You are on page 1of 16

Pinal Na

Proyekto sa

Filipino 9

Ipinasa ni: Randel John M. Escobar

Ipinasa kay: Sir. Mharlon Bibiano


Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at
ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.
Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba,
Laguna.

Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay


tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-
karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay
nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni
Rizal sa pagtuklas niya ng ibat ibang karunungan.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo


Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng
isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente
sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang
Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na
karangalan.

Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral


siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo
Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang
pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng
Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya
ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang
wikang ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying
nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong
sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na
dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati
ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris
naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Si Dr.
Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng
pagpapalimbag sa halagang 300 piso.

Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na


ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.

Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng
Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon
ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng
mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong


Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng
mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa
Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.

Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siyay hinuli ng mga
kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap


sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi


Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na
kaisipan at damdamin.

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na


ngayon ay tinatawag na Luneta.
Buod ng Noli Me Tangere:

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang


ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik
ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan
Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso,
Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao,
sa lipunan Kastila.

Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni


Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ayon sa Tinyente, si Don
Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng
di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang
pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis
na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at
tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa
kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang
ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael,
pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at
nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang
malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan.
Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Sa
pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang
mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato
habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong
binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay
muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya
sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay
hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na
lamang at napigilan ito ni Maria Clara. Sinamantala ni Padre Damaso
upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal
nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay
si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si
Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra
na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang
pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang
tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng
mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may
kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang
kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang
pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing
kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa
bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa
ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang
naganap. Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang
ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at
samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong
ni Elias.Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang
magkausap sila ng lihim ni Maria Clara. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang
liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa
kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham
na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak
na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay
niyang ama ay si Padre Damaso.Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya
pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang
ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Ngunit naabutan sila ng
mga tumutugis sa kanila. Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si
Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas.

Nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at


nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang
buhay.Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi
nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay
huwag sanang ang nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.
Crisostomo Ibarra

Si Juan Crisostom Ibrra y Magslin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang


binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San
Diego.

Si Ibarra ay nagmula sa isang mayamang pamilya sa bayan ng San Diego.


Siya ay bumalik sa Pilipinas nang kanyang mabalitaan ang pagkamatay ng
kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra, na tiniwalag mula sa simbahang
Katoliko dahil sa pagiging diumano'y pilibustero. Sa kaniyang pagbalik sa
San Diego, muli niyang nakadaupang-palad ang kasintahang si Maria
Clara.

Maria Clara

Si Mari Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming


kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng
kaniyang ina na si Doa Pia Alba kay Padre Damaso.

Padre Damaso

Si Padre Damaso Verdolagas o mas kilala sa tawag na Padre


Damaso ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me
Tangere ni Jose Rizal. Siya ang biyolohikal na ama ni Maria Clara, ang
kasintahan ng pangunahing tauhan ng nobela na si Crisostomo Ibarra.
Nabuntis niya ang ina ni Maria Clara na si Doa Pia Alba nang lingid sa
kaalaman ng lahat.

Si Padre Damaso ay isang Pransiskanong prayle na nanilbihan bilang kura


paruko sa bayan ng San Diego. Matapos manilbihan sa loob ng
dalawampung taon sa San Diego, siya'y inilipat sa ibang bayan at pinalitan
ni Padre Salvi.
Kaaway ni Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. Inakusahan
niya si Don Rafael bilang isang erehe dahil iba ang pananaw ng huli sa
relihiyon at sa Diyos.

Kapitan Tiago

Si Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiago . Siya
ang asawa ni Doa Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara.

Dahil sa kanyang katanyagan, iginagalang siya sa tuwing bumibisita sa


bayan ng San Diego, ang pangunahing tagpuan sa nobela. Malimit siyang
salubungin ng tugtugin, pinipiging, at hinahandugan ng mga alaala ngunit
lihim siyang pinagtatawanan ng marami at madalas siyang tinatawag sa
likod na sakristang Tiago.

