You are on page 1of 1

BOSES NG UNYON

Ni: Julie Abella, LCGEU President

Magsikap at mag-ambisyon

Anong halaga ng pag-aangkin mo sa buong mundo kung malalagay sa kawalan ang


iyong kaluluwa? Hindi lahat ng bagay dito sa mundo ay nabibili ng pera at hindi lahat ng
nabibili ng pera ay may katumbas na kapalit sa kabilang buhay. Sabi nga nang isang
pari, hindi naman masama ang magsikap, ang mag-ambisyon ng magandang buhay at
maaliwalas na kinabukasan. Ang masama ay kung ito na ang magiging sentro ng lahat
ng ating mga ginagawa dito sa lupa.

Masama rin kung tayoy magiging alipin ng ating mga makamundong pagnanasa at
kalimutang may buhay na walang hanggan ang naghihintay sa atin. Hindi lingid sa ating
kaalaman ang mga taong ginagawang araw ang gabi upang kumita ng pera. Mayroon
ngang maluwag na sa buhay ay patuloy pa rin ang pagsisikap upang lalo pang
madagdagan ang perang kinikita.

Sa kabilang dako naman, lalo na sa mga taong nagtatrabaho sa opisina, nagsisikap


ang bawat isa upang maging sulit ang sahod na ibinibigay sa kanila ng gobyerno.
Subalit hindi lahat ng mga nagsisilbi sa gobyerno ay may ganitong pag-iisip. Mayroon
pa ring kulang ang dedikasyon samantalang ang iba ay halos magkanda-kuba na sa
mga ginagawang trabaho.

Makonsensiya sana ang mga taong ganito na matapos mabigyan ng pagkakataong


mabigyan ng trabaho ay hindi na gagampanan nang mahusay ang iniatang na
responsibilidad sa kanila.

Nararapat lang nating isipin na ating buhay ang ating trabaho. Kung hindi natin
naiintindihan ang ating ginagawa, itanong natin ito sa mga taong may alam, ang ating
mga namumuno dahil hindi makapagpapababa sa ating pagkatao ang pagtatanong lalo
pat itoy mas makapagpapagaling sa atin at mas makatutulong sa ibang tao.

Hindi man tayo maging kasing galing ng iba, tandaan natin na ibat-ibang klase ng
trabahante o lider, ibat iba rin ang uri ng pamamalakad. At upang mas lalo nating
mapalagahan ang ating ginagawa, isipin natin na huwag tayong humingi ng isang
bagay sa ating mga nasasakupan na tayo mismo ay hindi kayang gawin. Dagdag pa
niya, gawin nating gabay ang lahat ng ating ginawang panunumpa at ang pananaw at
misyon ng ating kagawaran upang pagbutihin ang ating pagsisilbi sa mga kababayan
nating nangangailangan nang ating serbisyo-publiko.

Mabuhay tayong lahat at mabuhay ang mga kawaning-sibil!

You might also like