You are on page 1of 9

Tungkol sa 1 Juan 5:7

1 John 5:7 ng King James Version

Tanong ni Bro. Ryan Caro

Brother Aerial, gusto ko lamang po sanang malaman ang


kasagutan tungkol sa 1 John 5:7. Marami po ang nagsasabi na ito
ang nagpapatunay sa Holy Trinity? Ano po ba ang malinaw na
kasagutan ukol dito?

Salamat po, looking forward to hear from you soon!

------------------------------------

Hindi madali para sa iba na basta na lamang talikuran ang kanilang


kinagisnang paniniwala sa Trinidad Diyos na binubuo ng tatlong
persona. Lalo na kung ang kanilang tagapagturo ay gumagamit din ng
Biblia, at bilang isang Cristiano na naniniwala sa Biblia na hindi nagbibigay
ng pagkakataong makapagsuri, ay nadadaya dahil sa ang inaakalang
pinagbabatayan ng kanilang tagapangaral ay tumpak at totoo.

Isa rito ay ang pinakapopular na talata na pinagbabatayan nila na


nagpapatunay diumano sa pagiging totoo ng TRINIDAD, ito ay ang nasa 1
John 5:7 ng King James Version:
1 John 5:7 For there are three that bear record in heaven, the Father, the
Word, and the Holy Ghost: and these three are one. [King James Version,
1769]

Sa Filipino:

1 Juan 5:7 Mayroong tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Verbo,
at ang Espiritu Santo: at ang tatlong ito ay iisa.

Ito ang madalas nilang gamitin, ang salin ng King James Version, at ganito
rin ang pagkakasalin sa mga Bibliang ito:

1 John 5:7 And there are Three who give testimony in heaven, the Father,
the Word, and the Holy Ghost. And these three are one. [Douay Rheims
Version, 1749-1752]

1 John 5:7 because three are who are testifying in the heaven, the Father,
the Word, and the Holy Spirit, and these--the three--are one; [Youngs
Literal Translation, 1862]

At dahil sa ganito ang nababasa sa mga Bibliang ating nabanggit ay


naniniwala ang ilan na talaga ngang may patotoo ang Biblia tungkol sa
kanilang pinaniniwalaang TRINIDAD, at ito ang dahilan kung bakit may mga
tao na naninindigan na totoo ang paniniwala nila sa Diyos na may tatlong
Persona.

Subalit ito ngayon ang nais naming mapansin ninyo: Bakit sa mga Bibliang
ito ay ito ang nakalagay?

1 Juan 5:7 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay


katotohanan. [Tagalog-Ang Biblia, 1905]

1 John 5:7 And it is the Spirit that beareth witness, because the Spirit is the
truth. [American Standard Version, 1897]

At sa mga Bibliang ito ay ganito naman ang nakalagay:

1 John 5:7-8 There are three witnesses: the Spirit, the water, and the
blood; and all three give the same testimony. [Good News Bible, 1992]

1 John 5:7-8 There are three witnesses: the Spirit, the water, and the
blood. These three witnesses agree. [Gods Word Version, 1995]

1 John 5:7-8 For there are three that bear witness: the Spirit, the water,
and the blood; and these three agree as one. [English Majority Text
Version, 2002-2003]
Kapansin-pansin na sa paglipas ng mga panahon ang mga nagsisipagsalin ng
Biblia ay hindi na isinalin ang nasabing talata gaya ng pagkakasalin nito ng
mga naunang Biblia, na tumutukoy sa Ama, Salita Anak, at sa Espiritu
Santo, na tatlong iisa.

Bakit kaya? Dahil kaya sa nagpalit na ng paniniwala ang mga nagsipagsalin


ng mga Bibliang ito, kaya hindi na nila ito isinalin gaya ng pagkakasalin ng
King James at iba pa? Hindi na kaya sila naniniwala sa TRINIDAD, kaya
ganun?

Ano ba talaga ang dahilan? Sasagutin tayo ng mga aklat na ito:

The clearest testimony, the famous JOHANNINE COMMA,


defended as authentic by the Roman authorities up to the turn of
the century, an INTERPOLATION into the first epistle of John, about
Father, Word and Spirit, who are one, is generally regarded today as
a FORGERY (originating in North Africa or Spain in the third or
fourth century. (Kng, Hans. On Being a Christian. New York.
Pocket Books, 1976.)

Sa Filipino:

Ang pinakamalinaw na patotoo, ang kilalang JOHANNINE COMMA,


na ipinaglalabang tunay ng mga awtoridad Romano sa paglipas ng
siglo, ay isang INTERPOLASIYON sa unang sulat ni Juan, tungkol sa
Ama, Salita at Espiritu, na iisa, ay pangkaraniwan ng itinuturing
ngayon na isang PAMEMEKE. (Nagsimula sa Hilagang Aprika o
Espaniya noong ika-tatlo at ika-apat na siglo.