Elias

Si Elias ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me


Tangere ni Jose Rizal. Siya ang bangkero at magsasakang tumulong
kay Crisostomo Ibarra na imulat ang kanyang kaisipan sa mga suliraning
kinahaharap ng Pilipinas. Siya ay nagmula sa isang pamilyang nakaranas
ng matinding pighati sa ilalim ng mga Kastila. Ito ang pangunahing dahilan
kung bakit matindi ang kaniyang poot sa mga mananakop.

Sa kabila ng balakid na ito, sinikap ni Elias na iligtas si Ibarra sa lahat ng


maaring maging banta sa kanya. Una, sa pamamasyal sa lawa kasama
sina Ibarra, Maria Clara, at ng kanilang mga kaibigan, nagpamalas si Elias
ng katapangan nang siya'y lumusong sa ilog nang may nakitang buwaya
si Leon at hinuli ang hayop na isang malaking banta sa kanilang buhay.
Sisa

Si Sisa ang ina nina Crispin at Basilio sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose
Rizal. Inilalarawan si Sisa sa nobela bilang isang magandang dalagang
Pilipinang nasadlak sa kahirapan at kawalan ng hustisya. Sa kanyang
murang edad ay nakapagasawa siya ng isang tamad at walang pusong
lalaki. Lulong sa sugal ang kanyang napangasawa hanggang sa naubos
ang kanyang mga hiyas. Upang kumita ng pera, siya ay nananahi na
madalas abutin ng hating-gabi.

Isang araw nang hindi niya makita ang kanyang dalawang anak, siya ay
nasiraan ng bait. Namatay si Sisa sa piling ng kanyang anak na si Basilio
sa gubat na pagmamay-ari ng mga Ibarra. Sinunog ni Basilio ang kanyang
bangkay kasabay ng pagsunog sa bangkay ni Elias hanggang sa ito ay
maging abo.

Basilio

Isa siyang sakristan at kampanero sa simbahan ng San Diego. Mayroon


siyang malalaking mata na kahawig ng kay Crispin ngunit siya'y mas
matapang di tulad ng matatakutin niyang kapatid.

Inilalarawan si Basilio bilang isang mapagmahal na kuya at anak.


Binigyang-diin sa kabanata ang pangarap niya para sa kapatid at ina. Sa
huling bahagi ng Noli ay umalis si Basilio mula sa mga kumupkop sa
kaniya at nagtungo sa bayan ng San Diego upang hanapin ang kanyang
ina. Nang sila ay nagkita sa gubat na pagmamay-ari ng mga Ibarra,
tumangis ang nanghihina nang si Sisa at namatay.

Crispin

Si Crispin ang nakababatang kapatid ni Basilio at anak ni Sisa. Siya ay


pitong taong gulang sa panahon ng nobela. Tulad ni Basilio, isa rin siyang
sakristan sa simbahan ng San Diego. Tungkulin niyang alalayan ang
kanyang kuya sa pagpapatugtog ng kampana.
Siya ang napagbintangan ng sacristan mayor na nagnakaw ng dalawang
onsa (o katumbas sa halagang tatlumpu't dalawang piso) ng
simbahan. Bilang kabayaran sa salaping nawala, nagdusa si Crispin sa
mga tampal at latigo ng sacristan mayor.

Pilosopo Tasyo

Si Pilosopong Tasyo ay kilala sa kanyang mga matalinghaga at matalas


na opinyon na tumutugon sa tunay na nararanasan ng Pilipinas sa kamay
ng mga Kastila.

Siya ay nakapag-aral ng pilosopiya sa kolehiyo ng San Jose ngunit dahil sa


kagustuhan ng kanyang ina, iniwan niya ang kanyang pag-aaral. Si Tasio
lamang ang natitirang kayamanan ng kanyang ina kung kaya't ayaw niya
itong maging makalimot sa Panginoon. Nais ng kanyang ina na siya'y
magpari ngunit labag naman ito sa kanyang kagustuhan.

