You are on page 1of 2

October 12, 2013

Mahal Kong Miko.

Nang ikaw ay akin pa lang ipinagbubuntis, dalangin ko lagi noon sa Diyos na


bigyan ako ng isang guwapo at mabait na anak. Nang ikaw ay aking isilang,
labis labis ang aking kasiyahan nung ikaw ay aking Makita. Ikaw and pinaka
guwapo at pinkamatipuno na babay na nakita ko. Kaya ka nga naming
pinangalanang Michael kasi si Michael Jorda ay isang kilalang matipunong
basketbolista. Habang ikaw ay lumalaki, araw araw ay nagpapasalamat
ako sa Diyos at ibinigay ka niya sa amin ng daddy mo. Anuman ang
mangyari anak, lagi akong nasa tabi mo at nakaabantay sa iyo. Habnag ako
ay buhay hinding hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Gagawin ko ang
lahat ng dapat para sa ikabubuti mo. Ang inaasam lang naman naming ng
daddy mo ay yung makatapos ka ng pag-aaral para pag dumating ang
panahon na wala na kmi ni daddy ay pwede mo ng buhayin ang sarili mo kc
meron ka ng maayos na trabaho. Kaya sana anak, mag-aaral ka ng mabuti.
Huwag mong kinukulit lagi ang ate mo. Hindi ba pag ako inis sa iyo, si ate
Daphne mo lagi kakampi mo? Sana iniisip mo lagi yan bago ka magsimula
mang-asar sa kanya. Ginagawa naming ang responsibilidad naming sa iyo
kaya ikaw din sana gawin mo and responsibilidad mo sa sarili mo : mag aral
ng mabuti at huwag ilalagay ang sarili sa kapahamakan, laging mag iingat.
Mamamatay ako anak pag mayroong masamang mangyayayari sa iyo.
Ipaglalaban kita anak. Maski saan tayo makarating, basta nasa tama tayo di
ako titigil. Ganyan kita kamahal anak. Mangyari na lahat sa akin huwag lang
sa inyo ni ate mo. Sana anak, pakikinggan mo itong mga payo ko sa iyo
dahil hindi habang panahon e nandirito kami ng daddy mo. Huwag na
huwag ding kalilimutan na magdasal sa diyos. Siya lagi ang hihingahan mo
ng tulong sa tuwing ikaw ay may prinoproblema. I love you Miko.
Love,

Mo
mmy

You might also like