You are on page 1of 4

Sa panahong tinatawag na digital, nagigigng mahalaga ang kakayahan at talento

ng bawat indibidwal. Nagbabago na ang mga pamaraan sa pag-oorganisa ng mga


bagay. Ang teknolohiya ay nakapag-aambag na rin sa inaasahang pagbabago sa
larangan ng pagtuturo at pagkatuto. Ang tekholohiya ngayon ay nagbibigay na ng
malawak na oportunidad para sa pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na ang access
sa midya. Sa panahon na tinatawag nating knowledge explosion, ang guro sa
makabagong panahon ay maaaring hindi kayang ibigay lahat ng kailangang
hinahanap ng kanyang mga mag-aaral. Katulad ng maraming bagong kasanayan at
kaalaman na kailangan sa curriculum development at pagtataya, mga bagong
pedagohiya naman ang nalilikha habang ginagamit ng mga guro at mag-aaral ang
teknolohiya sa pananaliksik at pagkatuto. Ang suliranin ukol sa umaapaw na
impormasyon ay tototo kaya ang mga guro ay napipilitang mamili tungkol sa
paggamit ng teknolohiya na maaaring magagamit sa pananaliksik at paghahanap
ng mga inobatibong lapit at estratehiya sa pagtuturo.

Ayon kay Lardizabal (1995), ang pagtuturo ay isang proseso ng


komunikasyon ng guro at mag-aaral. Ang pagtuturo ay hindi na nakasalig lamang sa
berbal na komunikasyon ng guro at mag-aaral. Maraming kagamitan ang pagtuturo
at pagkatuto. Ang kagamitan pampagtuturo o kagamitang instruksyonal ay
anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid
ng impormasyon, kasanayan, saloobin, palagay, katotohanan, pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto, tunay, dinamiko
at ganap ang pagkatuto.

Sa paghahanda ng mga midyang instruksyonal ay kailangang alamin ang


karakteristik at pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang layunin, balangkasin
ang nilalaman, iplano ang suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga
materyal na paghahanguan. Sa pagsusulat, ihanay ng maayos ang mga ideya, pag-
isipan at simulang buuin ang mga gawain at fidbak, humanap ng mga halimbawa at
umisip ng mga grafiks.

Sinasabi ngang walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang


mabuting guro, ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting guro
ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng
mga estudyante.

Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang pampagtuturo, tulad
ng midyang instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pag-katuto,
halimbawa:

Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-aaral;


Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla
at napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto;
Nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at
pagkatuto;
Nag-aambag ito ng ibat ibang karanasan sa mga mag-aaral tungo sa pagtatamo
nila ng mga minimithing kaalaman, pagkakamit ng kasanayan at pagpapahalaga sa
kanilang sarili at kapaligiran;
Nagbibigay ito ng mga tunay at ibat ibang kalagayan upang mapasigla ang
pansariling gawain ng mag-aaral;
Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mag-aaral at guro sapagkat may direksyon
ang pagtuturo at pagkatuto;
Nagkakaroon din ang mga guro ng kawilihan, magaan at sistematikong
pagtuturo;
Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pag-sasalitao pagtalakay ng
aralin sa loob ng silid-aralan.

Gayunpaman, may mga limitasyon din ang paggamit ng multimedia sa silid-aralan


tulad ng; kaamitang panteknolohiya (hard-ware at software), kakayahang
panteknolohiya (para sa mga mag-aaral at mga guro) at oras o panahon na
kakailanganin sa pagpaplano, pagdidisenyo, pag-linang at pagtatasa sa mga
gawaing pang ultimedia.

Ang multimedia ay dinisenyo upang mapagaan ang proseso ng pagtuturo at


pagkatuto. Sa pamamagitan ng multimedia, nagiging kapanapanabik,
nakagaganyak at natutulungan ang mga mag-aaral na matuto sa makabagong
paraan.

Makikita sa gumagamit ng multimedia ang mga totoong mundo sa


pamamagitan ng mga tunog, , mga larawan at bidyo na maaaring hindi
nararanasan ng mga mag-aaral sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng guro.
Tumataas din ang antas ng interaksyon ng mga mag-aaral. Hindi na sila pasibo
kundi mga mag-aaral nang aktibong nakikilahok sa mga gawain.