Maagang nag-asawa si Tasyo. Karaka-raka'y pumanaw ang kanyang ina


kasunod and kanyang asawa. Upang makatakas sa pagkabagot at
kalungkutan at maiwasan sa sabong at iba pang masamang bisyo, pinili ni
Tasio ang pagbabasa ng maraming libro. Ito ang naging dahilan ng
kanyang kapabayaan sa kayamanang kanyang minana na siyang dahilan
ng unti-unti niyang paghirap

Tinatawag siyang Don Anastacio o Filisopo Tasio ng mga taong may


pinag-aralan. Samantala, tinatawag naman siyang Tasiong ulol ng mga
walang pinag-aralan dahil hindi pangkaraniwan ang kanyang kaisipan at
pakikipagkapwa-tao. Siya ay namatay at inilibing sa libingan ng mga intsik.
Bakit Kailangan pang malaman at unawain ng mga mag-aaral ang nobele
ni Dr. Jose Rizal ?
Sa kasalukuyang panahon, nakakalimutan na ng lipunan si Jose Rizal at
ang kanyang mga isinulat na mga akda. Ang mga gawa niya ay isa sa mga
nagbukas sa mga mata ng Pilipino para hindi abusuhin ng mga Kastila.
Kung tatanggalin man ng kagarawan ng edukasiyon ang pag- aaral tungkol
sa mga gawain ni Jose Rizal, tutol ako dito. Ito ay dahil palagay ko ay
marami maaring matututunan ang mga tao dito at maaaring gamitin sa
ating buhay.
Mahalagang pag- aralan ang mga akda ni Rizal. Ito ay dahil marami siyang
mga itinuturo na puedeng magamit sa ating pang- araw araw na mga
gawain. Ang isa sa mga ipinakita na puedeng magamit sa ating buhay ay
ang pagiging matatag. Maari nating gayahin ang mga kaisipan ni Rizal na
maging matatag at pagkakaroon parin ng tiwala kahit lumok na ang mga
Pilipino sa ilalim ng mga Kastila. Ang pangalawang dahilan kung bakit
importante ang pag- aaral ng mga sulatin ni Rizal ay dahil mamalaman
natin kung ano ang kaiisipan nila sa panahon ng mga Kastila. Para saan
pa ang pag- aaral ng kasaysayan kung hindi rin naman pala natin
malalaman kung ano ang kanilang pinapag- isipan? At ang pangatlo ay
para mabuksan ang mga mata ng mga Pilipino tungkol sa pagmamahal sa
sariling bayan. Ito ay magbubukas ng mga mata ng mga Pilipino tungkol sa
pagmamahal ng sariling bayan at kung ano ang iniraos ng mga tao noon
para ang bayan natin ay magtagumpay.
Sa pagbasa at pag- aral ng kanyang mga akda, nalaman ko kung ano at
kung papaano sila nag- iisip sa panahong iyon. Ako rin ay nabigyan ng
inspirasiyon para tumatag ang aking pagtingin sa ating bayan at sa
pagtingin rin sa aking sarili na dapat ay magkaroon ng lakas ng loob para
tumagumpay sa mga panahon ng paghihirap. Dahil sa pagbasa nitong mga
akda, napahanga rin ako kay Jose Rizal dahil napakagaling niya pagsulat.
Kahit sa murang idad, meron na agad siyang kakayanan para
makapagsulat ng mga akda na ganoon ka ganda. At sa pagbabahagi lang
ng panunulat, nabuksan rin niya ang mga mata ng mga Pilipinong nasa
ilalim ng Kastila at nangungulila na. Sa huli, nagkaroon rin ako ng
inspirasiyong ko mas lalong mahalin ang ating bayan dahil sa ipinakita
niyang pagmamahal sa ating bayan.
Para saakin, wala masyadong pagkakaiba ang lipunan ngayon sa lipunan
noon. Ang pagkakaiba lang naman ay nagkaroroon lang tayo ng kalayaan
sa ating bansa. Pero sa kasalukuyan, meron paring mga tao naghihirap,
matumal at korapsiyon sa gobyerno. At sa lipunan noon, mas mahirap
iparating ang mga salita na himukin ang mga Pilipino na lumaban mula sa
mga Kastila dahil noon, kailangan pang itago anf mga gawain ng
paghihikayat para hindi mahuli ng mga Kastila. Pero sa panahon ngayon,
madali lang ang pagkakalat ng mga ating salita dahil sa pagkakaroon ng
teknolohiya at demokrasiya. Sa lumang manahon rin ay may mga taong
walang edukasyon dahil bawal sila mag- aral dahil sa mga Kastila. Pero sa
kasalukuyang panahon, halos lahat na ng tao sa lipunan ay nakakaranas
ng edukasyon.
Sa kasalukuyan panahon, maisasabuhay ko ang mga mesahe ng mga
akda sa buhay sa paraan na lagiging tandaan ang mga ito at gawing
inspirasyon sa pang- araw araw na buhay. Ang isa sa mga puede kong
maisabuhay sa mga natutunan ko dahil sa mga akda ni Rizal ay ang
magiging makabayan. Tutularan ko si Rizal na maging makabayan para
maipakita ko ang pagmamahal ko sa sarili kong bayan. Bibigyan ko ng
importansiya ang aking mga ginagawa para sa Pilipinas. Bibigyan ko rin ng
karangalan ang mga Pilipino noong panahon ng Kastila dahil patuloy silang
lumalaban kahit masyado na silang inaapi ng mga Kastila. Ito ay dahil hindi
sila nawalan ng pangarap na hindi na ulit magiging malaya ang Pilipinas.
Bibigyan ko rin ng karangalan ang ating lenguahe dahil ito ay di karaniwan.
Tayo lamang ang bansa na gumagamit ng tagalog at dapat natin ito
ipagmalaki. At pinaka- importante sa lahat, dapat ay bigyan natin ng halaga
ang ating buhay dahil sa kalagayan na ito, tayo ay maswerte na kumara sa
kalagayan ng mga Pilipino dati. Tayo ay maswerte na dahil sa panahon
ngayon, hindi na tayo inaapi, inuulila at hindi na tayo nasailalim ng mga
Kastila. Tayo ngayon ay nasa ilalim ng mabuting gobyerno at dapat rin ay
maging masaya tayo dahil sumusunod tayo sa demokrasiya.
Pangalan: Randel John M. Escobar

