You are on page 1of 6

Ang Kanlurang Asya

Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait.
Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar,
at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. Pangunahing pinagkukunan ng
langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya
ngJudaism, Kristiyanismo, at Islam. Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na Moslem World at ikinakategorya
bilang Arid Asya o bahagi ng Asya kung saan matatagpuan ang malalawak nadisyerto at tuyong lugar mula
Jordan tungong Arabia hanggang sa Iraq, Iran, at Afghanistan. Umaabot hanggang Pakistan at bahagi ng
dating Gitnang Asya at Mongolia ang tinatawag na Arid Asia. Ang Kanlurang Asya ay bumubuo sa sangkatlo
(1/3) ng Asya, may sukatna nasa pagitan ng 6.5 at 9.8 milyong milya kwadrado.
Mapa ng Kanluran at Gitnang Silangang Asya
Kanlurang Asya
Bansa Yamang Mineral
Bahrain Langis, natural gas
Cyprus Tanso, pyrites, asbestos, gypsum, asin, marmol, clay earth pigment
Iran Langis, natural gas, tanso, bauxite, karbon, bakal, tingga, zinc,
chromium
Iraq Barite, asin, gypsum, molybdenum, mica, silica, talc, uranium, langis,
natural gas, bakal, ginto, tingga, tanso, pilak, platinum, zinc,
phosphate, sulfur, asin, gypsum
Israel Potash, bromine, magnesium, tanso, phosphate, luwad, natural gas
Jordan Potash, phosphate
Kuwait Langis, natural gas
Lebanon Batong apog, gypsum
Oman Langis, tanso, ginto, chromite, manganese, asbestos, karbon,batong
apog
Qatar Langis, natural gas
Saudi Arabia Petrolyo, natural gas, iron ore, ginto, tanso
Syria Langis, phosphate rock, asphalt, asin, karbon, bakal, tanso, tingga,
ginto
Turkey Chromium, boron, bakal, langis, natural gas, karbon, bauxite,
manganese, antimony, tingga, zinc, magnesium, asbestos, mercury,
pilak, sulfur,
United Arab Emirates Langis, natural gas
Yemen Langis, natural gas, rock salt, batong apog, marmol, alabaster

Bahrain (Barein)
Ang Kaharian ng Bahrain, or Bahrain (Inggles: Kingdom of Bahrain at dating binabaybay
na Bahrein; Arabo: ) ay isang walang hangganangpulong bansa sa Golpo ng Persia (Timog-
kanlurang Asya/Gitnang Silangang,Asya). Nasa kanluran ang Saudi Arabia at nakakabit sa Bahrain sa
pamamagitan ng King Fahd Causeway, at nasa timog ang Qatar, sa ibayo ngGolpo ng Persia. Nasa
kasaluyukuyang plano ang Pagkakaibigang tulay ng QatarBahrain, na magkakabit sa Bahrain patungong Qatar
at magiging pinakamahabang pagkakabit sa buong mundo.

Pangkahalatang patag at tuyot na kapuluan ang Barein, na binubuo ng mababang kapatagan ng disyerto
na unti-unting tumataas sa isang mababang bangin, sa may Golpo ng Persiya, sa silangan ng Saudi Arabia. Ang
pinakamataas na bahagi ng kapuluan ay ang 134 m (440 ft) Jabal ad Dukhan. Ang Bahreyn ay may kabuuang
sukat na 665 km2 (257 sq mi), na mas malaki ng kaunti sa Pulo ng Man, subalit mas maliit kaysa sa kalapit
nitong Paliparang Pandaigdig ng King Fahd malapit sa Dammam, Saudi Arabia (780 km2 (301 sq mi)).

Binubuo ng 92% ang Bahreyn ng disyerto, at ang pana-panahong tagtuyot at bagyo ng alikabok ang
pangunahing natural na pangamba para sa mga Bahreyni.
Cyprus (Tsipre)
Ang Republika ng Cyprus o Republika ng Tsipre (Griyego: ,Kpros; Turko: Kbrs; tingnan din
ang Talaan ng mga tradisyunal na mga pangalan ng mga Griyegong lugar) ay isang pulong bansa sa
silangang Dagat Mediterranean, 113 kilometro (70 milya) timog ng Turkey at mga 120 km kanluran ng
pampang ng Syria.

