You are on page 1of 6

Leader: Francis Adrian S.

Espiritu
Secretary: Sharmaine Maita II Gracia
Members:
Florenz Isabelle L. Arlando
Hazel Anne Caballo
Monica Denise Octoso
Marielle Catherine Punzalan

Title: Mga Pananaw ng mga Estudyante sa CEA Tungkol sa Premarital Sex

Kabanata 1
Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan

A. Panimula
Ang napili naming isyu na saliksikin ay naglalaman ng mga suliraning saydang
nakakaapekto sa pagkatao ng isang tao at ang madalas na kasangkot dito ay ang mga
kabataan. Ang pre-marital sex ay isang uri ng sexual intercourse na kinasasangkutan
ng isang tao o ng mga taong hindi pa naikakasal. Ito ay pangkalahatang katawagan na
pantukoy sa mga kabataan kasama na ang mga teenagers na ikakasal din naman
balang araw subalit maagang nasasangkot sa isang sexual activity bago pa man din sa
tamang panahon.

Ang ibat-ibang kultura sa loob at labas ng bansa ay mayroong sari-saring


pananaw sa moralidad ng sex ng mga hindi pa naikakasal. Ang ibay sinasabing ang
sex ay optional o depende sa tao kung pipiliing maagang masangkot sa nasabing
aktibidad ngunit ang ibay mariing itinatanggi ang sex sa mga hindi pa naikakasal.
Sa mga nakalipas na taon, ang moralidad sa pre-marital sex ay naging isang malaking
usaping pampulitika sa United States at ang pag-uusap nila laban sa pre-marital sex ay
ang pangunahing pundasyon ng abstinence-only sex education , ang programang
sinuportahan ng dating pangulo ng Amerika na si George W. Bush at ng ilang
konserbatibong miyembro ng Kongreso ng United States. Subalit ang alituntuning ito ay
hindi pinaboran ng ibang grupo tulad ng Planned Parenthood at ng marami pamg maka-
progresibong miyembro ng kongreso. At ang pagtatalo ukol sa abstinence-only
neducation ang siyang nagdala sa isyu ng pre-marital sex bilang mitsa ng pagkakaroon
ng away at hidwaan ng ibat-ibang kultura.

Kung dito sa Pilipinas ang pagbabasehan, mataas ang porsyento ng pre-marital


sex. Isa sa apat na Pilipino edad 15-24 ang nasasangkot sa nasabing isyu, ayon sa
pag-aaral ng UP Population Institute. Ayon sa Pag-aaral sa taong ito ay sinasabing
aabot sa 4 na milyong kabataan ang sangkot sa pre-marital sex na mayroon di
umanong 30 porsyentong responde ang ginagawa ito sa loob ng sariling pamamahay,
samantalang 18 porsyento ang ginagawa naman ito sa loob ng mga motel at hotel.
Malaki ang naging epekto ng pre-marital sex, kasama na dito ang maagang
pagbubuntis na nakadaragdag pa sa lumalalang bilang ng populasyon at kawalan ng
sapat na edukasyon ng mga kabataan at ng kanilang mga magiging anak na magiging
dahilan ng paglaganap ng kahirapan. At ang mga ito ang nagsilbing ugat ng sex
education.

Ang mga nasabing impormasyon ang nagpapatunay na mahirap ng pigilan ang


pre-marital sex. Lalo na at laganap na ito hindi lamang sa ating bansa ngunit pati na rin
sa buong mundo. Ang magagawa na lamang natin ay bigyan ang mga kabataan ng
sapat na kaalaman sa pagsasagawa nito upang di na makadagdag pa sa populasyon,
maagapan ang kahirapan at masupil ang ibat-ibang sakit mula sa pakikipagtalik. Ang
sex education ang responsable dito sapagkat mapadadali nito ang maselang usapan sa
sex kung ang mga magulang o ibang tao ang magtuturo sa kabataan. Para naman sa
mga bata, marapat na silay hubugin ng kanilang mga magulang sa konserbatibong
pamumuhay ng mas mapadali ang pag-iwas sa maselang gawain tulad ng nababanggit.

B. Kaligirang Pangkasaysayan
Ang pre-marital sex ay isang uri ng sexual intercourse na kinasasangkutan ng isang tao
o ng mga taong hindi pa naikakasal. Ito ay pangkalahatang katawagan na pantukoy sa
mga kabataan kasama na ang mga teenagers na ikakasal din naman balang araw
subalit maagang nasasangkot sa isang sexual activity bago pa man din sa tamang
panahon.

Ang ibat-ibang kultura sa loob at labas ng bansa ay mayroong sari-saring pananaw sa


moralidad ng sex ng mga hindi pa naikakasal. Ang ibay sinasabing ang sex ay optional
o depende sa tao kung pipiliing maagang masangkot sa nasabing aktibidad ngunit ang
ibay mariing itinatanggi ang sex sa mga hindi pa naikakasal.

