You are on page 1of 2

Manggagawa sa

Industriya at
Konstruksyon

Kapag ikaw ay nakaranas ng mga kalagayan sa ibaba, ikaw ay maaring biktima ng human
trafficking:
Mahigit sa 12 oras ang oras ng trabaho mo sa araw-araw.
Napakadami ng iyong ginagawa sa trabaho at hindi makatwiran, pakiramdam mo ay masyado
kang pagod. Wala ring s i l b i ang magsabi sa amo o broker.
Ang natanggap mong sahod ay hindi katumbas ng sahod na sinabi sa iyo bago ka pumunta
r i t o sa Taiwan, o wala kang natatanggap na sahod at overtime pay (o mayroon man ay
kakaunti).
Gumagawa ng magkakaibang dahilan ang amo o broker para kaltasin sa suweldo mo at i t o
ay hindi makatarungan para sa iyo.
May kaltas na NT$2, 500-3,500 ang buwanang sahod mo para sa pagkain at tirahan, ngunit
napakasama ng pagkain at kapal igiran ng iyong tirahan. (Halimbawa, lagpas na ang panahon
ng pagkain o inaamag ang pagkaing ibinibigay, maliit ang lugar ng tirahan, madumi at
iba pa.)
Walang ibinibigay na payroll s l i p (listahan ng naaangkop na bilang sa sahod) ang amo
o broker.
Ang amo o broker ay nagbibigay ng payroll s l i p ngunit walang pagsasalin sa wikang
Filipino.
Pinupuwersa ka ng amo o broker na magtabi ng pera sa savings bawat buwan.
Mayroon kang overtime ngunit ayaw ng amo na i p a l i s t a mo ang oras.
Pumunta ka r i t o sa Taiwan upang magtrabaho sa pabrika o konstruksiyon ngunit pinapapunta
ka ng amo sa sari ling bahay niya tuwing labasan sa trabaho at nagpapatulong siya sa mga
gawaing-bahay (pagwawalis, paglalaba, pag-aalaga ng bata, pagluluto). Wala kang
natanggap na sahod o ginagawa mo nang hindi mo sari ling kagustuhan.
Pumunta ka r i t o sa Taiwan upang magtrabaho sa pabrika o konstruksiyon ngunit pinapapunta
ka ng amo sa iba pang lugar tuwing labasan sa trabaho (tulad ng sari ling tindahan ng
amo, sa bahay ng mga kasamahan niya sa trabaho, sa pabrika ng iba pang kaibigan) upang
ipagpatuloy ang trabaho mo roon. Wala kang natanggap na sahod o ginagawa mo nang hindi
mo sari ling kagustuhan.
Nasugatan ka o nagkasakit ka dahi 1 sa iyong trabaho sa pabrika o konstruksiyon (hal imbawa
sa pagpapagana ng makina, paglilipat ng mga materyales at iba pa). Saka mo nalaman na
walang ginawang insurance ang iyong amo, at ang lahat ng gastos sa pagpapagamot ay mula
sa s a r i l i mong pera.
Ang iyong pasaporte, ARC, bankbook at mga iba pang mahalagang dokumento ay wala sa iyo
kundi hawak ng amo o broker.
Pinagbabawalan sa iyo ng amo o broker ang paggamit ng telepono o cellphone, o
pinapakinggan ang nilalaman ng iyong pananalita.
Pinapapirmahan sa iyo ng amo o broker ang i lang mga dokumento ngunit hindi mo naintindihan
kung ano ang mga nakasulat at wala ring sinasabi sa iyo ang amo o broker.
Kapag hindi mo sinusunod ang hindi-makatwirang hinihingi ng amo o broker, binabantaan
ka ng amo o broker na pauuwiin ka sa Pilipinas.
Kapag hindi ka sumunod sa trabaho, natatakot kang pauwiin sa Pilipinas, hindi maaring
magtrabaho r i t o sa Taiwan at magkakaroon ng maraming utang.
Kapag hindi mo sinusunod ang hindi-makatwirang hinihingi ng amo o broker, sinasaktan
ka o pinapagalitan ka ng amo o broker.

1
Kapag ikaw o ang iyong kaibigan ay nagkaroon o may mga kalagayan sa itaas, sundan
ang mga paraan sa ibaba upang humingi ng tulong:

Tandaan: Tandaan ang pangalan ng may kagagawan, mga nakasaksi o ang pangalan ng iyong
kaibigan, ang kanyang kaarawan at ID number, mga espesyal na pagtanda sa mukha o
katawan, c e l l phone number, address sa trabaho, mga palatandaan sa paligid at iba
pa.

Mag-iwan: Mag-iwan ng ebidensya tulad ng kontrata, payroll slip, pirma sa utang,


timecard o ibang bagay. Maaring gamitin ang c e l l phone, recording pen, MP3 sa pagkuha
ng ebidensya, sa pagrekord o pag-video. (Mahalaga ang kusang pagkakaroon ng
ebidensya dahil maaaring hindi magkaroon ng kaso at hindi mapaparusahan ang maysala
kapag kulang ang ebidensyang maihaharap.)

Tumawag: Kapag ikaw o ang iyong kaibigan ay nagkaroon o may mga kalagayan na nakasulat
sa itaas, tumawag sa telepono 1955 at maaring gamitin ang iyong sari ling wika sa
pakikipag-usap sa taong tutulong sa iyo. Sa pagtawag mo sa 1955, maaring sabihin
na humihingi ka ng tulong mula sa Pamahalaan ng Lunsod ng Keelung.

Kapag ikaw o ang iyong kaibigan ay nagkaroon o may mga kalagayan na nakasulat sa
itaas, at natiyak namin na ikaw o ang iyong kaibigan ay mga biktima ng human
t r a f f i c k i n g makaraan ang pagtanggap sa inyong kaso, dadalhin ka ng Pamahalaan sa
isang ligtas na lugar upang hindi ka muling saktan ng iyong amo o broker. Tutulungan
kang humingi ng libreng abogado upang matulungan kang bawiin ang nararapat mong
sahod.

Ang Human Trafficking ay isang krimen ng


malubhang paglabag sa karapatan ng tao. Kapag may
alam kang dahil sa karahasan, pagpuwersa,
pananakot, panloloko, hindi nararapat na
pangungutang o iba pang paraan, at sapilitang
nagiging biktima ng sekswal na pagsasamantala
(sexual exploitation), labor exploitation o
pagtanggal ng bahaging ni loloob ng katawan (organ
removal), tumawag agad sa Human Trafficking Gawa ng
Control Hotline: 110 (pulis), 1955 (CLA) o sa Keelung City Police Bureau
(02)2388-3095.

You might also like