You are on page 1of 2

Ang tamang nutrisyon ay mahalagang bantayan sa isang babaeng nagdadalang-tao.

Ayon sa mga pag-aaral, ang timbang ng ina ay nakakaapekto sa resultang timbang ng


isinilang na sanggol. Ang mga kulang sa timbang na ina o underweight ay nagsisilang ng
mga mas maliliit na bata. Samantala, ang sobra naman sa timbang o overweight ay
nagkakaroon ng mas malaki sa normal na sanggol na hindi rin mabuti sapagkat maaari
itong magbunga ng mas mahirap na proseso ng pagluluwal sa bata. Sa ibaba nakatala
ang nirerekomendang dagdag na timbang sa mga ina sa panahon ng pagdadalang-tao
ayon sa kanilang body mass index (BMI=kg/m2).

MINERALS
Maliban sa iron, lahat ng diets na nagbibigay ng sapat na calories upang makamit ang
sapat na timbang ay magbibigay ng sapat na minerals upang maiwasan ang kakulangan
kung iodized food ang gagamitin.
Iron. Humigit kumulang 300 mg ng iron ang napupunta sa fetus at sa placenta o
inunan samantalang 500 mg naman ang napupunta sa satumataas na hemoglobin ng
ina kung kayat halos lahat ng iron ay gamit na pagdating g kalagitnaan ng
pagbbuntis. Kakaunti lamang sa mga babae ang may sapat na supply ng iron sa
katawan at hindi kadalasan nakukuha mula sa diet ang kinakailangang dami ng iron.
Nirerekomenda na at least 27 mg ng ferrous iron supplement ang ibigay araw-araw sa
mga nagdadalangtao. Ang mga sumusunod ay nirerekomenda na mabigyan ng 60
100 mg ng iron kada araw: (a) kung siya ay malaking tao, (b) kambal ang dinadala, (c)
sa huling bahagi na ng pagbubuntis nagsimulang uminom ng iron, (d) hindi regular
uminom ng iron, (e) o kaya naman ay mababa ang lebel ng hemoglobin. Hind
kinakailangang magbigay ng iron sa unang apat na buwan ng pagbubuntis. Sa
pamamagitan nito, maiiwasan ang pagkahilo at pagsusuka. Inumin ang iron bago
matulog o pag walag laman ang tiyan upang mas madali ito magamit ng katawan at
maiwasan ang hindi kanaisnais na reaksyon sa sikmura.
Calcium. Hindi mahigpit na pinagbibilin na uminom ng calcium supplement ang
nagdadalang tao. Siya ay maaaring uminom o hindi uminom nito. Mayroong 30 g ng
calcium ang nagdadalan tao na kung saan ang karamihan nito ay napupunta sa
kanyang supling sa huling bahagi ng agbuunis. Mayroon pang ibang pinagmumulan
ang calcium ng ina tulad ng mga buto; maaari itong gamitin para sa paglaki ng fetus.
Phosphorus. Marami at sapat ang distribusyon nito sa katawan.
Zinc. Kailangang uminom ng zinc ang nagdadalang tao ng 12 mg kada araw. Ang
kakulangan sa zinc ay nagdudulot ng kawalan ng gana sa pagkain, hindi mahusay na
paglaki, at hindi mainam na paggaling ng sugat. Pag matindi ang kakulangan,
maaaring magkaroon ng dwarfism, hypogonadism, o acrodermatitis enteropathica.
Iodine. Ang paggamit ng iodized salt upang matugunan ang pangangailangan ng
fetus at pagkawala mula sa ihi ng ina. Mahalaga rin ito upang maiwasan ang
cretinism, isang abnormal na kondisyon mula pagkapanganak na kung saan ay may
kakulangan sakanyang paglaki at pag-iisip na maaaring idulot ng matindng problema
sa thyroid.
Magnesium. Ang pagbibigay ng magnesium ay hindi naman nagpapahusay ng
resulta ng pagbubuntis.
Copper. Ang copper ay mahalaga lalo na sa paggawa ng enerhiya na kailangan
sa metabolismo ng katawan ngunit wala pang naulat na kakulangan nito sa mga tao
habang nagbubuntis.
Selenium. Ito ay mahalaga upang malabanan ang free radical damage. A
akulangan nito ay nagdudulot ng nakamamatay na sakit sa puso ng mga bata at mga
nagdadalang tao. Hindi rin nakabubuti kung ito ay sobra-sobra.
Chromium. Wala pa naming naitalang impormasyon na kinakailangang magbigay
nito sa mga buntis.
Manganese. Ang pagbibigay nito ay hindi naman kinakailangan sa pagbubuntis.
Potassium. Ang konsentasyon nito ay bumababa sa dugo ng nagddalangtao sa
gitna ng kanyang pagbubuntis. Matagal na pagkahilo at pagsusuka ay maaaring
magdulot ng pagbaba ng potassium o hypokalemia at metanolic alkalosis.
Sodium. Kung normal ang diet ng babae, sapat naman ang dami ng sodium na
makukuha mula dito.
Fluoride. Hindi naman nirerekomenda na ibigay sa mga buntis.

BITAMINA
Tumataas ang pangangailangan sa mga bitamina sa pagbubuntis. Ito ay
makukuha mula sa diet na nagbibigay ng sapat na calories at protina maliban sa folic
acid na kailangan pang lalong dagdagan tulad pag tuloy-tuloy ang pagsusuka, mahigit
sa isa ang pinagbubuntis, o kapag may hemolytic anemia.
Folic Acid. Ang mga babaeng maaaring mabuntis ay nirerekomenda na umnom
ng 400 ug ng folic acid sa buong panahon na pwede silang magdalangtao. Ito ay
nakabubuti upang maiwasan ang mga neural tube defects o mga problema sa
pagdebelop ng utak at spinal cord.
Vitamin A. Mainam na kumain ng maraming prutas at gulay sapagkat mayaman
ang mga ito sa beta carotene a pinagmumulan ng bitamina A. Ang kakulangan nito ay
nagdudulot ng panghihina ng paningin sa gabi at anemia sa mga ina pati na rin ang
panganganak ng kulang sa buwan.
Vitamin B12. Ito ay makukuha mula sa mga pagkain na galing sa mga hayop
kung kayat ang mga ina na kumakain lamang ng gulay at hindi kumakain ng karne ay
maaaring magkaroon ng kakulangan sa bitaminang ito. Ang sobra-sobrang pag-inom
ng bitamina C ay maaari ring magdulot ng kakulangan nito.
Vitamin B6. Ang mga babae na hindi sapat ang kinakain ay kailangang uminom
ng 2 mg nito.
Vitamin C. Nirerekomenda na uminom ng 80-85 mg/day ang mga buntis. Ito ay
maaari nang makuha mula sa sapat at masustansyang diet.

MAHAHALAGANG PAALAALA UKOL SA NUTRISYON


Dapat kumain ang mga buntis kung ano ag nais nyang kainin, sa dami base sa
kanilang ninanais, at ayon sa kanilang panlasa.
Kumain ng sapat ang dami upang matugunan ang pangangailangan ng katawan.
Bantayan ang pagbigat ng timbang. Ang nais na dagdag na timbang ay 25-35 lbs
kung normal ang body mass index o tama lamang ang katawan.
Uminom ng sapat na iron pinakamababa na ang 27 mg araw-araw. Uminom din
ng folate bago at sa mga unang lingo ng pagbubuntis.
Bantayan ang konsentrasyon ng hemoglobin o hematocrit sa ika-28 hanggang ika-
32 linggo ng pagbubuntis.

You might also like