Edad: 15

Kaarawan: Pebrero 17, 2002

Tirahan: 4thMeralco Homes Jollye St. Lot 18 Pantok, Bin. Riz.

Relihiyon: Romanong Katoliko

Nanay: Fidela M. Escobar

Tatay: Florante C. Escobar


Class Interval Frequency Tally Frequency (P)

18-19 1
16-17 4

14-15 69

12-13 48

10-11 0
8-9 0
6-7 0
4-5 0
2-3 0
0-1 0

Class Interval Frequency Midpoint x fx

18-19 1 18.5 18.5


16-17 4 16.5 66
14-15 69 14.5 1000.5
12-13 48 12.5 600
10-11 0 10.5 0
8-9 0 8.5 0
6-7 0 6.5 0
4-5 0 4.5 0
2-3 0 2.5 0
0-1 0 0.5 0

fx=1,685
We noticed that there are 5 students that are overaged in grade 7 which
are Angella Manabat,Chadmon Mina,Ian and Moriah Chua.

There are also one overaged in grade 8 which is Ted Espinas.

In grade 9 we noticed some students that are overaged which are Gabriel
Herrero, Welliza Soledad, Kyle Gepanaga and Oliver Biccay.

Some of the grade 10 students were underaged like Jefferey Tarog , Angel
Villanueva, Adrain Ulgado and Kier Bucu. But there was one overaged
which is Juan Miguel Morales.

You might also like