Sa mga nakalipas na taon, ang moralidad sa pre-marital sex ay naging isang malaking
usaping pampulitika sa United States at ang pag-uusap nila laban sa pre-marital sex ay
ang pangunahing pundasyon ng abstinence-only sex education , ang programang
sinuportahan ng dating pangulo ng Amerika na si George W. Bush at ng ilang
konserbatibong miyembro ng Kongreso ng United States. Subalit ang alituntuning ito ay
hindi pinaboran ng ibang grupo tulad ng Planned Parenthood at ng marami pamg maka-
progresibong miyembro ng kongreso. At ang pagtatalo ukol sa abstinence-only
neducation ang siyang nagdala sa isyu ng pre-marital sex bilang mitsa ng pagkakaroon
ng away at hidwaan ng ibat-ibang kultura.

Kung dito sa Pilipinas ang pagbabasehan, mataas ang porsyento ng pre-marital sex.
Isa sa apat na Pilipino edad 15-24 ang nasasangkot sa nasabing isyu, ayon sa pag-
aaral ng UP Population Institute. Ayon sa Pag-aaral sa taong ito ay sinasabing aabot sa
4 na milyong kabataan ang sangkot sa pre-marital sex na mayroon di umanong 30
porsyentong responde ang ginagawa ito sa loob ng sariling pamamahay, samantalang
18 porsyento ang ginagawa naman ito sa loob ng mga motel at hotel.

Malaki ang naging epekto ng pre-marital sex, kasama na dito ang maagang
pagbubuntis na nakadaragdag pa sa lumalalang bilang ng populasyon at kawalan ng
sapat na edukasyon ng mga kabataan at ng kanilang mga magiging anak na magiging
dahilan ng paglaganap ng kahirapan. At ang mga ito ang nagsilbing ugat ng sex
education.

Ang mga nasabing impormasyon ang nagpapatunay na mahirap ng pigilan ang pre-
marital sex. Lalo na at laganap na ito hindi lamang sa ating bansa ngunit pati na rin sa
buong mundo. Ang magagawa na lamang natin ay bigyan ang mga kabataan ng sapat
na kaalaman sa pagsasagawa nito upang di na makadagdag pa sa populasyon,
maagapan ang kahirapan at masupil ang ibat-ibang sakit mula sa pakikipagtalik. Ang
sex education ang responsable dito sapagkat mapadadali nito ang maselang usapan sa
sex kung ang mga magulang o ibang tao ang magtuturo sa kabataan. Para naman sa
mga bata, marapat na silay hubugin ng kanilang mga magulang sa konserbatibong
pamumuhay ng mas mapadali ang pag-iwas sa maselang gawain tulad ng nababanggit.

C. Balangkas Teoretikal
Sa isang bansang higit ang pagpapahalaga sa moralidad ng kababaihan at
nakatali sa mga aral at doktrina ng simbahang katolika, di nga bat nakakapangamba
ang paglaki ng bilang ng mga batang ina at magulang na humahantong sa paglaki ng
populasyon at ang tinuturong puno't dulo nito ay ang pagkakasangkot ng mga kabataan
sa maagang pakikipag talik.

Sinasabi sa sa ginawang sarbey noong Hulyo ng taong 2010 na tinatayang ang


populasyon ng Pilipinas ay humigit kumulang sa 99, 900, 177 at pinapangambahan
pang lalong lulobo sa darating pang 50 taon kahit pa limitahan ng mag-asawa ang
kanilang magiging anak sa dalawa. At ang tinuturong dahilan nito ay ang mga
kabataang edad 15-24 na maagang nabubuntis at pinapasok ang buhay pamilya.
Subalit ang mga batang magulang na ito ay hindi pa lubos na handa sa mga
responsibilidad na kaakibat ng desisyon nilang ito. Kahirapan, ito ang nagiging resulta
ng desisyong ito, kahirapan di lamang sa penansyal na aspeto kundi pati sa pisikal at
mental na aspeto. Sa ating modernong mundo ngayon, hindi bat mas nagiging
mapupusok ang ating mga kabataan, silay mulat na mulat sa mga immoral na gawain
dahil na din sa mas pinadaling access sa internet at media. Isama pa dyan ang
implewensya ng kanilang mga kabrkada o kaibigan. Ang kawalan at kakulangan sa
edukasyon at ang maling pag-gagabay ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Ang ating pambansang bayani ay minsan nagsabi na ang mga kabataan ang
pag-asa ng bayan, sana ngay tama sya, sana ngay nakikita nya ang mga kabataan sa
panahong ito. Sana ang pag asang ito ay di lang basta pag-asa sanay maisakatuparan
at matupad. Na ang mga kabataan yaon ang tatayo ng isang bansang maunlad,
progresibo at mapayapa. Na ang pag-asa ng bayan ay di mga pabigat ng bayan.