Maliwanag na inaamin ni Hans Kng, na ang JOHANNINE COMMA, (isang


katawagan na tumutukoy sa 1 Juan 5:7), ay isang INTERPOLATION sa
nasabing talata. Ano ba ibig sabihin ng interpolation?

INTERPOLA'TION, n. A spurious word or passage inserted in the


genuine writings of an author. [Websters 1828 Dictionary]

Sa Filipino:

INTERPOLASIYON, n. Isang pekeng salita o pangungusap na


isinisingit sa tunay na isinulat ng isang may akda.

Kaya maliwanag na ang 1 Juan 5:7 na kung saan mababasa ang Ama,
Salita, at Espiritu Santo ay iisa, ay PEKE o PALSIPIKADO, at kaya nagkaroon
nito ay sapagkat ito ay bunga ng PAMEMEKE [FORGERY] noong ika-tatlo at
ika-apat na siglo sa Hilagang Aprika o Espaniya, samakatuwid wala ito sa
orihinal na isinulat ni Apostol Juan noong Unang Siglo.
Eh ano naman ang masasabi ng SIMBAHANG KATOLIKO tungkol sa isyung ito?

THE COMMA IS ABSENT IN ALL THE ANCIENT GREEK MANUSCRIPTS


OF THE NT (New Testament) WITH THE EXCEPTION OF FOUR RATHER
RECENT MANUSCRIPTS THAT DATE FROM THE 13TH TO 16TH
CENTURIES. The Comma is lacking in such ancient Oriental versions
as the Peshitta, Philoxenian, Coptic, Ethiopic, and Armenian NO
SCHOLAR ANY LONGER ACCEPTS ITS AUTHENTICITY. (New Catholic
Encyclopedia, vol. 7. Washington, D.C.: The Catholic University of
America, 1967.)

Sa Filipino:

ANG COMMA AY WALA SA LAHAT NG MGA SINAUNANG


MANUSKRITONG GRIEGO NG BAGONG TIPAN, MALIBAN SA APAT NA
BAGONG MANUSKRITONG NA MAY MGA TAONG IKA-13 AT IKA-14 NA
SIGLO. Ang Comma ay wala sa mga sinaunang Silanganing Bersiyon
gaya ng Peshitta, Philoxenian, Coptic at ArmenianWALA NANG
ISKOLAR NA TUMATANGGAP SA PAGIGING TOTOO NITO.

Maliwanag kung gayon na HINDI TOTOO ang nakalagay sa KING JAMES


VERSION, at iba pang Biblia na isinalin ito ng gayon.

Maliwanag nilang INAAMIN NA ITO AY PEKE at WALA SA ORIHINAL na


ISINULAT ni APOSTOL JUAN.

At lumitaw lamang ito noong ika TATLO hanggang ika APAT na siglo.

Bakit ano ba ang nangyari noon?

1. Napagkaisahan at pinagtibay ang aral ng pagiging Tunay na Diyos ni Cristo


noong 325 A.D. sa Konsilyo ng Nicea.

2. Napagkaisahan at pinagtibay din ang aral ng pagiging Diyos ng Espiritu


Santo noong 381 A.D. sa Konsilyo ng Constantinople.

Kaya wala sa Biblia, ang aral na ito, dahil kailan man ay hindi ito itinuro ng
Panginoong Jesus, ng mga Apostol, at higit sa lahat ng Panginoong Diyos
mismo.

Kita ninyo, hindi sila nagkonsilyo para pagpulungan at pagkaisahan


upang mapagtibay ang aral ng pagiging Tunay na Diyos ng AMA?

Matibay kasi ang ebidensiya at malinaw na mababasa sa Biblia ang


KATOTOHANANG ito eh.
Eh ang pagiging Diyos ni Cristo at ng Espiritu Santo, wala sa Biblia, kaya
kailangan pang MAGKONSILYO, at pagpulungan pa ito at pagkaisahan ng mga
OBISPO ng IGLESIA KATOLIKA, na bihasa sa pagimbento ng aral. Ang
masaklap nga lang ay MAGKAKAISA RIN LANG AY DOON PA SA HINDI TOTOO
AT SA MALING ARAL PA.

Kaya kung meron pang naniniwala sa panahon natin ngayon na totoo ang
nakalagay sa 1 Juan 5:7 sa King James Version at iba pa na isinalin ito ng
gayon, ay maliwanag na ang mga ito ay naniniwala sa PEKE, at kabilang sa
mga naloko at nalinlang.

Dahil kahit pagbalibaligtarin mo ang Biblia ay hindi mo mababasa ang aral


tungkol sa TRINIDAD, maliban nang MAMEKE sila ng talata para naman kahit
na papaanoy magkaroon sila ng batayan.

Kaawa-awang mga nilalang, sana magising sila sa katotohananat iwan ang


maling paniniwalang ito.

Basahin ang pagtalakay na may kinalaman sa Trinidad sa LINK na ito:

NASA BIBLIA BA ANG ARAL NA ANG DIYOS AY MAY TATLONG


PERSONA?

Sana naging malinaw sa iyo Brod. Ryan Caro ang ating naging tugon sa iyong
request.

