You are on page 1of 1

Sweetzelle Ira P.

Arago FILIPINO 3 Ika-28 ng Marso


2-ASW

TALA

Ang pangunahing dahilan kung bakit nasasabik pumasok ang mga estudyante sa eskwelahan ay

ang kanilang baon. Sa kabilang banda, isa rin ito sa kanilang mga problema sapagkat nahihirapan sila

magbadyet. Karamihan sa mga estudyante ay napapalakas ang paggastos sa unang araw ng bigayan ng

allowance at todo tipid na sa mga huling araw ng linggo. Bilang isang estudyante kagaya nila ay gusto

kong makatulong upang masolusyunan ang kanilang problema kaya naman ay magbabahagi ako sa

kanila kung paano ako magbadyet ng aking lingguhang allowance. Ako nga pala ay binibigyan ng aking

mga magulang ng dalawang libong piso kada linggo.

Ang una kong ginagawa ay ibinabawas ko muna sa kabuuang baon ko ang pangunahing gastusin

kagaya ng bayad sa palaba at groceries. Ang gastos ko sa palaba ay umaabot ng 100 piso kada linggo at

sa groceries naman ay 300 piso. Ngayon, kung ako ay may 2000 piso ibabawas ko rito ang 400 piso para

sa palaba at groceries. Ang tira na lamang sa aking baon ay halagang 1600 piso. Ang halagang ito ay

hahatiin ko sa pitong araw para sa pang araw-araw na gastusin kaya magkakaroon ako ng 228 piso na

baon kada araw. Pipilitin kong pagkasyahin ang 228 piso sa buong maghapon. Didisiplinahin ko ang

aking sarili upang hindi lumamapas ang aking gastos sa halagang 228 piso.

Dahil sa ganitong klase ng aking pagbabadyet na may kasamag disiplina sa paggastos ay

napagkakasya ko ang aking lingguhang allowance at kung minsan pa nga ay may naiipon pa ako

sapagkat hindi naman lumalampas sa 200 piso ang gastos ko sa maghapon. Hindi ako maluhong tao

kaya halos sa pagkain lamang napupunta ang aking baon. Sana sa ganitong paraan ay natulungan ko ang

aking mga kapwa estudyante para hindi na sila mahirapang ibadyet ang kanilang baon.

You might also like