D. Balangkas Konspetwal
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon makakalap ng impormasyon tungkol sa mga
epekto ng teenage pregnancy sa mga kabataan. Ang mga impormasyong makakalap ay
gagamitin para makabuo ng kongkretong impormasyon para maging aral at magmulat
sa mga mata ng kabataan sa mga di magagandang epekto ng teenage pregnancy.

Ang mga nasabing epekto ng teenage pregnancy ay hahatiin sa aspekto ng:


Pag-aaral
Kalagayang- sosyal
Kalusugan
Kinabukasan
Sa kabataan ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagmulat ng mg kabataan sa
mga masamang maidudulot ng sobrang kapusukan ng pakikipagtalik ng mga kabataan
ng walang lihitimong basbas ng kasal.

Sa mga magulang ang pananaliksik na ito ay makakatulong magbigay ng


impormasyon at ideya sa pag-gabay at pagdisiplina sa kanilang mga anak sa paraang
di nila daramdamin ang inyong mga payo at pangaral na hahantong sa pagrerebelde.

Sa pamahalaan at Komunidad maaring magamit ang pag-aaral na ito upang


makontrol ang lumalaking populasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagliit ng insidente
ng teenage pregnancy. Ang mga datos sa pag-aaral na to ay maaaring gamitin sa
pagmulat ng kamalayan ng nakararami tungkol sa teenage pregnancy.

Sa sarili maaaring magamit ang pag-aaral na to para na rin sa ating sarili, na lahat n
gating ginagawa ay may kaakibat na resulta, na an gating kapusukan minsan ay di
maganda at lahat ng to ay may kaakibat na responsibilidad na dapat nating panagutan.

E. Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may katangiang nais sikapin bigyan ng kasagutan:

Ano ba ang Premarital Sex para sa mga Taga-Cea?


Ano anong mga salik ang kung bakit nagkakaron ng premarital sex estudyante?
Mahalaga pa ba ang Virginity sa kanila sa panahon ngayon?
Paano ito nakakaapekto sa buhay ng mga nakakaranas nito?
F. Haypotesis

Ang pananaw ng mga estudyante sa Cea tungkol sa pre-marital sex ay


magkakaiba nakadepende ito sa kung paano sila pinalaki,paniniwala at mga taong
nakakasalamuha nila may mga estudyanteng maaaring magsabi na ito ay masama
dahil nilalabag nito ang utos ng Diyos o mayroon namang magsasabing ayos lang ito.
Mdalas nakukuha ng estudyante ang kaalaman nila ngayon sa Sex mula sa internet o
kaya ay sa mga taong nakakasalamuha nila may iba namang magsasabi na ito ay
nakuha nila sa kanilang mga magulang o kaibigan nila.

G. Kahalagahan ng Pag aaral

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag aaral sa mga


nabanggit na tao :

Sa mga mag aaral na walang ideya tungkol sa pre-marital sex, upang malaman ang
maidudulot ng pakikipatalik sa murang edad at ang maaring bungang sakit sa babae
man o lalake.

Sa mga mag-aaral na may kaalaman tungkol sa pre-marital sex, upang madagdagan at


lalong mapalawak ang kanilang nalalaman sa tungkol sa nasabing usapin.

Sa mga magulang, upang mapatnubayan ng maayos ang kanilang mga anak pagdating
sa ganitong usapin.

H. Saklaw at Limitasyon

Ang pagaaral na ito ay nakatuon sa kung ano ang kanilang dahilan kung bakit
nakikipagtalik sa murang edad at ano ang kaalaman nila tungkol sa premarital sex.
Saklaw nito ang dalawangpung estudyante ng Polytecnic University of the Philippine
mula sa kolehiyong ng Engineering at Architecture nabibigyan ng talatanungan at itoy
ipapasagutan sa mga nakilahok sa pananaliksik na ito.

I. Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Premarital Sex ay ang pagtatalik ng dalawang tao na kung saan wala silang basbas galingsa
Panginoon.

Sex - Ang sex ay ang pagtatalik na ginagawa ng dalawang taong babae at lalaki nanagmamahalan.
Ito ay pwedeng ituring na act of love o iba pang katawagang maselan para sa mga menor de
edad. Ginagawa lamang ito ng mga taong responsible, kasal at nasa ligal na taong gulang na.
Sex Education - pagtuturo ng mga impormasyon tungkol sa pagtatalik

Abstinence - ay ang pag iwas sa pakikipagtatalik

Planned Parenthood - pagpaplano sa pagiging magulang ng isang indibidwal

You might also like