Iran
Ang Iran (Persa: )ay isang kanluran silangang bansa na matatagpuan sa Timog-kanlurang Asya na
pinapaligiran ng Aserbayan, Armenya, atTurkmenistan sa Hilaga, Pakistan, at Afghanistan sa
silangan, Turkiya at Irak sa kanluran. Bagaman kilala na ito ng mga katutubo bilang Iran simula noong panahon
ng dinastiyang Akemenida, tinutukoy ng Kanluraning Daigdig ang bansang ito bilang Persiya hanggang noong
1935. Noong 1959, ipinahayag niMohammad Reza Shah Pahlavi na maaaring gamitin ang parehong kataga.
Noong 1979, isang rebolusyon na pinamunuan ni Ruhollah Khomeini sa kalaunan, ang nagtatag ng isang
a teokratikong Republikang Islamiko at pinalitan ang pangalan ng bansa sa Ang Republikang Islamiko ng Iran(
)

Iraq
Ang Republika ng Iraq ay isang bansa sa timog-kanlurang Asya na sinasakop ang sinaunang rehiyon
ng Mesopotamia sa pinagsasaniban ng mga ilog Tigrisat Euphrates pati na rin ang timog Kurdistan.
Hinahanggan ito ng Kuwait atSaudi Arabia sa timog, Jordan sa kanluran, Syria sa hilagang-kanluran, Turkeysa
hilaga, at Iran sa silangan. May makitid itong seksiyon ng baybayin sa Umm Qasr sa Golpo Persiko.

Israel
Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo:
, Mednat Yisr'el; Arabiko:
, Dawlat Isrl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang
baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansangLebanon sa hilaga, Syria sa hilagang
silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba saDagat
Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29
Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng
Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara niDavid Ben-Gurion na Ehekutibong Puno
ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag
ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga
kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong
Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay
sumakop sa West Bank,Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga
bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito
ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay
lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang
Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel
Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong
Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at
Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian,
mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na
inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya
ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang
hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng
ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang
Silangan.

Jordan (Hordan)
Ang Kahariang Hashemito ng Hordanya (Arabo: , , ,, al-Mamlaka al-Urduniyya al-
Hshimiyya; internasyonal: Hashemite Kingdom of Jordan) ay isang bansa sa timog-kanlurang Asya.
Hinahanggan ito ng Sirya sa hilaga, Iraq sa hilagang-silangan, Israel at Kanlurang Pampang sa kanluran,
atArabyang Saudi sa silangan at timog. Binabaybay ito kasama ng Israel ng Golfo ng Aqaba (kilala din bilang
Golfo ng Eylat) at ng Patay na Dagat.

Kuwait
Ang Estado ng Kuwait (internasyunal: State of Kuwait) ay isang maliit na monarkiya na mayaman sa
langis sa pampang ng Golpo ng Persia, sinasara ngSaudi Arabia sa timog at ng Iraq sa hilaga. Matatagpuan ang
Kuwait sa Gitnang Silangan.

Lebanon

Ang Lebanon (Arabo: Loubnn; Pranses: Liban) ay isang maliit at mabundok na bansa na
napaparoon sa silangang dulo ng Dagat Mediterraneo.[1] Hinahangganan ito ng Sirya sa silangan at hilaga, at
ng Israelsa timog. Nanggaling ang pangalang Lebanon mula sa Semitikong ugat na LVN, nangangahulugang
ang mga puting tuktok ng Bulubunduking Lebanon(Bundok Lebanon).

May ilang mga dantaong naging mahalagang daanan sa pagitan ng Asya,Europa, at Aprika ang Lebanon dahil
pagiging sentro ng kalakalan at transportasyon. Dahil sa angkin kagandahan noon, tinawag itong "ang palaruan
sa Gitnang Silangan" Subalit, dahil sa pagkakaroon ng digmaang sibil, nahati ang mga mamamayan ng bansang
ito.

Oman
Ang Kasultanan ng Oman o Sultanato ng Oman ay isang bansa sa timog-kanlurang bahagi ng Asya, sa
timog-silangang pampang ng Peninsulang Arabo. Napapaligiran ng United Arab Emirates sa hilaga-
kanluran, Saudi Arabia sa kanluran, at Yemen sa timog-kanluran. May baybayin sa Dagat Arabo sa timog at
silangan, at Golpo ng Oman sa hilaga-silangan
Qatar

Estado ng Qatar (Arabo: ), ang emirate sa Gitnang Silangan, sinasakop ang maliit na tangway sa labas ng
mas malaking Tangway ng Arabia. Nasa hangganan ng Saudi Arabia sa timog; pinapalibutan ng Golpo ng
Persia ang natitirang hangganan ng bansa.