You might also like:

Nasa Biblia ba ang Aral Na ang Diyos ay may Tatlong Persona?

Kung Bakit Dapat Paniwalaan at Sundin ang Biblia

Ang Tunay na Aral Tungkol sa Kaluluwa

Kung Bakit Nagkakaisa ang Iglesia Ni Cristo maging sa ...

LinkWithin

Posted by Aerial Cavalry at 20:06


Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook
Labels: 1 Juan 5:7, Forgery, Johannine Comma, Pagkadiyos ni Cristo

1 comment:

1.
Ako'y Iglesia Ni Cristo5 September 2011 00:46

Brother Aerial, maraming maraming salamat po sa mga kasagutan na ibinibigay nyo


patungkol sa aming mga katanungan. Sa pamamagitan nito ay unti unting nasasagot ang
mga katanungan sa aming mumunting kaisipan. Nawa ay magpatuloy kayo sa gawaing
ito.

God bless, Kapatid!

Reply

Load more...
Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network


Watch INC Television Programs Online

2 Corinthians 1:3 PRAISE THE GOD AND FATHER OF OUR LORD JESUS
CHRIST! He is the Father who is compassionate and the God who gives
comfort.[God's Word Bible]

To all the Readers:


It will be very difficult for us to unite, if our own personal beliefs stands on the way. Why not we
neglect and disregard our own personal views, and only accept and obey what is written in the
Bible as our guidelines of truth. By this way we will all be united, and that's the will of God:
John 17:23 "I in them and you in me, so that they may be completely one, in order that the
world may know that you sent me and that you love them as you love me." [Good News]

PARA SA MGA NAGSUSURI:

Hindi po sapat na nababasa niyo lang sa mga BLOG na katulad nito ang mga aral ng IGLESIA
NI CRISTO, higit po ninyong masusuri ang mga KATOTOHANANG itinuturo sa amin kung
kayo ay MAKIKINIG sa PANGANGARAL ng aming mga MINISTRO.

Magsadiya po kayo sa PINAKAMALAPIT na LOKAL ng IGLESIA NI CRISTO sa inyong


LUGAR.

Everyone is invited to send Articles about INC Doctrines or from our official magazine -
PASUGO: God's Message, you can send them to my Email with your Name and Locale, cause
that will be posted also together with your article.

LET'S SPREAD THE TRUE TEACHINGS OF THE BIBLE - BE A CONTRIBUTOR


BROTHERS AND SISTERS IN CHRIST.

My Email: aerial.cavalry2011@gmail.com

Popular Posts This Month

Kung Bakit Bawal ang Pagkain ng Dugo

S inasabi ng mga kaibayo namin sa pananampalataya o yung mga hindi Iglesia ni


Cristo , na ang pagbabawal daw ng pagkain ng Dugo ay isan...

Tungkol sa Gawa 20:28 na salin ni George M. Lamsa

Sabi ng isang nag COMMENT na Anonymous: TANONG KO LANG PO YUNG GAWA


20:28 LAMSA TRANSLATION kasi po isa yan sa basehan natin na tayo ang t...

Bakit nga ba "Churches of Christ" ang banggit sa Roma 16:16 sa Ingles?

Sabi ni Rholdrae, Bro, gusto ko lang sana malaman kung ano ang paliwanag sa Rome
16:16 bakit churches of Christ ito sa english at sa taga...

Kung Bakit Dapat Paniwalaan at Sundin ang Biblia

Tunay bang Salita ng Diyos ang nakasulat sa Biblia o gawa lang ng tao? M ilyon-milyon
na ang mga naisulat na mga aklat sa daigdig, ibat-...

Ang May Numerong '666' na Binabanggit sa Apocalypsis

An English Version of this post is available A ng aklat ng Apocalypsis na isinulat ni


Apostol Juan sa pulo ng Patmos ay itinuturing n...

Paano Ba Tayo Makaliligtas sa Araw ng Paghuhukom?

H alos lahat ng mga relihiyon sa kasalukuyan ay naniniwala na may Araw ng


Paghuhukom na kung tawagin nga ng iba ay katapusan ng mundo. M...

Ang Tunay na Kahulugan ng Isaias 9:6

Request ni Romeo Contreras: ISAIAH 9:6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang
bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; ...

Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw - Part 1

Ang mga hula na patotoo ng Biblia tungkol sa pagiging sugo ni Kapatid na Felix Y.
Manalo At ng kahalalan ng Iglesia Ni Cristo na lumitaw s...

Kung Bakit Nagkakaisa ang Iglesia Ni Cristo maging sa Pagboto

H indi maiiwasang pagtakhan ng iba lalo ng mga hindi kaanib sa Iglesia, ang ginagawang
pagkakaisa ng Iglesia ni Cristo sa tuwing sasapit ...

The Man with the Number 666 that is Mentioned in Revelations

For the benefit of those non-Filipino speaking Brethrens and Friends , here is my English
Version of Ang May Numerong 666 na Binabanggit sa...

You might also like