You are on page 1of 2

10 advices sa mga gustong magingARKI.

-ate arki
1. Hindi nasusukat ng honors mo nung highschool o kung valedictorian ka man o hi
ndi sa Arki.
Sinasabi ko sayo, pagdating sa classroom lahat kayo pantay pantay, lahat kayo be
ginner.
Hindi talino ang puhunan sa Arki kung di palakasan ng loob at patatagan ng loob.
Marami akong kkalseng mamatalinong sinukuan ang Arki.
2. Okay lang kahit di mo master ang Math.
Wag ka matatakot. Nakapasok nga ako na 75 lang ang grade ko sa
Math nung highschool ako at isang malaking himala na 5th yr na ako at nasurvive
ko ang Math.
Determinasyon lang yan.
3. Di ka magaling magdrawing? Ok lang. Hindi pagandahan ng drawing dito, may mga
subject
tayo na tinuturan tayo magdrawing. Ang mahalaga marunong ka gumamit ng common se
nse
sa pagddrawing at pagdedesign. Aanhin mo ang plate na ipapasa mo na puno ng rend
er at kulay
kung ang pagkakadesign mo naman sa esquisse niyo at kinulang sa common sense?
4. Alam kong techie na tayo ngayon, lahat ng notes picture lang ang katapat. Ito
tandaan mo,
dapat nagsusulat ka sa Arki, sinusulat mo miski maliliit na bagay, mga sukat ng
bawat hagdan,
formulas, o kung ano pa man. Malayo ang mararating mo sa mga notes na sinusulat
mo dahil
tatatak yan sa pusot isipan mo. Magagamit mo din yang mga 1st yr notes mo kapag n
agthesis
ka at hanggang sa makapagboard exam ka at malay mo hanggang sa maging ganap na
arki ka na.
5. Alagaan mo ang mga gamit mo. Techpen, Kurecolors, paintbrush, watercolor etc.
Puhunan mo yan sa kursong ito. Wag ka magpakadalubhasa at maging National Bookst
ore sa mga kklase mo,
wala naman masama sa pagpapahiram pero hindi din tinatae ng magulang mo ang pera
ng pambili jan.
Wag ka din petiks na tipong wala ka ng dalang gamit, hindi binibilhan ang mga kk
lase mo ng mga
magulang nila para hiramin mo ang gamit nila. Matanda ka na, gamitin mo na kakay
ahan mo.
6. WALANG MAY PAKE KUNG MAMAW KA SA ARKI KUNG ANG UGALI MO AY PANG HALIMAW DIN.
Walang natutuwa sa mayayabang na tao. Magaling ka, pero hayaan mo sila
ang makapansin nun. Chill ka lang, wag ka hot.
7. WAG MAGMULTITASK. Gawaing pang tanga lang yan (Gawain ko kasi yan)
Alam ko sa tingin mo mukhang mas makakasave ka ng oras, pero hindi.
Walang mangyayari sayo kung pagsasabay sabayin mo yang mga Gawain mo,
parang pagibig lang yan, hindi pwedeng sabay sabay. Matuto ka magfocus sa bagay
one at a time.
Pramis, mas marami kang magagawa kesa sa pagmumulti task.
8. Kung maging irreg ka man, wag ka matakot. Irreg ako simula 1st yr ko sa Arki,
masakit sa una pero sa tingin ko mas masaya kasi ibat ibang klase ng tao ang mak
ikilala mo.
Mahalaga sa atin na nakikipagsocialize sa mga tao dahil puhunan din natin ang pa
kikipagusap sa tao.
Hindi naman pwede puro Arki lang ang kaibigan mo dahil hindi naman sila ang magi
ging cliente mo dba?
Investment mo nadin yan para sa future mo. At tska, Irreg o Block, parepareha ta
yo ggraduate.
9. Wag kayo humiling ng mabait na prof, na chillax na prof, na petiks na prof.
Hilingin niyo ang pinakaterror na prof sa school niyo dahil sa kanila kayo maggr
ow as a person,
sila ang hihila sa inyo pataas, sila ang magchachallenge sa inyo para mas maging
determinado.
Naalala ko, nagging prof ko ang pinakaterror sa school naming dati, pero ang dam
i kong
natutunan saknya, siguro mga kalahati ng alam ko sa Arki nanggaling sakanya, kas
i gusto niya
natututo ang estudyante, wala yan sa kung pasado o bagsak ka, kung mataas o maba
ba ang grade mo,
sa huli, ang natutunan mo sa isang particular na subj ang magiging basehan mo.
10. Kung nasa point ka na kung saan hindi mo alam kung kakayanin mo pa ba ang Ar
ki o hindi na,
itanong mo ulit sa sarili kung bakit ito ang course na kinuha mo, bakit ito ang
gusto mo.
Alalahanin mo lahat, lahat ng taong umaasa sayo, lahat ng taong kailangan mong s
ampalin n
g diploma mo dahil sa pagsasabi nila na hindi mo kaya ang kursong ito panigurado
, mawawala yang pagod mo.
Siguraduhin din na ito talaga ang gusto mong kunin dahil hindi ito isang test dr
ive lang, sa simula palang,
mabigat na ang labanan. Hindi ka lang nakikipaglaro na kapag ayaw mo na, quit na
.
Ang Arki ay parang pagibig, hindi sinusukuan porket pagod ka na. Pagod ka lang,
hindi ka pa mamamatay.
Nakakamatay ung feeling, pero hindi ka pa mamamatay. Kaya goodluck. Goodluck sa
lahat ng mag gusto ng arki.

You might also like