Ang mga rekurso ng multimedia ay makatutulong sa mga gurong lumilikha ng


mga gawain o karanasan sa pagkatuto ng bawat indibidwal ng mag-aaral. Ang mga
gawain at karanasang ito ay magpapakilala sa pagpapahalaga ng mga kakayahan
ng bawat mag-aaral.

Sa mabilis na pagbabago ng sanhi ng mga makabagong teknolohiya, ang mga


guro ay magkakaroon ng kaalaman at kakayahang panteknolohiya upang
makaagapay sa panahon ng digital. Sa larangan ng edukasyon ngayon, may mga
indibidwal na nagtataglay ng kagalingan at kakayahan sa pagtuturo gamit ang
impormasyon sa komunikasyong panteknolohiya o yaong tinatawag nating
Information and Communication Technology (ICT).

Ayon pa nga kay Dr. Johari Bin Mat, Secretary-General ng Ministry of Education
ng Kuala Lumpur, Malaysia, sa isang kumperensya tungkol sa E-Learning noong
Mayo, 2000:

Technology has been and is becoming an important component of teaching and


learning in the educational system Information and Communication Technology
(ICT) provides powerful tools for accessing, storing and disseminating information
Our approaches to teaching, preparing contents and delivering learning materials
needs to be adjusted according to the existence of this technology. The classroom is
no more static physical set-up, but rather a dynamic existence. Teachers should
be able to integrate technology in their process of teaching and learning
Technology supports learning. It will enable teachers to pursue traditional goals with
new fervor and success. This ipact of technology will give a new dimension to the
quality of the education system. Technology supports the learners to bring about
significant change in learning.

Sa kasalukuyan, maaring nasa paligid lamang natin ang mga kagamitang


panteknolohiya. Pero handa na ba tayo dito? May sapat bang pondo sa tinatawag
nating technology-oriented na pagtuturo? Mananatili pa rin ba tayo sa tradisyunal
nating paraan sa pagtuturo o buksan ang isipan at gawin ang ating makakayang
makipagsabayan sa nagbabagong panahon?

Sa tradisyunal na pamaraan, ang tungkulin ng guro ay magturo lamang sa


nilalaman at impormasyon sa mga mag-aaral. Nagagawa ito sa tulong ng ibat
ibang anyo ng kagamitang pampagturo o midyang intraksyonal. Sa pamamagitan
ng teknolohiya, lalung lalo na ang multimedia, ang mga nilalaman at mga
impormasyong ito, ay maihahatid sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng anyong
elektroni-ko at mailalahad sa tulong ng kompyuter. Dahil sa mga anyong elektroniko
ay maihahatid sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng anyong elektroniko at
mailalahad sa tulong ng kompyuter. Dahil sa mga pagbabagong ito, nababago rin
ng multimedia ang paraan ng pakikipagkomunikasyon natin sa isat isa ang
paraan ng pagpadala at pagtanggap natin ng mensahe sa isang epektibo at
komprehensibong paraan. Ang pagsasanib ng ibat ibang elemento ng midya ay
nagdudulot ng mas mahusay na pagkatuto at kapaligirang pagtuturo.

Ang kapangyarihan ng multimedia ay multi-sensor na kung saan magagamit


talaga ang mga pandama o sensor ng mga mag-aaral na magdudulot ng mas
mataas na antas ng atensyon at retensyon. Sa madaling salita, naibibigay ng
multimedia sa isang indibidwal o maliit na pangkat ang impormasyon sa
pamamagitan ng pinagsanib na mga element ng midya.
Ang halaga ng paggamit ng teknolohiya sa silid-aralin ay konsern ng halos lahat ng
mga guro ngayon. Maaaring hindi pa kasi uso ang kompyuter noon kaya maaaring
mas maalam pa ang estudyante natin ngayon kaysa mga guro. Isang hamon para
sa mga guro ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo pero
maaring wala silang panahon at sapat na pondo para sa mga bagay na ito. Sagana
sa impormasyon at hitik sa pagbabago ang hated ng teknolohiya. Huwag lamang
tayong padala sa teknolohiyang hatid ng kompyuter. Gamitin natin ang kompyuter
bilang pantulong sa pagpapaganda at pagpapagaan n gating gawain, subalit huwag
tayong paalipin ditto. Tao lamang ang gumawa ng kompyuter. Kaya, upang
mapagtagumpayan ang mga sagabal kaugnay sa teknolohiya, bakit hindi
magtulungan ang mga guro at mga mag-aaral sa pagkatuto ng mga bagay na ito?

You might also like