Saudi Arabia
Ang Kaharian ng Saudi Arabia (Arabe: al-Mamlakah al-Arabyah as-
Sudyah Bigkas Arabe (tulongimpormasyon)) o Saudi at sa Arabe bilang as-Sudyah (Arabe: ) , ay
ang pinakamalaking estado saGitnang Silangan ayon sa sukat ng lupaing sakop, na halos sumasakop sa kabuuan
ng Tangway ng Arabia, at ikalawa sa pinakamalaki sa Daigdig ng Arabia. Naghahanggan ito sa Jordan, at
sa Iraq sa hilaga at sa hilagang silangan, sa Kuwait, Qatar, at sa United Arab Emirates sa silangan.
Sa Omannaman sa timog silangan, at sa Yemen sa timog. Nakaugnay din ito sa Bahrainsa pamamagitan ng King
Fahd Causeway. Matatagpuan sa kanluran nito angDagat Pula, at ang Golpo ng Persiya ang nasa hilagang
silangan, kung saan ang pangalan nito ay naging dahilan ng kontrobersiya sa pangalan nito simula noong ika-20
dantaon. Kahit na ang pandaigdigang pagpapangalan dito ayGolpo ng Persiya, ang Golpo ng Arabya ang
opisyal na pangalan nito sa Saudi Arabia at sa halos lahat ng mga bansa sa Arabya. May tinatayang 25.7 milyon
populasyon ang Saudi Arabia kung saan 5.5 milyon dito ay mga hindi tunay na mamamayan.

Syria
Ang Sirya, Siria (Ingles: Syria) o Republikang Arabong Siryo (Arabo: , al-
Dschumhriyya al-Arabiyya as-Sriyya; internasyonal: Syrian Arab Republic) ay isang bansa sa timog-
kanlurang Asya, hinahanggan ng Lebanon, Israel, Hordan, Irak, at Turkiya.

Turkey
Ang Republika ng Turkey[1] (Turko: Trkiye Cumhuriyeti) ay isang bansa na pangunahing matatagpuan
sa Gitnang Silangan at bahagi nito sa timog-silangang Europa. Hinahanggan ang Turkey
ang Bulgaria at Greece sa kanluran, Georgia, Armenia, Azerbaijan, at Iran sa silangan, at Iraq at Sirya sa timog.
Ito hanggang 1922 ang sentro ng Imperyong Otomano.

United Arab Emirates


Ang United Arab Emirates (UAE) ay isang bansa sa Gitnang Silangan na mayaman sa langis na
matatagpuan sa timog-silangang Tangway Arabo saTimog-kanlurang Asya sa Golpo ng Persia, binubuo ng
pitong mga emirate:Abu Dhabi, Ajman, Dubai, Fujairah, Ras al-Khaimah, Sharjah at Umm al-Quwain. Bago
ang 1971, nakilala ang bansa bilang ang ang mga Estadong Pinagkasunduaan o the Trucial States,
o Pinagkasunduang Oman, sa pagtukoy sa isang ika-19 na siglong kasunduan sa pagitan ng mga Briton at ilang
mga Arabong sheikh. Nasa hangganan ng Oman at Saudi Arabia.
Yemen

Ang Republika ng Yemen o Yemen (Arabo: ) , binubuo ng datingHilaga at Timog Yemen, ay isang bansa
sa Tangway ng Arabia sa Timog-kanlurang Asya at bahagi ng Gitnang Silangan, napapaligiran ng Dagat ng
Arabia at Golpo ng Aden sa timog at Dagat na Pula sa kanluran, Oman sa timog-silangan at Saudi Arabia sa mga
natitirang hangganan. Kabilang sa teritoryo nito ay ang pulo ng Socotra, mga 350 km ang layo sa timog. Ang isang
tao o bagay na nagmula sa Yemen ay tinatawag na Yemeni. Ang kabiserang lungsod ng Yemen ay ang Sana'a.

Ang Yemen ay ang pinagmulang lupain ng lahat ng mga Arabo na nasa Gitnang Silangan. Noong sinaunang
panahon, ang Yemen ay isang mahalagang sentro ng kalakalan at kapangyarihan. Maraming mga kahariang
makapangyarihan ang dating nasa Yemen, kabilang na ang mga Sabaean. Mahalaga rin ang Yemen sa
pangangalakal ng mga pampalasa. Nakikilala ang Yemen ngsinaunang mga Romano bilang Arabia
Felix ("Masayang Arabia" sa Latin. Tinawag nila itong Masayang Arabia dahil ang pook ay maganda at
makapangyarihan.

Noong dekada ng 700, ang mga Yemeni ay kabilang sa mga unang sumali sa bagong relihiyong Islam.
Magmula noon, ang mga Yemeni ay naging matibay na mga Muslim na naging nasa harapan ng lahat ng mga
pananakop na isinagawa para sa Islam, at ang mga taga-Yemen ay dating naging mga pinuno ng Espanyang
Islamiko sa loob ng mahigit sa 800 mga taon.

Sa kasalukuyan, ang Yemen ay mayroong 20 milyong katao. Karamihan sa kanila ay nagsasalita ng wikang Arabe.

You might also like