You are on page 1of 4

Dear Legal Corner:

Magandang araw!

Kamakailan lamang, nagpaskil po ang Panlalawigang Tanggapan sa Kakayahang


Pantao ng mga karatula na nagbabawal sa pagtanggap ng regalo ng mga kawani ng
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Ang amin pong tanggapan ay isa sa mga nagkakaloob ng frontline services sa ating
mga mamamayan. Dahil dito, marami pong tao kaming napaglilingkuran at marami ang
nagbibigay sa amin ng mga mumunting regalo katulad ng pagkain at iba pang maliliit na
bagay. Saklaw po ba ito ng pagbabawal? Lahat po ba ng klase ng regalo ay
ipinagbabawal tanggapin ng mga kawani ng pamahalaan?

Naway mabigyan ninyo po kami ng sapat na pagpapaliwanag. Maraming salamat po.

Lubos na sumasainyo,

G. T. Wally

Mahal na G. Wally:

Maraming salamat sa pagtitiwala sa Legal Corner at makaaasa po kayo, sampu


ng lahat ng ating mambabasa na sisikapin nating mabigyan ng karampatang sagot ang
inyong mga ligal na katanungan, lalot higit ito ay may kinalaman sa inyong mga
sinumpaang tungkulin.

Upang masagot natin ang iyong katanungan ay tunghayan natin ang


itinatadhana ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards
for Public Officials and Employees. Alinsunod sa Seksiyon 7 ng naturang batas,

Prohibited Acts and Transactions. - In addition to acts and omissions of public


officials and employees now prescribed in the Constitution and existing laws, the
following shall constitute prohibited acts and transactions of any public official
and employee and are hereby declared to be unlawful:

xxx xxx xxx

(d) Solicitation or acceptance of gifts. - Public officials and employees shall not
solicit or accept, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan
or anything of monetary value from any person in the course of their official
duties or in connection with any operation being regulated by, or any transaction
which may be affected by the functions of their office.

As to gifts or grants from foreign governments, the Congress consents to:


(i) The acceptance and retention by a public official or employee of a gift of
nominal value tendered and received as a souvenir or mark of courtesy;

(ii) The acceptance by a public official or employee of a gift in the nature of a


scholarship or fellowship grant or medical treatment; or

(iii) The acceptance by a public official or employee of travel grants or expenses


for travel taking place entirely outside the Philippines (such as allowances,
transportation, food, and lodging) of more than nominal value if such acceptance
is appropriate or consistent with the interests of the Philippines, and permitted by
the head of office, branch or agency to which he belongs.

xxx xxx xxx

Sang-ayon naman sa Rule X (f) ng Implementing Rules and Regulations ng


nabanggit na batas,

a. Unsolicited gift of nominal or insignificant value not given in anticipation of, or


in exchange for, a favor from a public official or employee or given after the
transaction is completed, or service is rendered
As to what is a gift of nominal value will depend on the circumstances of each
case taking into account the salary of the official or employee, the frequency or
infrequency of the giving, the expectation of benefits, and other similar factors.

b. A gift from a member of his family or relative as defined in the Code on the
occasion of a family celebration, and without any expectation of pecuniary gain
or benefit

c. Nominal donations from persons with no regular, pending, or expected


transactions with the department, office or agency with which the official or
employee is connected, and without any expectation of pecuniary gain or benefit

d. Donations coming from private organizations whether local or foreign, which


are considered and accepted as humanitarian and altruistic in purpose and
mission

e. Donations coming from government to government entities

Samantalang, itinuturing naman na katiwalian ng Seksiyon 3 ng Republic Act No. 3019


o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga sumusunod na gawain,

xxx xxx xxx

(b) Directly or indirectly requesting or receiving any gift, present, share,


percentage, or benefit, for himself or for any other person, in connection with any
contract or transaction between the Government and any other part, wherein the
public officer in his official capacity has to intervene under the law.

(c) Directly or indirectly requesting or receiving any gift, present or other


pecuniary or material benefit, for himself or for another, from any person for
whom the public officer, in any manner or capacity, has secured or obtained, or
will secure or obtain, any Government permit or license, in consideration for the
help given or to be given, without prejudice to Section thirteen of this Act.

xxx xxx xxx

Kung ating susuriing mabuti, hindi naman lubusang ipinagbabawal ng batas ang
pagtanggap ng regalo ng mga kawani ng pamahalaan, bagkus ang ipinagbabawal nito
ay ang pagtanggap ng regalo ng kawani na may kaugnayan sa kanyang opisyal na
katungkulan o tanggapan. Samantala, maliwanag din namang ipinapahayag sa batas at
sa mga alituntunin at patakarang nagpapatupad dito na maaari namang tumanggap ng
regalo ang isang kawani kung ito ay hindi niya hiningi, pinamanhik o pinangilap at ito ay
nominal o walang gaanong mahalaga (insignificant) at ito ay tinanggap ng walang
kinalaman sa kanyang tanggapan o posisyon.

Sa pagsusuri kung ano ang nominal at walang gaanong halaga, dapat isaalang-
alang ang katayuan at posisyon ng kawani. Mahalaga ring isaalang-alang ang
katangian ng kanyang tungkulin at responsibilidad kumpara sa bagay na kanyang
tinanggap. Halimbawa, lubhang makabuluhan sa isang pangkaraniwang eskribyente na
tumanggap ng isang regalong may halagang isang libong piso, samantalang walang
kabuluhan ito sa isang taong may ranggong patnugot o pinuno ng tanggapan. Mula sa
halimbawang ito, malinaw na mahihinuha na nag-iiba ang pamantayan, batay sa antas
ng posisyon at katumbas na sahod ng kawani at matutukoy kung ang bagay na
tinanggap ay nominal o may halaga o wala. Sapagkat sa sandaling ang bagay na
kanyang tinanggap ay hindi na nominal batay sa kanyang antas, ito ay maituturing ng
paglabag sa mga ipinagbabawal ng batas

Pinahihintulutan din ng batas na tumaggap ang kawani ng regalo mula sa


kanyang pamilya at kamag-anak sa okasyon ng ibat ibang pagdiriwang, bilang
pagkilala na rin marahil sa kultura nating mga Pilipino na bantog sa pagiging malapit sa
isat isa.

Bagaman, sa mga piling pagkakataon ay pinahihintulutan ang mga kawani na


tumanggap ng mga mumunti at walang gaanong halagang mga regalo, mahalagang
isaalang-alang ng kawani ang karangalan ng kanyang tanggapan at ang mga tungkulin
at gampaning kanyang sinumpaang balikatin sa ilalaim ng Saligang Batas at iba pang
umiiral na alituntunin, bago niya tanggapin ito, sapagkat sa mata ng mapanuring
publiko, ang pagtanggap ng regalo ng kawani ay may katumbas na pabor o
kapakinabangan sa bisa ng kanyang posisyon o tanggapan. Sa maraming pagkakataon
manipis ang guhit na humahati sa pagitan ng payak na pagreregalo at panunuhol.
Sa pangkalahatan, marapat lamang na bilang kawani ng pamahalaan ay iwasan
nating tumanggap ng anumang bagay, maliit man ito o malaki mula sa ating mga
kliyente o mamamayang pinagsisilbihan upang maiwaksi ang ating mga tanggapan
mula sa anumang bahid ng katiwalian.

Naway nabigyan namin ng sapat na paglilinaw ang iyong katanungan.

Maraming salamat muli sa iyong pagtangkilik.

Maraming salamat po.

You might also like