kanilang
kikitain, kapag nangyari yaon ay bababa ang bilang ng mga produkto. Ang
pagbaba ng bilang ng mga produkto ay dahil na rin sa pagbabawas ng
manggagawa na gawa ng mga suplayer. At dahil dito, bababa ang buwis na
babayaran, kapag bumaba ang babayarang buwis, mababa na rin ang
ilalaang halaga sa edukasyon. Kapag nangyari ito, ang demand para sa
manggagawa ay bababa. Kasabay nito ang pagbaba ng sweldo para sa
manggagawa, bababa ang pagbili ng tao. Dahil dito mauulit ang pangyayari
na biglaang pagbaba ng demand.

2. sino ang mga magaling na ekonomista para sa iyo?

Layunin ni Adam Smith na malaman ang sanhi ng pagyaman at


paghihirap ng mga bansa. Ayon sa kanya maaaring yumaman ang isang
bansa kung; makapaglalaan ito ng sapat na puhunan; tumataas ang
produktibidad ng paggawa.

Naunawaan niya na ang pagtaas ng produksiyon sa pamamagitan ng


espesyalisasyon o paghahati ng gawain ay magdudulot ng pagtaas ng
produksiyon ng isang ekonomiya. Iminungkahi ni Smith na di-dapat
makialam ang pamahalaan sa pakikipagkalakalan at hayaan ang mga tao na
magpasiya kung ano ang tunay na makakabuti sa kanila at sa buong bansa.
Ito ang konsepto ng free enterprise. Ipinaliwanag pa ni Smith na ang
pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan sa pagitan ng mga negosyante at
mamimili ay makakabuti sa pangkabuong kalagayan ng pamumuhay ng mga
tao. Ayon kay Smith, maaaring makialam ang pamahalaan upang ayusin
lamang ang mga sistema ng pakikipagkalakalan at alisin ang anumang
CHARMAINE M. CRUZ
BS ECONOMICS 2-2
hadlang sa malayang kompetisyon sa pagitan ng mga mga tao sa pamilihan.
Nagpahayag ng doktrinang Laissez Faire o Let Alone Policy.

3. Bumuo ng isang historical account ng isang bangko na umunlad


at bumagsak

3.1 organization of structure


3.2 dahilan bakit sya umunlad (cite the expansions did)
3.3 Why it fell

4. Halaga ng importasyon at exportasyon sa isang bansa


4.1 paper requirements/ docs na kailangan sa importing and exporting of
goods
4.2 taripa na dapat bayaran
4.3 mga prohibisyon sa exporting / importing ng mga produkto

Mahalaga ang importasyon at eksportasyon ng bansa sapagkat ito ay


nakakatulong lalo na sa paglago ng negosyo. Nakakakuha tayo ng mga
kinakailangan natin sa ibang bansa na kung saan wala sa atin gayun din,
nangangailangan din ang ibang bansa na wala sila na kung saan mayroon
tayo. Ang nangyayari lamang ay nagtutulungan tayo na mapalago ang
ekonomiya ng bawat bansa subalit laganap sa mundo ang kompetisyon kung
kaya hindi maiiwasan na kilala sa tawag na third world countries. May mga
dokumento na kinakailangan sa importasyon at eksportasyon kabilang na
rito ang katibayan na nainspeksyon na, pagbalot nito, polisiya sa insurance,
Product Testing Certificate, quotation. Ang taripa na dapat bayaran sa
importasyon ay VAT (value-added tax).
Ang mga bagay na pinagbabawal sa importasyon ay depende lamang sa
pinapairal na pinagbabawal na pamantayan ng gobyerno bansa. Kabilang na
rito ang bagay na nakakaapekto sa kalusugan ng tao, hayop at ng
kapaligiran.
CHARMAINE M. CRUZ
BS ECONOMICS 2-2

Isang malayang tula (kahit anong topic)


Sulat kay crush
P 171, bumasa ng isang article and critique in

"Dilim"

Hindi ko alam kung saan pa kukunin


Ang kailangang lakas upang ito ay sabihin
Kung may panahon pa bang maaantay
Narito ka pa ba o tuluyang mawawalay?
Kung ako'y dinaraan sa mga salitang pabiro
Pag wala ka ng pakialam
Kailangan ko ng sumuko
Sa bawat salita, ako'y nanamlay
Ano pa nga ba ang aking inaantay?
Mula sa wala akala ko'y ika'y iba
CHARMAINE M. CRUZ
BS ECONOMICS 2-2
Pagkatapos ng lahat katulad ka rin pala nila
Isang pusong lumilimot, animo'y papawiin
Iyon pala'y mananakit, magdaragdag pasanin
Pauli-ulit man sabihing ito na ang huli
Pangalan mo ang sa bibig ko'y mumutawi
Kailan nga ba ako titigil?
Sana bukas na.
CHARMAINE M. CRUZ
BS ECONOMICS 2-2

Mahal kong ina,

Maraming salamat na ikaw ang aming naging ina. Bukod tangi ang
pagmamahal na ipinamamalas mo sa aming magkakapatid. Sa kabila ng
mga bagay na hindi ninyo naguhustuhan dulot ng pagiging pasaway namin,
patuloy nyo pa rin kaming pinag papasensyahan. Sa paglipas ng mga araw,
hindi ka pa rin nagsasawang suportahan kami. Pagpasensyahan nyo sana
kami sa tuwing binabaliwala namin ang inyong mga kautusan na
makakatulong naman sa amin sa susunod na mga araw. Mahirap man isipin
na nahihirapan na kayo, patuloy pa rin na parang wala pa rin akong nakikita.
Sa kabila ng walang sawang pasaway namin, lubos ang pagmamahal namin
sa inyo. Nagpapasalamat parati ako sa panginoon at ikaw ang aming naging
ina na ibubuhos ang oras at atensyon sa kanyang mga anak. At sa muli,
maraming salamat.

Nagmamahal,
Charmaine
CHARMAINE M. CRUZ
BS ECONOMICS 2-2

Dear crush,

Mula nang makita kita, iba na agad ang aking naramdaman. Para bang hindi
ko mapaliwanag na hindi ko makita o maramdaman sa iba. Akala ko pareho
tayo ng nararamdaman sapagkat paulit-ulit kanh nagbibigay ng motibo na
hindi ko akalain na isang imahinasyon lang pala. Masakit man pero patuloy
pa rin akong sumusulyap sa iyo, kahit na iba ang iniisip mo. Dumating ang
araw na nakalaya ako sa iyong puso na dati'y alila sa paghahangad ng
pagmamahal mo. Hanggang sa.matuluyan na wala na akong nararamdaman.
Subalit, kahit anong gawin ko, kahit anonh pilit na iwasan ka, nandiyan ka na
timitingin muli. Parati kong sinasabi sa sarili ko na, papaasahin at
papahirapan lang ako niyan pero si puso ay hindi nappaagod. Naghihintay,
naghahangad at patuloy na umaasa. Sa tuwing nakikita kita, ito nakatingin
ka, para bang may pagnanais na gustong gawin subalit bawal. Sana
dumating ang araw na ang mga imahinasyon na mga ito ay matupad sa una
kong salimisim.

Nagmamahal,
Charmaine

You might also like